Download App
66.66% SHE'S A BOOK CHARACTER (Lesbian) / Chapter 8: Wierd Feelings

Chapter 8: Wierd Feelings

REN'S POV

Dalawang linggo na ang nakakalipas pero hindi parin gumugising sina Claude. Wala akong maalala sa mga nangyari dahil pati ako ay tatlong araw rin daw na natulog sabi nila Cheska. Hindi na rin ako nagtanong kasi may pumipigl sa isip ko na alamin ito.

"Ren? Tulala ka na naman, ano iniisip mo?"

"Gusto ko ng makabalik sa mundo natin Kia. Saan nga pala si Cheska?"

"Andon sa Romeo niya, in-love yata si Juliet. Hahaha"

"Sira! Kia may itatanong lang sana ako kung pwede?"

"Hindi ka pa ba nagtatanong sa lagay na yan? Hahaha"

"------" Hindi nalang ako umimik. Seryoso kaya ako tapos pagtawanan lang ako.

"Nagbibiro lang, ang seryoso mo kasi. Ano ba yun? Basta kaya ko lang sagutin"

"Okay ka na ba dito? What I mean is, gusto mo pa bang bumalik sa mundo natin?"

"Ang hirap ng tanong mo ha? Pang the buzz lang. Hahaha… Hmmm pa'no ba to, kung ako tatanungin, oo, ok na ako sa mundong to. Hindi ako outcast di katulad sa school. Hindi creepy tingin nila sa akin dito. Kasi nga porket, mahilig ako sa itim ibubully na ako? Simply lang din ang pamumuhay dito. Dito rin kasi, pinapahalagahan nila tayo, dito may pamilya ako, hindi mo ba ramdam yun? Hindi mo ba nakikita na sa araw-araw nating pag iinsayo eh nakangiting nakatingin sa atin si Claude? Isang araw nga may sinabi si Claude." sabi niya na pinutol niya muna

"Anong sinabi niya?" –pagtatakang tanong ko

"Sabi niya gagawin niya ang lahat para di tayo madamay sa digmaan nila, hindi niya hahayaan na masaktan tayo. Kaya ganun nalang ang pag-aalala niya nung nagpresenta tayong sumama sa kanila. Gumagawa na nga rin sya ng paraan para maibalik tayo sa mundo natin. Sabi niya pa, kapag nakikita ka raw niya, parang kung may anong kumakabog sa dibdib niya na di niya alam. Kaya ganun nalang sya kaingat sa'yo. Kaya lang, hindi raw pwede iyong nararamdaman niya, dito" sabi niya sabay turo sa dibdib ko malapit sa puso. At agad akong may naalala.

FLASHBACK

"Ren?" sabi ni Claude at tiningnan ko lang sya

"Hindi ka na naman nagsanay? Gusto mo ilibot kita rito sa palasyo?" nakangiting sabi niya

"Ba't ang saya mo? Ililibot mo rin ba ako sa buong Neo Verona? Gusto ko makakita ng ibang tao. Nakakasawa kasi yang pagmumukha mo. Hahaha" sabi ko na may pang-aasar

"Ipapasyal kita sa tamang panahon, wag muna ngayon, Okay lang ba?" seryosong sabi niya

"Hmmm..Okay."

Inilibot niya ako sa buong palasyo, pati narin sa mga tanawing nakapalibot dito. Ngayon ko lang nalaman na ang laki pala ng palasyo niya, hindi ba sya nababagot rito? Hindi ko kasi sya nakikitang lumalabas ng palasyo at pumupunta sa baryo nito. Wala rin syang pamilya, ang tanging malapit lang sa kanya ay sina Rowan at Rome.

"Claude?"

"Hmmm?" –Claude

"Saan pamilya mo?" tanong ko sa kanya na nagpalungkot ng pagmumukha niya

"Ah? Sorry kung nata—"

"Wala na sila Ren, pinatay sila sa harap ko. Sila Rowan at Rome nalang ang pamilya ko." malungkot na pagkasabi niya

"Wala ka bang balak bumuo ng pamilya?"

"Meron, kapag handa ka ng pakasalan ako hahaha." ah okey, kanina lang ang lungkot ng mukha niya, tapos ngayon hindi maipinta ang sayang nararamdaman niya.. loko-loko din.

"Baliw!"

"Sa totoo lang, hindi ko alam. Kasi para sa akin, pamilya ko ang mamamayan dito. Okay na ako don."

"Mahal mo talaga ang Neo Verona noh?"

"Ou naman, at mahal din kita." seryosong sabi niya na nagpataas ng kilay ko

"Hahaha biro lang, ang seryoso mo kasi. Tara don tayo." sabi niya sabay hawak sa kamay ko at hinila ako sa tinuro niya.

The moment when he holds my hand, the scene was in slow-mo, it's just like, hindi ko maexplain. Dug-dug dug-dug ay amfufu, wag kag lumandi ay este kumabog ng mabilis dyan. Hatak hatak niya lang ako, samantalang ako, inoobserbahan lang sya, masaya ito ngunit parang may kulang. Yung mga ngiti niya parang may tinatagong masaklap na nakaraan.

"Ren? Yohooo?" sabi ni Claude, kanina pa pala ako natutulala dito

"Tingnan mo yun, ang paglubog ng araw. Sa lahat ng gusto kong tanawin dito sa palasyo ay ito, ang masilayan ang paglubog ng araw." Sabi niya na puno ng tuwa, ito yung ngiting tinatago kundi puro kasiyahan ang pinapakita.

"Ang nakakaiba lang sa buhay ng tao sa araw na yan… even the sun will set during the night, it will surely rise in the morning. Pero ang buhay ng tao, kapag nawala na, hindi mo na ulit maibabalik pa." sabi niya na may lungkot ang mukha at… umiiyak siya.

"Claude?" yun nalang ang sabi ko saka siya niyakap.

"Di ko alam ang nakaraan mo pero. Andito ako, pwede mo kong iyakan. Ilabas mo lang yan. Hindi naman kahinaan ang pag-iyak, subalit ito ang nagbibigay ng lakas sa isang tao." sabi ko na nakayakap parin sa kaniya at sya ay patuloy ang luhang dumadaloy sa mata niya.

Ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak. Siguro nga napakasaklap ng nakaraan niya, bumitaw ako sa pagkakayakap at pumunta malapit sa barricade at nagsalita.

"Alam mo ba kung bakit sumusikat ang araw? Because the sun want to see those happy people enjoying under his light at masayang pinahahalagahan ang buhay. Nalulungkot din ito sa tuwing nababawasan ang mga taong nangangailangan sa kanya. That's why lumulubog sya tuwing gabi, kasi, ayaw niyang makita na ang mga taong nakikita niya araw-araw ay nakahiga at parang patay, kahit alam niyang natutulog lamang ang mga ito" sabi ko at lumakad pabalik sa kanya.

"All we have to do is to enjoy life, while we have it, because we only live once. Kaya ika—" sabi ko at shit!..

"Ren!!!" sigaw niya

"Gotcha!!!" sabi niya, my gosh, ang lapit-lapit ng mukha namin sa isa't isa, konti nalang, ang gwapo niya. Hahalikan ba niya ako? Ano gagawin ko? Pipikit ba ako?

"Ahemm!…" napalingon kaming dalawa sa lalaki, si Rowan pala, panira moment naman oh, malapit na eh. Nasira tuloy mood ko. Bakit parang ayaw ni Rowan sa akin para kay Claude, teka sinabi ko bang ako para kay Claude?? Erase… Bakla yata tong si Rowan eh, may gusto kay Claude siguro.. Hahaha

"Pasensya na Ren, may patibong kasi dyan. Hehehe mga kalukuhang ginawa ko sa tuwing mag-aaway kami ni Rowan sa mga bagay na dapat di ko gawin, dito ako pumupunta" nakangiting sabi niya.

END OF FLASHBACK

"Ren? Wala ka ba talagang maalala sa mga nangyari?"

"Hindi ko alam Kia kung bakit wala akong maalala, pero kahint gusto kong alalahanin, parang may pumipigil sa'kin"

"So hindi mo maalala si Dark King? Kasi sya yong ku-" naputol ang sasabihin ni Kia ng tinawag kami ni Cheska.

"Kia, Ren. Gising na ang mga gwapo. Bilis!" sabi ni Cheska na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

Agad kaming pumunta sa silid kung saan silang tatlo ay ginagamot, gaya nga ng sabi ni Cheska, gising na ang mga ito.

"Kamahalan, wag muna kayo masyadong gumalaw, baka mabinat po kayo, hindi pa po kayo tuluyang magaling" sabi nong tagabantay

"Sina Ren? Asan sila?" sabi nito na puno ng pag-aalala

"Claude nandito lang ako." sabi ko sabay lapit sa kanya, agad niya naman akong niyakap ng pagka higpit-higpit.

"Ren? Wag mo ulit gagawin yun. Akala ko kung napano kana. Hindi na kita naprotektahan. Sorry… wag na wag kanang aalis sa tabi ko." Sabi niya na garalgal ang boses, ramdam ko sa kaniya ang labis na pag-aalala na nagpatibok sa puso ko ng pagkabilis-bilis kulang nalang lumabas tong puso ko eh. Niyakap ko na rin sya.

"Sorry, salamat rin sa proteksyon na binibigay mo kahit kapalit ito ng buhay mo".

"Mahalaga ka sa'kin Ren, hindi ko kayang may mangyari sayo, I will risk my life for your own safety. Wag kang mag aalala, hahanap ako ng paraan para maibalik kayo sa mundo nyo, mas gugustuhin ko pang makabalik ka sa pinanggalingan mo kaysa makita kitang napapahamak, dahil alam ko na mas ligtas ka don." Sabi niya, humigpit lalo ang pagkakayakap niya sa akin. Hindi ko alam ang erereact ko sa sinabi niya. Simula kasi nung umiyak siya sa harap ko, may kung ano akong nararamdaman sa kanya, ayokong magconclude dahil di ako sigurado. Ang tanging alam ko masaya ako kapag nandyan sya, at kapag inaasar niya ako. Namiss ko siya.

"Ahemm… Guys, andito kami oh.. Baka kung saan pa mapunta yang yakapan nyo ha???" sabi ni Cheska, agad kami naghiwalay ng yakap at ngumiti ng pagkalapad lapad si Claude, yun yung mga ngiting gusto kong makita, nginitian ko rin sya bilang ganti at tiningnan ko ang dako nina Cheska. Nakatingin naman si Rome sa amin na tuwang-tuwa, samantalang si Rowan di mo mabasa ang reaksyon ng mga tingin niya na mukhang papatay ng tao. Ayaw niya siguro talaga sa akin.

"Araaaaaaaaaaaaaay!!" sigaw ni Rowan ng panggigilan ni Kia ang pisngi niya

"Ano ba kasing tingin yan pogi, kung nakakapatay yang tingin mo, malamang tigok na si Ren ngayon…hahaha" pang-aasar ni Kia kay Rowan

"Tsk.." tumalikod si Rowan at agad nagtalukbong ng kumot. Kinukulit ito ni Kia. Si Rome at Cheska naman parang may something na yata sa dalawang to, ang sweet lang ha.

"Ren" sabi ni Claude at humarap ako sa kanya.

"Pagtuluyan na akong gumaling, ipapasyal kita sa buong Neo Verona" sabi niya na nagpangiti sa akin.

"Dahil, pagkatapos ay gagawa ako ng paraan para makabalik na kayo sa mundo nyo." sabi niya na nagpalungkot sa akin. I don't know, kung ano tong nangyayari sa akin. I don't like these weird feelings, but it feels right. Niyakap ko nalang siya. Di ko alam kung bakit. Maybe I became to love him eventhough I already know that he's a book character.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C8
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login