Nang matapos na ang registration at na dicharge na ang magiina, masaya ang lahat na naghandang umuwi. Nauna na sila Inday, Arnold, Arnel, tatay Jessie at nanay Fely sa isang sasakyang. Habang si Ashley, ang kambal, Grandma Hanada, Harumi at Tiny at ang bodyguard -driver ni Grandma Hanada naman sa isang sasakyan.
Lahat ng hiniling ni Ashley kay Tanaga ay ibinigay sa kanya. Pwera lang sa bahay na gusto niya na mas maliit. Unang una ay hindi sanay si Tanaga sa maliit na bahay. Pangalawa ay kailangan ni Ashley ng maraming kwarto dahil malaki ang pamilya niya.
Lahat ay inayos muna ni butler Ruffy bago lulugo-lugo itong umalis pabalik ng Japan.
Si Grandma Hanada at nag decide na pansamantalang manirahan sa America. Nang malaman ito ni Ashley, inimbita niya ang matanda upang hindi naman ito nagiisa at makasama ang mga apo sa tuhod.
Alam nyo naman na hindi ko kayo matitiis, eto na isa pang chapter.
This time, kakain na ako ng aking noodles, at matutulog pagkatapos. Goodnight sa inyong lahat at bukas na uli.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!