Chapter 29
Habang binabaybay namin ang papuntang bayan mukhang nasa probinsya kami pero hindi ko alam kung saan naghahanap ako ng pwedeng palatandaan na kung nasaan kami pero wala pa akong makita dahil puro puno palang ang aking nakikita.
Matagal bago ako makatanaw ng mga bahay pero ilang bahay lang mukhang malayo pa kami sa mismong bayan bakit nila piniling dun tumira napahirap dahil ang layo sa bayan.
"Nandito na tayo. San mo ba balak pumunta?" sabi sakin ni Jay.
"Meron bang malapit na mall dito?" tanong ko.
"Meron" tipid na sagot ni Jay.
"sige dun na lang"
Nagmaneho papunta dun si Jay tahimik lang siya habang ako nagoobserve sa paligid kailangan ko muna ifamiliarize ang paligid para makabuo ako ng plano ko. Nagpark na siya saka kami sabay bumaba.
Kinalabit ko siya. "May pera ka bang dala?"
"Meron. Magkano?" inip niyang tanong.
"5k kaya?" nagbabakasakaling tanong ko.
"Limang libo? Anong akala mo sakin mayaman? Dalawa lang" OA na sabi niya.
"Pwede mo naman sabihin na wala. Napaka-OA mo sige pwede na yun" inis kong sabi.
"Isang libo lang pang-gas pa natin tong isa" inabot niya sakin ang isang libo.
"Sana may mabili ako sa isang libo" bulong ko.
"Bakit kasi sa mall pa pwede naman sa tiangge na lang" sabat niya narinig niya ata ung bulong ko.
"Pake mo ba? Dito ko gusto" mataray kong sagot.
Napapikit naman siya dahil sa sagot ko mukhang naiinis na ata siya. "Sige na gawin mo na ung gagawin mo balikan mo na lang ako dito"
Iniwan ko na siya magiikot ikot lang ako para humanap ng mga possibilities na pwede kong gawin kung sakali kailangan ko gumawa ng isang magandang plano. Halos naikot ko na ang mall tiningnan ko lahat ng pwede kong labasan kung sakali man hanapin niya ako.
May humila sakin tapos tinakpan niya pa ung bibig ko. "Sshhh"
Hinila niya ako papalayo sa mga tao hindi ko pa din nakikita ang mukha niya dahil hila hila niya pa din ako. Gusto ko man lumaban pero wala naman akong armas hindi ko pa kakayanin kung sakaling physical kakagaling ko pa lang hindi ko pa nababawi ang lakas ko. Tumigil kami kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na tingnan ung mukha niya.
Laking gulat ko kung sino ung nakita ko. "B-Blue"
"Kamusta ka?" nagaalalang tanong niya.
"Buhay ka?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Oo. Kilala mo ba kung sino ung kumuha sayo?" tanong niya.
"Hindi. Ikaw lang ba ang nakaligtas?" buong pagasa kong tanong.
"Hindi. Marami pa pero meron din naman di nakaligtas" pagpapaliwanag niya.
"Bakit alam mong may nangyari?" nagtatakang tanong niya.
"Mahabang kwento…Sila mommy nakaligtas ba sila?" pagbabakasali ko.
"Buhay sila nailigtas sila bago ang pagsabog buti na lang natunugan agad kaya bago ulit pumasok chineck at ng masiguro ngang meron pinalabas lang kunyari may namatay para malaman kung sino ang may sala kaso ilang araw na wala pa din tapos nawawala ka pa. Pero buti na lang may nakakita sayo na sumakay ka daw sa isang sasakyan. Hinahanap ka namin" pagkwukwento niya.
"Dalawang araw mula ngayon balikan mo ako dito ganitong oras din. Kailangan ko muna bumalik ngayon basta wag mo kakalimutan ganitong oras magiikot ikot lang ako dito sa mall ikaw na ang lumapit sakin. Aasahan kita Blue" bilin ko kay Blue.
"Bakit kasi hindi ka pa sumama?" nagtatakang tanong ni Blue.
"Basta magtiwala ka dadating ako. Hindi pa pwede ngayon aalis na ako" sabi ko kay Blue.
Naglakad na ako pabalik kung nasaan si Jay.
"Umuwi na tayo pagod na ko" aya ko kay Jay.
"May nabili ka ba?" paguusisa niya.
"Para kay Lia lang hindi ko naman alam kung anong gusto ni Leo dahil napakasungit katulad mo" medyo hininaan ko na ung boses ko sa huling sinabi ko. Pinakita ko na lang ung stuff toy na binili ko para kay Lia.
"Ano?" tanong niya.
"Wala. Halika na nga pagod na ako" aya ko.
Pumunta na kami kung saan kami ng park hindi naman kalayuan kaya naman nakarating kami sa sasakyan kaagad. Nakita ko si Blue sa may bukana lang nakatingin siya ng masama kay Jay pero parang wala lang naman kay Jay.
"Nagugutom ako ang tagal kong nagintay sayo" reklamo niya.
"Edi sana kumain ka" sagot ko.
"Kumain muna tayo bago bumalik sa bahay" sabi niya.
Nagdrive-thru na lang kami sa isang sikat na fast food tinanong niya ako kung may gusto daw ba ako sabi ko wala dahil busog pa naman ako. Pagkatapos niyang magorder at makuha ito ay tumulak na kami pauwi.
Inabot niya sakin ung mga binili niya. "Diba sabi ko sayo busog pa ako"
"Hindi naman yan para sayo para kay Lia at Leo yan" masungit niyang sabi.
"sorry naman akala ko kasi binili mo pa din ako" pagsusungit ko din. Pahiya ako dun akala ko kasi talaga para sakin.
"Feelingera ka kasi" bulong niya.
"So? Gaya ka din" sagot ko. Akala niya siguro hindi ko narinig ung bulong niya.
Hindi na niya ako pinansin at nagpatuloy na lang siya sa pagmamaneho hindi ko na din siya kinausap kasi alam kong magaaway lang kami.
"Pwede mo ba akong subuan ng fries" pakikiusap niya.
Tiningnan ko siya. "Ano?"
"Seryoso ka ba?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"mukha ba akong nagbibiro" masungit na naman niyang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Fine" pagsuko ko. Wala rin naman akong magagawa kasi nagmamaneho siya unless gusto kong maaksidente kami kaya naman sinunod ko na lang ung gusto niya at sinubuan ko na lang siya.
Ngumisi siya. "Susunod ka rin naman pala dami pang reklamo"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Baka gusto mo isungalngal ko to sa bibig mo lahat"
Ngumiti lang siya sakin akala niya ata nakakatawa ung ginagawa niya. Kumuha ako ng fries at nilapit ko sa bibig niya pero imbes na ung fries lang ung kakain pati kamay ko kinain.
"Yuck! Ano ba ung fries lang di kasama ung kamay ko" maarte kong sabi.
"Napaka-arte naman" bulong niya.
"Ano?!" Singhal ko.
"Wala dali na subuan mo pa ako" sabi niya.
"Kapag ginawa mo ulit ung ginawa mo isusubo ko talaga lahat to sayo" pagbabanta ko.
Hindi naman na niya inulit pang ung ginawa niya kanina minadali ko din ang pagsusubo sa kanya kung kailangan sampung piraso ng fries ay ginawa ko na para lang mapabilis ng maubos na nakahinga na ako ng maluwag.
"Ung burger naman" hirit niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Alam mo pwede ka naman kumain gamit ang isang kamay"
"Mahirap! Sige ka kapag naaksiden---"
Hindi ko na siya pinatapos pa dahil sinubo ko kaagad sa kanya ung burger.
"Daming sinasabi" pagrereklamo ko.
Pangiti ngiti naman siya ano kaya ang kangiti ngiti. Hindi na ako natutuwa na parang ginagawa niya akong katulong niya mabuti na lang ay agad din natapos ang pagkain niya ng burger kasi feeling ko konti na lang ipapakain ko na sa kanya diretso ung buong burger sa sobrang bwisit ko sa kanya. Dahil nga malayo ang bayan sa bahay ni Cass inabot na kami ng gabi.
Kailangan ko lang maghintay ng dalawang araw. Makakaalis na din ako dito gusto ko na makita sila mommy.