Chapter 1
The princess
"Grabe talaga s'ya, ang kapal ng mukha."
"How can she do that to, Dylan?"
"Grabe, ang ganda pa naman n'ya. Ganun ba talaga siya?"
Napalingon ako sa paligid pagpasok sa cafeteria. Naramdaman 'kong kumapit saakin si Ysa.
"Ano ba problema nila?" Bulong nito.
Napabuga ako ng hangin at napailing. 'Ano na naman ba ang ipinagkakalat ng baliw na 'yon?'
"Casey, namumula pisngi mo. Galit ka?" Nagtataka ang mukha ni Janice nang lumapit ito saamin ni Ysa. Tinagilid nito ang kaniyang ulo at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Oy! Hindi kaya." Pagsisinungaling ko at umiwas sa kaniyang pagkakahawak dahil madaming tao ang nakatingin sa'min.
Lumapit kaming tatlo at luminya para makakuha ng pagkain. Kinuha ko na agad ang ID ko sa aking bag.
We don't use our own money sa school. By using our school ID makukuha na namin ang pagkain namin, using some facilities or equipment. Para na naming bahay ang school na 'to. We have our dormitories, naka-separate ang women's dorm at men's dorm. Medyo malayo din ang dorm ng mga lalaki saamin.
Pagkatapos namin makakuha ng pagkain ay natatakam na ako. Ang menu namin ngayon ay kare-kare at seafoods. Papalapit na kami sa bakanteng table nang huminto bigla si Ysa at napatakip sa kaniyang bibig.
Napailing kami ni Janice at ilalagay na sana namin sa table ang tray nung lumapit saakin si Ysa at ipinakita sa'kin ang kaniyang phone.
I grip my fist at ibinagsak sa lamesa ang tray. Napatingin saamin ang iilan sa paligid. I gritted my teeth. Nakakainis na ang lalaking 'yon. Sinisiraan ako.
Lumapit si Janice kay Ysa at napatakip din ang bibig nito at tumingin saakin. I blew my hair na nasa mukha ko na, I'm so stressed right now.
"The heck? Ang baliw niya!" Janice commented at nag-agree si Ysa sa tabi nito.
Someone posted my picture sa front page ng school web. Nakalagay roon ay 'The computer science princess has some affair.' And my picture! Buti nalablur ang mukha ko doon atleast may privacy. Pero how dare him? Alam nang school na 'to kung sino ang nasa page dahil sa title pa lang ay kilala na agad.
They all call me Computer Science Princess. Ranking ito sa school, hindi ko alam sino ang nagpasimuno nito pero biglaan lang. Dahil first day ko pa dito ay 'yon na ang bumungad saakin. Hindi ko lang malalaman 'to kundi dahil kay Ysa.
"Saan makikita si Dylan?" Lumingon ako kina Ysa at Janice, they only shrug their shoulder at umupo sa table.
I'm really mad right now. I can feel the blood boiling through my veins, kaya siguro pulang-pula na ako.
Naramdaman kong hinawakan ni Janice ang kamay ko para pakalmahin. "Umupo ka muna at kumain. Mamaya mo na kausapin si Dylan."
Napabuntong hininga ako at umiling. "Nawalan ako ng gana." I pushed the tray para sakanila na ang pagkain dahil sayang naman kapag ibinalik ko doon sa counter.
"Pupunta ako sa English building." Pagpaalam ko sakanila. Pinipigilan pa nila ako pero hindi ako nakinig. Kinuha ko ang aking bag at isinabit sa kaliwang balikat.
Kinagat ko ang aking labi. Ayokong masira ang reputasyon ko dito sa school lalo na't scholar ako baka kung ano pa iisipin sa nagpapaaral saakin, ayokong biguin sila dahil narin politiko sila.
NANG PAPALAPIT na ako sa English building nakita ko kaagad ang barkada ni Dylan. All three of them are wearing basketball uniforms. Kakagaling lang din yata nila sa gym dahil may mga butil ng pawis sa kanilang katawan at mukha.
"Yah, Kej!" Tawag ko sa isang kilala.
Tumigil sila sa kakatawa at napalingon silang tatlo saakin. Hindi ko kilala pangalan ng dalawa pero nakilala ko sila sa mukha dahil nakakasama ko sila minsan nung kami pa ni Dylan.
"Saan si Dylan?" Tanong ko pagkalapit sakanila. Kumaway pa sila saakin bago nagbago ang ekspresyon ng mukha nila. Para silang kinakabahan dahil umiiwas ang tingin nila saakin at nakita ko pang pano sila nagsisikuhan sa tagiliran.
Napailing ako. I crossed my arms at tinaasan sila ng kilay. "I'm waiting."
Napakamot nang ulo ang isa sakanila at ngumuso. "Nasa organization room namin."
Finally. I tapped his back at nagpasalamat sakaniya. Umalis ako doon at para puntahan na si Dylan.
Hindi na ako kumatok sa pinto at pinasok ko na agad ito. Napalingon ako sa paligid at napangiti dahil nag-iisa lang ito sa room. Pero napawi din ang ngiti ko dahil sa ginawa nito saakin.
"What the heck, Dylan?!" My voice thundered in his room at nagpasalamat ako dahil kampante akong hindi lalabas ang boses ko.
I saw a glimpse na nagulat ito sa kaniyang kinauupuan at tinanggal niya agad ang headphones. Napatingin ito sa akin na nanlalaki ang mata.
"Casey!" Yung gulat na ekspresyon nito ay napalitan ng ngisi. I clenched my fist. What's the problem of this guy? Nakakainit siya ng dugo.
"Delete that article right now!" I demanded.
Umismid ito at tumawa. "Ayaw mo 'nun? Nagiging famous ka bigla?"
Hindi ako madaling magalit sa isang tao at kahit kailan'man ay hindi pa ko nananakit. But right now, nangangati ang kamay ko. I want to punch his face.
But I remained calm. Napapikit ako at bumuga ng hangin bago tinignan s'ya ng seryoso. "Alam naman natin sino ang may affair 'no?"
May kinuha ako sa aking bulsa at itanago sa aking likod pero hindi ko ito pinahahalata. It's my ballpen with a recorder.
Pinindot ko ito para ma-irecord ang kaniyang sinasabi. I'm not prepared, really.
Ngumiti ito saakin at tumayo. Itinukod nito ang kaniyang kamay sa lamesa at tinignan na niya ako ng seryoso. "Dahil wala ka nang time saakin kaya I cheated. Are you happy?"
Napailing ako at ngumisi. "I know kaya kita iniwan. Be mature enough--" Lumapit ako sa kaniyang table at dinuro dibdib niya. "Estudyante pa tayo, hindi lahat ng oras ko ay maibigay ko sayo. Yeah, wala nga akong oras sayo pero may konti naman akong ibinigay sayo, diba?"
My voice broke at tinignan ko siya ng masama. Kinuha ko ang kamay ko na nasa dibdib niya.
"Alam mo, hindi 'to ang solusyon. You can talk to me. Pero hindi yung biglaang may kalampungan ka sa tabi." Kinagat ko ang aking labi at umiwas ng tingin.
"Are you happy? Fine!" Tumalikod ako at pumikit.
"Just delete that article. Nakakasira kana ng tao. Hindi ako masaya na naging famous ako."
Lumingon ako sakaniya at nakita 'kong nakatingin lang ito saakin. I smiled. "Goodbye, Dylan. I hope masaya ka na nakakasira kana."
Binuksan ko ang pintuan at lumabas. Pagkalabas ko ay napasandal ako sa pintuan at napahawak saaking dibdib.
Napailing ako. "Grabe, 'ni hindi ko na makilala sarili ko sa loob." Bulong ko at napailing.
Hindi naman ako bitter. Masasabi 'kong better. Pero 'yong pinanggagawa niya ay masama. Nakakasira siya ng tao dahil sa isang post lang.
Napailing ako at napabuga. I patted my shoulder. Good job, Casey. Job well done.
"You look like a retard."
I startled a bit at napaayos ang tayo nang makita ko si Zachariah. Our Computer Science President.
Magpapantasya sana ako sa kapogian nito pero nag-iba ang tingin ko dahil sa kaniyang ugali. Sayang gwapo pa naman.
Tinignan ko lang siya ng masama at umalis doon. Nakakatakot pa naman si President. Kahit kailan hindi ko siya makikita dito sa school, meron naman pero ang rare lang dahil sobrang busy niya sa pagiging student, president and at the same time may business din ito na 'di ko alam. Siguro ay computers o ano, naririnig ko lang ito sa iba.
Tumambay muna ako panandalian sa isang bench malapit sa garden nang school namin. Kinuha ko ang phone at binuksan ang page sa school.
"Sino ba may gawa nung article na 'yon? Kawawa naman si Casey." Napalingon ako sa mga babaeng dumaan sa gilid ko at ngumiti lang sila saakin at umalis.
Hindi ko maiwasang mapangiti at napatingin sa paligid. Wala na. Wala na ding mga matang nanunuya saakin. He deleted it. Finally.
---