Ilang baso ng alak na kaya ang nainom ko at bakit pakiramdam ko ay hilong-hilo na ako? Tsk! Inom lang din kasi ako nang inom, eh, parang wala na nga akong pake kung nasaan na ba ako ngayon. Basta, abot lang din ako nang abot ng inumin, tapos laklak agad.
"That's enough," may nag-agaw ng baso ko kaya asar ko siyang tiningnan. "You're drunk," aniya.
"No," sagot ko sa kaniya at inagaw ko iyong baso at ininom nang dire-diretso ang alak.
"Tama na 'yon, Ara, bumalik ka na sa mesa ni'yo," dahan-dahan niya akong inakay pabalik nga sa mesa namin.
"Wait," napatigil kami sa paglalakad at itinuro ko siya, "Jervin? Oh, it's you! Happy birthday!" bakit ngayon ko lang napagtanto na birthday niya nga pala ngayon?
Bahagya siyang natawa kaya nagtaka naman ako. "God, Ara, what on earth are you talking about? It's my grandparents golden anniversary, not my birthday," aniya. Agad ko namang tinakpan ang bibig ko at mahinang natawa. Nakakahiya! "Lasing ka na nga," muling usal niya.
"Hala, lasing na?" rinig kong tanong ni Anikka. Sino ba ang lasing? Ang hina naman ng alcohol tolerance niya. Tss!
"Ganiyan talaga kapag may pinagdadaanan," sabi naman ni JD. Napatingin ako sa kaniya at agad naman siyang ngumiti.
Umupo ako sa bakanteng upuan at isinubsob ang ulo ko sa mesa. "Nandito rin kayo?" tanong ko pa.
"Of course, Arabells, baka nakakalimutan mo, ha, hindi lang ikaw ang bisita rito," sagot naman ni Clara at tumango lang ako.
"Inaantok na ako," usal ko na naman. "Pero, bakit may luha sa mga mata ko?" pinahiran ko iyon at naramdaman ko namang may umakbay sa akin.
"You ain't just the only one who missed him."
"Anikka," sunod-sunod na talaga ang pagtulo ng luha ko! Sandali nga, ilang araw na ba akong iyak nang iyak?! Nakakapagod na!
"Shhh, 'di ba sabi niya sa'yo, babalikan ka niya?" Anikka tried to calm me down, pero ayaw talaga ng sarili ko.
Ilang buwan na ba siyang hindi tumatawag? Four, I think? Basta, ang natatandaan ko, noong araw na nakalapag na siya sa California ay tinawagan niya pa ako, tapos halos gabi-gabi na, until one day, bigla na lang, wala na. Kahit si Chandra ay hindi na rin siya makontak! Hanggang ngayon!!
Wala akong balita sa kaniya. Wala talaga akong alam kung kamusta na siya. Hindi naman kami, pero nasasaktan ako at nalulungkot ako nang sobra-sobra ngayon.
Simula nang umalis si Charmagne ay pakiramdam ko ang laki na ng kulang sa buhay ko. Masaya naman ako, pero alam kong mas masaya ako noon.
***
Nagising na lamang ako nang tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. "Rise and shine, Ara," hindi ko man maaninag si Kuya Arnold, pero alam kong siya iyong nagsalita.
"Get up now, eat this soup, take your med, and start your day with a smile," rinig ko namang usal ni Kuya Aaren at nakita ko naman siyang inilapag ang kaniyang bitbit na tray sa mesa.
"Thank you," puno ng sinsiredad kong sabi. Bumangon na ako at saka ko inumpisahang kainin ang sopas na gawa ni Mommy.
"Summer's almost there, saan mo ba gustong magbakasyon?" tanong ni Kuya Aaren dahilan para mapatigil ako sa ginagawa ko.
Saan pa nga ba? Edi sa California! Gusto ko na talaga siyang sundan! Kaya lang ay sigurado akong hindi papayag sina Mommy at Daddy.
"Dito na lang ako sa bahay," sabi ko matapos kong mapagtanto na wala naman akong lugar na bet puntahan bukod nga sa California!
"Are you sure? How about going somewhere in Mindanao?"
"Ayoko, Bro," sagot ko kay Kuya Arnold.
"How about you invite your best friends to go somewhere and have your vacation?"
"Ayoko, Bro," sagot ko naman kay Kuya Aaren.
"How about going to California?"
"SURE, BROTHER!" tuwang-tuwa talaga ako sa suhestyon ni Kuya Arnold! Baka naman pwedeng samahan nila ako tutal wala naman silang gagawin ngayong sum—
"After your graduation," dagdag pa ni Kuya Arnold kaya ito, bumagsak na naman ang kaluluwa ko!
After my graduation? Three years from now? Wow, torture!!
"Ara, if you and Charles are meant for each other, fate will surely make a way for you to meet again," usal ni Kuya Aaren. Napatingin ako sa kaniya at agad niya akong binigyan ng isang ngiti. "But it doesn't mean that since you are literally far from each other, your life will no longer keep on going," natahimik ako. Gusto kong magsalita, pero wala akong naiisip na sabihin sa kaniya. "Ara, since Charles left, you were also gone," hindi ko namalayan na tumulo na naman iyong luha ko. "Where is our Ara? The mischievous, jolly, crazy, and brat Ara Cee? I missed her so much."
Umiyak lang ako nang umiyak. Ngayon ko lang napagtanto na hindi na nga ako ito. Araw-araw malungkot, araw-araw nasasaktan, araw-araw may sabik na makita, araw-araw pakiramdam ko ay ang dilim ng mundo ko. I get too blinded by romantic love that I no longer can see the people who genuinely love me.
Oo, mahal ko si Charmagne. Hindi na isang simpleng gusto lang, pero mahal ko siya kaya ako nagkakaganito. Pero, tama nga si Kuya, hindi dahil wala siya ay titigil na ang buhay ko.
Mahal ko siya. Hihintayin ko siya, pero hindi sa ganitong paraan. Hindi sa pag-iisip ng kanegahan.
"Sorry, Brothers," nakayuko kong sabi. Naramdaman ko naman silang tumabi sa akin at saka nila ako niyakap.
"You really give your all when you're in love, Ara, but you must always remember that we have limitations," bulong ni Kuya Arnold at agad naman akong tumango.
This will be the last crying moment, Ara, and you need to wake up. The reality may be unbearable knowing that the person who makes your day full of excitement is presently out of your sight, but still, your life needs to go on.
***
"Hi, Angels!" matapos ko silang batiin ay naupo na ako sa upuan ko. Nakangiti ko silang tiningnan, pero halata namang may kakaiba sa pagtingin nila sa akin. "Bakit?" takang tanong ko.
"O-Okay ka na?" tanong ni Anikka at tumango naman ako. "So, ikaw na ba 'to, Ara? Si Ara na Arabells namin?" muli akong tumango at napayakap na lamang bigla sa akin si Anikka. Akala ko ang mga Kuya ko lang ang nanibago sa akin, pati rin pala ang mga Angels ko.
"I'm sorry if I were lost for couple of months, masyadong na in love," sabi ko.
"Sanay na kami, Arabells, parang the history repeats itself lang naman ang nangyari sa'yo, eh," sabi naman ni Clara.
"I don't think so," nakangiting usal ni Anikka. "She's deeply in love with Charmagne than how he loved Marcus in the past. Imagine, noong na-brokenhearted siya kay Marcus ay nabilang natin if how many times she gets drunk, pero ngayon, God, hindi namin mabilang kung ilang araw nalasing si Ara," napapailing pang aniya. Wala naman akong kontra, grabe talaga kasi ang epekto sa akin ni Charmagne.
Ay, ano ba! Sabi ng mga Brothers ko ay huwag ko na muna siyang isipin para hindi ako laging malungkot.
"Hi, Chandra!" halata namang nagulat si Chandra na binati ko siya. "Nakakapanibago, late ka ngayon," dagdag ko pa, pero mukhang gandang-ganda sa akin si Chandra dahil napatulala siya bigla. "Hoy, para kang sira! Mamaya niyan ay mahulog ka sa akin," pagbibiro ko pa at agad namang nagbago ang itsura niya. Parang sinasabi niyang, 'nakakadiri ka, girl', tss!!
"Nabigla lang ako kasi madaldal ka na ulit," aniya sabay lagay ng bag niya sa kaniyang upuan. "I MISSED YOU, ARA!" bigla siyang sumigaw at niyakap ako. Nagulat pa nga ang iba naming mga kaklase, eh.
"Sorry," bulong ko at agad naman siyang umiling.
"Hindi na 'yan kailangan dahil naiintindihan ka namin," aniya.
Telling myself that I am fortunate for having the best friends in the entire world is an understatement. Imagine, I have the best friends who will never leave me in my ups and downs. The best friends who will always understand me, but will never tolerate my wrong doings.
Kung may mas hihigit pa talaga sa salitang 'maswerte' ay iyon ako dahil meron akong tatlong gorgeous Angels na proud akong ipagsigawan sa buong mundo!
"Arabells, sorry talaga kasi wala akong maibibigay sa'yo na info kung kamusta na si Kuya, ha," sabi pa ni Chandra.
"Okay lang. I know he's fine," sagot ko naman.
Sana nga okay lang siya.
***
The whole day was done and I am so tired! Pagkatapos kasi ng klase namin ay nag shopping pa kami at knowing Ara, kapag shopping ang pinag-uusapan ay itotodo niya talaga iyan. Kaya ito, ibinagsak ko agad ang sarili ko sa kama.
Iidlip na sana ako nang mag-vibrate iyong cellphone ko. Kinuha ko naman iyon mula sa bedside table at agad sinagot ang tumatawag. "Hello?" sabi ko.
"Nakauwi ka na?"
"Yes, Jervin," sagot ko naman. Oo nga pala, kinawawa ko siya kanina. Siya lang naman ang tagabitbit ng mga pinamili ko. Sa aming apat kasi ay ako talaga ang may pinakamaraming binili.
"So, magpapahinga ka na?"
"Yah."
"Alright. I can now go home with easement."
"Saan ka ba? Hindi ka pa pala umuwi?" ang sabi niya kanina bago kami umalis ng mall ay uuwi na rin siya, pero anong oras na ay hindi pa rin pala siya nakakauwi.
"In your home, I'm just downstairs."
"Ha? Anong ginagawa mo rito?"
"May pinag-usapan lang kami ni Arnold."
"Ah, okay, but wait, huwag ka munang umalis. Bababa ako," bumaba na nga ako agad kahit hindi pa ako nakakapagbihis. Nakita ko naman si Jervin sa may living area na nakikipag-usap na kay Daddy. "Jervin," nakangiti niya naman akong tiningnan.
"Oh, I'm gonna leave you here. Akyat muna ako," pagpapaalam pa ni Daddy.
"Good evening po again, Tito," sabi naman ni Jervin at nakangiting tumango ang Daddy sa kaniya. Jervin is becoming closer to my family, that's what I've noticed. Paano ba naman kasi ay madalas na siyang nagpupunta rito para lang kamustahin ako. Tsk, he doesn't need to exert more effort dahil ang araw-araw na pagtawag niya sa akin on phone just to make sure na hindi ako nabobored is more than enough. "Ba't ka pa ba bumaba?" tanong niya sa akin.
"Ihahatid kita sa labas," sagot ko. Siguro naman ay makakabawi na ako sa pagtulong niya sa akin kanina sa gagawin kong ito. Hehe.
"You no longer need to do it."
"I insist."
"Oo na, sige. Ihatid mo na po ako, Miss Ara," loko talaga itong si Jervin. Tsk!!
Hinatid ko na nga siya sa labas. Akala ko ay agad na siyang papasok sa sasakyan niya, pero muli niyang tinawag ang pangalan ko. "It's been six months that he left, Ara," hindi ko maintindihan kung bakit biglang sinabi niya iyan, pero alam ko na si Charmagne ang ibig niyang sabihin. "Hindi na kayo nag-uusap, hindi na siya nagpaparamdam, baka naman. . .you try to open your heart for someone else," aniya at natameme na naman po si Ara.
Jervin didn't take advantage that Charmagne is presently out of the picture. Actually, he has been waiting for me silently, pero ngayon ay mukhang hindi na siya nakatiis.
"I can't," sagot ko at ngumiti naman siya, pero alam kong peke iyon. "Hindi dahil ipinangako ko na si Charmagne na ang huling taong mamahalin ko, Jervin, kun'di dahil ayaw talaga ng puso at isip ko sa iba. Hindi ko naman pwedeng pilitin ang sarili ko dahil paniguradong tayong dalawa ang masasaktan."
"Okay lang, Ara, naiintindihan ko. Pero. . .hindi ko naman sinasabi na hindi na talaga siya babalik, but if ever he doesn't come back, can I pursue you?" tanong niya at tumango naman ako.
If ever lang naman. Tsaka, who wouldn't say yes kay Jervin? A man with dreams and perseverance kaya siya.
"But, Jervin, I have faith in him that he will never break his promise. Babalikan niya ako sabi niya, kaya kapag bumalik siya, pwedeng ako naman ang may hihilingin?"
"S-Sure. Pero, pwede ko na bang malaman kung ano 'yon?"
"Can you try to get to know Chandra?"
Ewan, feeling ko kasi talaga ay mas may chemistry sila, eh.
"It's weird, Ara, magkakilala na kami."
"I know, pero how about trying to know each other deeply? I am not acting as Cupid, but maybe you guys will click."
"So, hindi na talaga tayo pwede?"
"Jervin."
"I'm just kidding, Ara," bahagya niyang tinapik ang balikat ko, "aalis na ako so you can now rest. And don't worry, hindi pa man sure kung babalik ba o hindi si Charles ay uumpisahan ko nang mas lalong kilalanin si Chandra," natuwa naman ako agad sa sinabi niya! Alam ko kasi na deserve talaga ni Jervin ang mahalin, pero ang pagmamahal na iyan ay paniguradong hindi galing sa akin. Malay natin galing pala kay Chandra!
Umakyat na rin ako agad nang tuluyang makaalis si Jervin. Iidlip na sana talaga ako nang mag-vibrate ulit ang cellphone ko. May nag-message sa akin na unregistered number. Binasa ko naman agad ang mensahe niya.
'I'm fine, sana ikaw rin 'cause I heard you've been acting strange. Please naman paki-ingatan 'yong sarili mo. Kapag hindi mo iningatan ay hindi talaga kita babalikan.'
OH, MY GOD!!!
Nabuhay talaga ang lahat ng lamang-loob ko, pati na rin ang kaluluwa ko. My God!! Naririnig ko iyong boses niya habang binabasa ko iyon kaya mas lalo ko siyang na-miss!
WAAAAH!!!
Ikinalma ko na muna iyong sarili ko nang makatanggap ako ng panibagong mensahe galing sa kaniya.
'Sorry kung hindi ako nagpaparamdam. I've been so busy! But it doesn't mean that I no longer think of you. You've been running in my head and I'm getting insane missing you every day, Kilatra.'
AHHHH! HINDI NA AKO MAKAHINGAAA!!!
Lahat ng lungkot, sakit, pananabik, at kung anu-ano pa ay napalitan na ng saya!
Six months ago nang itanong ko sa kaniya kung bakit ayaw niyang mawala ang nararamdaman ko para sa kaniya, pero wala siyang ibinigay na sagot. Pero ngayon, hindi ako feeler, alam kong may kakaiba na at hindi ko na kinakailangan pang mangamba sa tuwing hindi siya magpaparamdam.
AHHHH!!! ANG SAYA, SAYA, SAYA, SAYA KO!!!