"Hello! Honey babe!"
"Teka, ba't ganyan ang boses mo?"
Ramdam ni Vanessa sa boses ng nobyo na may iniindang sakit.
Kinabahan ito.
Joel: "Okey lang ba kayo ni Ate Issay?"
Vanessa: "Oo Honey babe wag kang mag alala ligtas kami! Ikaw, bakit parang nahihirapan kang magsalita? May masakit ba sa'yo?"
Hindi masabi ni Joel ang nangyari sa kanya.
Inagaw ni Gene ang phone.
Gene: "Hello Vanessa, nasa ospital si Joel! Kailangan ka nya!"
At ibinalik na ulit nito kay Joel ang phone. Ramdam nya kasing hindi gustong sabihin ng kapatid ang kalagayan nya sa nobya. Ayaw nya itong masaktan.
Vanessa: "Sige papunta na ako!"
Iyon lang ang nadinig ni Joel at pinatay na nito ang phone.
Joel: "Salamat Kuya!"
*******
Vanessa: "Sis pasensya na pero kailangan kong puntahan si Honey babe ko!"
Issay: "Naintindihan ko Sis, pero hindi ko pwedeng iwan si Emily kaya hindi kita masasamahan!"
Vanessa: "Talagang hindi kita isasama! Paano kung nandoon si Anthon?"
Natahimik si Issay, alam nyang sa bandang huli kailangan nyang harapin si Anthon. Hindi pwedeng habang buhay nyang pagtaguan ito. Pero hindi muna sa ngayon. Kailangan muna nyang masiguro na safe si Emily.
Issay: "Sige Sis magiingat ka at balitaan mo ako kay Joel!"
Ayaw man iwanan ni Vanessa ang matalik na kaibigan dahil nagaalala ito pero kailangan sya ng nobyo nya ngayon.
Pagdating sa ospital nagulat sya sa itsura ni Joel. Namamaga at kulay asul ang mukha nito. May mga sugat pa sya sa ibat ibang bahagi ng mukha.
Putok ang labi at kilay.
Paano pa kaya ang katawan nya na natatakpan ng kumot?
Vanessa: "Jusko! Anong nangyari sa kanya? Sinong may gawa sa kanya nyan?"
Tanong nya kay Gene na naruon at inaabangan ang kanyang pagdating.
Nakatulog na nuon si Joel dahil sa gamot na binigay sa kanya kaya hindi nya ito inistorbo. Naluluha syang hinawakan na lang ang kamay nito para hindi magising.
Nagulat naman si Gene bakit parang hindi nya rin alam ang nangyari.
Gene: "Paano ka nakapasok? Sarado na ang ospital!"
Madaling araw na ng makarating si Vanessa sa ospital.
Vanessa: "Dumaan ako sa emergency tapos nakasalubong ko yung isang tauhan nyo! Sya ang nagdala sa akin dito!"
"Sinong gumawa nito kay Honey babe ko? Si Anthon ba?"
Gene: "Ano ang nangyari pagalis ko?"
Vanessa: "Pinaalis na rin kami ni Joel gamit ang kotse nya! Pinagbawalan nyang sundan kami ng mga tauahan nyo at naiwan sya para pigilan ang Kuya nya!"
"Huh?! Wag mong sabihing si Anthon ang may gawa nyan sa kanya?!"
Tumango lang si Gene. Maging sya hindi pa rin matanggap na si Anthon ang may gawa nito sa bunso nyang kapatid.
Vanessa: "Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi nyo ba alam na natatakot na si Issay sa mga ikinikilos nya!"
"Simula ng bumalik sila galing ng bakasyon naging sobrang possessive at over protective na sya sa kaibigan ko at lahat na lang kailangan dumaan sa kanya!"
"Hindi nagkukwento sa akin si Issay at lahat ng ito ay obserbasyon ko!"
"Ultimong pagkain nya hindi nya pwedeng kainin hanggat hindi sinasabi ni Anthon! Lagi nya itong chinicheck bago ibigay kay Issay. Pati personal nyang gamit kailangan si Anthon ang bibili at iiniisa rin nyang chinicheck ito!"
Hindi makapaniwala si Gene sa ipinahayag ni Vanessa. Hindi nya alam na may ganitong ugaling ang Kuya nila.
Gene: "Nasaan si Ate Issay?"
Vanessa: "Sa tingin mo sasabihin ko sayo?"
Sabay talikod niya.
"Pasensya na pero hindi ka marunong humindi sa Kuya mo
kaya hindi ko pwedeng sabihin kung nasaan sya! At isa pa sa mga oras na ito hindi ko na rin tiyak kung naroon pa sya!"
Sinadya nyang tumalikod para hindi mabasa ni Gene kung nagsisinungaling sya.
Kilala nya ang kaibigan nya.
Kanina, ng inihinto ni Issay ang sasakyan at paglabas ay sumigaw ng sumigaw, alam na nyang umabot na sa sukdulan ang pisi nito.
Hindi pala kwento si Issay at matiisin ito pero kanina, habang sumigaw sya at umiiyak, ramdam ni Vanessa na sobrang nasasaktan na ang kaibigan.
Kaya sa mga oras na ito hindi na nya natitiyak kung ano ang mangyayari sa relasyon ng dalawa lalo't nadamay si Joel.
Sa isip ni Vanessa hindi na ito tama at kailangan may kumausap na kay Anthon para sabihing mali na ang ginagawa nya.
Si Gene ang taong hindi basta nanghuhusga lalo't hindi nya nakikita ng mga mata. Kailangan nya munang makausap si Anthon at tanungin sya kung bakit nya ito ginagawa. Pero hindi rin nya masisi si Vanessa kung galit na ito kay Anthon. Dalawang tao na mahalaga sa buhay nya ang nasaktan.
Gene: "Ngayon andito ka na maiwan ko na sa'yo si Joel! Ikaw ng bahala sa kanya!"
Batid nyang kailangan na nyang umalis. Kailangan pa nyang mahanap si Anthon at si Issay.
*******
Pero sa mga oras na iyon hindi na nya makikita si Issay sa ospital na iyon.
Pagkatapos umalis ni Vanessa, ginamit nya ang phone ni Emily para makontak si Garry Perdigoñez.
Garry: "Issay? Bakit ka napatawag?"
Issay: Nakakaistorbo ba ako, Kuya?"
Garry: "Hindi Issay, alam kong hindi ka tatawag kung hindi emergency! Kaya sige na huwag ka ng mahiya, sabihin mo na!"
Kung meron man syang pagkakatiwalaan sa kaligtasan ni Emily, ang mga Perdigoñez yun!
Kailangan nyang masiguro ang safety nito bago nya harapin ang mga problema nya, sa opisina at kay Anthon.
Kaya ikinuwento nya ang nangyari kay Emily.
Hindi akalain ni Issay pagkaraan ng isang oras personal na nagpunta si Garry Perdigoñez sa ospital kahit alas dose na ng gabi.
Garry: "Bakit ganyan kang makatingin? Alam kong gwapo ako pero wag mo akong tingnan na para kang nakakita ng multo!"
Sabay pitik nito sa noo ni Issay.
Issay: "E, kasi bakit ka andito? Kala ko bukas ka pa pupunta!"
Garry: "Mas safe kung ngayon ko na sya i-tatransfer, konti pa lang ang nakakaalam!"
"Bat ganyan ang itsura mo? okey ka lang?"
Issay: "Oo, Kuya okey lang po ako!"
Sabay ngiti.
Pero hindi naniwala si Garry, halata sa mukha nyang sobrang stress ito, kaya hindi ito pumayag na maiwan sya.
Pagkaraan pa ng isang oras nakaalis na sila.
Buti na lang sumama si Issay dahil pagkaraan ng tatlumpung minuto pagalis nila dumating ang inutusan ni Gene para hanapin sya.