Download App
45.07% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 96: Baliw na baliw!

Chapter 96: Baliw na baliw!

"Pakiulit, sino ka?"

Tanong ni Uncle Rem sa bisitang dumating.

Nasa bahay pa rin sya ni Luis sa Maynila para samahan ang pamangkin nito at apo.

Kababalik lang ni Belen kaya hindi muna ito umalis para samahan sila.

Sa harapan nya sa labas ng pinto naroon si Gene nakatayo may dalang bulaklak at matyagang naghihintay na papasukin sya.

Kilala sya ni Uncle Rem simula pa pagka bata pero paulit ulit ang tanong nya kay Gene.

Gene: "Sir, ako po si Gene Santiago, at narito po ako para umakyat ng ligaw kay Belen!"

Uncle Rem: "Ano kamo? Aakyat ka ng ligaw? Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo?"

Gene: "Opo Sir, Sigurado po ako at seryoso sa pamangkin nyo!"

Nadinig ni Belen ang boses ni Gene kaya nagmamadali itong bumaba upang tingnan kung sya nga ang dumating.

Pag baba nya nakita nyang pinapasok na ni Uncle Rem si Gene.

'Anong ginagawa nitong lalaking ito dito?

Hindi ba kami nagkakaintindihan na hindi na kami pwedeng magkita pa? Bakit sya andito?!'

Uncle: "Tapatin mo nga ako, ginayuma ka ba ng pamangkin ko?"

"Uncle Rem!!!"

Tinig iyon ni Belen.

Nagitla si Uncle Rem sa biglang tawag ng pamangkin.

Gene: "Opo Sir nagayuma ako sa ganda ng pamangkin nyo!"

Sabay ngiti ng matamis kay Belen.

Pulang pula naman ang mukha ni Belen pati tenga ng madinig ito.

Uncle Rem: "Ano bang problema mo ba't sumisigaw ka dyan?

Gusto ko lang makilala ng husto itong damuho mong manliligaw!"

Bihira ang lalaking umaakyat ng ligaw kay Belen simula pa nuon dahil natatakot sila dito.

Malakas kasi ang aura nito at naiilang ang ibang kalalakihan dahil nararamdaman nilang mas mahina sila.

Belen: "Uncle, si Gene po yan, anak ni Tito Andro! Nakalimutan nyo na po ba?"

Uncle Rem: "Alam kong si Eugenio yan, ang diko maintindihan bat naisipan nyang ligawan ka?"

Gene: "Bakit po Sir, hindi po ba pwede?"

Uncle Rem: "Hindi ko naman sinabing hindi pwede iho, nagtataka lang kasi ako! Ang sungit sungit kaya nitong pamangkin ko kaya walang nanliligaw dito!"

Gene: "Yun nga po ang gusto ko, yung kasungitan nya!"

(kinikilig)

Napakurap ng ilang beses si Uncle Rem.

'Mukhang nagayuma nga ang isang 'to!'

Inawat na ni Belen ang usapan nila at baka saan pa mapunta.

Belen: "Uncle, pakiusap pwede bang iwan mo muna kami ni Gene!"

Uncle Rem: "Okey sige maiwan ko na kayo! Mukhang kanina nyo pa gustong magkaniigan dalawa! Hehe!"

At kinikilig itong umalis.

'Mukhang magkaka love life pa ang pamangkin ko ah!'

At para itong batang sisipol sipol pang umalis at iniwan ang dalawa.

Gene: " Bulaklak para sa'yo!"

Sabay abot ng bulaklak kay Belen ng makitang papalayo na si Uncle Rem.

Belen: "Bakit ka ba andito, anong ibig sabihin nito?"

Gene: "Manliligaw ako sa'yo!"

Belen: "Nababaliw ka na ba?"

Gene: "Oo giliw ko, baliw na baliw na ako sa'yo!"

Belen: "Hmp!"

'Bakit biglang naging makata ito?'

Gene: "Hindi mo ba ako na miss giliw ko?"

Belen: "Kahapon mo lang ako hinatid dito sa bahay, pano kita na miss? At anong giliw mo na pinagsasabi mo dyan? Hmp!"

Mataray nitong sabi pero sa kalooban nya kinikilig sya ng tawagin syang giliw nito.

Gene: "Ako na miss kasi kita lalo na ...."

Sabay nguso.

Belen: "Anong yung lalo na?!"

Sabay pinandilatan si Gene.

'Bastos na 'to ano yung lalo na na sinasabi nyang na miss nya?'

Gene: "Yung lips mo! Ang sarap kayang halikan!"

*****

Samantala habang nanliligaw si Gene kay Belen, abala naman si Anthon sa sorpresa nya para kay Issay.

Hinatid lang ni Anthon si Issay sa hotel ni Enzo at umalis na ito para asikasuhin ang sorpresa nya.

Pagkatapos ng nangyari sa kanila nitong nagdaang araw nag desisyon na syang gawin ito.

Biglaan man pero gusto nya pa rin gawing espesyal. Kaya kinabukasan nagulat na lang si Issay ng pagising nya na isang damit pangkasal ang bumungad sa kanya.

Pagpasok ni Anthon sa silid nila may dala itong tray ng almusal at mga bulaklak.

Issay: "Anong ibig sabihin nito?"

Anthon: "Mahal, sa mga nangyari sa atin hindi na ako papayag na may maghiwalay pa sa atin kaya nagpunta ako sa kaibigan kong judge dito at humingi ako ng tulong na makasal tayo ngayon!"

Issay: "Pero pano ang mga taong naghihintay sa atin lalo na si Mama Fe, tiyak gusto rin nilang maging parte ng kasal natin diba?"

Anthon: "Magpapakasal din naman tayo sa harapan nila pero ngayon gusto ko itong kasal natin iaalay ko para sa'yo!"

Hindi alam ni Issay ang isasagot. Natatakot sya na baka maraming masaktan sa gagawing nilang desisyon.

Pero mahal nya si Anthon at naintindihan nya ang ibig sabihin nito.

'Anong isasagot ko! Bakit kasi kung ano ano ang pumapasok sa isip nito!'

Naguguluhan na si Issay.

Nagumpisa ng magaalala si Anthon, pano kung hindi pumayag si Issay?

Naghintay sya. Nagdarasal na pumayag sya.

Sa bandang huli tumango si Issay. Nakahinga ng maayos si Anthon at agad nyang inakap si Issay.

Issay: "Pumapayag ako pero sana kung pwede, ilihim natin ang kasal na ito! Ayaw kong masaktan sila sa gagawin nating pag papaksal na hindi sila kasama!"

Anthon: "Naintindihan ko!"

Isang simpleng seremonya ang ginanap sa opisina ng judge na kaibigan ni Anthon. Ganitong seremonya ang gusto nyan ibigay kay Issay at para kay Issay lang, pero punong puno iyong ng pagmamahal nilang dalawa.

Masayang masaya si Issay, abot tenga ang ngiti nito. At naiiyak sya sa sinseridad ni Anthon.

Anthon: "...Ikaw ang bawat paghinga ko, ang buhay ko at karugtong nito! Wala akong hihilingin sa'yo Mahal ko kung hindi ang masilayan ang matatamis na mga ngiti mo!"

Issay: "Ano bang sasabihin ko, kundi salamat Mahal ko!

Sa labis labis na pagibig mo napupuno mo ng ligaya ang puso!

Kahit may kulang sa pagkatao ko nawawala iyon at natatakpan ng naguumapaw na pagibig mo!"

Salamat Mahal, Salamat at dumating ka sa buhay ko!"

Inakap na ni Anthon ang nobya dahil sa di maawat nitong pagiyak at saka mariin na hinalikan.

Malaki ang pasasalamat ni Enzo kay Issay dahil nagkausap silang mag ama, nabawasan ang alalahanin niya.

Kaya nang malaman ni Enzo ang kasalan ng dalawa, hindi ito pumayag na hindi sa hotel nya gaganapin ang reception at libre.

Mabuhay ang bagong kasal.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C96
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login