Download App
20.18% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 43: Ang Kinatatakutan ni Belen

Chapter 43: Ang Kinatatakutan ni Belen

Sa isang pamilya, hindi nawawala ang paboritong anak.

Hindi rin maiaalis na ipagkumpara ang magka kapatid.

Bata pa sila, napapansin na ni Enzo na malaki ang pagkakaiba ng dalawa. Limang taon ang agwat ng panganay sa bunso.

Si Nadine ay tahimik na bata. Hindi ito nakikihalubilo sa iba.

Mabait sya at masunurin at hindi marunong sumagot sa magulang.

Me pagka mahiyain at parang takot sa tao. Kaya ng nagsabi ito sa ama na sa Maynila gustong magaral, nagdalawang isip ang ama.

Mahina si Nadine sa paningin ni Enzo. Hindi ito marunong lumaban kaya papano nya papayagan ang anak na sa Maynila magaral?

Pero nagpumilit si Nadine at sa isang dormitoryo nanirahan.

Si Nicole ang kabaligtaran ng kapatid. Masayahin ito at laging pala labas. Hindi ito takot sa tao at marunong maglambing sa magulang. Kaya madalas nasusunod ang gusto.

Palaban ito lalo na sa gusto nya.

Bata pa lang si Nicole gusto nya nasa kanya na ang atensyon ng lahat ng nasa paligid at lubos nya itong ikinatutuwa.

Sa pananaw ni Enzo sa dalawang anak, alam nyang mas malayo ang mararating ni Nicole kesa kay Nadine. Dahil mas matapang ang personalidad nito, bagay na namana ni Nicole sa kanya.

Nang sabihin ni Nicole sa ama na gusto nyang mag aral sa Maynila para magkasama sila ng ate nya, hindi ito nag dalawang isip. Lalo na at ang dinahilan nito sa ama ay na mi-miss na nya ang ate nya.

Natuwa ng husto si Enzo. Naisip nya na napakaswerte ni Nadine sa kapatid dahil sobra syang mahal nito.

Kaya bumili sya agad ng condo para sa dalawang anak para lagi silang magkasama.

Ni hindi man lang nya tinanong ang opinion ni Nadine.

Nakalimutan nya na malaki na ang anak at may sarili na itong buhay.

Kung sana noon, mas naging sensitibo lang sya sa nararamdaman ng anak.

Pero hindi pa naman huli ang lahat.

Natakot si Nelda sa inaasal ng asawa.

"Bakit ba nagpupuyos ka sa galit dyan? Ikaw na rin ang nag sabi na simple lang yun! Pero bakit ganyang katindi ang galit mo?"

Paguusisa ni Nelda sa asawa.

Tiningnan ni Enzo ang asawa na puno ng galit ang mga mata.

"Nasa ospital ngayon si Nadine!Muntik na syang mapahamak sa pagsunod sa utos mo! Nawalan sya ng malay at nilusob sa ospital! Nang dahil sa ginawa mo muntik ng mamatay ang anak ko!"

Singhal ni Enzo sa asawa.

"Ano? Anong nangyari kay Nadine?! Luluwas ako ng Maynila! Kailangan ko syang makita!"

Nagaalala sabi ni Nelda.

Ina pa rin sya kaya nagaalala sya sa kalagayan ni Nadine at syempre, pagkakataon din ito para makita at matulungan nya si Nicole.

"HINDI!!!

Hindi ka aalis!

Dito ka lang!

Mayroon na akong inatasan magasikaso kay Nadine!"

Singhal ni Enzo.

Bukod sa kaibigan ni Nadine na nakausap nya, may kinausap na rin si Enzo para hanapin kung saang ospital naka confine ang anak at kung ano ang kalagayan nito.

"Pero ako ang nanay nya! Kailangan ako ng anak ko!"

Pagpupumilit ni Nelda.

"Ano?! Tama ikaw nga ang nanay, at ikaw din ang dahilan kaya sya nasa ospital ngayon! Kaya wag kang aalis dito! Dahil pag may nangyaring masama sa anak ko, hinding hindi kita mapapatawad!"

Nanggagalaiti sabi ni Enzo sa asawa.

Kinuha nito ang lahat ng card niya pati passbook at nagbilin sa mga bodyguards at kasambahay na 'wag na 'wag syang palalabasin ng bahay nila.

Kagaya ni Enzo batid nyang nagaalala din ang asawa sa kalagayan ng anak.

Pero hindi nya hahayan na lumalala pa ang sakit nito.

Alam nyang pag hinayaan nya itong lumuwas agad ng Maynila tyak niyang hindi lang si Nadine ang iintindihin nito. Sigurado syang gagawa at gagawa ito ng paraan para matulungan si Nicole, dahil kahit kelan hindi nya matitiis ang kapritso ng bunso.

Kaya bilang ama mas makakabuting magantay sila ng tatlong araw.

*****

Samantala.

"Tiya Belen, pwede ko po ba kayong makausap?"

Tanong ni Edmund sa tiyahin pagpasok ng silid nito

Katatapos lang nilang magusap ni Issay tungkol sa nangyari kay Nadine ng araw na iyon ng kumatok ang pamangkin.

"Tungkol ba saan, iho?"

Tanong ni Belen

Naupo muna ito bago magsalita.

"Tungkol po sana sa posisyon ng Papa! Sa tingin ko po kasi panahon na para hawakan ko ito ng buo!"

Deretsahang sabi ni Edmund.

Simula ng namatay ang ama Acting CEO ang naging posisyon nya pero ang tiyahin nya lang ang nagdedesisyon sa kompanya.

Nuon, okey lang sa kanya ito dahil wala naman talaga syang interes sa kompanya ng ama, at alam nyang pansamantala lang sya sa kompanya. Pero ngayon nag iba na. Nagkakainteres na sya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Napakunot ang noo ni Belen.

"Tiya, alam ko pong nahihirapan na kayo sa pagaasikaso ng kompanya. Kaya mas mabuting ibigay nyo na sa akin ang pamumuno at manatili na lang kayo sa bahay tulad ng dati. Ipaubaya nyo na po sa akin ang lahat at ako na po ang bahalang magpatuloy sa pagpapatakbo ng kompanya!"

Sabi ni Edmund

"E, pano ang negosyo mo?"

Tanong ni Belen.

"Kaya na naman ito ni Eric mag isa."

Sagot ni Edmund

Si Eric ang kaibigan nya at kasosyo sa negosyo.

"E, si Issay?"

Tanong ni Edmund

"Tiya, hihilingin ko po sanang kausapin nyo sya na mag bitiw na. Mas makakabuting iisa lang ang magpapatakbo ng kompanya para hindi nalilito ang mga tao."

Sabi ni Edmund.

"At iniisip mong..... dapat... ikaw iyon? Bakit? ....Bakit bigla mong naisip ito? At bakit kailangan magbitiw ni Issay? Diba mas makakabuti kung mananatili sya sa kompanya?"

Usisa ni Belen.

May hindi tama sa gustong mangyari ni Edmund at kinakabahan na sya.

"Matagal ko ng nasa isip ito Tiya, naghahanap lang ako ng magandang tyempo. At mas magandang kung magbibitiw na sya!"

Sabi ni Edmund

"At naisip mong ngayon na ang magandang tyempo?"

Tanong ni Belen.

"Napapansin ko po kasi mas kailangan ng kompanya ng maayos at matatag na leader."

Sagot ni Edmund.

"At sa tingin mo ikaw yun?"

Paniniguro ni Belen.

Tumango si Edmund sabay ngiti sa Tiya.

"Hmmn....."

Napapaisip si Belen sa sinabi ng pamangkin.

"Pero hindi naman ako o ikaw lang ang dapat mag desisyon sa bagay na ito. Alam mo yan!"

Sagot ni Belen sa pamangkin.

Napaghandaan na ni Edmund ang lahat. Alam nyang dito pupunta ang usapan.

"Alam ko po Tiya. Pero desidido na po ako at saka iniisip ko lang naman ang kapakanan nyo at ng kompanya.

Paliwanag ni Edmund

"Edmund, kung gusto mong ikaw ang humawak ng kompanya kailangan natin ipaalam ito sa kanila. Panahon na para magpatawag tayo ng shareholders meeting!"

Sabi ni Belen.

Napabuntunghininga si Edmund.

"Kayo pong bahala Tiya!"

At nagpaalam na ito.

Paglabas ng kwarto ni Edmund, kinuha ni Belen ang larawan ng kapatid sa tokador at saka kinausap.

"Kuya ... dumating na ang panahong kinatatakutan natin!"

"Nalalason na ni Kuya Roland ang isipan ni Edmund."

"Anong dapat kong gawin?"

"Tulungan mo ako! Tulungan mo kami ni Issay!"


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C43
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login