"Good morning po, Lord," I murmured as I woke up.
Nakatulog pala ko kagabi kakaisip sa kung anu-ano. Sa mga possibilities na maaaring mangyari on my stay here in Cruz's residence and even sa nabanggit ng Dad about our competitors.
Kumakalam ang sikmura ko kaya naman tumayo na ako para pumuntang kusina. Sinilip ko ang kwarto ni Mikel na katapat lang ng akin. Sarado ito.
Sana wala siya.
Pagkarating ko sa dinning room, si Gangster agad ang nakita ko . Uh-oh.
"Ahm, g-good morning." Worst part in this morning? I tried my very best to be nice towards him and took all the courage just to greet him but he just ignored me!
Nakaupo siya sa dining table at kumakain ng breakfast as if hindi napansin ang presensya ko.
Fried rice, bacon, egg, hotdogs, scrambled egg, fried chicken, soup, corned beef and bread. Maraming nakahain na pagkain which I am very grateful.
The thing is, I only eat cereals in the morning.
Hindi ko alam pero everytime I eat heavy meal on breakfast such as rice, nasusuka ako. Mahina siguro ang sikmura ko.
Umupo na ako sa tapat ni Mikel. Doon kasi may nakahandang plato.
Naglagay ako ng bacon at hotdog sa plate. Nahuli kong tiningnan ni Mikel ang pinggan ko.
His expression is unreadable kaya di ko alam kung ano ang iniisip niya or kahit idea manlang.
Tumayo siya.
Noong una medyo na-offend ako kasi akala ko ayaw niya akong makasamang kumain.
I'm just being judgemental.
Tumayo pala siya para kumuha ng cereal and a glass of milk.
Which I really appreciate. Nahihiya kasi akong magsabi sakanya.
"Mom had mentioned you only eat cereals in the morning. She even bought lots weeks ago for you," sabi niya matapos ilapag sa table ang cereala at gatas.
"Your mom is really sweet. I'll call her later and thank her."
"And, please make yourself at home. My mom would nag me kapag may nagsumbong na naman sakanya."
Oh. So there, I figured na nagsumbong ang dad ko sa parents nya at sinabihan/pinagalitan siya.
Or, pwede ring narinig niya ako na kausap ko si Dad kagabi.
Who knows?
Naging awkward ang breakfast. Until siya na rin ang sumira nito.
"By the way, Hadley.."
Napatitig ako sa kanya nang sa unang pagkakataon ay binanggit niya ang pangalan ko.
"kalimutan mo na yung nakita mo kagabi, pati na rin ang sinabi ko."
"Should I be grateful na anak ako ng family friends nyo?" May humor sa tono ng boses nya.
Suddenly unti unting nawala ang uneasiness ko sakanya.
"You really should." Tumaas ang sulok ng labi niya. "Napansin ko din kasi how agitated you were to me last night we met here in this house. I'm not a monster afterall you know." He said, almost rolling his eyes.
OMG. So cute!
"Okay. Memory deleted! Pero sure ka?"
"About what?"
"Na you're not a monster afterall."
"Ha-ha! Nice try! Tss." Ang dali naman mapikon nitong gangster na 'to.
Nung natapos na syang kumain, umakyat na agad sya at pumunta sa room nya.
San naman kaya nag-mana ung taong yun. Mabait naman si Tito Kaisler at lalo naman si Tita Mary Joy. Unlike him na paepal. Hmp!
~ * * ~
Ang boring talaga kapag bakasyon! Wala akong magawa kaya tinawagan ko ang mga kaibigan ko at nagyayang mag-shopping sa Rockwell.
Around 8PM na ako nakauwi. Bago ako pumasok sa room, tumigil ako sa tapat ng room ni Mikel at nilapit ang tenga ko sa pinto ng kwarto niya. Wala akong naririnig na kahit anong ingay or kaluskos.
Siguro nakikipagbasag ulo na naman yun.
Edi mabuti wala siya rito sa bahay nila.
After kong mag-half bath, pumunta ako sa kitchen para kumuha ng pang-mid night snacks.
Plano ko kasi mag-movie marathon. Nagtimpla muna 'ko ng milk,bago kumuha na ng junkfoods.
Milk tas unhealthy snacks. Para balance kahit papaano.
"Argh! Small height problems," sabi ko sa sarili habang pilit na inaabot ang cabinet.
Fortunately, nabuksan ko. But unfortunately, hindi ko maabot ang Pick A.
Kasi naman, mommy, pinamanahan mo ako ng ganda. OK na OK ako dun. Pero sana hindi na sa height.
Imbis na magmukmok ako dito at patuloy na sisihin ang pinagmanahan ko, kumuha ako ng upuan at tinungtungan.
Medyo umuuga nga yung upuan eh, pero inignore ko nalang kasi saglit ko lang naman gagamitin at marunong naman akong magbalance...
Sobrang saya ko dahil nakuha ko ang Pick A at Eaji, kaso, bigla ay nakalimutan kong ibalanse ang upuan.
Dahilan para tumabingi ang upuan and caused me to fell.
Napapikit ako at inaantay na mabagok ako at himatayin.
Pero wala ....
"Baka gusto mong tumayo ang bigat mo kaya!"
That familiar annoying voice!
Binukas ko ang mga mata ko. I was surprised to see Mikel holding me in a bridal style.
Did he just save me?!
I'm still staring at him when, "Oo na gwapo ako, aminado naman ako eh. Please tumayo ka na. Pag di ka pa tumayo, ILALAGLAG KITA!"
Tumayo naman na agad ako. Baka mamaya ilalag nga ko neto eh.
— New chapter is coming soon — Write a review