Download App
63.63% Legendary Slime Tamer (TAGALOG) / Chapter 14: Demon Servant

Chapter 14: Demon Servant

Inay ko po!!

Tumakbo si Roan pabalik sa kanyang dinaanan na di lumilingon, halos tumalon palabas ang kanyang puso sa kanyang dibdib.

"Master master! Bakit ka takbo?" Takang taka ang mga slime na sumusunod sa master nila.

"Obvious ba? May nag hahabol!"

Kumaripas at hindi lumingon si Roan sa Ghost type monster na humahabol sa kanya. Takot na takot siya rito hanggang sumagi sa kanyang isipan na isa lamang tong laro, lahat ay fiction lang at walang katotohanan. Ba't siya matatakot? Laro lang 'to at gawa lamang ng mga game developers!

"Isa lamang 'tong laro," ito ang pabalik balik na salita na pilit niyang sini-sink in sa kanyang isipan, pwersahang kinukumbinsi ang sarili na maging matatag at malakas ang loob.

Nabigla ang mga slimes nang biglang tumigil sa takbo si Roan, nakatayo lang ito at nag taimtim, pati sila ay napahinto at puno ng katanungan ang kanilang mga mukha.

"Mga slimes, anong kahinaan ghost type monster?"

"Erm.. apoy?"

"Tubig?"

"Baka pagkain!"

Napa sigh nalang si Roan sa narinig na mga sagot ng makukulit na slime sa kanya, di niya alam na matatawa ba siya o maiiyak. Hindi siya umasa na may makukuha siyang matinong sagot, ang tanging hiling lamang niya ay hints kung paano talunin ang tricky bastard ghost na ito.

Habang abala si Roan sa pag iisip ng strategy, narinig niya ang hiyaw ng Arfal Ghost Servant sa di kalayuan, ilang sandali ay makakarating na ito sa kanya.

Wooooo... Creepy na ungol ng Ghost na naaninag ni Roan na lumabas sa kadaliman.

Shit!

Gamit ang hammer ay minabuti niyang unahan ito sa pag atake, hindi niya sasayangin ang pagkakataong ito. Balak niyang sorpresahin ito. Ngunit nang nag land na ang kanyang full powered surprise attack ay napadilat na lamang siya na kanyang mga mata. Tila bang sa hangin lang siya humampas, tumagos lang kanyang hammer sa buong katawan Arfal Ghost Servant!

Immune to physical attack?

"Kikiki Kukuku," dahil sa palpak na atake ni Roan ay napatawa ang Arfal Ghost Servant at nag counter attack. Dahil nasa tight spot si Roan ay hindi niya ito nailagan.

[You have been inflicted mental damage]

Biglang umatras si Roan at dumistansya sa Arfal Ghost, pero hindi siya pinagbigyan nito na maka paghanda. Hindi sasayangin ng Arfal Ghost ang opportunity na ito, kaya sumugod uli ito.

Nataranta si Roan sa galaw ng Arfal Ghost, 'di niya akalain na mas mautak ang monster na ito kaysa sa mga ibang monster na nakalaban niya sa gubat.

Desperate na umilag si Roan pero mabilis ang Arfal Ghost at kayang mag iba ng direksyon sa mid air, dahil naka lutang ito sa hangin at ang himpapawid ang balwarte nito.

[You have been inflicted mental damage]

Sunod-sunod na successful attack ang nagawa ng Arfal Ghost kay Roan. Dahil puro mental damage ang binibigay ng Ghost type monster sa kanya, ngayon ay halos 60% ng kanyang mga slimes ay wala na sa kanyang control. Nawala ang link na nag ko-konekta kay Roan at sa kanyang mga slime pati sa paggamit ng Skills ay naapektuhan. Feeling niya tuloy, para bang nawalan siya ng mga mata at kamay.

Ma try nga ito...

Kinuha, sinindihan at itinapat ni Roan ang DIY torch sa Arfal Ghost Servant habang nanginginig ang mga kamay nito.

"Sige! Lumapit kang multo ka!"

Kahit may halong fierce ang sigaw ni Roan ay kabaliktaran ito sa expression ng kanyang mukha - super terrified, dahil nakakapanindig-balahibo ang pagpasok labas ng Arfal Ghost sa kanyang katawan.

"Wooo," Umungol at umatake muli ang Arfal Ghost Servant sa katawan ni Roan.

Napalunok at napa gitil ng ngipin si Roan at matapang na sinalubong ang Arfal Ghost gamit ang kanyang DIY torch, balak niyang sunugin ang Arfal Ghost ngunit tulad ng una niyang atake ay dumaan lamang sa katawan ng Arfal Ghost Servant ang apoy at walang preno na dinaan ang kanyang katawan.

Tumindig ang balahibo ni Roan ng pumasok at lumabas sa kanyang likuran ang Arfal Ghost, kasabay nito ang pagsakit ng kanyang ulo.

Mental damage nanaman! Pag magpapatuloy ito...

Napaluhod si Roan habang hawak hawak ang kanyang ulo, ngayon ay halos 80% ng kanyang skills at slimes ay wala na sa kanyang control. Dito ay naisip niyang sumoko nalang at hintayin nalamang ang susunod na mga atake ng Arfal Ghost hanggang sa maubusan siya ng mental bar at susunod rito ang kanyang Health Points (HP). Pag namatay siya rito ay mag ne-nearest city respawn nalang para makaalis sa kuwebang ito.

******

Habang abala si Roan sa pakikipaglaban sa Arfal Ghost Servant ay may kakatuwang bagay ang nangyayari sa back scene.

Chomp. Chomp.

Sa madilim na espasyo ng kuwebang ito ay may bilogan na monster ang masayang kumakain sa patay na mga monster na naka handusay sa grounds, kahit mga maliliit ang katawan ng mga bilogan na mga monster na ito ay wala silang pinipiling sizes na kakainin, kahit dragon ay kaya nilang lamunin.

Ang mga matatakaw na monster na ito ay ang mga Slimes ni Roan na naiwan niya sa looban nga cave. Dahil sa unang atake ng Arfal Ghost sa kanya ay di niya namalayan na hindi lahat ng Slimes ang sumama na tumakbo pabalik. Kaya ang mga slimes na ito ay kumalat sa looban ng cave at kinakain ang mga patay na monster na nadadaanan nila. Para silang mga janitor fish na naglilinis ng mga kalat sa ilog.

Sarap!

Dito dito! Meron kain dito!

Masayang masaya sila sa libreng foods sa daan kaya wala silang tigil sa pag lamon na kahit anong monster sa daan. Big thanks sa Masked Player na naglinis ng mga monster kaya't busog na busog ang matatakaw na mga slime ni Roan.

******

Ding!

Biglang tumong ang notification at lumabas sa harapan ni Roan ang alert na ito.

[Mimicry completed!]

"Pwede mo nang magamit ang slime para i-mimic ang appearance at abilities sa mga sumusunod na mga monster," Boses na biglang pumasok sa tenga  ni Roan, ito ay ang System Assistant.

Cave Wolf

Illumi-Butterfly

Kobold Fighter

Goblin Fighter

Goblin Archer

Red Eyed Bats

Dim Spider

Cave Lynx

Thread Caterpillar

Death Moth

....

Inulan ng information ang utak ni Rroan tungkol sa mga Monster at abilities nito na magagamit niya sa labanan.

Mimicry Abilities?

Biglang nag self activate ang Mimicry Abilities ng mga slime!?

Alam niyang may ganitong abilities ang slime niya ngunit paano? Napuno ng katanungan si Roan, pero isinantabi niya muna ito dahil may problema pa siyang hinaharap sa mga oras na ito. Tumayo siya at hinarap ang paparating na Arfal Ghost.

"Di ko man alam kung bakit at paano naging available ang Mimicry Skill, ang tanging alam ko lang ay hindi pa ako mamatay sa kuwebang ito!"

"Slime!" Utos ni Roan gamit lamang ang kanyang pag iisip, nagtipon agad ang sampung slime at pinalibutan siya nito na parang mga gwardya na pinuprotektahan ang isang VIP. Kahit 80% ng kanyang mga slime ay wala sa kanyang control, sapat na ang natitirang 20% na pwede niyang magagamit, limitado man ay pwede na rin kaysa sa wala.

Mimicry!

Isa-isa nag transform ang mga slime, lima rito ay naging Illumi-Butterfly, tatlong slime naman ay naging Cave Lynx habang ang dalawang natitira ay naging Death Moth!

"Go Illumi-Butterfly!"

Gamit ang mga Illumi-Butterfly, pinalibutan nito ang Arfal Ghost at naglabas ng nakakasilaw na ilaw galing sa makukulay na pakpak. Dahil sa limang umiilaw na butterfly na ito, ang dating napaka dilim na kuweba ay nagliwanag na parang nasisikatan ng araw.

Napatigil sa isang pwesto ang Arfal Ghost at na stun, hindi ito makagalaw. Wala man damage, ang special effect ng ilaw na ito ay nagsisilbing restrictions ng mga galaw ng mga Ghost, Demon, Zombie at Dark type alike monster. Sa madaling salita, isa itong Crowd Control Type Abilities.

Nice! Nabuhayan si Roan ng makitang epektibo ang light magic sa mga Ghost Type Monster, isa ito sa mga basic knowledge sa dating Games na nilalaro niya. Kahinaan ng mga Dark Monster ang Light Magic and vice versa! Nagkataon na may lima siyang Slimes na nag mimic ng Illumi-Butterfly kung hindi ay baka walang epekto ang light magic sa Arfal Ghost dahil isa itong high level Monster. Lima laban sa isa!

"Death Moth, magpakawala ng Poison Dust!"

Lumipad ang ang dalawang Death Moths sa itaas ng Arfal Ghost, dahil sa katawan, pakpak at legs na may dustlike scales, dito rin lumabas ang thousands o di kaya'y millions of poison dust na pinalibutan ang Arfal Ghost. Sa kasamaang palad ay wala itong epekto sa Arfal Ghost.

Sigh... Ang mga Random na Atake na ito ay experiment ni Roan, hindi niya alam kung alin ang gagana rito pero may hindi pa siya nasusubukan.

"Sa pagkakaintindi ko, ang susunod na atakeng ito ay siguradong maghahatid sayo sa kabilang buhay kung saan ang amo mo!"

Nag step forward ang tatlong Cave Lynx at naghahanda na umatake. Nang makita ito ng Arfal Ghost ay bigla itong nataranta at pilit kumakawala sa ilaw na bumabalot sa kanya. Gusto nitong makaalis agad at tila bang alam na nito kung anong gagawin ng mga Cave Lynx sa kanya.

"Ho ho," napangiting tagumpay si Roan ng makita ang takot na takot na Arfal Ghost, parang kailan lang ay siya ang nasa kalagayan na yan. "Di mo akalain na nagka baligtad ang ating sitwasyon, noh?"

Nagsitayuan ang ang makinis na balahibo nito na parang mga karayom, ang dati'y kulay orange na kulay na balahibo ay naging kulay purple. Pagkatapos ay ibinuka nito ang mga malalaking bibig at nakalabas ang mga pangil at dahan-dahang bumuo ng maliliit na sparks hanggang lumaki at naging visible na ang mga kidlat. Sa ilang sandali lang naka gawa na ito ng Lightning Ball na naka pwesto sa pagitan ng kanilang mga pangil, ito ay isa sa kanilang mga Abilities na nalaman ni Roan ng dumagsa ang mga Monster Information pagkatapos ma-kompleto ang Mimicry Skill ng kanyang mga slimes.

Lightning ball strike!

Walang sinayang na oras si Roan at nag bigay utos na atakihin ang Arfal Ghost na walang magawa kundi tanggapin ang Lightning Ball na puno ng galit ng kidlat! Walang magawa ang Arfal Ghost, para itong isda sa chopping board.

Krriikkk! Kruuukkk!!

Tatlong magkasunod na Lightning Ball ang tumama sa Arfal Ghost, sa kaunaunahang pagkakataon ay lumabas narin ang Health Points (HP) Bar sa uluhan nito na dati'y nakatago at hindi nakikita ni Roan. Ibig sabihin nito ay epektibo ang kidlat sa Ghost Type Monster, kasunod nito ay pag baba ng HP nito.

70% HP Remaining.

Yun!

Naging excited si Roan at sinabing, "Diba Servant ka? Serve mo nalang kaya ako? Diba?," Pabiro ni Roan sa galit na galit na Arfal Ghost.

"Inutil! Nanaisin kung maglaho kaysa maging Servant ng iba! Loyalty ko ay para lamang sa Great Demon King! Dahil dito, kayong mga mahihinang nilalang ay makakatikim ng hagupit ni Emperor Volwrath! Wahahaha"

Waaahhh napaatras si Roan "Na..nakakapag...salita ka!?" Nanlaki ang mga mata ni Roan at napa nga-nga, kailan man ay di niya inakala na makakapag salita ang mga ibang Monster except sa kanyang mga slime.

"Ang kuwebang ito ay isa sa pag aari ni Emperor Volwrath, ngayon, may lakas loob kayong tumapak at dumihan ang pag-aari ni Emperor, pagbabayaran niyo ang malaking kasalanang ito!" Nanginginig at masaya na boses at naka high pitch na tono ng Arfal ghost.

Long live Emperor Volwrath!

Long live Emperor Volwrath!

Long live Emperor Volwrath!

Wahaha haha wahaha nyahaha

"Shit," sa takot ay inutos ni Roan na paulanan ng Lightning ball ang Arfal Ghost para tumahimik ito!

"Eerrrkkk!" Ang huling tonog ng Arfal Ghost bago ito namatay at naglaho na parang bula. Tanging naiwan lamang ay ang Cape na suot nito na nalaglag sa lupa at isang scroll.

Sigh... Nang makumpirma na patay na ang Ghost ay nakahinga ng maluwag si Roan.

[ Arfal Ghost has been killed ]

- Primal aspect beads acquired.

"Wah... Primal aspect beads!"

Mas naging excited si Roan, nakalimutan na niya agad ang mga sinabi ng Arfal Ghost bago ito namatay. Lalo't na ang Primal Aspect beads na ito ay galing sa Arfal Ghost na isang Red Tier Monster.

Tulad ng dati ay inopen niya ang kanyang Item Menu at kinuha ang bilugang apoy na naka frozen, ito na ang Primal Aspect beads na inaasam-asam ng karamihan. Walang atubiling pinisa niya agad ito.

CRACK. Kasunod tunog na parang na basag na crystal ay lumabas na ang notification sa harapan ni Roan.

[ Invisible Servant Cloak Acquired ]

"I..i.. invisible cloak? Aspect Armor Type?"

What the...

...

Invisible Servant Cloak

Rarity: Epic

Level requirements: none

Job: none

Durability: 890/1000

Defense: 500-800

Effects:

When equipped, you will be invisible for 30 minutes. Downtime is 1 hour and you can only use this 3 times a day.

~To be continued


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C14
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login