Download App
88.88% Once Upon a Moon / Chapter 8: To put an end

Chapter 8: To put an end

"Are you sure that she's okay? She's been like that since she woke up."

Kasalukuyang nasa ospital si Victoria habang tinitignan ang buwan. Ang saksi sa lahat ng nangyari sa kanya.

Nakatingin ka rin kaya sa buwan ngayon? Ang buwan na naging dahilan kung paano ako nakarating diyan at ang dahilan ng pagbalik ko dito. Pero kahit na gaano ko kapilit magalit sa buwan sa pagbalik niya sa akin dito ay labis parin ang aking pasasalamat na nakasama kita sa kahit na kaunting panahon.

Sana ay nakitingin ka. Sa ganitong paraan ay maykoneksyon tayo sa isa't isa.

"Yes sir. Natrauma lang siguro ang kanyang katawan sa aksidente."

"Well siguraduhin mo lang at baka ipapasara ko ang ospital na ito."

Mula ng maglaho siya at napunta dito ay ang tinig ng nag aalala niyang kuya at ang umiiyak na si Roj ang una niyang nakita.

"Victoria! Huhuhu mabuti at gising ka na."

"Roj huwag mong yakapin si baby sis at baka mapano."

Napatingin siya sa mga galos at pasa niya sa katawan. Ilang buwan kaya siya nakatulog?

May mga dextrose at iba pang nga apparatus na nakakabit sa kanyang katawan.

Agad agad niya itong kinuha ngunit pinigilan siya ng kuya niya.

"Victoria, huwag kang gumalaw."

"Pero kuya, si Teodorico na saan siya?"

"Sinong Teodorico. Walang Teodorico dito na pumunta ng anim na buwan."

Anim na buwan...

Napahiga si Victoria dahil sa kanyang nalaman. Imahinasyon ko lang ba talaga siya? Kapag ikaw ay nasa coma ay magkakaroon ka ng napakalalim na panaginip. Panaginip nga lamang ba siya?

Pero ang halik, parang totoo iyon.

Napaluha si Victoria. Alam niyang pinipilit lamang niya nga kanyang sarili na maniwala dito. Siguro ay wala talagang Teodorico na kanyang nakilala.

"Temple of Leah..."

"Huh? Ano yun baby sis?"

"Temple of Leah. Gusto kong bumalik don."

"Hindi pwede!"

"Please kuya, Gusto kong bumalik doon."

"Hindi ka na babalik doon. Alam mo naman ang nagyari sa iyo doon hindi ba? Halos lumipad ako ng tumawag si Roj sa akin para sabihing naaksidente ka. Alam mo ba kung ano ang naramdaman ko Victoria?"

Galit na ang kuya ni Victoria sa kanya. Alam ni Victoria na kapag tinawag na siya nito sa pangalan niya ay galit na ito.

"Pero kuya-"

"No! And that's final."

Napaiyak na lamang si Victoria. Doon ko lamang malalaman ang kasagutan sa aking katanungan.

***

Nakatingin ulit si Victoria sa buwan.

Mukhang hanggang dito na lang talaga tayo Teodorico.

Masaya ka ba na wala na ako diyan? Bakit ba naman hindi? Hindi ko na maririnig ang maingay kong boses at ang pag uutos ko sa iyo.

Sabagay ay pareho nga pala tayo, hindi ko na rin maririnig ang galit mong boses at ang inis na mukha mo sa akin. Pero bakit hindi ako nasasayahan na malaman na hindi ko na maririnig at makikita pang muli?

Hindi na naman mapigilan ni Victoria at siya ay napaluha.

"Victoria, Okay ka lang ba?"

Napabaling ang paningin ni Victoria kay Roj na mukhang nag aalala.

Ayaw man aminin ni Roj ay nag iba na si Victoria. Malungkutin na ito ngayon at hindi na nagsasalita. Ibang iba sa Victoria na nakilala niya. Ayaw niya ang ganitong Victoria.

"Hali ka na. Pwede ka nang makauwi ngayon."

Kasalukuyang nasa sasakyan sila habang papauwi ng bahay. Nakaupo si Victoria habang tinitignan ang bintana. Tinatahak nila ngayon ang pamilyar na daanan. Pamilyar!

Napatingin si Victoria kay Roj.

Napangiti si Roj sa kanya.

"Hindi naman siguro malalaman ng kuya mo kung saan tayo papunta. Kaya Mang Pedring dapat ayusin mo ang pagmamaneho ha?"

Napaningning ang mata ni Victoria at hindi niya mapigilang yakapin ang best friend niyang to.

"Salamat."

"Kailan ka pa marunong magpasalamat sa akin ha? Basta dapat siguradong nakalock yang pintuan mo ha?"

Napatawa si Victoria.

"Oo ako pa!"

Napangiti si Roj. Sa wakas bumalik na ang dating masigla na Victoria.

Nang makarating sila sa Temple of Leah ay agad niyang pinuntahan ang statue ni Leah.

"I constructed this temple in the year 2012 A.D. as a symbol of my undying love for and ceaseless devotion to Leah Villa Albino-Adarna, my wife of 53 years.

where future generations of the Adarna clan ...can come and trace their roots and heritage."

Tila ang mga tuhod ni Victoria ay hindi makayanan ang bigat ng kanyang katawan at napaluhod siya.

Parang iba ang mensaheng ito para sa kanya.

Para bang ito'y ginawa para sabihing...

"Victoria sana ay makita mo ito at malaman mong masaya na ako."

Sa hindi kalayuan ay natanaw niya ang mga bagay na inilagay mismo dito ni Teodorico. Isa itong kwarto, pero wala pa ito dito noong huling punta niya dito.

Ang mga souvenirs ko!

Sa mga pinupuntahan nilang mga lugar noon ay mahilig bumili si Victoria ng mga bagay bagay. Hindi niya inaasahang ilalagay niya ito dito.

Hindi ito imahinasyon niya lamang. Teodorico. Totoo ka nga.

Hindi niya mapigilang umiyak.

"Temple of Leah, ipinagawa ni Teodorico para sa kanyang pinakamamahal na asawa. Pero pinakamamahal nga ba? After 53 years of marriage at namatay si Leah. Si Teodorico ay nag asawa muli kaya sabihin mo, si Leah lang ba talaga ang minahal niya?"

Napatingin si Victoria sa taong nagsasalita. Pamilyar sa kanya ang boses na ito.

Hinding hindi niya makakalimutan...

Isang binatilyong lalaki na pamilyar ang mukha sa kanya.

"Hmm. May pagkakahawig ang mukha mo kay Leah. "

Siya nga. Ang lalaking akala niya ay panaginip lamang.

"Teodorico..."


CREATORS' THOUGHTS
Living_moon Living_moon

Hanggang dito na lamang po magtatapos ang storya. *kaway kaway*

Thank you sa bumasa at magbabasa pa lamang. Kukuku

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C8
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login