Masayang umuupo si Victoria sa itaas ng puno habang tinitignan ang malalawak na lupain ni Teodorico. Kanina pa siya nandito pagkatapos niyang takasan si Teodorico sa banyo kanina. Mukhang hindi parin siya nahahanap nito hanggang ngayon.
Sa kalayuan ay natanaw niya si Teodorico na hanggang ngayon ay naghahanap parin sa kanya. Napatawa na lamang siya dahil mukhang nababaliw na ito sa paghahanap sa kanya.
"Psst!"
Tawag niya dito. Pero si Teodorico ay hindi parin siya makita. Palingon lingon ito sa lahat ng lugar.
Napahagikhik siya dahil dito.
"Psst!"
Hindi parin siya makita nito.
Huminga siya ng maraming hangin ay,
"Pssst!"
Dito ay nakita na siya ni Teodorico.
"Victoria! Bumaba ka diyan ngayon din!"
"Eh ayoko nga!"
"Bumaba ka at baka mahulog ka!"
Pero mukhang nasiyahan si Victoria sa nag aalalang mukha ni Teodorico at hinamon pa talaga kung hanggang saan ang pasensya nito sa kanya.
Hehe tignan natin kung hanggang saan ang pasensya mo para sa akin.
"Ayoko!"
Makikita mo na ang ugat sa ulo ni Teodorico na parang lalabas na ito at puputok ano mang oras. Well mukhang hanggang dito lang ang pasensya niya. Akala niya ay aalis na ito sapagkat ito ang kanyang ginagawa kapag galit na ito sa kanya. Pero laking gulat niya sa susunod na ginawa ni Teodorico.
Umakyat siya ng puno pero pfft! Hindi na makayanan ni Victoria ang ginagawa ni Teodorico.
Pulang pula na kasi ang mukha ni Teodorico dahil sa pag akyat ng puno.
"Maghintay ka hanggang makaakyat ako diyan Victoria! Lagot ka talaga sa akin."
"Eh paano ka naman makakapunta dito eh isang ruler lang naman ang distansya mo mula sa lupa."
Hindi ipinagkakaila ni Teodorico na hindi siya marunong umakyat ng puno pero kung ayaw ni Victoria na bumaba edi siya ang aakyat.
"Paano ka aakyat dito kung nakasapatos ka? Hoy madulas ang puno para magsuot ka ng sapatos."
Pero hindi ito pinansin ni Teodorico at patuloy parin ang pag akyat ng puno, kahit na hindi naman talaga siya umaalis sa pwesto niya.
Mga ilang oras na ang nakakalipas at naisipan ni Teodorico na sumuko na lamang.
"Eh hanggang diyan na lamang ba ang pag ibig mo sa akin? Ang bilis mo namang sumuko."
Nasabi ni Victoria ito ng nakita niyang tumigil na ito sa pagyakap sa puno. Oo dahil mas mukha pa itong nakayakap kaysa parang umaakyat.
"Ah!"
Dahil sa sobrang tingin ni Victoria sa ilalim ay hindi na siya maayos na nakapagbalance at nahulog ito. Ang inaasahan niyang matigas na babagsakan ay hindi dumating kundi ay ang dalawang kamay ni Teodorico na sumalo sa kanya.
"Hindi ako sumuko, sadyang alam ko lang talaga na sa akin ka parin mahuhulog."
Kasabay nito ay ang paghalik ni Teodorico sa kanyang labi.
"..."
Pulang pula na ang mukha ni Victoria ngayon. Ang first kiss ko!
"Ma magnanaka- mmphh."
Hindi niya inaasahan ang isa pang halik. Pero ang halik na ito ay mas matagal pa kaysa sa nauna.
"Ayan ibinalik ko na."
Napangiti si Teodorico ng ngiting tagumpay. Mukhang first and second kiss ito ni Victoria.
"Ba bastos!"
Agad agad na bumaba si Victoria mula sa pagkakabuhat sa kanya ni Teodorico at agad na pumasok sa loob.
Naiwan naman si Teodorico na nakatawa sa labas. May kinuha ito sa kanyang bulsa at tinignan ito ng nakangiti.
"Victoria."
***
Nakatulog si Victoria dahil sa nangyari sa kanya. Mukhang hindi niya kinaya iyon.
"Victoria..."
Isang alog ang gumising kay Victoria.
"Hmmm ano ba Teodorico "
"Hmm gising."
"Bukas na yan."
"Kapag hindi ka gumising ay hahalikan kita ."
Agad namang napabangon si Victoria dahil sa sinabi ni Teodorico. Ang kanyang antok ay ka agad na nawala. Matalim na napatingin siya kay Teodorico dahil dito at agad namang napataas ng kilay.
Nakasuot ito ng pormal.
"Magbihis ka at may pupuntahan tayo."
Agad naman siyang nagbihis. Ito ang gusto ni Victoria. Dahil kapag may pupuntahan sila ay palagi siyang may nabibili na iba't ibang bagay.
"Teodorico, na saan ang sasakyan?"
Pero hindi siya sinagot ni Teodorico at naglakad lamang ito. Walang nagawa si Victoria kundi ang sundan ito.
Sa malayo ay natanaw na niya ang mga naggagandahang ilaw at mga pagkain na nakalatag sa picnic blanket?
Anong meron.
Pero nakita niyang papunta doon si Teodorico kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod.
Ano to date?
Agad siyang pinaupo ni Teodorico.
"Victoria, naaalala mo pa ba ang unang araw na nagkita tayo?"
Napalunok si Victoria ng kanyang kinakain.
Hindi niya iyon makakalimutan dahil ito ang araw na marami siyang nagawang kahihiyan kay Teodorico. Hehe papagalitan niya ba ako ngayon?
"Ang pag upo mo sa ulo ko? Ang pagsampal mo sa akin at ang pag tawag sa akin ng rapist?"
"..."
"Naalala mo rin ba kung ilang beses mo ako sinigawan at pinag alala noon?"
"..."
"Sabihin mo , may iba pa bang lalaki na kayang tiisin lahat ng ginagawa mo?"
Napaisip si Victoria sa sinabi ni Teodorico. Mayroon nga ba? Dahil kahit kuya niya ay hindi makatagal sa kanya. Kaya napailing si Victoria.
Dahil sa pag iling ni Victoria ay napangiti si Teodorico.
"Kaya Victoria, will you marry me?"
Ipinakita niya ang singsing kay Victoria. Ito ay napakaganda, ang mga brilyante ay nakapalibot sa itaas at gawa ang 'base' ng singsing sa ginto.
Napaiyak si Victoria.
Oo
"Patawad."
Ibinalik ni Victoria ang singsing kay Teodorico. Mukhang panahon na para sabihin ko ang lahat.
"Teodorico, hindi ito pwede. Gustohin ko man ay hindi pwede. Magkaiba tayo ng panahon, at nararamdaman ko nang anong oras ay maari akong mawala sa mundong ito."
Swoosh
Ang lamig ng gabi ay nakapalibot sa kanila. Ang buwan na tinatakpan ng mga ulap ay lumabas na.
Ito ay naging dahilan ng pag ilaw ng paligid. Bilog na bilog ito at ang laki. Hmm mukhang full moon ngayon.
"Victoria!"
Ang katawan ni Victoria ay unti unti na namang naglalaho.
"Wala akong pakialam kung hindi mo ako papakasalan basta dito ka lang sa tabi ko."
Niyakap ni Teodorico si Victoria ng mahigpit. Napailing ng ulo si Victoria.
"Nararamdaman ko na. Aalis na ako Teodorico."
"Hindi, Ayoko."
Napasandal si Teodorico sa balikat ni Victoria. Umiiyak ito.
Sa ilang buwan na pananatili ni Victoria dito ay hindi niya pa nakikita ng umiyak itong si Teodorico.
"Hehe ang pangit mo palang umiyak, kaya naman pala hindi kita nakikita ng umiiyak eh."
"Hush tahan na."
Dahil sa iyak ni Teodorico ay hindi maiwasan ni Victoria na umiyak rin.
"Tandaan mo, may babaeng darating sa buhay mo at mamahalin mo ito."
"Hindi, Ayoko sa kanya."
"Huwag kang mag aalala , malikimutan mo rin ako balang araw."
Napailing si Teodorico.
"Hinding hindi kita makakalimutan."
"Victoria, Pakiusap, dito ka na lang kasama ko."
Hinawakan ni Victoria ng dalawang kamay niya ang magkabilang pisngi ni Teodorico.
"Tandaan mo , mahal na mahal kita at hinding hindi kita makakalimutan."
Ang buwan ay unti unting naglalaho. Hmmm lunar eclipse pala ngayon.
Ang katawan ni Victoria ay umilaw at unting unti itong nagiging maliliit na ilaw at pumupunta paitaas sa buwan.
Inilapat niya ang kanyang labi sa labi ni Teodorico. Ito ang pinakamatagal nilang halik.
Unting unting naglalaho ang kanyang katawan.
"Mahal kita..."