"Teodorico ito pa."
Turo lang ng turo si Victoria ng mga bagay na kanyang nakikita. Ito ay ipinabibili niya kay Teodorico. Mga ilang buwan na rin siyang nandito at hanggang ngayon ay hindi niya parin nakikita si Leah.
"Leah, kailan ka ba babalik sa inyo?"
Ang tanong ni Teodorico kay Victoria. Ang kanyang akala ay nandito si Victoria sa kanya dahil ito ay umalis sa kanila.
"Eh pake mo ba?"
Napangiti na lamang siya sa sinabi ni Victoria. Sanay na siya sa kilos at pananalita ng babaeng ito. Mukhang hindi na ito maiwala sa kanya.
"Kumusta ka na iha?"
Tanong ng isang ginang kay Victoria.
"Ah maayos naman po ako dito. Kayo po? Dapat ay alagaan niyo po ang inyong katawan."
Halos matawa si Teodorico sa kinikilos ni Victoria ngayon. Kanina ay parang isang bastos na babae siya kung umasta sa kanya, at ngayong kumakausap siya sa isang ginang na to ay parang isang mabait at mahinhin na babae. Totoo nga ang sinasabi nila na ang demonyo ay pwedeng itago ang kanyang sungay at maaaring magbalatkayo bilang isang anghel upang lokohin ang isang tao.
Ngayon ay may nalalaman pang payuko yuko at pamano mano.
" Teodorico, mauna kana at maglilibot libot pa ako dito"
Masayang naglilibot si Victoria sa mga bilihan ng may nakita siyang pamilyar na mukha.
Leah...
Pagtingin niya ulit ay nawala ang babae. Hindi, baka namalik mata lamang siya.
Pero bakit ganon, imbis na masayahan siya ito ay ang kabaliktaran. Lungkot at sakit sa puso ang kanyang nararamdaman. Bakit ba ako hindi masaya?
Ang maisip niya palang si Teodorico na kapiling si Leah ay nasasaktan ang kanyang puso. Na para bang may kung anong nakaipit dito at ang hirap huminga.
Mahal ko na ba siya?
Hindi. Hindi ito maaari. Hindi dito ang kanyang mundo at alam niyang aalis at aalis siya dito.
Hindi, hindi ito pwede. Kailangan kong burahin ang kung ano man ang nasa puso at nararamdaman ko.
At isa lamang ang paraan dito.
Nang makauwi si Victoria sa bahay ni Teodorico ay wala siya doon.
Tama mas mabuti to.
Ang mga katulong ay binati siya pero hindi niya ito pinansin. Nakasentro ang kanyang atensyon sa isang bagay.
Agad agad siyang pumunta sa kanyang kuwarto at nagsimula nang mag impake. Pero sa kalagitnaan nito ay ibinalik niya rin ito. Huwag kayong mag isip nang kung ano. Plano niya na umalis kaya siya nag iimpake pero ibinalik niya ito dahil naaalala niya pala na wala siyang gamit dito, ni isa man lang. Lahat ng ito ay damit ng katulong na ipinahiram sa kanya at mga gamit na ipinabili niya kay Teodorico. Kaya ni isang damit ay hindi niya pwedeng kunin at dalhin.
"Ano ang ginagawa mo?"
Sa pinto, nandoon si Teodorico habang nakasandal habang tinitignan si Victoria na 'nag iimpake'.
"Mr. Teodorico, maraming salamat sa iyong napakabuting puso sa pagpapatira sa akin dito."
Napataas ang kilay ni Teodorico sa kanyang sinabi.
Kailan pa ito natutong maging mabait sa akin at gumamit ng mr. sa harap ko?
"Aalis na po ako dito. Patawad sa abala."
Aalis?
"Sino ang nagsabi na maari kang umalis ng bahay ko?"
"Gusto ko na po umalis."
"At saan ka pupunta?"
"..."
Pumunta si Victoria sa pintuan ng hinarang siya ng kamay ni Teodorico.
"Sinabi ko bang umalis ka?"
"P********a mo naman Teodorico. Diba tinanong mo ako kung kailan ko balak umalis ng bahay mo? Pwes ito na, aalis na ako kaya pwede buang huwag mo na akong pigilan?"
Napangiti si Teodorico. Ito ang totoong Leah, ang lumalaban sa kanya.
"Leah..."
"Hindi ako si Leah."
"Leah man o hindi, ikaw ang mahal ko."
"Tama hindi ako si Leah-anong sabi mo?"
Lumapit si Teodorico sa kanya.
"Hindi mo ba narinig? Ikaw ang mahal ko."
"Pero si Leah-"
"Walang Leah dito."
"Hindi, tandaan mo, si Leah Albino ang iyong magiging asawa."
Napakunot ng noo si Teodorico. Bakit ba ipinipilit niya na si Leah ang mapapangasawa ko?
"Fine, hindi ka aalis ng bahay na ito hanggat hindi ko pa nakikita si Leah."
Mali ka Teodorico, hindi mo matatakasan ang kapalaran...