Download App
10.97% Ang Bahay sa Burol / Chapter 9: Chapter 9 Ang Bagong Kasal

Chapter 9: Chapter 9 Ang Bagong Kasal

Sa kanyang pakikisalamuha kay Pedro at mula nang kanyang alagaan ito hanggang sa maging mabuti ang kalusugan nito, nahulog ang loob ni Caridad sa lalaki. Nakalimutan na niya ang pagpunta sa bayan ng Dapitan at tila mas masaya siyang hinihintay si Pedro sa kanyang pagbabalik mula sa laot. Magkatabi na silang natutulog sa loob ng kubo ngunit hindi pa rin siya ginagalaw ni Pedro. Sobra-sobra ang ibinibigay na paggalang sa kanyang pagkababae ni Pedro at iyon ang hinangaan ni Caridad sa kanya. Lalo lamang nahulog ang loob ng babae sa mangingisda.

"Pedro," tawag ni Caridad habang nakapikit ang mga mata at nakahiga si Pedro sa mga hita nito at hinihimas ni Caridad ang mahabang gintong buhok ni Pedro.

"Hmm?" ungol ni Pedro na parang kontento at masaya siya sa buhay.

"Magigiba na ang kubo. Isang ihip na lang ng hangin at babagsak na ito."

"Hindi ako karpintero, mangingisda ako," seryosong tugon ni Pedro na may panunukso. Nakapikit ang mga nito.

Piningot ni Caridad ang ilong ni Pedro sa inis saka nagsalita: "Alam ko, ano! Pero mawawalan na tayo ng masisilungan sa mga darating na araw, malapit na ang panahon ng tag-ulan."

Napaupo si Pedro at humalakhak. Niyakap niya si Caridad at hinalikan ang pisngi nito. "Binibiro lang kita. Nakakuha na ako ng mga kahoy at nipa at bukas na bukas din ay aayusin ko ang bahay natin."

Parang lumundag ang puso ni Caridad nang sabihin ni Pedro ang salitang 'natin'. Pakiramdam niya na parang isang pares na sila. Hindi magkasintahan, hindi rin naman mag-asawa. Dalawang taong nagmamahalan lamang. Ngunit hindi pa niya kailanman narinig sa mga labi ni Pedro na mahal siya nito. Ni hindi niya rin maikumpisal ang nadarama niya dito.

"Pangako mo iyan." At masayang ninamnam ni Caridad ang mahigpit na yakap ni Pedro sa kanya.

Ilang araw ding inayos ni Pedro mag-isa ang kubo nila ni Caridad. Saka muling pumalaot si Pedro. Marami siyang huli kaya tuwang-tuwa siya sapagkat malaking halaga ang maiuuwi niya mula sa bayan. Nang matapos ang pangangalakal niya ng kanyang mga isda, namili ng mga damit si Pedro para kay Caridad. Tuwang-tuwa ang babae sa pasalubong ni Pedro kaya naman lalo niyang pinasarap ang kanilang hapunan.

"Bukas ay dadalhin kita sa bayan kaya isuot mo ang bago mong baro't saya. Mamamasyal tayo," masayang sabi ni Pedro habang nakahiga sila sa banig. Yakap niya si Caridad. Tumango lamang ang babae at natulog silang may mga ngiti sa labi.

Kinabukasan ay lumuwas sina Pedro at Caridad patungong bayan ng Dapitan. Inilibot niya si Caridad sa mga tindahan, sa mga pasyalan hanggang sa makarating sila sa isang simbahan. Hapon na iyon at katatapos lang ng misa. Lumapit si Pedro sa paring Kastila at nagmano. Sinundan ni Caridad ang ginawa niya.

"Padre Filemon, ipinakikilala ko po sa iyo ang babaeng aking pakakasalan." Inilahad ni Pedro ang kamay patungo kay Caridad. Tiningan si Caridad ng pari at ngumiti ito. Samantalang nanlaki ang mga mata ni Caridad sa narinig mula kay Pedro. Hindi niya inaasahan ito.

"Mahusay kang mamili, Pedro." sabi ng paring mataba at humalakhak ito ng mahina habang tatango-tango ito. "Bueno, nangako ako sa iyong ikakasal ko kayong dalawa ngayon. Dala mo ba ang mga singsing?"

Inilabas ni Pedro ang mga tansong singsing mula sa bulsa ng kanyang pantalon at ipinakita iyon sa pari. Pinapunta sila sa harap ng altar at ipinatawag ng pari ang mga katulong nito sa simbahan, isang babae at isang lalaki upang maging saksi sa simpleng kasalang magaganap. Nang matapos ang kasal nagpasalamat si Pedro at Caridad sa pari at sa dalawang saksi. Magkawahak kamay na lumabas ang bagong kasal sa simbahan.

"Dahil bagong kasal tayo ngayon, saan mo gustong kumain?" tanong ni Pedro kay Caridad. Napaisip si Caridad. Maraming mga kainan na nagluluto ng masasarap na pagkain kaya nalilito siya sa gusto niyang puntahan. Ilang minuto pa ay napagpasyahan niyang kumain ng pansit at lumpia. At sumang-ayon naman si Pedro sa kanya. Natuwa siya sapagkat napakasimple ng kanyang asawa, hindi maluho at matipid.

Nang makauwi sila sa tabing dagat, magtatakipsilim na. Sinindihan ni Pedro ang gasera at inilapag ito sa mesa saka ibinaling ang tingin kay Caridad na tahimik na nakaupo sa banig. Lumapit siya dito at umupo sa tabi ng asawa.

"Masaya ka ba?" tanong ni Pedro habang hinuhubad ang pangtaas na kasuotan at itinira lamang ang sando saka muling hinarap si Caridad.

"Hmm...binigla mo ako. Ngunit napaligaya mo ako sa ginawa mo," sagot ni Caridad na matipid ang ngiti. Pakiwari niya ay umakyat ang lahat ng dugo sa mukha niya sapagkat uminit at namula ang mga pisngi nito.

Nahalata ni Pedro ang pamumula ng mukha ni Caridad kahit sa ilalim ng malamlam na ilaw ng gasera. Napangiti ito at hinawakan ang kamay ng asawa saka dahan-dahang bumaba ang kanyang mukha palapit sa mukha ni Caridad. Napapigil ng hininga si Caridad nang maramdamang masyadong malapit ang mukha ni Pedro sa kanya. Huminto sandali sa paglapit si Pedro at sinipat niya ang mga mata ng asawa saka inilapat ang mga labi niya sa malambot na labi nito. Marahang hinalikan ni Pedro ang mga labi nga asawa saka inalis ang pagkakalapat ng kanilang mga labi.

Saka lamang nakahinga si Caridad nang lumayo na ang mukha ni Pedro sa kanya. Napatawa ng bahagya si Pedro sa inasal ng asawa. Ikamamatay ng asawa niya ang halik sapagkat hindi nito nagawang huminga.

Marahang inalis ni Pedro ang baro't saya ng asawa at itinira lamang ang kanyang kamison na abot tuhod. Biglang tinakpan ni Caridad ang kanyang dibdib habang hinuhubad ni Pedro ang kanyang pantalon. Isang kalsonsiyo ang naiwan sa katawan ng lalaki. Kinuha niya ang kumot sa tabi ng unan at pinahiga si Caridad sa banig saka tinakpan ng kumot. Pinatay ni Pedro ang apoy sa gasera at sinilid niya ang katawan sa loob ng kumot.

Bahagyang nakahiga si Pedro na hinahaplos ang buhok saka ang makinis na mukha ng asawa. Ipinatong niya ang dakong itaas na bahagi ng katawan niya sa asawa at sinimulan niya muling halikan ang asawa sabay hawak sa kanyang nanlalamig na mga kamay. Marahan niyang hinalikan ang noo nito, ang kanyang mga kilay, mata, ilong, mga pisngi patungo sa kanyang tainga, at nanatili sa kanyang mga labi. Nang maramdamang pigil ang hininga ng asawa, ibinaba niya ang kanyang mga labi sa baba nito patungo sa kanyang leeg. Naramdaman na lang ni Pedro na ibinalot na ng asawa ang kanyang mga braso sa baywang nito.


CREATORS' THOUGHTS
Cancer_0711 Cancer_0711

Minabuti kong ikuwento na ang buhay ni Caridad dahil baka hindi na siya muling makikita ni Amihan.

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C9
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login