Download App
47.36% Skinned and Murdered / Chapter 27: Kabanata Lima [3]: Himagsik ng Api

Chapter 27: Kabanata Lima [3]: Himagsik ng Api

PASADO ALAS DOSE NA ng gabi at malamig na ang simoy ng hangin, sa kadiliman ay nanatiling nakakubli si Nevada sa malaking sanga ng kahoy at iniiwasang gumalaw masyado upang 'di magdulot ng malakas na kaluskos o ingay. Habang nanahimik ay binibingi naman siya mga kuliglig mula kung saan, pati na rin ang kabog ng puso niyang kanina pa nasasabik at kinakabahan sa maaaring mangyayari.

"Nevada, status?" tanong ni Steve sa kaniya mula sa malayo sa pamamagitan ng bluetooth headset na nakakabit sa kaniyang tainga.

"Negative," aniya, "Hindi ko pa siya nakikita." at muli siyang napatingin sa tahimik na kalsada sa gitna ng kakahuyan.

"Ayon sa nakalap natin ay alas dose y medya siya umaalis ng bahay upang bisitahin ang nobya niya, bakit parang ang tagal ata?" tanong ni Steve na halatang naiinip na sa tagal.

"May isang naka-motor ang paparating, kukumpirmahin ko muna." Aniya at ginamit ang binoculars ng mahabang armas upang kilalanin ito, "Affirmative, si Pluto na nga Steve."

"Gawin mo na,"

Hangga't may pagkakataon pa ay dali-dali niyang itinutok sa nagmamanehong lalake ang mabigat at may kahabaang armas, sa tulong ng scope nito ay natanaw niya kaagad ang balikat nito na malayang-malaya para sa binabalak niya. Kinasa naman niya kaagad ang baril at isang hila lang gatilyo ay bumulusok palabas ang bala na hindi niya matanaw sa  bilis, sa tulong naman ng silencer na nakakabit sa dulo ng armas ay 'di ito nagdulot ng nakakagambalang ingay.

Sa isang kurap ay kitang-kita niyang bumulagta ang lalake sa sementadong kalsada kasabay ang pagkatumba rin ng motor nito sa unahan, umiiyak ito habang sapo-sapo ang balikat na nagdurugo. Naging hudyat naman ito para kay Steve at dali-dali itong lumabas mula kadiliman ng kakahuyan sa kabilang bahagi ng kalsada, agad naman nitong dinaluhan ang dumadaing na si Pluto at mabilis na tinakpan ang mukha ng panyong may bahid ng chloroform, kung kaya't hindi na ito nakasigaw pa nang mawalan kaagada ng malay-tao. At wala nang pinatagal pa si Steve, bagkus ay binuhat niya ang lalake at mabilis na dinala sa pinagtataguan nitong kadiliman.

"Halika na, Nevada. Kukunin ko pa ang motor niya at baka may dadaan na naman." Pahayag nito kaya agad din siyang bumababa.

"Dalhin natin 'to sa pusod ng gubat kung saan walang makakarinig at makakakita."

▪▪▪

SUMISIGAW ANG LALAKE SA tindi ng sakit na nadarama nang muli niyang hiniwa ang kanang dibdib nito, baon na baon talaga ang dulo patalim at dama niyang natatamaan na nito ang buto niya sa tadyang. Pang-sampung hiwa na itong ginawa niya pero hindi talaga nagsasalita ang lalake, bagkus ay nanatili itong matatag sa kabila ng paghihirap na dinanas nito. Pero pursigido si Nevada, mahaba ang pasensya niya't nakatanim na sa kaniyang isipan na dadahan-dahanin niya ang lalake ngunit papahirapan naman ng lubos hanggang sa ito'y bibigay at isusuko ang mga pangalang kailangan niya.

"Babalikan pa kita," banta niya sa lalake nang makaramdam ng pangangalay sa braso at pananakit sa kamay matapos ang mahigpit na pagkakahawak sa hawakan ng patalim.

Umatras muna siya't tinalikuran ang lalakeng hubo't hubad at nakabiting patiwarik sa ilalim ng puno, dinaluhan naman niya si Steve na nakaupo sa nakausling ugat ng puno habang humihithit ng sigarilyo at saka ito'y tinabihan. Sa katahimikan at kadiliman ng kakahuyan ay naaaninagan niya ang mukha ng lalake sa tulong ng nag-iisang flashlight na nakailaw sa tambak ng mga tuyong dahon, saglit siyang napatitig dito at pinanood kung paano humithit at bumuga ng usok ang lalake.

"Naiinip ka na?" tanong nito sa kaniya.

"Hindi pa naman."

"Buti na lang at hindi ka pa nauubusan ng pasesenya, ang inaasahan ko kasi ay papatayin mo kaagad ang lalake."

"Hindi puwede Steve, kahit gustong-gusto ko na talaga ay hindi maaari. Siya lang ang tulay ko para kilalanin ang matagal ko nang hinahanap na tao, siya lang ang makakahatid sa 'kin sa kanila." Aniya, "Kaya pinaghandaan ko talaga itong ginagawa ko sa kaniya."

Napatango na lang ang lalake at muling humithit, "Bakit siya nakapatiwarik? Mas mahirap ba ang pagtakas para sa kaniya kung gano'n?"

"Hindi. Ayon sa nabasa kong artikulo patungkol sa mga sinaunang pagpaparusa ay itong ginagawa ko sa lalake ang isa sa mga pinakamasakit at kahindik-hindik. Dahil sa nakabiting patiwarik ito ay nakatambak halos lahat ng dugo niya sa kaniyang utak, kaya magkakamalay siya sa lahat ng gagawin ko; basta't hindi ko lang tatamaan ang puso niya, mararamdaman niya talaga ang sakit o hapdi na idudulot ko sa katawan niya."  Malakas niyang paliwanag upang marinig itong binabalak niya kay Pluto, "Hayaan mo, lalagariin ko pa ang katawan niyan hanggang sa magmamakaawa siyang kitilin ko na lang ang buhay niya." Banta niya ulit dito na nakangiti.

Kahit hindi niya gaanong naaaninagan ang mukha Nito ay alam niyang natatakot na ang lalake, naririnig niya sa mga daing at pagsinghap nito habang iniinda ang sakit ng iniwan niyang sugat. Naririnig din niya ang kalansing sa kadenang ginamit upang talian ito kung kaya't alam niyang nagpupumiglas at nilalabanan nito ang higpit ng tali sa magkabilang paa at kamay, pero kampante naman siya na hindi talaga makakawala ang lalake sapagkat siniguro niyang mahigpit ang pagkakapulupot ng kadena sa katawan nito.

"Hayop ka! H'wag kang kampante kang gago ka dahil hindi magtatagal ikaw na naman ang pahihirapan namin!" nangangalaiting sigaw ni Pluto sa kaniya, "Pasalamat ka nga dahil inilibing kita ng buhay bago ka pinatikim ng sarap! Tandaan mo 'pag ako'y nakawala rito didikdikin ko 'yang ulo mo habang gagasahain ka na! Hindi kita titigilan hangga't hindi ka namamatay!" banta ng lalakeng mas lalong nagwala at umaasang sana ay bibigay ang sangang pinagtalian niya.

"Isipin mo muna kung paano ka makakatakas diyan bago ka magbabanta." Natatawang saad ni Steve, "H'wag mong kalimutang ikaw itong nasa bingit ng kamatayan."

"Pero kung magsasalita ka na, kung hindi mo na pagtatakpan yung kapatid mo at ibang kasamahan niya, may tsansang mabubuhay ka pa." alok ni Nevada rito, "Kaso hindi ka nga lang makakalakad." Aniya patungkol sa binti nito at paa na paniguradong paralisado na matapos niyang pagsasaksakin ito kanina.

"Hayop ka! Patayin mo na lang ako! Hindi ko sasabihin sa 'yo ang pangalan niya kahit ano pa ang gawin mo!" panghahamon ng lalake.

"Tignan natin."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C27
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login