~Hating gabi~
"Galing… kay Yvonne?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Lyka kay Jervin habang pinagmamasdan na nito ang sobreng kaniyang hawak, samantalang si Hongganda nama'y saglit na tinignan ang sobreng iniabot sakaniya ng dalagang Bampira at saka naglakad na papalabas ng kwartong kanilang kinaroroonan. Mabilis na ibinaling ng Bampira ang kaniyang atensyon sa umalis nang matandang babae at saka napabuntong hininga na lamang. Agad na napataas ng parehong kilay ang binata dahil sa inasta ng Bampira sakaniyang harapan at naglakad na papalapit rito.
"Alam mo na mahal ni Madam Hong si Lola Beatrice?"
Gulat na tanong ni Jervin kay Lyka habang pinanlalakihan na nito ng mga mata ang Bampira at saka naupo na sa tabi nito. Tumango na lamang ang Bampira bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng binata at akma na sanang bubuksan ang sobre nang biglang hawakan ng binata ang kaniyang kamay, dahilan upang mapatigil siya sa pag bukas nuon.
"Bakit?"
Takang tanong ni Lyka kay Jervin habang tinitignan na nito ang binata nang mayroong pagtataka sakaniyang mukha. Mabilis na inalis ng binata ang kaniyang pagkakahawak sa kamay ng Bampira at saka tinignan na ang kaniyang sobre.
"Kung babasahin mo ung sulat ni Yvonne, sa ibang lugar ka na lang magbasa, wag dito."
Sagot na nit Jervin sa tanong sakaniya ni Lyka habang tinitignan na nito ang Bampira na nakaupo sakaniyang tabi. Tinignan na ng Bampira ang binata sakaniyang tabi mula ulo hanggang paa at saka tumayo na mula sakaniyang kinauupuan habang sinasamaan na nito ng tingin ang binata.
"Un lang naman pala, hahawakan pa kamay ko. Pasalamat ka hindi kita kinagat."
Inis na sabi ni Lyka kay Jervin sabay palit na nito ng anyo bilang paniki at saka lumipad na papalabas ng kwartong kanilang kinaroroonan habang dala-dala nito ang sobreng kaniyang bubuksan na kanina. Tinignan na ng binata ang malamig na bangkay ni Yvonne na nakahiga sa kama at saka hinawakan na ang kamay nito.
"Patawarin mo ako Beatrice kung ika'y aking minahal simula pa noong tayo'y mga dalaga pa lamang."
Paghingi ng tawad ni Hongganda kay Beatrice habang nakaluhod na ito sa harap ng lamesa sa tabi ng kaniyang kama, hawak ang litrato nilang dalawa ng yumaong Lola ni Yvonne at tinitignan na ito gamit ang kaniyang naluluha nang mga mata.
"Patawarin mo rin ako Yvonne sapagkat hindi kita naprotektahan tulad ng ipinangako ko saiyo dati noong nabubuhay pa ang iyong Mama Beatrice."
Paghingi naman ng tawad ni Hongganda kay Yvonne habang ibinababa na ang litratong kaniyang hawak sa lamesa sakaniyang harapan, napaupo na mula sakaniyang pagkakaluhod at tuluyan na itong humikbi.
"Hi Lyka~! Sigurado ako na sa oras na matanggap niyo tong mga sinulat ko ay patay na ako. Sorry kung hindi kita sinabihan kaagad na mamamatay ako. Ayoko kasi na kayo pa ang mamatay para lang maprotektahan niyo lang ako. Kung sinubukan niyo man ung ritual na alam ni Liyan at hindi gumana… wag ninyong pagdudahan si Jervin at ang inyong mga sarili. Alam ko na mahal ninyo ako at mahal na mahal na mahal ko rin kayo. Sadyang minahal ko na rin talaga ang kamatayan dahil sa mga pinag daanan ko sa poder ng sarili kong pamilya. Sana wag na kayong magpaka stress dahil sa pagkamatay ko at saka salamat pala ng maraming maraming marami~! Salamat sa lahat ng mga itinulong mo at ng pamilya mo parehong sakin at kay Mama Beatrice. Kung mabubuhay man ulit ako, sana ikaw pa rin ang maging best friend ko. Sorry sa mga excuses ko sa bandang itaas ng sulat na to, sana maiintindihan mo ako. So… ayun… hindi ko alam kung pano tatapusin ung sulat ko sayo. Marami pa akong gustong isulat sayo kaso nauubusan na ako ng oras at marami pa kayong susulatan ko. Sana maging maayos ka lang at matupad mo ang mga pangarap mo na sinabi mo saakin. Hihintayin ko ung araw na un. I love you and I will miss you. See you in my next life~!"
Sabi ng hologram ni Yvonne na lumabas sa sulat ni Lyka nang buksan niya ito. Noong maglaho na ang hologram ng dalaga ay humikbi na ang dalagang Bampira habang hawak pa rin nito ang sulat ng dalaga sakaniya at nakaupo sa hagdan sa loob ng mansion ni Hongganda.
"P-pano… pano mo… n-nasisikmu-mura ang mga… s-sinabi mo sa… sa sulat mo s-sakin, Yvonne?"
Humihikbing tanong ni Lyka kay Yvonne habang hawak pa rin ang nalulukot nang sulat ng dalaga sakaniya.
"Hello Jervin. Sorry kung nasasaktan kita ngayong wala na ako. At kung sinabi ko man sayo na kalimutan mo na ako… please wag mong sundin un. Ayokong kalimutan mo ako at hindi rin kita kakalimutan. Sana maging masaya kayo kahit wala na ako at wag mong sisihin ang sarili mo kung hindi na ako nabuhay pa ulit. Sinabi na pala sakin ni Tita Aneska na kambal kayo ni Jay kaya sana magka sundo ulit kayong dalawa tulad nung mga bata pa lang tayo. Oo nga pala, kung wala pang nagsasabi sayo kung ano ang tungkulin ng pinaka makapangyarihang wizard or witch, ako nang bahala ang magsabi sayo. Since ikaw ang pinaka makapangyarihang salamangkero sa panahon na to… siguro mga ilang araw, kakausapin ka na ni Tita Rhiannon para italaga kang hari ng community ng mga wizards and witches. Wag mong aabusuhin ung power mo, ha. Wag na wag na wag mong gagayahin sina Paulina, Tazara, at Dalis. It's a big no, no for me. Wag mo rin sanang pagdudahan ang sarili mo. Alam kong kakayanin mo yan kahit wala na ako. At saka… ang dahilan kung bakit hindi gumana sakin ung ritual na ginawa niyo nila Liyan… ano… uhm… pano ko ba to sasabihin… I uhm… I love you. I really do, but… but I love death more than I love you. I'm truly sorry Jervin. Annyeong. Sayonara. Au revoir. Ciao. Antio. Bye… Jervin."
Sabi ng hologram ni Yvonne na lumitaw sa sulat ni Jervin nang buksan na niya ito. Nang maglaho na ang hologram ng dalaga ay tumulo na ang mga luha ng binata at mabilis nang tinignan ang malamig na bangkay ng dalaga na nakahiga sa kama.
"Bakit kailangan mo pang magpa alam ng ganun sakin? Bakit ginawa mong ganun ang pamamaalam mo sakin? Bakit pinareho mo pa sa kung papaano mo sinabi ang 'mahal kita' sa iba't ibang language? Bakit?"
~ Always give help to others who needs it. ~
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!
Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!
~Madaling araw~
"Kuya Josh, kaya mo bang kumbinsihin ung mama mo at ang buong angkan ninyo na umalis sa bahay ng mga Tamayo?"
Mahinang tanong ni Jay kay Josh habang nagtatago sila sa cr ng kwarto ni Yvonne. Hindi kaagad sinagot ng dwende ang tanong sakaniya ng binata sapagkat tinignan muna nito sina Justin, Paolo, Vester at Felip na nakatingin sakaniya.
"Kaya mo bang pilitin ung nanay mo, kuya Josh?"
Nag-aalalang tanong ni Justin kay Josh habang tinitignan pa rin nito ang nakatatandang dwende na nakatayo sa pagitan nila at ni Jay. Napalunok na lamang ang nakatatandang dwende sakanila at dahan-dahan nang hinarap ang binata sakanilang harapan.
"Pipilitin ko. A-ano bang meron? Parang may masama akong kutob dito."
Sabi ni Josh kay Jay habang tinitignan na nito ang binata na nakaupo sakanilang harapan. Napabuntong hininga na lamang ang binata at saka lumapit pa ng kaunti sa limang dwende na nakatayo sakaniyang harapan.
"Alam ko na ilang beses na rin nasabi sainyo ni Yvonne ang mga gusto niya diba?"
Tanong ni Jay sa limang dwende na kaniyang kausap at kaharap habang seryoso na silang tinitigan. Sabay-sabay na nagsitanguan ang limang dwende bilang tugon nila sa tanong sakanila ng binata.
"Ano ba sinabi sayo ni Yvonne na gusto niya? Kasi sakin sabi niya, gusto niya raw tumira sa South Korea pagka tapos niyang grumaduate sa college."
Sabi ni Paolo kay Jay habang palipat-lipat na ang tingin nito sa binata at sa kapwa niyang mga dwende. Agad na tinignan ng apat na dwende ang dwendeng unang sumagot sa tanong ng binata gamit ang kanilang nanlalaking mga mata at mayroon ding bakas ng pagtataka sakanilang mga mukha.
"Seryoso ba? Bat sabi sakin ni Yvonne, gusto raw niya maging author ng libro?"
Takang tanong ni Vester kay Paolo habang tinitignan pa rin nito ang dwendeng sumagot sa tanong sakanila ni Jay. Nagtinginan naman ang apat na dwende sa pangalawa sa pinaka matandang dwende nang mayroon pa ring pagtataka sakanilang mga mukha.
"Di nga? Sabi sakin ni Yvonne gusto niya raw na maging sila ni Jervin ng matagal, e."
Sabi naman ni Felip sakanila habang tinitignan naguguluhan na nitong tinitignan si Vester. Dahan-dahan nang tinignan ng apat na dwende at ni Jay ang pangalawa sa pinaka batang dwende nang mayroong bakas ng pagdududa sakanilang mga mukha.
"Seryoso ka bang sinabi un ni Yvonne sayo?"
Tanong ni Jay kay Felip habang tinitignan pa rin nito ang dwende nang mayroon pa ring pagdududa sakaniyang mukha. Pinanlakihan na ng mga mata ng pangalawa sa pinaka batang dwende ang binata at saka tinignan na ito mula ulo hanggang sa tuhod nito.
"Anong tinitingin-tingin mo dyan? Sinabi nga sakin un ni Yvonne!"
Tugon ni Felip sa tanong sakaniya ni Jay habang pinanlalakihan pa rin nito ng mga mata ang binata. Napabuntong hininga na lamang ang binata at saka napa iling.
"Kung sinabi niya un sayo, bakit ang sinabi niya sakin ay gusto niya na raw mamatay?"
Inis na tanong naman ni Josh kay Felip habang pinanlalakihan na rin nito ng mga mata ang pangalawa sa pinaka batang dwende at naglalakad na ito papalapit sakaniya. Ilang saglit pa ang lumipas ay bigla nang lumaki si Justin, dahilan upang mabilis na mapa takip ng bibig si Jay, habang ang apat na dwende nama'y mabilis na tumakbo papalayo sa pinaka batang dwende na naging kasing laki na ng isang tao.
"Kasama mo si Madam Kimberly?"
Gulat na tanong ni Justin kay Jay habang tinitignan na nito ang binatang nakaupo sa sahig at tinatakpan pa rin ang bibig nito. Agad na umiling ang binata bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng dwendeng kasing laki na niya habang naka tingala na rito. Mabilis na lumapit ang dwendeng lumaki sa pintuan ng cr ng kwarto ni Yvonne at dahan-dahan itong binuksan.
"Jay! Justin! Nasaan na kayo!?"
Pabulong na sigaw ni Kimberly kila Justin at Jay habang nakatayo na ito sa loob ng kwarto ni Yvonne. Agad na binuksan ng dwendeng lumaki ang pintuan at mabilis na nilapitan ang babaeng naroroon sa kwarto ng dalaga. Nanlaki ang mga mata ng apat na dwende at ng binatang nakaupo pa rin sa sahig nang iniwan na sila ng lumaking dwende at dali-dali na ring nagsi labasan sa cr ng kwarto ng dalaga.
"Ate Kim? Anong ginagawa mo rito?"
Takang tanong ni Jay kay Kimberly habang tinitignan na nito ang babaeng kaharap ni Justin.
"Madam Kim! Ano pong ginagawa niyo rito?"
Tanong naman ni Josh kay Kimberly habang tumatakbo pa rin silang apat nila Felip, Paolo at Vester papalapit sa babae at kay Justin. Tinignan na ng babae ang apat na dwendeng tumatakbo papalapit sakanilang tatlo ng dalawang binata at saka naupo na sakaniyang paa.
"Ililigtas ang angkan ninyo bago magsidatingan ang mga Lich para kunin ang laman at balat ng mga Tamayo."
Sagot ni Kimberly sa tanong sakaniya ni Josh habang nakatingin pa rin ito sa apat na dwende at saka inilapat na ang kaniyang dalawang palad sa sahig. Mabilis na nagsi upo ang apat na dwende sa parehong palad ng babae at saka tinulungan naman nila Jay at Justin na tumayo ito.
"Lich? Bakit magdaratingan dito ang mga Lich, Madam Kim?"
Gulat na tanong ni Paolo kay Kimberly habang tinitignan na nito ang babae nang mayroong bakas ng pag-aalala sakaniyang mukha at nakaupo sa palad nito. Inabangan na rin ng tatlo pang dwende ang isasagot ng babae sa itinanong sakaniya ng gitnang dwende.
"Gusto ni Yvonne na mawala na ang buong angkan ng mga Tamayo."
Seryosong sabi ni Justin sa apat na dwende habang tinitignan na ang mga ito. Mabilis na napatingin ang apat na dwende sa lumaking dwende at saka pinanlakihan na nila ito ng mga mata.
"H-hindi totoo yan. H-hindi ganyan ang kilala kong Yvonne."
Sabi ni Vester habang tinitignan pa rin nito si Justin at umiiling-iling na. Nagtinginan lamang sina Josh at Paolo na magka tabing nakaupo sa kaliwang palad ni Kimberly, habang si Felip nama'y napa-isip na lamang.
"Ano ba Vester? Isipin mo nga kung ano-ano ung mga pinag daanan ni Yvonne sa poder ng angkan na to. Pano hindi magiging ganyan si Yvonne kung ganun ang pamilya niya, ha?"
Sabi naman ni Felip kay Vester habang tinitignan na nito ang katabing dwende. Agad na nilingon ng pangalawa sa pinaka matandang dwende ang kaniyang katabing kapwa dwende at saka inilipat na ang kaniyang tingin kay Justin.
"Tsaka na lang natin ito pag-usapan. Kailangan na nating umalis bago pa dumating ang mga Lich."
~ Don’t let the norms of society destroy you, destroy the society’s norms instead. ~
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!
Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!
Paragraph comment
Paragraph comment feature is now on the Web! Move mouse over any paragraph and click the icon to add your comment.
Also, you can always turn it off/on in Settings.
GOT IT