Download App
69.75% Runaway With Me / Chapter 142: Jacqueline's Residence 2

Chapter 142: Jacqueline's Residence 2

~Gabi~

"Naiparating niyo na ba ang plano kila Yvonne at Jervin, Kimberly?"

Tanong ni Jacqueline kay Kimberly habang nakaupo ito sa sofa sa salas ng kaniyang bahay sabay inom nito ng tsaa na kaniyang hawak. Nginitian lamang ng babae ang matandang babae habang nakaupo naman ito sa sofa na katapat ng matandang babae sabay tango bilang tugon sa tanong sakaniya nito.

"Ano naging reaksyon ni Yvonne nung nakita ka niya, Jah?"

Tanong naman ni Josh kay Justin habang nakatayo ito sa coffee table at tinitignan na ang binata na katabi ni Kimberly sa sofa. Mabilis na napatingin ang binata sa dwende sakaniyang harapan at saka nginitian ito.

"Sa sobrang tuwa niya nang makita ako, naiyak siya tsaka… tsaka panay sorry siya ng sorry sakin. Sorry raw kasi iniwan niya tayo…"

Sagot ni Justin sa tanong sakaniya ni Josh nang mayroon pa ring ngiti sakaniyang mga labi habang patuloy pa ring tinitignan ang dwende gamit ng kaniyang naluluha nang mga mata. Sa pag-aalala ni Kimberly ay hindi na niya napigilan pang hindi himasin ang likod ng binata sakaniyang tabi upang pagaanin ang loob nito.

"May gusto ka ba kay Yvonne?"

Tanong bigla ni Jay kay Justin habang nakatayo ito sa likuran ng sofa na inuupuan ni Jacqueline at nakatingin na sa binata sa tabi ni Kimberly. Mabilis na hinarap ni Josh ang binata sa likuran ng matandang babae at tinignan ito gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Napabuntong hininga na lamang ang babae sa tabi ng binata habang ang matandang babae nama'y patuloy lamang sa pag-inom ng kaniyang tsaa at masinsin nang tinitignan ang binata sa tabi ng babae.

"Hindi talaga mapipigilan ang nadarama sa edad na iyan. Hayaan mo, hijo… mawawala rin ang iyong nadarama tungo kay Yvonne paglipas ng panahon."

Sabi ni Jacqueline kay Justin nang hindi nito sinagot ang tanong ni Jay sakaniya sabay inom nang muli nito sakaniyang tsaa. Ipinagpatuloy lamang ni Kimberly ang paghimas nito sa likuran ng binata habang si Josh nama'y nag-aalalang tinignan ang binata sa tabi ng babae.

"Naintindihan naman ba nila Yvonne ang plano?"

Tanong ni Jacqueline kay Kimberly habang nakatingin na ito sa babae at dahan-dahan nang nilagay ang kaniyang tsaa sa coffee table na kinatatayuan ni Josh.

"Naintindihan nila ng maayos."

Sagot ni Kimberly sa tanong sakaniya ni Jacqueline sabay tingin na nito sa matandang babae at naupo na ng maayos sa tabi ng binata. Tumango na lamang ang matandang babae bilang tugon nito sa babae habang si Jay naman ay nakatingin lamang kay Justin at si Josh nama'y patuloy pa ring tinitignan ang binata sa tabi ng babae nang mayroong pag-aalala sakaniyang mukha sabay buntong hininga na nito. Ilang segundo pa ang lumipas ay mayroong phone ang biglang tumunog sa silid na kanilang kinaroroonan.

"Ringtone un ni Yvonne, ah."

Sabi ni Jay nang marinig nito ang tunog ng phone. Mabilis na kinuha ni Josh ang phone ni Yvonne mula sakaniyang bulsa at saka sinagot ang tawag na iyon. Nanlaki ang mga mata ng binata nang masilayan na nasa dwende ang phone ni Yvonne at naaayon lamang sa laki nito ang phone ng dalaga.

"P-pano napunta sayo ung phone ni Yvonne?!"

Gulat na tanong ni Jay kay Josh habang nanlalaki pa rin ang kaniyang mga mata. Biglang hinarap ni Jacqueline ang binata na nakatayo sakaniyang likuran at saka tinapik ang kamay nito na naka patong sa sandalan ng sofa.

"Hello?"

"Kuya Josh."

Tawag ni Yvonne kay Josh mula sa kabilang linya habang nanginginig ang boses nito. Nanahimik ang lahat ng naroroon sa loob ng silid nang marinig ang boses ng dalaga at nakaramdam ng kaba ang lahat.

"B-bakit? A-anong nangyari?"

Nauutal-utal na tanong ni Josh kay Yvonne habang nakatingin lamang ito kay Justin na nakatingin din sakaniya.

"Nag check-in dito kani-kanina lang sila Dalis at Daisy."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Josh habang nanginginig pa rin ang boses nito. Nagpakawala ng malalim na hininga ang dwende nang marinig ang sinabi ng dalaga sakaniya.

"Ano sabi ni Yvonne?"

Tanong ni Justin kay Josh habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dwende na nakatayo sa coffee table. Inabangan na rin ng tatlo ang isasagot ng dwende sa tanong sakaniya ng binata sa tabi ni Kimberly. Biglang napaluhod na lamang ang dwende nang makapasok na sakaniyang isipan ang sinabi sakaniya ni Yvonne.

"Nag check-in daw sila Madam Dalis Sebastian at Daisy Sebastian sa La Vie En Rose Hotel."

Sagot ni Josh sa tanong sakaniya ni Justin habang nakaupo na ito sa coffee table at nakatingin na sa tuhod ng binata sa tabi ni Kimberly. Nagpakawala na rin ng malalim na hininga ang babae nang marinig ang sinabi ng dwende. Kamuntikan namang matumba si Jay mula sakaniyang pagkaka tayo. Si Jacqueline nama'y kinuhang muli ang kaniyang tsaa mula sa coffee table at uminom muli nito, habang si Justin naman ay tuluyan nang naiyak.

"Nasaan ngayon sila Lyka at Jervin?"

Tanong ni Jay kay Yvonne habang nakatingin na ito kay Josh na nakaupo pa rin sa coffee table. Ilang segundo pa ang lumipas ay inilayo na ng dwende ang phone ng dalaga mula sakaniyang tainga at saka pinindot na ang loudspeaker nito.

"May pinabili ako sakanila sa Emporium Union."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jay habang nanginginig pa rin ang kaniyang boses. Agad na napakunot ng noo ang binata na nakatayo sa likuran ni Jacqueline nang marinig ang sinabi ng dalaga.

"Bakit ka nagpa-iwan dyan nang mag-isa!? Alam mo naman pala na malapit na sainyo sila Dalis! Bakit mo pa naisipang magpa-iwan!?"

Galit na tanong ni Jay kay Yvonne habang nakatayo pa rin ito sa likuran ni Jacqueline. Napabuntong hininga na lamang ang matandang babae habang nakapikit na ito. Si Kimberly nama'y ipinatong na lamang ang kaniyang ulo sakaniyang kamay habang nakaramdam na ito ng pagkabigo sa dalaga.

"Wag mong sinisigawan si Yvonne!"

Sigaw naman ni Justin kay Jay habang nakatayo na ito mula sakaniyang pagkakaupo sa tabi ni Kimberly at sinasamaan na ng tingin ang binata sa likuran ni Jacqueline.

"Sino ang nagpahintulot sa inyong dalawa na maaari kayong mag-away sa loob ng aking pamamahay?"

Mahinhing tanong ni Jacqueline kila Jay at Justin habang dahan-dahan na nitong ibinalik ang kaniyang tsaa sa coffee table.

"Paano ko siya hindi sisigawan!? E, ilang hakbang na lang ang lapit sakaniya nila Dalis! Baka kung ano nanaman ang gawin nila sakaniya!"

"Alam ni Yvonne ang kaniyang ginagawa kaya hindi mo na kailangan pang sigawan siya!"

"Ano ba! Kuya Jah! Jay! Kaya nga ako tumawag sainyo para kumuha ng lakas! Ayokong ipakita kila Jervin at Lyka na pinanghihinaan na ako ng loob! Tapos ung maririnig ko lang mga sigawan niyo?! Please lang! May mas malaki pa tayong problema kesa dyan sa pinag-aawayan niyong dalawa!"


CREATORS' THOUGHTS
iboni007 iboni007

~ Changing who you are just to make yourself feel like you belong is absurd. You’ll be hiding in that mask for a long time and it’ll make you forget who you really are. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

I wish I could thank you guys enough for supporting my work 'til the end. I love you all.

Chapter 143: Hongganda's Mansion 10

~Umaga~

"Feri Warsor!"

Sambit ni Jasben habang nakatapat na kay Angela ang kaniyang palad at mayroong mga nag-aapoy na palaso ang lumitaw at lumipad tungo sa dalaga. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang masilayan ang mahigit sampung nag-aapoy na palaso tungo sakaniya at kaagad na iniharang ang kaniyang braso, dahilan upang mayroong malaking yelo ang pumalibot sakaniya. Nang tumama na ang nag-aapoy na mga palaso sa yelong pumalibot sa dalaga'y nagkaroon ng makapal na usok ang pumalibot sa dalaga.

"Pu%$#@$%"

Tanging sabi na lamang ni Jasben nang makita ang makapal na usok na nanggaling kay Angela at mabilis na lumayo saka tinakpan ang kaniyang ilong at bibig. Ilang segundo ang lumipas ay biglang lumabas ang dalaga mula sa makapal na usok nang may hawak ng espada na gawa sa yelo at handa nang atakihin ang kaibigan. Kaagad na nakita ng kaibigan ang dalaga at mabilis na hinanda ang kaniyang kamay upang mahawakan kaagad ang kaniyang papalitawin na espada na nag-aapoy.

"Feri drows!"

Sambit ni Jasben at biglang mayroong espadang nag-aapoy ang biglang lumitaw mula sa hangin at kaagad niyang ginamit iyon panlaban sa espadang gawa sa yelo ni Angela. Nang magtama na sa isa't isa ang dalawang espada'y nagkaroon nanaman ng usok sakanilang kapaligiran, dahilan upang takpan nanamang muli ng dalaga ang kaniyang ilong at bibig. Mula sa di kalayuan ay biglang ikinumpas ni Madam Hongganda ang kaniyang kamay habang nakatingin sa dalaga, dahilan upang magkaroon na ng panakip sa ilong at bibig ang dalaga.

"Sino naglagay niyan?"

Tanong ni Angela kay Jasben habang tinitignan na nito ang kaibigan at patuloy pa rin nilang nila labanan ang isa't isa.

"Hindi ko alam."

Simpleng sagot ni Jasben sa tanong sakaniya ni Angela habang patuloy pa rin silang naglalaban gamit ang kanilang nag-aapoy at gawa sa yelong espada.

"Ngayon lamang ako naka saksi ng mga ordinaryo na mabilis matuto pagdating sa mahika."

Kumento ni Madam Hongganda habang pinapanuod lamang niya ang dalawang dalaga mula sa loob ng kaniyang mansion at nakatayo sa tapat ng bintana. Kaagad na nanlaki ang mga mata ni Ceejay nang marinig ang sinabi ng matandang babae sakaniyang tabi.

"Seryoso po ba yan Madam Hong!?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Ceejay kay Madam Hongganda habang nakatingin na ito sa matandang babae sakaniyang tabi. Ngumiti ang matandang babae at saka nilingon na ang dalaga na nakatayo sakaniyang tabi.

"Sa tingin mo ba ay magsi sinungaling ako sa tanda kong ito?"

Natatawang tanong pabalik ni Madam Hongganda kay Ceejay sabay balik nang muli ng kaniyang tingin sa dalawang dalaga na patuloy pa ring nagsa sanay mula sa di kalayuan.

"Oh!? Kung hindi ka po nagsi sinungaling, bat bigla ka pong iniwas ung tingin mo sakin!?"

Tanong muli ni Ceejay kay Madam Hongganda sabay turo na nito sa matandang babae habang pinanlalakihan na niya ito ng mga mata. Natawa nanamang muli ang matandang babae dahil sa dalaga habang patuloy pa rin ito sa panunuod sa pagsasanay ng dalawang dalaga.

"Madam Hong! Meron po tayong malaking problema!"

Sigaw ni Liyan kay Madam Hongganda mula sa di kalayuan habang mabilis na itong tumatakbo patungo sa kinaroroonan ng matandang babae at ni Ceejay. Mabilis na napatingin ang matandang babae at ang katabi nito sa dalagang patuloy pa rin ang pagtakbo tungo sakanila. Nagdikit ang kilay ng matandang babae nang unti-unti nang masilayan ang mag-aalalang mukha ng dalaga.

"Mayroon bang masamang nangyari, hija?"

Tanong ni Madam Hongganda kay Liyan habang tinitignan na niya ito nang mayroong pag-aalala sakaniyang mukha. Inabangan na lamang ni Ceejay ang isasagot ng dalaga sa tanong ng matanda rito, habang sina Angela at Jasben ay patuloy pa ring naglalaban mula sa di kalayuan. Nang makarating na ang dalaga sa tapat ng bintana na kinaroroonan ng matandang babae at ng kasama nito ay agad niya munang hinabol ang kaniyang hininga.

"Si… Dalis…"

Pagsisimula ni Liyan sakaniyang isasagot sa tanong sakaniya ni Madam Hongganda habang patuloy pa rin nitong hinahabol ang kaniyang hininga at nakahawak na sa pader ng mansion. Mabilis na umalis si Ceejay sa tabi ng matandang babae at nagtungo sa kusina upang kuhanan ang dalaga ng isang baso ng tubig.

"Maghintay ka na muna riyan, hija. Kumukuha na si Ceejay ng iyong maiinom."

Sabi ni Madam Hongganda kay Liyan sabay tingin na nito sa direksyon na pinatunguhan ni Ceejay at balik nang muli ng kaniyang tingin sa dalaga sa labas ng kaniyang mansion. Mula sa di kalayuan ay nakahiga na si Angela sa makulay na damo at hindi na nito hawak ang kaniyang espada na gawa sa yelo, habang si Jasben naman ay itinapat na ang kaniyang nag-aapoy na espada sa kaibigan na nakahiga.

"Bat ganon!? Mas matagal akong nag practice kesa sayo tapos natalo mo ako! Nasan ang hustisya run?!"

Pagrereklamo ni Angela kay Jasben habang nakahiga pa rin ito sa makulay na damo at sinasamaan na ng tingin ang dalaga sakaniyang tabi. Natawa na lamang ang dalaga dahil sa sinabi ng kaniyang kaibigan, pinag laho ang kaniyang nag-aapoy na espada at saka iniabot na ang kaniyang kamay upang tulungan ang kaniyang kaibigan na tumayo mula sa pagkakahiga nito sa damo.

"Oh? Diba si Liyan un?"

Tanong ni Angela kay Jasben nang makatayo na ito at nang masilayan kaagad si Liyan sa tapat ng bintana na kinaroroonan nila Ceejay at Madam Hongganda. Mabilis na lumingon ang dalaga sa kinaroroonan ng matandang babae at ng kaniyang kaibigan.

"Oo nga, noh. Tara, puntahan na natin sila."

Pag-aaya ni Jasben kay Angela habang hawak pa rin nito ang kamay ng kaibigan. Agad namang sumunod ang kaibigan sa dalaga habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalagang nakatayo roon sa bintana ng mansion ni Madam Hongganda.

"Nag check-in sila Dalis at Daisy sa La Vie En Rose Hotel."

Sagot na ni Liyan sa tanong sakaniya ni Madam Hongganda matapos niyang uminom ng tubig na ibinigay sakaniya ni Ceejay. Nanlaki ang mga mata ng matandang babae nang marinig ang sinabi ng dalaga sakanila. Ang dalaga nama'y nagdikit na ang kilay dahil wala itong kalam-alam sa pinag-uusapan ngayon ng dalawa.

"T-tama ba ang aking narinig mula saiyo, Liyan hija?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Madan Hongganda kay Liyan habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Tumango na lamang ang dalaga bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng matandang babae. Nagpakawala ng malalim na hininga ang matandang babae at kamuntikan nang matumba mula sakaniyang kinatatayuan. Mabuti na lamang ay agad na inalalayan ito ni Ceejay at pinahawak na ang matandang babae sa bintana.

"Hindi maaari…"


CREATORS' THOUGHTS
iboni007 iboni007

~ Madness is what it takes to create incredible things. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

I wish I could thank you guys enough for supporting my work 'til the end. I love you all.

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C142
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank 200+ Power Ranking
Stone 0 Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login

tip Paragraph comment

Paragraph comment feature is now on the Web! Move mouse over any paragraph and click the icon to add your comment.

Also, you can always turn it off/on in Settings.

GOT IT