~Gabi~
"Yvonne… hindi ako ang Tita mo."
Sabi ng Tita ni Yvonne sakaniya nang matapos na ito sa pag gamot ng mga sugat at pasa ng dalaga sa katawan nito. Nagdikit ang kilay ng limang dwende at ng dalaga nang marinig ang sinabi ng Tita ng dalaga sakaniya kaya't nagkatinginan sa isa't isa ang anim at saka tinignan na ang Tita ng dalaga na katabi nito.
"Panong hindi ikaw ang Tita ko?"
Takang tanong ni Yvonne sakaniyang Tita habang nakatingin pa rin ito sakaniya. Napabuntong hininga na lamang ang Tita nito at saka yumuko, makalipas ng ilang segundo ay unti-unti nang nagbabago ang buhok at damit ng Tita ng dalaga. Mabilis na tumayo ang dalaga at saka lumayo sakaniyang Tita habang unti-unti na ito nagbabago ng anyo.
"Nagagalit na nga ako guguluhin pa isip ko!? Baka hindi ikaw ang totoong Josh?! O Justin! O Vester! O Paolo! O baka maski ako?! Argh! Sino ang sino?!"
Sigaw ni Felip sa apat na dwende habang nakahawak na ito sakaniyang ulo at pinanlalakihan ng mga mata ang Tita ni Yvonne na nag palit na ng anyo.
"K-kumalma ka ng-nga, Felip."
Pautal-utal na saway ni Paolo kay Felip habang nakatingin na sa babaeng nakaupo sa kama ni Yvonne. Tinignan na ng babae ang mga dwende, tinignan ang dalaga, tumayo at naglakad na papalapit dito.
"Kailangan mo nang umalis dito sa pamamahay na 'to at puntahan mo na si Jervin. Protektahan niyo ang isa't isa kahit san man kayo magpunta."
Sabi ng babae nang makatayo na ito sa harapan ni Yvonne habang seryoso na nitong tinitignan ang dalaga. Tinignan ng mabuti ng dalaga ang babae sakaniyang harapan at saka nanlaki ang mga mata nito nang mapagtanto kung sino ang nasakaniyang harapan.
"Kimberly Poblete…"
Banggit ni Yvonne sa pangalan ng babaeng nasakaniyang harapan na nagngangalang Kimberly. Nanlaki na rin ang mga mata ng mga dwende at saka nagtinginan sa isa't isa.
"Tsaka ko na ipapaliwanag ang lahat, pero sa ngayon ay kailangan mo munang makaalis sa lugar na 'to. Sana pagkatiwalaan ninyo ako ni Jervin pag nagkitang muli tayo sa hinaharap."
Sabi ni Kimberly kay Yvonne sabay hawak na nito sa pulso ng dalaga at saka hinila na ito patungo sa tapat ng pintuan ng cr ng kwarto nito. Malumanay na binitawan ng babae ang pulso ng dalaga at saka nginitian ito.
"Mag-iingat kayo palagi ni Jervin."
Nakangiting pamamaalam ni Kimberly kay Yvonne habang naluluha na ito. Tumango lamang ang dalaga bilang tugon nito sa babae at saka ibinaling na ang kaniyang tingin sa mga dwende na nakatayo na sa tabi ng babae.
"Alagaan mo ung kalusugan mo, ha. Mahina pa naman immune system mo."
Sabi ni Paolo kay Yvonne habang nakangiti ito sa dalaga at patuloy pa rin sakaniyang pag-iyak. Naupo na sa lapag ang dalaga at saka tumango sa gitnang dwende habang nginingitian ito.
"Mag-iingat ka Yvonne, ha. Babantayan ka pa namin sa future."
Nakangiting sabi naman ni Vester kay Yvonne habang tumutulo pa rin ang mga luha nito. Nginitian lamang pabalik ng dalaga ang pangalawa sa nakatatandang dwende habang nakatingin dito.
"Kapag may nanakit nanaman sayo sabihin mo sakin! Susugurin ko agad ang sinumang manakit sayo!"
Inis na sigaw ni Felip kay Yvonne habang sinasapak nito ang hangin. Natawa lamang sina Kimberly, Vester, Paolo at ang dalaga dahil sa sinabi at inasta ng pangalawa na nakababatang dwende, kaya't natawa na rin ito ng bahagya sakaniyang sarili nang marinig ang kanilang tawa habang tumutulo pa rin ang kaniyang mga luha sa mata.
"Wag kang gagawa ng mga kung anu-anong kalokohang, ha. Pasaway ka pa namang bata ka."
Naiiyak na sabi ni Josh kay Yvonne habang naka cross arms na ito at saka nakabusangot. Natawa lamang ang dalaga sa inasta ng nakatatandang dwende sakanilang harapan.
"Yvonne…"
Naiiyak na tawag ni Justin kay Yvonne habang naglalakad na ito papalapit sa dalaga. Ngumiti ang dalaga sa nakababatang dwende at saka inilapat ang kaniyang palad sa sahig upang upuan ng nakababatang dwende.
"Kapag naging kasing laki na ako ng tao hahanapin kita at poprotektahan kita. Gagawin ko ang lahat para lang hindi ka na masaktan ulit."
Umiiyak na sabi ni Justin kay Yvonne habang nakaupo pa rin ito sa palad ng dalaga at malapit na ito sa mukha nito. Nagdikit ang kilay ng dalaga sa sinabi ng nakababatang dwende at kaagad na Tiningala si Kimberly.
"Wala nang imposible sa panahong ito."
Nakangiting sabi ni Kimberly kay Yvonne kaya't mabilis na lumingon sa babae ang limang dwende habang nanlalaki ang mga mata nito. Bahagyang nagulantang ang babae nang magsi tinginan sakaniya ang mga dwende kaya't tinignan na lang niya ang dalaga sabay lunok.
"Malapit na mag alas siyete. Umalis ka na hanggat maaga pa."
Sabi ni Kimberly kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Dahan-dahang inilapag ng dalaga ang kaniyang palad upang makababa na si Justin mula roon.
"Mamimiss ko kayo."
Sabi ni Yvonne sa limang dwende sabay tayo na mula sakaniyang pagkakaupo sa lapag, hinawakan na ang doorknob ng pintuan ng kaniyang cr, binuksan na ito at saka pumasok na.
"Letivate."
Sambit ni Yvonne nang maisara na niya ang pintuan at saka lumutang na siya. Lumipad na ito patungo sa bintana ng kwarto ni Jervin at nasilayan ito na naglalakad ng pabalik-balik sa loob ng kwarto nito.
"Argh! Ba't ba kasi hindi ko alam kung san ung bahay ni Yvonne?! Nakapunta lang ako dati sa bahay niya dahil sa tulong ni Madam Hong!"
Sabi ni Jervin sakaniyang sarili habang patuloy pa rin ito sakaniyang paglalakad ng pabalik-balik at nakahawak na sakaniyang beywang at ulo.
"Ginagawa neto?"
Takang tanong ni Yvonne sakaniyang sarili habang patuloy pa rin nitong pinapanuod ang binata sa kwarto nito.
"Ano ba yan! Pano ba ako makakapunta sa bahay nun?! Natataranta na ako! Baka kung ano na nangyari sakaniya! Argh! Nakakairita!"
Inis na sigaw ni Jervin nang tumigil na itong maglakad. Napaluhod na lamang ito sa lapag habang nakayuko.
"Nangyayari dun?"
Takang tanong muli ni Yvonne sakaniyang sarili habang patuloy pa rin ito sa panunuod sa binata.
"Sana okay ka lang, Yvonne… ayokong may masamang mangyari nanaman sayo."
Sabi ni Jervin sa ere habang nakayuko pa rin ito at nagsimula nang umiyak. Lumapit na si Yvonne sa bintana ng kwarto ng binata at saka naghanap ng bagay na pepwedeng ibato roon. Nang walang mahanap na bagay ay napabuntong hininga ang dalaga at saka ngumiti.
"Ganun ba talaga ako kahalaga sayo?"
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.
Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.
"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!
Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!
~Gabi~
"Ganun ba talaga ako kahalaga sayo?"
Nakangiting tanong ni Yvonne kay Jervin habang naka pangalumbaba na ito sa bintana ng kwarto ng binata. Mabilis na nilingon ng binata ang dalaga sa bintana nito, tinignan ito habang nanlalaki ang kaniyang mga mata at saka mabilis na napatayo ito mula sakaniyang pagkakaluhod sa lapag.
"Diba sinabihan na kita dati na wag mong sanayin ang sarili mo ng ganyan?! Nakakagulat ka, e!"
Sabi ni Jervin kay Yvonne habang pinupunasan na nito ang kaniyang mga luha. Natawa na lamang ng bahagya ang dalaga sa inasta ng binata sakaniyang harapan at saka umayos na ito ng tindig sa hangin habang tinitignan na nito ang binata sa bintana ng kwarto nito.
"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Gusto mo bang sumama sa paglayas ko ngayon?"
Tanong ni Yvonne kay Jervin nang nakangiti habang nakatayo sa tapat ng bintana ng kwarto nito. Nilapitan na ng binata ang dalaga, tinignan ito nang mabuti mula ulo hanggang paa at saka tinignan nang muli ito sakaniyang mga mata.
"Sigurado ka bang lalayas ka?"
Tanong ni Jervin pabalik kay Yvonne ng may halong pagtataka sa kanyang mukha habang pinagmamasdan ng mabuti ang dalaga na walang dalang kahit na anong gamit. Napa nguso ang dalaga sa itinanong sakaniya ng binata, tinignan ang kaniyang sarili at saka ibinalik nang muli ang kaniyang tingin sa binata.
"Bakit? Kasi wala akong dalang gamit?"
Tanong pabalik ni Yvonne kay Jervin habang nakangiti pa rin sabay pameywang. Napa cross arms naman ang binata habang tinitignan pa rin nito ang dalaga.
"Diba kapag maglalayas ka dapat may dala kang mga damit at pera at pagkain at kung anu-ano pang kailangan?"
Tanong nanaman pabalik ni Jervin kay Yvonne sabay kamot ng ulo niya at hawak na sakaniyang beywang. Sinamaan naman ng tingin ng dalaga ang binata at saka iniwas na ang kaniyang tingin nito.
"Bibigyan mo lang ng pabigat sarili mo, e. Halika na kung sasama ka. Baka magising pa pamilya mo, e."
Sagot ni Yvonne sa tanong ni Jervin sabay simangot at lakad na papalayo sa bintana ng kwarto ng binata habang lumulutang pa rin ito. Nataranta bigla ang binata habang papalayo na ng papalayo ang dalaga sa bintana ng kaniyang kwarto.
"Hintayin mo ko!"
Sigaw ni Jervin kay Yvonne nang makatalon siya palabas sa bintana. Agad na lumingon ang dalaga sa binata habang nanlalaki ang mga mata nito. Bago pa man bumagsak ang binata sa isa sa mga bubong ng katabing bahay ay mayroon itong sinambit kaya't lumulutang na rin ito katulad ng dalaga.
"Sira ulo ka ba!? Bakit ka sumigaw!? Gusto mo bang marinig ka ng pamilya mo?! Bilisan mo hanggat hindi pa sila pumupunta sa kwarto mo!"
Natatarantang sabi ni Yvonne kay Jervin habang tinitignan niya ang pinanggalingan nito. Agad na hinawakan ng dalaga ang braso ng binata at sabay silang tumakbo ng matulin sa ere hanggang sa nakahanap na sila ng malaking espasyo kung saan sila pepwedeng lumapag. Maya-maya ay tumigil na sila sa pagtakbo at nagpahinga sa ilalim ng tulay.
"Mag… aalas… siyete pa lang! Maaga pa… para… matulog sila!"
Sabi ni Jervin kay Yvonne habang hinahabol na nito ang kaniyang hininga at pinanlilisikan ng tingin ang dalaga.
"Tsk. Malay… ko ba… kung… ano oras… kayo natutulog."
Tugon naman ni Yvonne sa sinabi sakaniya ni Jervin habang nakasimangot rito at hinahabol din ang kaniyang hininga.
"San ba tayo… pupunta? Bakit… hindi mo man lang… ako… pinag impake?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang hinahabol pa rin ang kaniyang hininga at nakahawak na sa pareho niyang tuhod. Hindi pinansin ng dalaga ang itinanong sakaniya ng binata at naglakad na lamang ito papunta sa gitna ng ilalim ng tulay habang nakatingin lang siya sa binata.
"Halika rito."
Sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakangiti at saka iniabot nito ang kaniyang mga kamay para hawakan ng binata.
"Hahawakan ko talaga kamay mo?"
Nag-aalangang tanong ni Jervin kay Yvonne. Tumango lamang ang dalaga habang nakangiti pa rin ito bilang tugon sa tanong sakaniya ng binata.
"Pumikit ka."
Sabi ni Yvonne kay Jervin. Sinunod naman ng binata ang sinabi ng dalaga at saka pumikit na.
"Tapos maglalakad tayo papunta sa tubig habang nakapikit ang mga mata nang magkahawak ang mga kamay at magkaharap."
Dagdag pa ni Yvonne sakaniyang sinabi kay Jervin habang nakangiti pa rin ito. Biglang napamulat ng mga mata ang binata dahil sakaniyang gulat nang marinig ang sinabi ng dalaga sakaniya.
"Gusto kong takasan ang mga problema ko, pero ayokong magpakamatay! Nasa matinong pag-iisip pa ako!"
Sigaw ni Jervin kay Yvonne. Napa busangot na lamang ang dalaga at huminga ng malamim para pakalmahin ang sarili bago kausapin muli ang binata.
"Hindi tayo magpapakamatay, okay? Wag kang mag-over react dyan. Magtiwala ka lang sakin at magiging maayos ang lahat."
Sabi ni Yvonne kay Jervin habang tinitignan niya ito sa mga mata. Huminga ng malamin ang binata at saka pumikit nang muli. Pumikit na rin ang dalaga at nagsimula na silang humakbang patagilid habang magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay patungo sa tubig. Noong naramdaman na nila na wala na silang maaapakan pa ay huminto na silang dalawa sa paghakbang.
"Pagbilang ko ng tatlo… sabay tayong tatalon papunta sa tubig, ha."
Sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakapikit at hawak pa rin ang mga kamay ng binata. Napalunok ang binata dahil sa kaba na kaniyang nararamdaman.
"Magkahawak pa rin ba tayo at nakapikit kapag tatalon na?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakapikit at hawak pa rin ang mga kamay ng dalaga. Iminulat ng dalaga ang kaniyang kanang mata at saka tinignan ang kabadong binata sakaniyang harapan.
"Oo."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin. Napahinga ng malalim ang binata dahil sa kaba, samantalang ang dalaga nama'y tahimik na natawa sa reaksyon ng binata at saka pumikit nang muli.
"Isa."
"Pano ba ako napunta sa gulong 'to?"
"Dalawa."
"Ba't ba naging ganto buhay ko?"
"Tatlo."
"Yvonne!"
Banggit ni Jervin sa pangalan ni Yvonne nang tumalon na silang pareho sa tubig habang nakapikit at magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay. Nang lumipas ang isang minuto ay unti-unti nang nakakarinig ang binata ng mga boses, kaya't dahan-dahan nitong iminulat ang kaniyang mga mata at nasilayan ang iba't ibang nilalang na nakiki salamuha sa isa't isa sa pamilihan na kanilang kinaroroonan.
"Hulaan mo kung nasan tayo ngayon~"
Sabik na sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakangiti ito ng malaki sa binata at saka tumatalon ito ng bahagya dahil sa saya na nadarama nito. Inikot ng binata ang kaniyang paningin at saka ibinalik muli ito sa dalaga.
"Hindi ko alam."
"Welcome to… Emporium Union in Toronto, Canada~!"
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.
Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.
"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!
Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!
Paragraph comment
Paragraph comment feature is now on the Web! Move mouse over any paragraph and click the icon to add your comment.
Also, you can always turn it off/on in Settings.
GOT IT