Download App
37.07% Runaway With Me / Chapter 75: Dionisio's Mini Grocery 9

Chapter 75: Dionisio's Mini Grocery 9

~Tanghali~

"Kimberly Poblete? Wala akong kilalang may ganung pangalan, e."

Sagot ng ina ni Anna kay Yvonne habang umiiling ito nang nakatingin sa dalaga. Tumango lamang ito bilang tugon sa ina ng kaibigan. Habang nakatayo lamang ang dalawa sa loob ng opisina ng mini grocery ng mga Dionisio nang magkaharap ay bigla nang lumitaw si Jervin habang tumatakbo na ito patungo sa opisina.

"Jervin."

Tawag ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin na ito sa binata na nakatayo na sakaniyang harapan nang hinihingal.

"Anong nangyari sayo? Ba't ka hinihingal?"

Tanong ni Yvonne kay Jervin habang patuloy lamang nitong pinagmamasdan ang binata sakaniyang harapan, ngunit hindi nagsalita ang binata, sapagkat ay bigla niyang niyakap ang dalaga. Bahagyang nagulantang ang dalaga sa ginawa sakaniya ng binata, ngunit hindi nagtagal ay niyakap na rin nito pabalik ang binata at saka ngumiti.

"Wag mo nang uulitin un."

Sabi ni Jervin kay Yvonne sabay higpit nito ng kaniyang pagkakayakap sa dalaga. Ilang saglit pa ay dumating na rin sila Anna at Hendric sa mini grocery at nasilayan ang yakapan ng binata at ng dalaga.

"Hindi ko masisiguro un."

Tugon ni Yvonne kay Jervin sabay kawala na mula sakanilang pagkakayakap. Takang tinignan ng binata ang dalaga gamit ang kaniyang namumulang mga mata habang hawak na nito ang magkabilang balikat ng dalaga.

"Anong ibig mong sabihin?"

Naguguluhang tanong ni Jervin kay Yvonne habang hawak pa rin nito ang magkabilang balikat ng dalaga. Nginitian lamang ng dalaga ang binata at saka tinignan na ang kanilang mga kaibigan na papalapit na sakanilang dalawa.

"Wag ka na kasi bigla-biglang mawawala bunso~ Hindi natin alam kung ano-ano pa ang mga gagawin nito pag nawala ka nanaman."

Nakangiting sabi ni Hendric kay Yvonne habang nakatingin ito sa dalaga at nakaturo ang daliri nito kay Jervin. Inalis na ng binata ang kaniyang pagkakahawak sa magkabilang balikat ng dalaga at saka sinamaan ng tingin ang kaibigan. Pinalo lamang ni Anna ang braso ng kaibigan na nakatayo sakaniyang tabi habang nakatingin kay Jervin at kinakabahan.

"Aray! Para san naman un?!"

Reklamo ni Hendric kay Anna sabay tingin nito ng masama sa kaibigan sakaniyang tabi habang hinihimas na nito ang kaniyang braso na pinalo ng kaibigan. Inosenteng tinignan ni Yvonne ang dalawang kaibigan sapagkat wala itong kalam-alam sa nangyayari.

"Hindi ka ba kinakabahan sa tingin sayo ni Jervin?"

Kinakabahang tanong ni Anna kay Hendric habang hindi pa rin nito inaalis ang kaniyang tingin kay Jervin. Ang masamang tingin ng kaibigan ay nalipat na sa binata sakanilang harapan at agad namang iniwas nito ang kaniyang tingin sa binata nang magkasalubong ang kanilang tingin.

"Ba't hindi mo agad sinabi sakin?"

Mahinang tanong ni Hendric kay Anna habang nakatingin nang muli ito sa kaibigan sakaniyang tabi. Hindi pa rin inaalis ng kaibigan ang tingin nito sa binata habang unti-unti nang tumutulo ang kaniyang pawis dahil sa kaba.

"Anong meron?"

Walang kalam-alam na tanong ni Yvonne kila Jervin, Hendric at Anna sabay hawak nito sa braso ng binata kaya't naalis na ang masamang tingin nito sa kaibigang lalaki.

"Pasalamat ka kasama natin ngayon si Yvonne. Hindi na siya nakatingin ng masama sayo."

Bulong ni Anna kay Hendric habang pinupunasan na nito ang kaniyang pawis. Nagpakawala na ng malalim na hininga ang kaibigan nang marinig ang sinabi sakaniya.

"Nakakatuwa naman kayong panuorin na apat. Naaalala ko tuloy ung kabataan ko sainyo."

Nakangiting sabi ng ina ni Anna habang tinitignan nito ang kaniyang anak pati na rin ang mga kaibigan nito.

"Bea, ilibre mo nga 'tong mga kaibigan mo ng tanghalian."

Nakangiting sabi ng ina ni Anna sakaniyang anak sabay lakad na nito patungo sakaniyang lamesa. Biglang nanlaki ang mga mata ng kaibigan dahil sa narinig mula sakaniyang ina.

"Pera ko?!"

Gulat na tanong ni Anna sakaniyang ina habang tinuturo nito ang kaniyang sarili. Natawa na lamang si Hendric dahil sa naging reaksyon ng kaibigan sabay layo na nito roon habang patuloy pa rin ito sakaniyang pagtawa.

"Pera ko. Yan ba gusto mong marinig?"

Sabi ng ina ni Anna habang may hawak na itong dalawang sobre at pera at naglalakad na ito papalapit kila Yvonne at Jervin.

"Ito na pala ung mga sweldo niyo."

Nakangiting sabi ng ina ni Anna kila Jervin at Yvonne habang iniaabot na nito ang dalawang sobre sa binata at dalaga.

"Salamat po, Tita~!"

Masayang pasasalamat ni Yvonne sa ina ni Anna sabay kuha na ng sobre mula rito. Nakangiting kinuha na rin ni Jervin ang sobre mula sa ina ng kaibigan.

"San niyo gustong kumain?"

Nakangiting tanong ni Anna kila Yvonne at Jervin habang naglalakad na papalapit sakaniyang ina upang kunin ang pera nito.

"Sa Hamburger Queen~!"

Sabik na sagot ni Hendric sa tanong ni Anna kila Jervin at Yvonne. Mabilis itong nilingon ng kaibigan pagka kuha ng pera mula sakaniyang ina at saka sinamaan ito ng tingin.

"Sino may sabing kasama ka?"

Mataray na tanong ni Anna kay Hendric habang patuloy pa rin nitong tinitignan ng masama ang kaibigan. Agad na pinanlakihan ng mga mata ng kaibigan si Anna, samantalang sina Yvonne at Jervin naman ay tahimik na tumatawa sa gilid.

"Si Tita."

Sagot ni Hendric sa tanong sakaniya ni Anna sabay tingin na nito sa ina ng kaibigan. Tinignan na rin ng kaibigan ang kaniyang ina at nasilayan itong tumango habang nakangiti.

"Seryoso ba?"

Pareklamong tanong ni Anna sakaniyang ina sabay lupaypay sa harapan nito. Nakangiting tumangong muli ang ina nito bilang tugon rito. Napabuntong hininga na lamang ito, samantalang si Hendric naman ay abot langit na ang ngiti nito.

"Gusto niyo rin ba sa Hamburger Queen?"

Tanong ni Anna kila Jervin at Yvonne habang nakasimangot at naka lupaypay pa rin ito. Nagtinginan sa isa't isa ang binata at ang dalaga at saka ngumiti na sa kaibigan na nakatayo sakanilang harapan.

"Tara na sa Hamburger Queen."

Matamlay na sabi ni Anna sabay lakad na papalabas ng opisina ng kaniyang ina. Masayang tinignan nila Yvonne at Jervin ang ina ng kaibigan at saka tumango rito upang magpa salamat muli. Tumango rin pabalik ang babae sa dalawa habang nakangiti.

"Pagpalitin niyo muna ng damit sila Yvonne at Jervin."

Sabi ng ina ni Anna sakaniyang anak at kay Hendric na tuloy-tuloy na sakanilang paglalakad papalabas ng mini grocery. Mabilis na nilingon ng dalawang kaibigan sina Yvonne at Jervin at doon lamang napansin na hindi pa pala Nakakapagpalit ng mga damit ang dalawa.

"Bilisan niyo na! Lalu ka na Bunso! Ambagal mo pa naman kumilos!"


CREATORS' THOUGHTS
iboni007 iboni007

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

Chapter 76: Tamayo's Residence 7

~Umaga~

"Sigurado ka bang kaya natin 'to, Dal?"

"Kaya natin yan! Magka kasama naman tayo, e."

"Walang iwanan?"

"Walang iwanan. Kaya… maghanap na tayo ng Boogeyman!"

"Akala ko ba Trolls hahanapin natin?"

"Trolls? Sabi sakin ni Kim mga Tokoloshe raw hahanapin natin."

"Bahala na kung ano makita natin! Ang mahalaga ay mapatunayan natin sa ibang mga salamangkero't mangkukulam na malalakas tayo!"

"Kailangan ba talaga nating patunayan ang ating mga sarili?"

"Oo nga. Hindi naman natin kailangang patunayan ang ating mga sarili sa iba. Basta ang mahalaga ay tanggap natin ang bawat isa."

"Tama si Sephie. Kaya bumalik na tayo sa Thaumaturgy Town bago pa may mangyaring masama."

"Tanggap naman natin ang isa't isa diba? Bumalik na tayo. Wala naman tayong kailangang patunayan pa sa isa't isa."

"Patawarin ninyo ako Lina pero… sang ayon ako kay Jackie."

"Pati ba naman ikaw Aya?"

"Hindi porket kilala kayo sa eskwelahan natin ay hahayaan niyo na lang kami na maliitin ng iba!"

"Dal…"

"K-kailangan na nating umalis…"

"Dal, sumama na kayo samin!"

"At bakit naman kami sasama sainyo?!"

"Lich! Sa likuran ninyo!"

"Ugh! Dal! Tulong! Lina! Zara!"

"Kailangan natin siyang tulungan!"

"Patawad…"

"Dal!"

"Anda! Bea! Jackie! Tulungan natin siya!"

"Pero ung Lich!"

"Tulong!"

"Aaahh!"

Biglang sigaw ni Yvonne pagka gising na pagka gising pa lamang niya habang nakatayo na ito sakaniyang kama, pawis na pawis, namumutla at hinahabol ang kaniyang hininga.

"Yvonne! Okay ka lang ba?"

Nag-aalalang tanong ni Justin kay Yvonne na nakatayo na sa tabi ng dalaga. Mabilis na nilingon ng dalaga ang dwende at saka tinignan ito.

"Panaginip… Dark… Forest… Mama Beatrice… Madam Hong… Dalis…"

Hindi maayos na sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Justin habang nakatingin pa rin ito sa dwende na nakatayo sakaniyang tabi. Agad na nilapitan ng dwende ang kamay ng dalaga at saka hinimas ito upang pakalmahin ito.

"Anong nangyari, Jah?"

Nag-aalalang tanong ni Josh kay Justin habang tumatakbo na ito patungo sa kama ng dalaga kasama sina Paolo, Vester at Felip.

"Nagkaroon ng masamang panaginip si Yvonne tapos binanggit niya ung 'Dark Forest', si Mama Beatrice, Madam Hongganda at Madam Dalis."

Sagot ni Justin sa tanong sakaniya ni Josh habang hinihimas pa rin nito ang kamay ni Yvonne. Nang makarating na sa tabi ng dalaga ang nakatatandang dwende ay agad itong tumalon sa balikat ng dalaga at saka hinaplos ang buhok nito.

"Kumalma ka na. Andito na kami. Wag ka nang matakot. Andito na kami."

Pagpapakalma ni Josh kay Yvonne habang nakatayo ito sa balikat ng dalaga at patuloy pa rin sa paghaplos ng buhok ng dalaga. Ilang saglit pa ay normal nang muli ang paghinga ng dalaga at saka pinunasan na nito ang kaniyang pawis.

"Okay ka na?"

Nag-aalalang tanong ni Vester kay Yvonne habang nakatayo ito sa tabi ni Justin. Dahan-dahang tinignan ng dalaga ang pangalawa sa nakatatandang dwende at saka nginitian ito.

"Okay na ako, kuya Vester."

Nakangiting sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Vester. Nagpakawala ng malalim na hininga si Paolo na nakatayo sa tabi ng pangalawa sa nakatatandang dwende bilang senyales ng kaniyang kaginhawaan.

"Ano ung napanaginipan mo, Bon?"

Tanong ni Felip kay Yvonne habang nakaupo na ito sa tabi ni Paolo at nakatingin sa dalaga. Napaiwas ng tingin ang dalaga sakaniyang mga matatalik na kaibigang dwende at saka napabuntong hininga.

"Merong siyam na magkakaibigang babae ang pumunta sa Dark Forest para pumatay ng isang masamang nilalang. Nagtatalo pa sila kung anong nilalang ung pag tutulungan nilang patayin. Tapos ung apat sakanila… kontra dun sa gusto nung apat, tapos ung isang natitirang hindi pa namimili ay pinili na ung side nung apat na kontra. Tas maya-maya pa… habang naglalakad na papalayo ung apat na gustong pumatay ng isang masamang nilalang…"

Kwento ni Yvonne, ngunit hindi niya natapos dahil mayroon siyang biglang naalala. Agad na nagtinginan ang apat na dwende na nasa tabi ng dalaga, samantalang si Josh nama'y tinignan lamang ang dalaga mula sa balikat nito.

"Naaalala niyo pa ung laging kinekwento satin ni Mama Beatrice na story ng siyam na magkakaibigang babae?"

Tanong ni Yvonne sa limang dwende na kaniyang kasama ngayon sakaniyang kwarto habang nanlalaki ang kaniyang mga mata.

"Sa tingin mo ba…?"

Tanong ni Josh kay Yvonne habang nakatayo pa rin ito sa balikat ng dalaga habang nakatingin na sa apat na nakababatang dwende na nasa tabi ng dalaga.

"Oo. Sa tingin ko magka connect un."

Sagot ni Yvonne sa tanong ni Josh sakaniya habang tumatango. Tumalon na pababa ang nakatatandang dwende pababa sa tabi ng apat na nakababatang dwende at saka tinignan na ang dalaga.

"Anong plano?"

Tanong ni Paolo kay Yvonne habang seryosong tinitignan ang dalaga. Napa nguso ang dalaga sa harapan ng limang dwende habang nag-iisip ng malalim.

"Dapat walang ibang makaalam nito. I-promise niyo sakin na hindi niyo ikekwento sa iba 'tong pinag-usapan natin ngayon."

Sabi ni Yvonne sa limang dwende sabay tinignan ang mga ito ng seryoso. Nagtinginan ang mga dwende sa isa't isa, ibinalik nang muli ang kanilang tingin sa dalaga at saka tumango bilang tugon rito.

"Pangako."

"Promise~"

"Promise!"

"Makakaasa ka samin!"

"Zipped~!"

Sabi ni Justin kay Yvonne sabay sara ng kaniyang bibig na tila ba'y isa itong zipper at saka nginitian na ang dalaga. Nginitian pabalik ng dalaga ang limang dwende at saka dahan-dahan nang umurong patungo sa pinakang gilid na bahagi ng kaniyang kama upang maka bangon na ito.

"Sino sasama sakin ngayong araw?"

Nakangiting tanong ni Yvonne sa limang dwende habang nakatayo na ito sa tabi ng kaniyang kama. Sabik na itinaas ni Vester ang kaniyang kamay habang nakangiti ito sa dalaga.

"Ako~!"

Sabik na sagot ni Vester sa tanong sakanila ni Yvonne habang patuloy pa rin sa pag taas ng kaniyang kamay. Natuwa ang dalaga at saka tumango bilang tugon sa pangalawa sa nakatatandang dwende.

"Ayos!"

Masayang sabi ni Vester sabay talon nito sa kama ng dalaga. Nginitian lamang ng dalaga ang mga dwende at nagtungo na sakaniyang aparador upang mamili na ng kaniyang susuotin.

"Alam mo naman na ung gagawin mo Vester, noh?"

Tanong ni Josh kay Vester habang kaharap na nito ang pangalawa sa nakatatandang dwende, samantalang ang tatlong nakababatang dwende nama'y naglalakad na patungo sa bintana ng kwarto ng dalaga. Ilang saglit pa ay nakarinig bigla ang anim ng katok mula sa pintuan ng kwarto ng dalaga at agad na napahinto ang anim sakanilang mga ginagawa at saka tinignan na ang isa't isa.

"Sino naman kaya ang kakatok sa kwarto mo?"

"Hindi ko alam. Si Mama Beatrice lang ung laging pumupunta dito sa kwarto ko."

"Hindi kaya multo ni Mama Beatrice ung kumakatok?"

Takot na tanong ni Felip sa lima habang nakatago na ito sa likuran ni Paolo.

"Mag tigil ka nga dyan, Felip."

"Ate?"


CREATORS' THOUGHTS
iboni007 iboni007

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C75
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank 200+ Power Ranking
Stone 0 Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login

tip Paragraph comment

Paragraph comment feature is now on the Web! Move mouse over any paragraph and click the icon to add your comment.

Also, you can always turn it off/on in Settings.

GOT IT