Download App
33.65% Runaway With Me / Chapter 68: Balderas' Residence 3

Chapter 68: Balderas' Residence 3

~Umaga~

"Ano bang pakialam mo sa litratong iyan? At ano naman iyon para saiyo sa oras na sinagot ko ang iyong katanungan?"

Sunod-sunod na tanong ni Tazara kay Jervin habang hindi nito tinitignan ang binata pati na rin ang iba pang naroroon sa salas.

"Hmm… wala naman maitutulong sakin kung malaman ko man kung sino pa ang ibang nasa litratong 'to."

Sagot ni Jervin sa tanong ni Tazara sakaniya sabay harap na nito sa fireplace. Natawa ng bahagya ang matandang babae at saka tinignan na ang binata.

"Bakit mo pa gustong malaman kung wala naman palang silbi iyan saiyo, hijo?"

Natatawang tanong ni Tazara kay Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata. Sinamaan ng tingin ni Josh ang matandang babae sakaniyang harapan at saka humakbang papalapit sa matandang babae, ngunit nang pilantikin ng matandang babae ang kaniyang kamay ay hindi na nakagalaw ang dwende.

"Kuya Josh!"

Nag-aalalang tawag ni Yvonne kay Josh sabay upo na nito sa sahig saka ipinalibot ang kaniyang dalawang kamay sa dwende at naluha na.

"Pakawalan mo si kuya Josh."

Seryosong utos ni Jervin kay Tazara sabay balik na muli ng lalagyanan ng larawan sa itaas ng fireplace at saka hinarap na ang matandang babae. Ngumisi nanaman ang matandang babae at saka itinuon ang kaniyang atensyon kay Yvonne at Josh sakaniyang harapan.

"Ano bang pakealam mo sakaniya? Importante ba siya saiyo? Kapatid mo ba si Yvonne kaya mo siya tinutulungan?"

Sunod-sunod na tanong ni Tazara kay Jervin habang nakangisi pa rin itong nakatingin kila Yvonne at Josh. Sinamaan ng tingin ni Hendric ang matandang babae habang nanatili lamang ito sakaniyang kinalalagyan at si Anna nama'y naupo na rin sa sahig upang himasin ang likuran ng dalaga, samantalang si Jervin naman ay pinanlisikan ng paningin ang matandang babae, pumikit, huminga ng malalim, iminulat nang muli ang mga mata at saka nginisian ang matandang babae.

"Ano sa tingin mo, Tazara?"

Nakangising tanong ni Jervin kay Tazara habang naglalakad na ito patungo sa likuran nila Hendric. Napa nguso ang matandang babae habang patuloy pa rin ito sa pagtingin kila Yvonne at Josh.

"Hmm… impossible namang kapatid mo ang kalunos-lunos na dalagang iyan. Hindi ka rin niya pinsan sapagkat nasa tamang gulang na ang halos kalahati ng kaniyang mga pinsan at ang iba nama'y mas bata pa sakaniya."

Paligoy-ligoy na sagot ni Tazara sa tanong sakaniya ni Jervin habang pinanlilisikan na nito ng paningin sila Yvonne at Josh na nasakaniyang harapan pa rin. Nang makatayo na ang binata sa likuran ng sofa na inuupuan ni Hendric ay hinawakan na nito ang balikat ng kaibigan. Ilang segundo ang lumipas ay hinawakan na rin ng kaibigan ang balikat ni Anna, dahilan upang mapabitiw na ang binata sa balikat ng kaibigan.

"Hindi kaya… siya'y iyong sinisinta?"

Nakangising tanong ni Tazara kay Jervin sabay tingin na nito sa binata na nakatayo sa likuran ng sofa sakaniyang tapat. Nginitian lamang pabalik ng binata ang matandang babae at saka nagkibit balikat.

"Yvonne, hawakan mo na si kuya Josh."

Bulong ni Anna kay Yvonne sabay hawak na nito sa magkabilang braso ng dalaga. Kaagad namang sinunod ng dalaga ang sinabi sakaniya ng kaibigan kaya't mabilis niyang hinawakan si Josh at ilang saglit lang ay tumayo na si Hendric at saka…

"Mekos!"

Sambit ni Hendric habang nakatingin kay Tazara at saka nginisian ito. Mabilis na tinakpan ng matandang babae ang kaniyang mukha, samantalang sila Anna, Jervin, Hendric at Yvonne ay lumabas na sa mansion ng mga Balderas sa pamamagitan ng bintana sa salas.

"Letivate!"

Sambit naman ni Anna habang magkaka hawak na ng kamay ang apat at saka nagtungo na sa bubungan ng mga Balderas upang doon magtago.

"Hanapin niyo sila! Hindi maaaring makaalis ang mga iyon sa ating pamamahay!"

Galit na utos ni Tazara sakaniyang angkan mula sa loob ng kanilang mansion.

"May plano na talaga kayo nung umpisa pa lang?"

Gulat na tanong ni Yvonne kila Hendric, Jervin at Anna habang hawak pa rin nito si Josh at nakadapa sa bubong katabi ang binata. Tumango lamang ang binata bilang tugon sa dalaga at saka inilapat na ang kaniyang kamay sa harapan ng dalaga.

"Bigay mo sakin si kuya Josh."

Sabi ni Jervin kay Yvonne habang iniintay nito ang dalaga na ibigay sakaniya si Josh. Pinagmasdan muna ng dalaga ang dwende at saka inilagay na ito sa kamay ng binata na naka lapat sakaniyang harapan.

"Alam mo ba ung spell, Jervin?"

Mahinang tanong ni Hendric kay Jervin habang nagmamasid-masid sakanilang kapaligiran habang nakadapa.

"Lifylun."

Sambit ni Jervin habang nakatuon lamang ang kaniyang atensyon kay Josh na nasakaniyang kamay.

"San niya natutunan un?"

Takang tanong ni Hendric kay Anna habang patuloy pa rin ito sa pagmamasid sakanilang kapaligiran katabi si Jervin.

"Hindi ko alam. Basta kanina ko lang siya nakita na gumamit ng magic, e, nung nahuli niya ung babaeng nagpapanggap na si Yvonne."

Sagot ni Anna sa tanong sakaniya ni Hendric habang nagmamasid din ito sakanilang kapaligiran habang nakadapa katabi ang kaibigan.

"Haa… haa… n-nasan n-na t-tayo?"

Pautal-utal na tanong ni Josh sa apat habang hinahabol nito ang kaniyang hininga. Umiiyak na tinignan ni Yvonne ang dwende habang nakangiti, nang masilayan na ni Jervin ang ngiti ng dalaga'y napangiti na rin ito.

"Pumasok na sila sa loob."

Sabi ni Hendric sa apat habang nakasilip na ito sa baba. Dahan-dahan na silang tumayo at saka naghawakan muli sila ng kamay.

"Letivate."

Sambit ni Anna habang hawak ang kamay nila Hendric at Yvonne at saka lumutang muli sila at lumipad na papalayo mula sa mansion ng mga Balderas.

"Mga wala kayong silbi! Hahanapin at dadakpin na lamang ang mga hamak na batang iyon ay hindi niyo pa magawa-gawa ng maayos!"

Galit na sigaw ni Tazara sakaniyang pamilya nang pumasok na ang mga ito sakanilang tahanan. Naka yukong umalis ang pamilya ng matandang babae at iniwan ito sa salas. Upang pakalmahin ang sarili ay naglakad ng pabalik-balik ang matandang babae sa tapat ng fireplace at matapos ng ilang beses pa ng paglalakad ng pabalik-balik ay bigla nitong itinuon ang kaniyang atensyon sa lalagyanan ng litrato sa itaas ng fireplace.

"Aaahhhh!"

"Jervin! Nakuha mo ung litrato?"

Tanong ni Josh kay Jervin mula sa bulsa ng damit ng binata habang nakatingin ito sa ibaba.

"Nakuha ko."

Simpleng sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Josh habang hawak ang kamay ni Yvonne at nakangiti.

"Huh? Pano mo nakuha?"

Takang tanong ni Yvonne kay Jervin sabay tingin nito sa binata habang hawak ang kamay nito at ang kamay ni Anna.

"Nung humarap ulit ako dun sa fireplace, dun ko na kinuha ung picture."


CREATORS' THOUGHTS
iboni007 iboni007

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

Chapter 69: Eskwelahan 14

~Hapon~

Habang abala ang guro sa pagtatalakay ng aralin ng kaniyang mga estudyante ngayon ay mayroong dalawang estudyante sa likurang bahagi ng silid-aralan ay mayroong ibang ginagawa.

"Ano ba yan! Gusto ko na mag sabado! Bakit huwebes pa lang?!"

Reklamo ni Melanie sabay upo sakaniyang upuan ng walang gana. Pabirong ginaya naman ito ni Yvonne sabay tingin kay Jervin na bahagyang natawa sakaniyang ginawa.

"Ano ba meron sa sabado?"

Tanong ni Yvonne kay Melanie sabay ayos na niya ng upo sa gitna ng kaibigan at ni Jervin. Umayos na rin ng pagkakaupo ang kaibigan at saka napabuntong hininga habang nakangiti ito.

"Magde-date ulit kami ni Jay."

Nakangiting sagot ni Melanie sa tanong sakaniya ni Yvonne sabay tingin na sa dalaga habang nakangiti. Bahagyang pinanlakihan ng mga mata ng dalaga ang kaibigan dahil sa narinig nito, kaagad ding nilingon ni Jervin ang kaibigan at saka tinignan na rin ang dalaga sakaniyang tabi.

"A-ahh… k-kaya…"

Nauutal-utal na tugon ni Yvonne kay Melanie habang nakangiti ito ng pilit.

"Oo nga pala… ba't absent kayo kahapon ni Jervin?"

Takang tanong ni Melanie kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga.

"Uhh… a-ano… k-kase…"

"May importanteng lakad lang kaming pinuntahan kahapon."

Sagot ni Jervin sa tanong ni Melanie kay Yvonne sabay tingin at ngiti nito sa kaibigan. Tumango ang kaibigan bilang tugon.

"Ahh… sana naman sa susunod sabihan niyo muna ako bago kayo umabsent. Wala akong kausap dito sa room, e, tapos di ako nirereplayan ni Jay kahapon.

Nakasimangot na sabi ni Melanie kila Yvonne at Jervin sabay kuha na ng kaniyang phone at panay pindot na roon.

"Kelan mo sasabihin kay Melanie ung nangyari sainyo ni Jay?"

Mahinang tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin na sa dalaga sakaniyang tabi. Nagkibit balikat na lamang ang dalaga bilang sagot sa binata.

"Ay, Tamayo."

Biglang tawag ni Melanie kay Yvonne sabay tigil nito sa pagkalikot ng kaniyang phone. Mabilis na nilingon ng dalaga ang kaibigan at saka inosente itong tinignan.

"A-ano un, M-Melanie?"

Nauutal na tanong ni Yvonne kay Melanie habang nakangiti ng pilit ito sa kaibigan at nakatingin pa rin dito.

"Matagal na ba kayo magka kilala ni Jay?"

Tanong pabalik ni Melanie kay Yvonne habang hindi ito tinitignan. Agad na nilingon ng dalaga si Jervin na tila ba'y parang nanghihingi ng payo mula sa binata.

"Sabihin mo na."

Bulong ni Jervin kay Yvonne habang pinanlalakihan nito ng mata ang dalaga sakaniyang tabi. Umiling lamang ang dalaga, napalunok at saka nilingon nang muli si Melanie.

"O-oo… m-mga bata p-pa lang kami… m-magk-kakilala na k-kami… k-kaso… nagkaroon k-kami ng a-away…"

Paputol-putol na sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Melanie habang unti-unti nang nawawala ang kaniyang pilit na ngiti sa kaibigan. Natawa ng bahagya ang kaibigan sa sinabi sakaniya ng dalaga.

"Feeling ko nagmukha akong tanga sa harap ninyo pareho."

Tanging sabi ni Melanie kay Yvonne sabay tingin na sa dalaga at saka nginitian ito ng pilit. Bahagyang nagulantang ang dalaga sa sinabi ng kaibigan kaya't napaiwas ito ng tingin.

"Sorry, Melanie."

Paghingi ng tawad ni Yvonne kay Melanie habang hindi pa rin nito tinitignan ang kaibigan. Napabuntong hininga na lamang ang kaibigan at saka Kinalikot nang muli ang kaniyang phone. Ilang saglit pa ay hinawakan na ni Jervin ang balikat ng dalaga habang nakangiti kaya't agad itong napatingin sa binata.

"Wala ka dapat ihingi ng tawad, Yvonne. Hindi mo naman kasalanan ung nangyari sa pagitan niyo ni Jay, e."

Nakangiting sabi ni Jervin kay Yvonne habang hawak pa rin nito ang balikat ng dalaga at saka nakangiti. Nginitian ng bahagya ng dalaga ang binata at saka umiwas na ng tingin.

"Goodbye, class."

"Goodbye and thank you, Ma'am~!"

"Tara pre, cutting tayo."

"Inom tayo mga boss."

"Kain muna tayo bago inom!"

"Kaninong bahay?"

"Kanino pa ba? Edi saken!"

"Yown!"

"Kaya lodi talaga kita boss Albin, e!"

"Tara na, tara na! Baka mahuli pa tayo, e!"

"Inuman~! Inuman~! Inuman~!"

"Waaahhhh! Shot tayo~!"

"Albin! Albin! Albin!"

"Bili na rin tayo ng sigarilyo pagka tapos kumain!"

"Wooo!"

"Sigurado ba kayong private school 'to?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Yvonne kila Jervin at Melanie habang naguguluhang tinignan ang kanilang mga kaklaseng lalaki na sama-samang magka-cutting. Napabuntong hininga na lamang ang binata sabay kuha ng kaniyang phone mula sakaniyang bulsa upang maglaro nang hindi at walang balak tignan ang kanilang mga kaklaseng lalaki na magka-cutting.

"Pabayaan mo na lang sila. Halos karamihan sakanila galing sa public school, e."

Sagot ni Melanie sa tanong ni Yvonne sakanilang dalawa ni Jervin habang tinitignan din nito ang kanilang mga kaklaseng lalaki na magka-cutting para lamang mag-inuman at manigarilyo.

"Buti natitiis niyo pa sila."

Kumento ni Yvonne habang hindi pa rin nito inaalis ang kaniyang tingin sakanilang mga kaklase na lumalabas na mula sakanilang silid-aralan.

"Wala na rin naman na tayong choice, e."

Sabi ni Melanie kay Yvonne at saka kinalikot nang muli ang kaniyang phone. Habang patuloy pa ring tinitignan ng dalaga ang kanilang mga kaklase na nagsisilabasan sakanilang silid-aralan ay naglakad na papalapit sa dalaga sina Ceejay, Jasben at Angela habang nakangiti ito.

"Tamayo~ gusto mo bang sumama samin sa canteen?"

Masayang pag-aaya ni Jasben kay Yvonne nang makatayo na silang tatlo nila Ceejay at Angela sa tapat nila Jervin at ng dalaga. Kaagad na napatingin ang binata at ang dalaga sa tatlo nilang kaklase na nakatayo sa harapan nila at saka nagkatinginan ang binata at dalaga sa isa't isa.

"Sama ka?"

Tanong ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin pa rin ito sa binata. Tumango ang binata sa dalaga bilang tugon nito rito habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Dahan-dahang tinignan ng dalaga sila Jasben, Angela at Ceejay na iniintay ang kaniyang sagot ngunit agad niyang iniwas ang kaniyang tingin sa tatlo at saka hinarap na si Melanie.

"Dito lang ako sa classroom. May baon naman ako ngayon, e."

Sabi ni Melanie kay Yvonne bago pa man ito mapakagtanong sakaniya. Tinikom na lamang ng dalaga ang kaniyang bibig at saka mabilis na hinarap ang tatlong kaklase nang nakangiti.

"Sama kami~"

Masayang sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya kanina ni Jasben sabay kuha na ng kaniyang wallet mula sakaniyang bag at saka tumayo na. Ganuon din ang ginawa ng binata at saka nginitian ng bahagya ang tatlo.

"Tara na~! Nagugutom na ako, e~!"


CREATORS' THOUGHTS
iboni007 iboni007

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C68
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank 200+ Power Ranking
Stone 0 Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login

tip Paragraph comment

Paragraph comment feature is now on the Web! Move mouse over any paragraph and click the icon to add your comment.

Also, you can always turn it off/on in Settings.

GOT IT