Download App
31.7% Runaway With Me / Chapter 64: Dionisio's Mini Grocery 4

Chapter 64: Dionisio's Mini Grocery 4

~Umaga~

"Yvonne!"

Tawag ni Jervin kay Yvonne nang makapasok na ito sa bodega ng mini grocery ng mga Dionisio habang tumatakbo patungo sa kung saan naroroon ang dalaga at si Anna.

"Kamuntikan ka nang malate Jervien."

Sabi ni Anna nang masilayan si Jervin na papalapit na sakanilang dalawa ni Yvonne. Maamong tinignan ng dalaga ang binatang papalapit sakanila habang nakasuot na ito ng uniporme ng mini grocery ng mga Dionisio.

"Yvonne…"

Tawag muli ni Jervin kay Yvonne nang makatayo na ito sa harapan ng dalaga at saka hinahabol ang kaniyang hininga, dahilan upang sumimangot si Anna sapagkat hindi ito pinansin ng binata.

"Goodmorning, Anna! Sorry late ako! Tsk!"

Inis na sabi ni Anna sakaniyang sarili habang nakasimangot pa rin sabay tingin na ng masama kay Jervin.

"Anong problema Jervin?"

Malumanay na tanong ni Yvonne kay Jervin sabay hawak na nito sa balikat ng binata na nakahawak na sa sarili nitong mga tuhod habang hinahabol pa rin ang hininga nito.

���Anna…"

Tawag bigla ni Jervin kay Anna sabay ayos na nito ng tayo saka itinuon na ang kaniyang paningin sa kaibigang nakatingin sakaniya ng masama habang nakasimangot pa rin.

"Ano? Matapos mo akong isnabin, tatawagin mo ako ngayon?"

Mataray na tanong ni Anna kay Jervin sabay cross arms nito at saka iwas ng tingin mula sa binata. Napabuntong hininga ang binata at saka napahawak sakaniyang beywang.

"Posible bang magkaron ng mga pangitain ang isang ordinary?"

Tanong ni Jervin kay Anna habang nakahawak pa rin sakaniyang beywang. Agad na inalis ng kaibigan ang kaniyang pagkaka cross arms sabay balik nito ng kaniyang tingin sa binata habang magkadikit na ang kaniyang kilay.

"Ba't mo naman natanong?"

Tanong ni Anna kay Jervin habang dahan-dahan na ito naglalakad papalapit sa binata. Inalis na ng binata ang kaniyang pagkakahawak sa sarili niyang beywang at saka hinabol muli ang kaniyang hininga.

"Ung bunso kong kapatid… nagkakaroon ng mga… pangitain sa panaginip niya."

Paputol-putol na sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Anna. Napatigil sa paglalakad ang kaibigan at saka napaiwas ng tingin mula sa binata.

"Tanong ko si Mama. Sabihin ko sainyo ung sinabi niya sakin pagka tapos ng shift niyong dalawa."

Sabi ni Anna kila Yvonne at Jervin sabay lakad na papalabas na ng bodega. Maamong tinignan ng dalaga ang kaibigan hanggang sa tuluyan na itong makalabas ng bodega at saka inilipat na ang kaniyang tingin sa binata sakaniyang harapan.

"May napanaginipan ba siya kagabi?"

Tanong ni Yvonne kay Jervin habang maamo nitong tinitignan ang binata. Tumango lamang ang binata bilang tugon sa tanong sakaniya ng dalaga sabay hawak muli sakaniyang beywang.

"Tungkol saan ung napanaginipan niya?"

Malumanay na tanong ni Yvonne kay Jervin habang maamo pa rin nitong tinitignan ang binata na patuloy pa rin sa paghahabol ng kaniyang hininga. Ilang saglit pa ay biglang lumabas si Josh mula sa bulsa ng dalaga at saka tinignan ang binata.

"Ano ka ba Bon? Bigyan mo yan ng tubig kung gusto mong maka sagot agad yan sa mga tanong mo."

Sabi ni Josh kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito kay Jervin at hindi umaalis sa bulsa ng dalaga. Biglang nanlaki ang mga mata ng dalaga at saka naglakad na patungo sa kaniyang locker upang kunin ang kaniyang tubigan mula sakaniyang bag.

"Jervin, oh."

Sabi ni Yvonne kay Jervin habang iniaabot na ang kaniyang tubigan sa binata. Kinuha naman ng binata ang tubigan ng dalaga at saka uminom na roon.

"Salamat, Yvonne."

Pagpapasalamat ni Jervin kay Yvonne sabay balik na nito ng tubigan ng dalaga. Agad namang kinuha ng dalaga ang kaniyang tubigan at saka naglakad nang pabalik sakaniyang locker upang ibalik ang tubigan mula sakaniyang bag. Biglang pinanlisikan ng tingin ng binata ang dalaga at saka naglakad na patungo sakaniyang locker nang hindi inaalis ang kaniyang tingin sa dalaga.

"Ayos ka lang, Yvonne?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne habang inoobserbahan na nito ng masinsin ang dalaga sakaniyang tabi. Kaagad na nilingon ng dalaga ang binata at saka ngumiti at tumango ng malumanay.

"Mm. Ayos lang ako."

Nakangiting sagot ni Yvonne kay Jervin at saka ibinalik muli ang kaniyang tingin sakaniyang locker at saka isinara ito. Nagdikit ang kilay ng binata at saka patuloy pang inoobserbahan ang dalaga.

"Sigurado ka?"

Mausisang tanong ni Jervin kay Yvonne sabay lagay na ng kaniyang bag sakaniyang locker nang hindi pa rin inaalis ang kaniyang tingin mula sa dalaga. Nilingong muli ng dalaga ang binata at saka nginitian ito.

"Wag kang mag-alala sakin, Jervin. Okay lang ako."

Nakangiting sagot ni Yvonne kay Jervin habang nakaharap na ito sa binata. Hinarap na rin ng binata ang dalaga at saka biglang sinunggaban sa leeg ang dalaga at saka isinandal ito sa locker.

"Jervin! Anong ginagawa mo?!"

Sigaw ni Josh kay Jervin sabay talon na nito pababa mula sa bulsa ng dalaga at saka hinatak ang pantalon ng binata upang pigilan ito, ngunit walang epekto.

"P-pakawalan… m-mo… a-ako…"

Paputol-putol na sabi ni Yvonne kay Jervin habang sinusubukan nitong alisin ang kamay ng binata sakaniyang leeg. Sinamaan ng tingin ng binata ang dalaga sakaniyang harapan at saka naghugis kamao ang kaniyang isang kamay.

"Lifylun!"

Sambit ni Jervin habang nakatuon pa rin ang tingin nito kay Yvonne. Ilang saglit pa ay unti-unting nagbago ang mukha ng dalaga.

"Sino ka? Nasan si Yvonne?"

Gigil na tanong ni Jervin sa babaeng nasakaniyang harapan sabay bitaw na sa leeg nito. Bumagsak ang babae sa sahig at saka umuubo habang nakahawak sakaniyang leeg.

"P-pano…?"

Gulat na tanong ni Josh sakaniyang sarili habang nakatingin sa babaeng nakaupo sa sahig habang hawak pa rin nito ang kaniyang leeg.

"Anong nangyayari dito?!"

Inis na tanong ni Anna kila Jervin sabay hinto na nito sakaniyang paglalakad nang makapasok na sakanilang bodega at makita ang babaeng nakaupo sa harapan ng binata.

"Sino yan?! Nasan si Ibon?!"

Nag-aalalang tanong ni Anna kay Jervin habang nakatayo pa rin ito sa pintuan ng kanilang bodega. Nasilayan ng kaibigan si Josh na dahan-dahan itong umaatras papalayo sa likuran ng binata habang nakatingin sa babae sakaniyang harapan.

"Nasaan si Yvonne!?"

Galit na tanong ni Jervin sa babae sabay upo nito at saka hinawakan ang kwelyo ng damit ng babae. Takot na tinignan ng babae ang binata habang umiiyak na ito at saka sinusubukan muling alisin ang kamay ng binata mula sakaniya.

"Thaumaturgy Town."


CREATORS' THOUGHTS
iboni007 iboni007

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

Chapter 65: Dionisio's Mini Grocery 5

~Umaga~

Habang pinagmamasdan ni Anna si Jervin at ang babae sakaniyang harapan ay mayroong kinuha ang dalaga mula sakaniyang bulsa, mabilis na nilapitan ang babae at ang binata at saka pinainom ang kulay berdeng inumin sa babae.

"Bitawan mo na siya."

Sabi ni Anna kay Jervin sabay layo na nito sa babae. Inalis na ng binata ang pagkakahawak nito sa kwelyo ng damit ng babae at saka unti-unti nang lumalayo sa babae.

"A-anong… pinainom… m-mo… sakin?"

Paputol- putol na tanong ng babae kay Anna pagkalunok ng inuming pinainom sakaniya ng dalaga.

"Shrinking potion."

Sagot ni Anna sa tanong sakaniya ng babae habang pinagmamasdan pa rin ito. Napakunot ng noo ang babae at ilang saglit pa ay nagsimula na itong lumiit.

"Lagi ka bang may dalang ganyan?"

Tanong ni Jervin kay Anna habang nakatingin na sa dalaga. Tumango ang dalaga bilang tugon sa binata habang hindi pa rin inaalis ang tingin nito sa babaeng unti-unti nang lumiliit.

"Kuya Josh! Humarang ka sa kanan ni Jervien!"

Sigaw ni Anna kay Josh sabay turo nito sa bandang kaliwa ng babae. Nanlaki ang mga mata ng dwende at saka dali-daling tumakbo patungo sa puwestong itinuro sakaniya ng dalaga at saka pinanuod lamang ang babae na lumiit habang mayroon nang mga luhang tumulo galing sakaniyang mga mata.

"Ugh…"

"Kuya Josh! Hawakan mo na siya! Dali!"

Sigaw ni Jervin kay Josh habang nakatingin sa babae na ngayon ay kasing laki na ng isang dwende. Natatarantang nilapitan ni Josh ang babae habang umiiyak pa rin at saka hinawakan na ang pulso nito.

"Okay ka lang, kuya Josh?"

Nag-aalalang tanong ni Anna kay Josh nang mapansin nito ang mga luha galing sa mga mata ng dwende. Agad na pinunasan ng dwende ang kaniyang mga luha gamit ang kaniyang isang kamay habang ang isang kamay naman niya'y hawak pa rin ang pulso ng babae at saka tinignan na nito ang dalaga at nginitian ito.

"Sinong hindi okay? Ako okay. Okay na okay pa nga, e. Okay… na… okay…"

Sabi ni Josh habang nakangiti ngunit naiyak nanamang muli at saka napaluhod na sa sahig habang hawak pa rin ang pulso ng babae. Napabuntong hininga ang si Anna at saka dahan-dahan na nitong nilapitan ang dwende at ang babae at saka marahang kinuha ang babae mula sa dwende.

"Ako na magbabantay sakaniya, kuya Josh."

Nakangiting sabi ni Anna kay Josh sabay kuha na sa babae at saka lagay na nito sakaniyang bulsa. Napabuntong hininga na lamang si Jervin at saka nilapitan ang dwende.

"Malalaman din natin kung saan nila tinago si Yvonne."

Sabi ni Jervin kay Josh sabay lapat na ng kaniyang kamay sa harapan ng dwende habang nakangiti. Mabagal na tinignan ng dwende ang binata at nasilayan na nakangiti ito sakaniya, tinignan naman niya ang kamay ng binata at saka sinubukang tumayo ngunit hindi ito makatayo sa sarili niyang mga paa. Mas lalu pang nilapitan ng binata ang dwende at ginamit na ang kaniyang dalawang kamay upang marahang kunin ang dwende mula sa lapag at saka maingat itong inilagay sa bulsa ng kaniyang damit.

"Jervien, tara na."

Sabi ni Anna kay Jervin at saka nagsimula na itong naglakad papalabas ng bodega patungo sa opisina ng kanilang mini grocery. Agad namang sumunod ang binata sa dalaga at saka hinintay ito sa labas ng opisina.

"Jervin."

Tawag ni Josh kay Jervin sabay silip na nito mula sa bulsa ng damit ng binata. Kaagad namang tinignan ng binata ang dwendeng nasa kaniyang bulsa.

"Ano un, Kuya Josh?"

Tanong ni Jervin kay Josh sabay tingin na sa loob ng opisinang pinasukan ni Anna kanina.

"Nakita kong may suot-suot na anklet ung babae bago kami magpunta dito."

Sagot ni Josh sa tanong ni Jervin sakaniya sabay tingin na nito sa binata. Nagdikit bigla ang kilay ng binata at saka seryosong tinignan nito ang dwende.

"Sigurado ka ba?"

Tanong ni Jervin kay Josh habang nakatingin pa rin ito sa dwende. Maya-maya pa ay lumabas na si Anna mula sa opisina ng kanilang mini grocery at saka hinarap na ang binata.

"Nasabihan ko na si Mama at saka natawagan ko na si Hendric. Kitain na lang natin siya sa Thaumaturgy Town."

Sabi ni Anna kay Jervin sabay lakad na patungo sa pintuan ng kanilang bodega, sinara ang pintuan nito at saka mayroong sinambit bago buksan itong muli.

"Tara na, baka nasa panganib na si Yvonne."

Sabi ni Anna kay Jervin nang hindi nito tinitignan ang binata at saka pumasok na sa pintuan. Nagkatinginan ang binata at si Josh at saka tumakbo na patungo sa pintuan ang binata at lumabas na mula sa isa sa mga bahay na naroroon sa Thaumaturgy Town. Nang isinara na ng binata ang pintuan ay kaagad nitong nilingon ang pintuang nilabasan nila ng dalaga.

"Kaninong bahay 'to?"

Tanong ni Jervin kay Anna habang pinagmamasdan nito ang bahay na nasakanilang likuran. Bumuo ng kamao ang mga kamay ng dalaga habang nakayuko ito sa lupa.

"Dating bahay nila Ibon."

"Nasaan daw si Bunso?"

Tanong ni Hendric kila Anna at Jervin nang makarating na ito sa tapat ng dating bahay nila Yvonne. Ilang segundo pa ay biglang sumilip si Josh mula sa bulsa ng binata at saka tinignan ang kaibigan nila.

"Nasa mansion ng mga Balderas."

Sagot ni Josh sa tanong ni Hendric kila Anna at Jervin. Kaagad na tinignan ng tatlo ang dwende sa bulsa ng binata at saka tinignan ang isa't isa.

"Sigurado ka, kuya Josh?"

Nag-aalalang tanong ni Anna kay Josh habang nakatingin na muli ito sa dwende. Tumango naman ang dwende bilang tugon sa dalaga.

"Pano ka nakakasigurado?"

Nag-aalangan na tanong ni Hendric kay Josh habang nakatingin na rin ito sa dwende.

"May suot na anklet ung babaeng pumalit kay Yvonne, tapos may letter 'B' na nakasabit dun. Kung konektado man dito ang mga istoryang laging kinukwento samin ni Mama Beatrice… sigurado ako na nasa poder ng mga Balderas ngayon si Yvonne."

Seryosong sagot ni Josh sa tanong sakaniya ni Hendric habang nakatingin ito sa kaibigan. Napabuntong hininga na lamang ang kaibigan at saka yumuko.

"Kilala ko kung sino ang pinaka matanda sa mga Balderas."

Dagdag pa ni Josh sakaniyang sinabi, kaya't tinignan na siya ni Hendric at saka tumango.

"Alam ko kung nasan ung mansion ng mga Balderas."


CREATORS' THOUGHTS
iboni007 iboni007

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C64
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank 200+ Power Ranking
Stone 0 Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login

tip Paragraph comment

Paragraph comment feature is now on the Web! Move mouse over any paragraph and click the icon to add your comment.

Also, you can always turn it off/on in Settings.

GOT IT