Download App
14.14% Runaway With Me / Chapter 28: Text 2

Chapter 28: Text 2

Thursday 12:45 PM

[12:45 PM] Ibon: jervinnnnnnn

[12:45 PM] Ibon: pumasok ka?????

[12:46 PM] Ibon: wag ka na pumasok, parang magkakaron ng biglaang bagyo, e

[12:47 PM] Ibon: salamat pala kahapon, hindi mo ko pinabayaan

[12:48 PM] Ibon: mag-iingat kayo dyan sa bahay niyooo w^-^w

[12:50 PM] Jervin: kamusta na pakiramdam mo??

[12:51 PM] Ibon: okay naman naaa

[12:52 PM] Jervin: lagi ka bang nawawalan ng malay

[12:52 PM] Jervin: pag nag papaulan ka??

[12:52 PM] Ibon: oo

[12:53 PM] Jervin: pero bakit nagpapaulan ka pa rin??

[12:55 PM] Ibon: narinig mo ung sinabi kahapon ni kuya josh kay madam hong bago ako mawalan ng malay diba???

[12:56 PM] Jervin: un ba ung tungkol sa sitwasyon sa pagitan mo at ng mga magulang mo??

[12:57 PM] Ibon: yepp

[12:57 PM] Jervin: ano ba nangyare??

[1:05 PM] Jervin: kahit wag mo nang sagutin

[1:05 PM] Jervin: okay lang

[1:10 PM] Ibon: tsaka ko na lang sayo ikwento

[1:11 PM] Ibon: kapag ready na ako

[1:11 PM] Ibon: okay lang ba??

[1:12 PM] Jervin: okay lang

[1:12 PM] Jervin: :D

[1:13 PM] Ibon: oo nga pala

[1:13 PM] Ibon: ano oras ka na nagising??

[1:14 PM] Jervin: mga 11 na

[1:14 PM] Jervin: baket??

[1:15 PM] Ibon: kala ko kasi nagising kita o naistrobo, e

[1:17 PM] Jervin: diba nga sabi ko sayo kahapon sa unity local ano isa kang anghel

[1:17 PM] Ibon: unity locale ahahaha

[1:18 PM] Jervin: ayy sorry sorry hahaha

[1:18 PM] Ibon: okie langgg

[1:19 PM] Ibon: maski nga din ako ganyan ung spell sa lugar na un dati, e ahahahaha

[1:20 PM] Jervin: akala ko ako lang

[1:21 PM] Ibon: okie lang yannn

[1:22 PM] Ibon: lahat ng mga batang wizards at witches ganun din ung pagkaka spell nila sa lugar na un, nuhh

[1:23 PM] Jervin: ganun ba hahaha

[1:23 PM] Ibon: yeppp ahahaha

[1:24 PM] Ibon: pero seryoso ka??

[1:24 PM] Jervin: saan??

[1:25 PM] Ibon: na isa akong anghel

[1:26 PM] Jervin: bakit?? may tao ba na hindi anghel ang tingin sayo??

[1:26 PM] Ibon: marami

[1:27 PM] Jervin: wag mo na lang sila pansinin

[1:27 PM] Jervin: mga bulafg lang sila

[1:28 PM] Jervin: *bulag

[1:29 PM] Ibon: bakit pala anoooo

[1:29 PM] Ibon: wala masyadong kumakausap sayo sa room??

[1:30 PM] Jervin: ayoko kasi makihalubilo sa mga tao, eh

[1:31 PM] Jervin: pero nung bata ako

[1:31 PM] Jervin: ang kulit ko

[1:31 PM] Ibon: weh?? ahahaha

[1:32 PM] Ibon: ano-ano mga pinaggagagawa mo nun??

[1:32 PM] Jervin: kwento sakin ng pinsan ko

[1:33 PM] Jervin: nilagyan ko raw ng palaka dati ung bag niya

[1:34 PM] Jervin: pati kwarto nila

[1:34 PM] Ibon: AHAHAAHAHAAHAHA

[1:35 PM] Ibon: nakakatawa siguro reaksyon nika

[1:35 PM] Ibon: *nila

[1:36 PM] Jervin: sakto lang hahaha

[1:37 PM] Jervin: tapos nagtatakas pa ako ng cake nun, eh

[1:38 PM] Jervin: kinakain ko un dun sa bubong na lagi kong inaakyat

[1:39 PM] Jervin: kita dun ung mga ilaw sa maynila, eh

[1:40 PM] Jervin: ang ganda lang titigan

[1:40 PM] Ibon: sana allllllllll

[1:41 PM] Jervin: baket?? ahahaha

[1:42 PM] Ibon: wala kasi ako maalala masyado nung bata ako, e

[1:43 PM] Ibon: nakakainggit lang :<<

[1:44 PM] Jervin: okay lang yan

[1:44 PM] Jervin: malay mo

[1:45 PM] Jervin: pag tanda mo

[1:46 PM] Jervin: makahanap ka ng magandang lugar

[1:47 PM] Jervin: tapos dun ka na tityra kasama ung taong mahal mo

[1:48 PM] Ibon: kung ikaw papipiliin

[1:48 PM] Ibon: san mo gusto tumira???

[1:49 PM] Jervin: sa japan

[1:49 PM] Jervin: ikaw ba??

[1:50 PM] Ibon: baket???

[1:50 PM] Ibon: hmmm

[1:51 PM] Ibon: pinag-iisipan ko pa, e

[1:52 PM] Ibon: it's either south korea or paris

[1:53 PM] Jervin: dahil sa anime

[1:54 PM] Jervin: bakit dun??

[1:54 PM] Ibon: ahhh

[1:55 PM] Ibon: kase anooo

[1:56 PM] Ibon: kaya sa south korea kase andun ung mga idols koo

[1:57 PM] Ibon: tsaka kaya naman sa parid kase pubo ng fashion dunnn

[1:57 PM] Ibon: *paris

[1:58 PM] Ibon: *puno

[1:58 PM] Jervin: ahh kaya

[1:59 PM] Ibon: yahh

[2:00 PM] Ibon: kumain ka na ba??

[2:01 PM] Ibon: dat kanina ko pa un itatanong, e ahahaha

[2:02 PM] Ibon: kaso nawala sa isip ko

[2:02 PM] Jervin: hindi pa

[2:03 PM] Jervin: papadalhan mo ba ako ng pagkain?? hahaha

[2:04 PM] Ibon: pwede rinnn ahahha

[2:05 PM] Jervin: di nga??

[2:06 PM] Ibon: joke lang shempre ahhaha

[2:07 PM] Ibon: ni di ko nga alam kung ano address mo, e

[2:07 PM] Jervin: hahaha okay lang

[2:08 PM] Jervin: maghahanap na lang ako ng pagkain sa kusina

[2:09 PM] Ibon: oii basta kumain ka, haa

[2:10 PM] Jervin: kumain ka na ba??

[2:11 PM] Ibon: kanina paaa

[2:12 PM] Ibon: anp na ginagawa mo ngayon??

[2:12 PM] Ibon: *ano

[2:13 PM] Jervin: papunta na sa kusina namin para maghanap ng pagkain

[2:14 PM] Ibon: hindi ka naman nagkasakit dahil sa pagpapaulan natin kahapon diba???

[2:15 PM] Jervin: hindi

[2:15 PM] Ibon: buti naman

[2:16 PM] Jervin: mahina ba ung immune system mo??

[2:16 PM] Ibon: oo, e ahahaha

[2:17 PM] Ibon: saya-saya nga, e

[2:18 PM] Jervin: natutuwa ka pa??

[2:18 PM] Ibon: yepp w^-^w

[2:19 PM] Jervin: baket??

[2:20 PM] Ibon: diba pag mahina ang immune system

[2:21 PM] Ibon: mabilis makapitan ng sakit

[2:22 PM] Ibon: tapos pag hindi agad naagapan

[2:23 PM] Ibon: malaki ung possibility na mamatay ung tao

[2:24 PM] Jervin: gusto mo na bang

[2:25 PM] Jervin: mamatay?

[2:26 PM] Ibon: araw-araw w^-^w


CREATORS' THOUGHTS
iboni007 iboni007

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

Chapter 29: Anonuevo's Residence 5

~Hapon~

"S-seryoso ba siya?"

Nauutal na tanong ni Jervin sakaniyang sarili habang nakatingin at hawak niya ang kaniyang phone pati ang apat na biskuwit sakaniyang isa pang kamay. Dali-daling umakyat ang binata pabalik sakaniyang kwarto bago pa man may makakita sakaniya. Pagka pasok niya sakaniyang kwarto ay agad nilang ni-lock ang pintuan nito at saka naupo na sa kama. Walang maisip na irereply ang binata kaya't tinawagan nito ang number ni Yvonne at agad na inilapat ang kaniyang phone sakaniyang tainga.

"Jervin? Bakit mo ko tinawagan?"

Tanong ni Yvonne kay Jervin mula sa kabilang linya. Nanlaki ang mga mata ng binata nang mapagtanto nito na sinagot kaagad ng dalaga ang kaniyang tawag rito.

"H-huh? Ahh... ano… kase…"

"Baket? Hindi ka makapaniwala sa sinabi ko sayo o hindi mo na alam ang irereply mo?"

Natatawang tanong ni Yvonne kay Jervin kaya't napataas ng parehong kilay ang binata dahil sa tinanong sakaniya ng dalaga.

"G-gusto lang kitang kamustahin ng maayos. Hindi ba pwede un?"

Tanong pabalik ni Jervin kay Yvonne sabay tayo mula sakaniyang pagkakaupo sa kama. Natawa na lamang ang dalaga mula sa kabilang linya.

"Sabi pala sakin ni kuya Josh nung pagka gising ko… ano… ginamitan mo raw ako ng simpleng spell kagabi para pagalingin agad ako?"

Tanong ni Yvonne kay Jervin, napaupong muli ang binata sakaniyang kama nang mapanatag ang loob nito.

"Ahh… oo. Ginawa ko nga un. Baket?"

Sagot at tanong ni Jervin kay Yvonne sabay layo ng kaniyang phone mula sakaniyang tainga saka pinindot nito ang 'loudspeaker' at inilapag ito sakaniyang kama upang buksan ang isa sa mga biskuwit upang makakain na ito.

"Salamat. Kasi kung hindi dahil sayo… baka mamayang gabi o kaya kinabukasan pa ako magkaron ng malay."

Taimtim na pagpapasalamat ni Yvonne kay Jervin. Napatigil ang binata sakaniyang ginagawa at saka napatitig ang binata sakaniyang phone at saka ngumiti ito.

"Wala un. Teka… akala ko ba ano… gusto mo na mamatay?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne sabay lapag ng kaniyang biskuwit sa kama at saka hinarap ang kaniyang phone na tila ba parang kasama lang niya ang dalaga sakaniyang kwarto.

"May dahilan na ako para mabuhay ulit."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin. Hindi alam ng binata kung ano ang nararamdaman niya Ngayon nang marinig niya ang sagot ng dalaga.

"Ano ung dahilan mo?"

Tanong muli ni Jervin kay Yvonne habang bigla itong nanamlay.

"Tsaka ko na lang siguro sabihin sayo."

"Sino yan Yvonne?"

"Si Jervin, kuya Josh."

"Di nga?!"

"Oo nga."

"Jervin! Jervin! Akin na phone mo! Kakausapin ko siya!"

"Gusto ka raw kausapin ni kuya Josh."

Sabi ni Yvonne kay Jervin. Biglang natauhan ang binata at saka kinuhang muli ang kaniyang biskuwit para makakain na siya.

"Jervin!"

Naiiyak na tawag ni Josh kay Jervin.

"Baket kuya Josh?"

Tanong ni Jervin kay Josh sabay kani nito sa isang piraso ng biskuwit.

"Salamat… maraming salamat… kung hindi dahil sayo… baka hindi pa nagising kanina si Yvonne. Salamat… kasi sinubukan mo siyang pagalingin kagabi… maraming maraming maraming salamat…"

Paulit-ulit na pasasalamat ni Josh kay Jervin habang umiiyak na ito mula sa kabilang linya.

"Wag ka nga masyadong madrama dyan kuya Josh, para naman akong mamamatay."

"Un na nga, e! Kaya ayaw na ayaw kong umuulan kasi ang laging kinakalabasan nun ay nawawalan ka ng malay matapos mong magpa ulan! Alalang-alala kami sayo nila Felip, Justin, Paolo, Vester at Madam Hongganda! Kami pa ata unang mamamatay dahil sayo, e! Nakakainis ka!"

Sigaw ni Josh kay Yvonne habang patuloy pa rin itong umiiyak mula sa kabilang linya. Natigil sa pagkain ang binata at saka nilunok ang kaniyang nginunguyang pagkain kanina.

"Kuya Josh naman, e… kita ngang ayokong umiiyak kapag may tao o kahit na anong nilalang sa harap ko… pinapaiyak mo naman ako! Ikaw ang nakakainis dyan!"

Sabi ni Yvonne kay Josh habang nanginginig ang boses nito. Inilapag nanamang muli ni Jervin ang kaniyang biswukit at saka kinuha ang kaniyang phone.

"Pwede mo namang ipakita sakin ang kahinaan mo, Yvonne."

Sabi ni Jervin kay Yvonne habang nakangiti ito ng bahagya sakaniyang phone.

"Ayoko… ayokong ipakita sa iba na mahina ako… ayokong manliit ulit… ayoko na… tama na…"

Mahinang sabi ni Yvonne mula sa kabilang linya. Nakaramdam ng pananakit ng dibdib si Jervin nang marinig niya ang mga salitang binitawan ng dalaga. Hindi namalayan ng binata ay may luhang tumulo mula sakaniyang kanang mata.

"Y-Yvonne… Yvonne… hindi na Yvonne… hindi na… walang makakakita ng kahinaan mo."

Pagpapakalma ni Josh kay Yvonne. Ang isang patak ng luha na galing sa kanang mata ni Jervin ay nagtuloy-tuloy na dahil sakaniyang narinig. Agad niyang pinutol ang tawag sa pagitan nila ng dalaga at saka inilayo ang kaniyang phone sakaniya habang tuloy-tuloy pa rin ang kaniyang pag-iyak.

"Nahanap ko na rin kung saan ka nakatira, Jervin hijo!"

Masayang pahayag ng isang pamilyar na boses mula sa bukas na bintana ng kwarto ni Jervin. Mabilis na nilingon ito ng binata at nasilayan si Madam Hongganda na nakatingin sakaniya mula sa bintana.

"M-Madam Hong."

Banggit ni Jervin sa pangalan ni Madam Hongganda habang pinupunasan na nito ang kaniyang luha at pinipigilan ang kaniyang sarili na maiyak muli. Napabuntong hininga ang matandang babae sabay pasok na sa kwarto at saka nilapitan na ang binata.

"Bakit ka umiiyak, hijo?"

Malungkot na tanong ni Madam Hongganda kay Jervin habang papaupo na ito sa tabi ng binata. Umiling ang binata bilang sagot sa matandang babae sabay tingin nito rito at ngiti.

"Okay lang ako Madam Hong. Bakit po pala kayo napunta rito?"

Sabi ni Jervin kay Madam Hongganda habang nakatingin pa rin ito sa matandang babae at nakangiti. Biglang hinimas ng matandang babae ang likuran ng binata, dahilan upang umiyak naman ito.

"Ayos lang yan, hijo. Ayos lang yan."

Pagpapagaan ni Madam Hongganda sa loob ni Jervin habang patuloy pa rin nitong hinihimas ang likuran ng binata. Nanatiling ganuon ang sitwasyon ng matandang babae at ng binata sa loob ng mahigit limang minuto nang tumigil na sa pag-iyak ang binata.

"Hindi ko alam na iyakin ka rin pala tulad ni Ibon, hijo."

Nakangiting sabi ni Madam Hongganda kay Jervin nang itinigil na niya ang paghimas sa likuran ng binata. Umayos na ng upo ang binata habang pinupunasan ang kaniyang mga luha at saka hinarap na ang matandang babae.

"Bakit ka napunta rito Madam Hong?"

Tanong ni Jervin kay Madam Hongganda habang seryoso nitong tinitignan ang matandang babae. Nginitian ng matandang babae ang binata.

"Para turuan ka ng iba pang salamangka."


CREATORS' THOUGHTS
iboni007 iboni007

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C28
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank 200+ Power Ranking
Stone 0 Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login

tip Paragraph comment

Paragraph comment feature is now on the Web! Move mouse over any paragraph and click the icon to add your comment.

Also, you can always turn it off/on in Settings.

GOT IT