Download App
27.14% My mysterious girl (tagalog) / Chapter 19: School Queens

Chapter 19: School Queens

Lisa's Pov

Pumasok kami ng canteen at dumiretso kami sa lamesa na para sa BTS lang.

"Oh dating gawi, sino manglilibre satin?" sabi ni Jhope.

"Tara game na." sabi ni Jin

"Huh? Anong game?" tanong ko.

"Wala yan Lisa. Maglalaro lang kami ng isang game tapos ung matatalo manlilibre sa lahat. Halimbawa magbubunutan kami ng stick. Kung sino may pinakamahabang stick sya ang talo." paliwanag ni Jk.

"Ah ganun ba, sige sali naman ako sa inyo." sabi ko

"No way!" sabay sabay na sabi ng BTS.

"Hala bakit naman. Ayaw nyo ako isali?" sabi ko.

"Hindi naman sa ganun, cge pwede ka namin isali kung gusto mo pero pag natalo ka, sasagutin ka ni Jk." sabi ni V.

"Sige payag ako." pagsang ayon ni Jk.

"Hala sya bakit naman? Kaya ko naman kayo ilibre eh." sabi ko

"Lisa, wala sa bokabularyo namin ang gastusan kami ng babae. Kami ang lalaki kaya kami ang gagastos." sabi ni Namjoon.

"Ang unfair nyo naman. Sige na nga game na." sabi ko.

Isa isa na kaming bumunot ng tag iisang stick. Ang laro kung sino ang may pula sa stick sya talo.

Dahan dahan kong binunot yung gusto kong stick. Nakita ko sa dulo walang pulang marka. Hahaha panalo ako. Nakabunot na si Jk, Suga at Jhope puro panalo walang marka. Susunod nang bubunot si V. Nanghilahin nya ang stick ayun may marka. Ibig sabihin talo na sya.

Tinanong nya na lahat ng order ng mga kaibigan nya pati sakin. Sinamahan ni Jimin si V sa counter.

"Lisa pwede ba kitang makausap ng tayong dalawa lang. Mamaya sigurong uwian." tanong ni Jk.

"Sure tungkol ba saan ang pag uusapan natin?" tanong ko.

"Mamaya mo na lang malalaman." sabi nya. Tapos panay kantyaw na ng mga kaibigan nya. Ang saya nila kasama. Parang wala kang problema pag kasama mo sila.

Dumating na ang mga pagkain namin. Inabot sakin ni Jk ang pagkain ko. Naisip ko lang gusto kong picturan sila. Gusto ko lang magkaroon ng remembrance sa kanila habang kasama ko pa sila.

"Guys pwede ko ba kayong kuhanan ng picture?" tanong ko sa kanila.

"Sure!" sabay sabay na sabi nila.

1, 2, 3 click.....

Pinagmasdan ko ang larawan. Medyo nagiging emosyonal na ako kasi, sa maikling panahon napalapit na ako sa kanila which is bago sakin. Kasi nuon pa mang namatay ang mga magulang ko eh wala na akong pinagkatiwalaan. Maliban sa isa. Ang aking bestfriend.

"Lisa maupo ka na at kumain. Mauubos na ni Jin ang pagkain oh." sabi ni Jhope.

Ngumiti lang ako at naupo sa gitna ni V at Jk. Sana lang wag kong pagsisihan ang pakikipaglapit sa kanila. Kapag may mangyaring masama sa kanila, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Natapos na ang recess namin, naglakad na kami papunta sa classroom namin. Pero bago ako pumasok nagpaalam ako na mag ccr. Gusto pa ako samahan ni Jk pero tinanggihan ko kasi malapit lang ang cr.

Nakarating ako sa cr at naghilamos. Medyo nangangati na ako sa make up ko. Actually madalang ko lang gamitin ang make up ko kasi nde ako sanay. Nagulat na lang ako may tumapik sakin. Hinarap ko sya.

"Bakit? Ano kailangan nyo sakin?" tanong ko.

"Ang kapal ng mukha mo para makipaglapit sa BTS. Layuan mo sila kung ayaw mo masaktan." Sabi ng nasa gitnang babae. Tatlo kasi sila. Parang ung nasa gitna eh lider nila.

"Sino ka ba at kailangan mo akong utusan ng ganyan?" tanong ko.

"Well mukhang bago lang sya Ashley, nde kasi tayo kilala." sabi nung babaeng morena.

"Kami lang naman ang mga queen bee sa school na to. Si Ashley ang lider namin. Ito si Maya at ako si Leila.

"So anong maipaglilingkod ko sa inyo mga mahal na reyna?" pangungutya ko sa kanila.

"Bastos ka din noh. Hindi mo ba alam kung sino kinakalaban mo?" sabi nung Ashley.

"Malamang hinde. Kailangan ba kitang kilalanin? Pwede ba tigilan nyo na to at baka hindi ako pakapagtimpi sa inyo." sabi ko.

Sinabunutan ako nung Ashley at nakikisabunot din ung dalawa.

"Ang landi mong babae ka. Akin lang si Jungkook. Layuan mo sya kung ayaw mong masaktan ulit." sabi nya

Ang sakit na ng sabunot nya. Ang hirap namang magtimpi. Wala na akong magagawa pa kundi lumaban. Nahawakan ko ang kamay nya at pinisil. Nagkaroon na ako ng pagkakataon na mabaliktad ang sitwasyon. Sinabunutan ko sya at kinaladkad papunta sa inidoro. Akmang ingungudngod ko ang mukha nya sa inidoro nang magsalita si Ashley.

"Stop! Stop it. Ouch it hurts!" sigaw nya.

"Ano gusto mo ba? Kayong dalawa gusto nyong gawin ko din to sa inyo?" sabi ko.

Di ko naman talaga gagawin yun. Tinatakot ko lang. Umiiling ung dalawa. Akala ko matatapang to puro salita lang pala. Binitawan ko si Ashley.

"Sa susunod kilalanin nyo ang babanggain nyo. Subukan nyo pang mangbully ng kung sino baka hindi lang ganito ang gagawin ko. At wag nyo ako babaliktarin sa nangyari, nakarecord lahat ng sinabi nyo." sabi ko. Buti bago ako masabunutan eh napindot ko ung record sa cellphone ko.

Binuksan ko ang cellphone ko at pinarinig sa kanila ang narecord ko.

"Oh ano? Uulit pa ba kayo? Nagkamali kayo ng binangga." sabi ko.

"Di na kami uulit." sabi nung morena.

"Good. Now leave!" sigaw ko.

Bakit ba ang daming bully sa mundo. Ano ba mapapala nila sa ganito? Nagkamali sila ng binangga.

Nagring ang cp ko.

"Hello?" tanong ko sa tumawag.

"Lisa" sabi sa kabilang linya.

Di ko na pinatapos ang sinasabi nung sa kabilang linya. Tinanggal ko ang sim at itinapon ito. Alam na nya. Delikado na.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C19
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login