Download App
80% Aza&Miguel / Chapter 16: Chapter 16

Chapter 16: Chapter 16

Dalawang oras na sa loob ng opisina ni Madam si Miss Aza, ano kayang meron? Iniisip ko baka dito na magtatrabaho si Miss Aza, kung mangyayari yun baka mas madalas na silang magkita ni Miguel dahil araw araw niya akong sinusundo at hatid sa opisina. Masama ba ako lord kung iwi-wish ko ngayon sa inyo na sana wag siya dito magtrabaho? Alam kong parang isip bata pero may kakaiba kasi akong pakiramdam.

Maya maya lang habang naglilinis ako ng desk, tinawag ako ni Madam, kasama si Jasper. Kapag pinapatawag kami, isa lang ibig sabihin, may trabaho na naman. Agad agad akong pumasok pati na rin si Jasper. Tinanong ko si Jasper kung may project ba kami kasi katatapos lang ng July edition namin, sabi niya wala daw siyang ideya. Pagpasok namin ng opisina, nakaupo si Miss Aza sa sofa, katabi niya si Madam, nagtatawanan silang dalawa.

"Oh, Aza this is Klarisse, my PA, then this is Jasper, our resident photographer." nakipag kamay si Miss Aza kay Jasper, natuwa naman ang loko. Makikipag kamay sana ako pero yumakap si Miss Aza sa akin, nagulat si Madam at Jasper dahil sa ginawa niya.

"I know her. I met her in my exhibit few days ago. Kumusta ka na Klarisse?" nakangiting tanong niya.

"Okay lang Miss Aza."

"Buti naman at magkakilala kayo, kasi sa lahat ng empleyado ko dito, si Klarisse at Jasper lang pinagkakatiwalaan ko especially sa mga projects na ganito." agad namang sabi ni Madam. Tumango naman si Miss Aza at ngumiti sa akin. Yung ngiti ni Miss Aza parang sunshine. Parang kapag nginitian ka niya okay na ang lahat. Hindi kaya isa ito sa dahilan kaya naging magkaibigan sila ni Miguel? Parang ang bait bait niya kasi.

Ano kayang project ito? Na-curious tuloy ako, at medyo tumaba ang puso ko sa mga sinabi ni Madam, pinagkakatiwalaan niya pala ako kahit na nagkamali ako ng bili ng starbucks sa kanya dati at muntik na niya akong tanggalin.

"So, guys? Sit down please." umupo naman kami agad ni Jasper. "Alam naman ninyo na tapos na ang July edition ng magazine natin, pero itong project na ito, we will still consider it as part of July edition." panimula ng editor in chief namin. "Pero imbes na print, this is going to be digital. Digital meaning, video ito, ipo-post ito sa website natin at facebook account and youtube na din." dagdag niya. "Dahil tungkol sa mga influential woman ang July edition natin, ganun din ang digital. One of our feature artist will be Miss Azalea, a known photographer in the country." mukhang hindi ko gusto ang sunod na sasabihin ni Madam ah. "At dahil pinagkakatiwalaan ko kayong dalawa, Klarisse and Jasper, kayo ang magiging head ng project na ito. After Miss Aza, susunod ay yung theater artist at band vocalist, ibibigay ko ang listahan later pero ngayon, gusto ko na umpisahan niyo kay Azalea. Simple lang ang concept, ipapakilala niyo lang siya, kung sino siya behind her cameras."

Ibig sabihin mag iinterview kami at pupunta kami sa bahay niya? Ganun ba yun?

"Dahil walang exhibit si Miss Azalea after her successful one few days ago, libre daw siya for shooting. Her unit is available para sa interview niyo. May mga questions na dyan at nagkasundo na kaming dalawa, what you need to do is to execute it. Kilala niyo ako, ayoko ng magandang gawa, gusto ko, magandang maganda." Nakakakaba naman ito lalo na ngayon ay pinaghihinalaan ko si Miss Aza pati na yung boyfriend ko, pero maganda itong project para sa amin ni Jasper.

"Are you guys accepting the job?" tanong sa amin ni Madam. Saglit kaming nagtinginan ni Jasper, pareho kami ng sagot. Handa kami, handang handa. Isantabi mo muna ang personal mong isyu, Klarisse, kaya mo ito! Para sa pangarap!

Akala ko palalabasin na kami ni Madam pero nagulat kami kasi ngayon na pala ang umpisa ng shooting! Kapag si Madam talaga ang nag-utos, agad agad.

"Since they're ready Aza, pwede na mag-start?"

"Of course, Ikaw pa ba Julie. I'll drive you home guys. Thank you for this opportunity, Julie."

"Anything for you, Azalea." iniwan namin silang dalawa at nag ready ng mga gamit.

"Excited ka ba Jasper?" tanong ko sa photographer namin na ngayon ay videographer na din.

"Oo naman, narinig mo si Madam? May trust siya atin. Sinong hindi excited at matutuwa?" tumango na lang ako at tinulungan siya sa mga kailangan dalhin. Maya maya lang lumabas na si Miss Aza at sinama kami pababa sa kotse niya.

"Do you guys want to eat first or diretso na tayo sa condo? Pwede naman tayo mag drive thru." Tanong ni Miss Aza sa amin.

"Okay na po Miss, ayos lang kami."

"Sure thing"

Naging maayos ang biyahe namin dahil maingat naman magmaneho si Miss Aza. Alam kong parang praning pero habang nasa kalsada kami, iniisip ko kung si Miguel ba ang nagturo sa kanya magmaneho? Ano ba yan Klarisse, kanina lang sabi mo isasantabi mo yung pagdududa mo sa nakaraan ni Miguel at ni Miss Aza, tapos pati pagmamaneho niya ginagawan mo ng isyu. Pagkatapos ng biyahe, huminto si Miss Aza sa tapat ng isang condominium sa may Vito Cruz. Pinauna na niya kami sa lobby at ipaparking lang daw niya ang sasakyan.

"Ang ganda ni Miss Aza no?" bulong sa akin ni Jasper.

"Oo, maganda talaga siya." agad ko namang sagot pero parang lumabas na bitter ako sa sinabi ni Jasper kaya tumawa lang siya. Bago pa makapag salita ulit si Jasper, dumating na si Miss Aza at sinamahan kami papunta sa unit niya para magsimulang magtrabaho.

Maganda ang mga tanong ni Madam para sa interview namin. Mga personal na tanong sa buhay at trabaho na buong puso niyang sinagot.

"Last question na po, Miss Aza." ang sabi ko habang nakatutok sa kanya ang camera ni Jasper.

"Sure" nakangiti niyang sabi.

"How about your love life?"

Napansin ko ang biglang pagtahimik ni Miss Aza, hindi niya inaasahan yung tanong. Akala ko ba napagkasunduan na nila ni Madam ito?

"Oh, I never thought may ganyan palang tanong, but sure, I'll answer that honestly." Oozing with confidence talaga si Miss Aza, nakakainggit, sana ganun din ako pero isa akong dakilang insekyora kaya pati siya iniisipan ko ng kakaiba.

"I really don't have a love life right now, but it was a roller coaster ride. I broke up with my boyfriend of how many years, actually we got engaged first before breaking up. And then, there's this man, this is not my ex, but maybe I should call him as an ex too." biglang lumungkot yung mukha ni Miss Aza habang nagkekwento. "We met again after 3 years actually, it was a bitter sweet reunion, and this sweet man, the sweetest that I met...yung tinatawag kong the one that got away, he's in a relationship and I assume they are happy...and I'm happy for him. I really am."

"Alright, cut!" medyo nagulat ako sa pagsigaw ni Jasper nag excuse naman si Miss Aza para bumaba at may bibilihin lang daw siya. Masyado akong nadala sa kwento ni Miss Aza, yung hinala ko tuloy sa kanila ni Miguel mas lalong tumindi. Pakiramdam ko si Miguel yung lalaking tinutukoy niya. Si Miguel yung lalaking mahal niya pero may mahal ng iba, at yung iba na yun ay ako. Hindi ko napansin na tumigil na pala si Jasper sa pagmando ng camera, tinitignan na niya yung mga frame na naka sabit sa pader ng unit ni Miss Aza pati na din yung mga nakapatong sa estante niya. Nakatitig lang ako sa kawalan, hanggang sa narinig ko ang pangalan ni Miguel.

"Klarisse! Halika dito, si Miguel oh." Si Miguel? Nasa biyahe yun at paano naman niya nalaman na nandito ako?

"Nagtatrabaho si Miguel." sagot ko sa kaniya.

"Baliw, alam ko! Pero tignan mo oh, may picture silang dalawa ni Miss Aza. Si Miguel ito hindi ba? Yung boyfriend mo" Ano daw? Agad akong lumingon sa kanya at tinuro niya yung isang frame na nakapatong sa maliit na drawer malapit sa TV ni Miss Aza. Bigla akong kinabahan. Dahan dahan akong lumapit, nakatingin lang sa akin si Jasper.

"Hindi ba si Miguel yan? Hindi kaya si Miguel yung lalaking tinutukoy niya kanina?"

Kinuha ko yung frame. Nanginginig na ako. Totoo nga ang hinala ko. Totoo ang lahat. Si Miguel. Ang Miguel ko...nakayakap sa kanya si Aza at nakahalik sa pisngi niya. Mukhang nasa Baguio sila dahil sa background ng litrato. Ang saya saya ng mukha ni Miguel habang nakapulupot sa kanya si Aza.

Bumalik sa isip ko ang mga sinabi ni Miguel sa akin pagkatapos ng exhibit.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin yung tungkol kay Aza?"

"Hindi naman kasi importante."

"Sigurado ka?"

"Oo, sigurado ako."

Nagsinungaling sa akin si Miguel...at ang sakit sakit. Hindi ko na napigilan lumuha. Hawak hawak ko pa din yung litrato nilang dalawa, niyakap ako ni Jasper.

Parang dinudurog yung puso ko. Biglang bumukas ang pinto, dumating na si Miss Aza.

"Is everything okay?" agad niyang tanong. Nakatingin lang ako sa kanya, di hamak naman na mas maganda si Miss Aza sa akin, at mas ipagmamalaki ng kahit sinuman. Ako, isang hamak na PA lang, utusan. Bakit ganun lord? Binigyan mo ako ng karibal yung lamang na lamang pa sa akin. Napansin niya yung hawak kong frame at bigla siyang napatakip sa bibig niya.

"Hey, Klarisse..I can explain..." lalapit na sana sa akin si Miss Aza pero hindi ko kakayanin na mapalapit pa sa kanya. Binitawan ko yung frame at hinayaang mabasag sabay takbo palabas. Alam kong hindi tama yung ginawa ko pero...pero may mali ba sa nararamdaman ko? Sa sakit na nararamdaman ko? Sa tingin ko wala.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C16
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login