Charles' Side
As long as I want to stay in the meeting, lumabas ako ng classroom para dumiretso sa gymnasium. Hindi naman 'yon required, walang grade, at excuse kaming mga varsity.
Basketball is life.
Wala akong inintindi noon kundi basketball.
Simula bata pa lang ako, alam ko na na ito ang gusto ko. Dito ako magaling, dito ako naghahari---- patunay na rito ang pagiging MVP ko noong nasa Lee University ako. Hindi ako makapapayag na may ibang maghari sa larangan na akin.
Tiim-bagang na tinitigan ko ang lalaking ngayon ay naglalarong magisa sa court. Ang iba naming kasamahan ay nakaupo sa bleachers at nagaayos pa lang ng katawan. Ang iba naman ay kasama ang kanilang mga girlfriend para magpalambing. Tss. Pumasok ako ng gymnasium at inilapag ang mga gamit ko bago ako mas lumapit sa kanya para tignan siyang maglaro.
Ito lang na ulupong na ito ang naglalaro. Ang yabang ng gago.
Nakalaro ko na rin siya noon. Magaling siya, pero hindi siya competitive. Hindi siya mahilig sumali sa mga tournament at tingin ko ginagawa niya lang iyon para maglibang.
Noong mabitawan niya ang bola ay agad ko itong sinalo. Hingal na nilingon niya ako.
"Sa susunod kapag hawak mo na, huwag mo nang pakawalan." sabi ko at agad na ngumisi. "Kundi, makikita mo na lang hawak ko na pala."
Idinribble ko ang bola at bahagyang lumalapit sa kanya. Naiinis ako dahil hindi man lang nagbabago ang itsura niya. Parang hindi siya nabahala. Kampante ang ulupong. Parang hindi niya naisip na yung ex niya yung tinutukoy ko na dapat e huwag pinapakawalan para hindi makuha ng iba.
Though, advantage kong nagbreak sila dahil sa wakas ay nakaporma na ako kay Ayra. After that pool day sa bahay nila! I never get to have a chance lalo pa't malayo-layo ang L.U sa T.H bukod pa sa laging mainit ang tingin ng ulupong na 'to dati pa sa akin.
Ang ayoko lang ay umi-extra pa rin ang gunggong na 'to sa buhay niya. Ano pa bang ginagawa nito dito? Sana nagkulong na lang siya habangbuhay sa puder ng ama niya. Doon sa school nila, may college rin naman 'yon.
"Ano ha?" ngising-ngisi ako habang ipinapatalbog ang bola. Nagsimula siyang pumwesto na para bang handa siyang agawin ito mula sa kamay ko.
No way.
Mabilis akong kumilos. Maliksi siya pero talagang mas maliksi ako, kaya naman sa isang iglap ay nai-shoot ko ang bola.
"Gets mo?" I huge grin displayed on my face, habang hawak ko ulit yung bola.
Halos uminit naman ang ulo ko dahil ngisi lang rin ang isinagot niya sa akin.
"Hindi lahat ng hawak mo, iyo, Lizarde."
Sa sobrang pagkabigla ko sa sinabi niya ay naagaw niya ang bola at agad itong shinoot.
"Minsan, pinahiram lang sa 'yo."
Bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya noong harapin niya ako't idinribble ulit ang bola. Inis na umiling-iling ako't muling nakipaglaro sa kanya. Dribble rito, dribble roon.
"Pwede bang tigilan mo na lang Lee?" sabi ko habang nagaagawan kami.
"I'm not even making my moves."
Ang yabang talaga ng isang 'to! Sarap upakan ng mukha e!
"Ipasa mo na lang sa akin dahil hindi ka naman na mananalo!"
Sa isang iglap ay lumayo siya sa akin hawak ang bola at buong lakas itong ipinasa sa akin na syempre nasalo ko naman.
Tiim ang bagang niyang tinitignan ako pero nananatili siyang kalmado.
"I can pass you the ball but not her! Not her, Lizarde!"
Sa gitna ng pagtitinginan naming dalawa ay may boses na biglang sumingit.
Isang lalaking kamukhang-kamukha nitong si Richard Lee.... at isa na namang ulupong.
"Sa tingin ko dapat ay kasali ako diyan sa larong 'yan."
Kita ko ang pagkakunot ng noo ni Lee, gan'on rin ako na nagtiim bagang.
"T4ngina..." I whispered to myself. "Isa pa 'to." TSS!
"Hoy! Gamboa! Ngayon ka lang nagpakita ah! Lagot ka kay Coach!" sigaw ng isang team mates namin na nasa bleachers. Nilingin naman siya nito ni Gamboa.
"Sorry, academics first." aniya at muli kaming tinignan.
Nilapitan niya kaming dalawa, at sa sobrang inis ko e binato ko sa kanya yung bola na nasalo niya naman agad. Itinalbog niya agad ito sa lupa.
Hindi agad kami nakapagsalita ni Lee. Langhiya. Ang dami ko palang kalaban!
"Ano? May the best man win?"
Hindi pa kami nakakapagsimula ay may ka-team mate kami na sumigaw.
"Hoy! Pwede sumali-----"
"HINDI!" tatlo kaming sabay-sabay na sumigaw, na pare-parehong mga kunot ang noo. Napaatras naman sa gulat ang team mate namin.
Tsss.
Hinarap ko silang dalawa.
May the best man win. Alam kong hindi 'to tungkol basketball. Alam ko.
"Hoy, hoy! Magkakakampi kayo! Hindi kayo magkaka-kalaban ah!" sigaw ng kakarating lang namin na Coach na sinamahan niya pa ng nakakarinding pito.
Tss! Halatang-halata ba?
"Oo nga, Coach! Kanina pa yang mga yan akala mo magkakabasagan ng ulo e!" komento ni Rence, "Hindi pa ako pinasali kanina!"
"O siya! Siya!"
Natigil naman kami sa paglalaro, at syempre AKO ang nanalo sa aming tatlo. Pagkatapos kaming pansinin ni Coach ay sinenyasan niya na kaming tatlo na lumapit, which means na magsisimula na nga ang try out.
N'ong una akala ko naglalaro lang ako, nakikipag-agawan ng bola, pero hindi ko napansin na nagseseryoso na ako.
Hindi lang sa larong ito... kundi dito sa nararamdaman ko.
Malaya kong pinagmamasadan ang seryosong mukha niya habang nakikinig siya sa lesson ng prof namin sa History. Mabuti na lang at hindi namin kaklase ang Lee na 'yon dito. Halos mapatalon ako sa gulat nang lingunin niya ako.
"Makinig ka nga." sabi niya't saka muli tumitig sa board.
No. You should be the one listening to my heart.
Inayos ko na ang upo ko pero paminsan-minsan pa rin akong sunusulyap sa kanya. Iba na 'to. Baka mamaya hindi na ako makaahon.
Umiling iling ako at parang tangang napangiti.
Natapos ang klase sa History at nagsimula na namang magmeeting ang buong klase tungkol sa events ng seniors, at mga events pa na kakaharapin namin. Sa ngayon ay more on events pa lang o mga academic subject ang pinagaaralan namin dahil first year pa lang naman kami.
Napatalon ulit ako sa gulat nang nilapag ni Ayradel sa armrest ko ang notes niya sa History.
Recently, lahat ng kilos niya kahit maliit grabe ang epekto sa akin.
"Aralin mo 'yan," sabi niya na tinap pa ang notebook. "Simula bukas, itututor kita dahil next week ay may very long quiz as per Sir. Tandaan mo yung sinabi ko sa 'yo na make your parents proud more. Show them what you' ve really got."
Mula sa nalaglag na panga ay unting bumanat ang bibig ko para ngumiti. I never wanted to make my parents proud until I met her.
Siya lang ang nagpatatak sa utak ko na bukod sa magreklamo sa gusto sa akin ng mga magulang ko, why not make them proud and happy for me, nang sa gan'on ay pagkatiwalaan rin nila ako sa mga desisyong gagawin ko sa sarili kong buhay? Bakit hindi ako magpasalamat na mayroon akong magulang na may pake sa akin at pinagaaral ako?
I salute, and let out a laugh.
"Yes, Ma'am!"
Nagkaroon ako ng pag-asa na may pag-asa dahil ngumiti siya. Paano ko ba makukuha ang ngiting 'yan, Ayra?