Download App
36.09% I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 46: Chapter 35

Chapter 46: Chapter 35

Chapter 35: Science Camp

Ayradel's Side

Tiningala ko ang mataas at light blue gate. Saka ko binasa ang tatlong letrang nakakabit sa itaas na bahagi n'on.

L E E

sa ibaba nito ay ang salitang University.

LEE

University

Hindi ko namalayang napatitig na pala ako doon.

"Pst, Besty, lakad." Humawak si Besty sa braso ko kaya naman napahakbang ako ng di oras palapit ng entrance ng school.

"Wait, kinakabahan pa ako." Sambit ko lalo na nang makita kong nasa harap na namin ang mga guard ng Lee University.

"Ano ka ba naman, Ayra, parang ngayon ka lang sasali sa Quiz Bee ah?" Sagot ni Ella. "Wag ka nang kabahan! Eazy lang 'yan!"

Agad niyang ini-swipe ang I.D niya sa detector nang makarating kami doon, dahil dito talaga siya naga-aral sa Lee University. Talagang sumabay lang siya sa pagpasok sa amin para ma-guide niya kami. Sa laki ba naman daw ng school na 'to?

"Your bags and I.Ds please." nagitla ako nang harangin kami ng isang babae at lalaki na guard ng school.

"Uh, kuya, ate, sila po yung taga-Tirona High." Pagsingit ni Ella.

"Yes, but we need to see their bags and Identification Cards first."

Bahagyang nalaglag ang panga ko.

"Taray, dollars."

Bulong ni besty sa tabi ko bago namin binigay sa mga maliliit na mesa ang mga bags namin.

Medyo natagalan pa kami dahil talagang hinalughog nila ang mga bag namin na para bang kahina-hinalang tao kami.

"Oh, god. Bakit hindi na lang tayo papasukin agad?" Reklamo ni besty sa likuran ko. Yung I.D namin e, talagang tinitigan nilang mabuti. Tinitigan ng babaeng guard si besty. "What? Ako 'yang nasa picture! Mukha ba kaming- ugh!"

Pagkatapos nilang makatiyak e, doon lang kami tuluyang pinapasok.

"Hahahaha! Lui, easy!" Tumatawa si Ella habang naglalakad na kami sa parang catwalk.

"Shiz, ayoko talaga sa mga guard na nantutusok lang ng bag. Pero mas nakakairita pala 'yung OA mag-inspect!"

"Ganito talaga dito, sobrang higpit."

Sambit ni Ella habang nakahawak sa strap ng bag niya. Tumingin ako sa likuran namin, at nakitang ang ibang schoolmates ko na nasa likuran ay nag-iba na ng daan.

Napansin ko rin ang pagtingin sa amin ng iba pang estudyante. Kumunot ang noo ko pero hindi ko na lang inintindi.

Inilibot ko na lamang ang tingin sa buong Lee University habang pinagpatuloy pa namin ang pag-lalakad.

Pagpasok ay dalawang catwalk ang madadaanan, ang dinadaanan namin ngayon ay ang catwalk para sa Entrance. May kalsada sa gitna na dinadaanan ng mga kotse, pagkatapos kapag tumawid ka ay doon mo naman madadaanan ang catwalk na pang-Exit.

Talagang malaki ng lugar na 'to kung ikukumpara sa Tirona High.

"Bakit parang..." napalingon ako kay Besty na abala sa pagtingin sa buong paligid. "May mali ba sa suot natin? Bakit nila tayo pinagtitinginan?"

Agad na napadpad ang tingin namin ni Besty kay Ella at literal na napanganga kami nang makitang may suot-suot siyang jogging pants kahit naka-mini skirt na siya!

"Ano ba yan Ellaaaa! Hindi ka namin kilala!" lumayo si besty at nagpunta sa gilid ko habang parang kinakahiya niya si Ella. Tumawa lang ako at ganoon din si Ella.

"Duh, sa palabas kayang Princess Hours, ganito rin yung bida! Malay mo, dahil dito mapansin ako ng Prince Charming ko?"

"Ang mais mo!"

Agad ko siyang tinignan nang makahulugan nang sinambit niya yon.

"What?!"

"Bukambibig mo si Suho ah?"

"Ano ka ba, si Ella ang tinutukoy ko. Ang corny! Hmp!"

Mas nauna na siyang naglakad samantalang tumatawa lang kami ni Ella.

Hanggang sa marating namin ang dulo ng catwalk. Doon ay bumungad sa amin ang isang mini-fountain. Napadpad ang paningin ko sa itaas. Pakiramdam ko tuloy nasa sky na ako.

"Grabe, ang laki pala talaga ng Lee University," sambit ni besty habang nakatingala rin.

"May college rin kasi dito. Kaya nga University diba?" Sagot ni Ella.

Tumingala ulit ako. Ang harapan namin ay pinangungunahan ng limang naglalakihang building na puro shades of blue: nasa kaliwa ang lightest color samantalang pa-dark naman ang papuntang kanan.

"Iyon ba ang building D, Ella?" tinuro ko ang pang-apat na building mula sa kaliwa. Tumango siya.

"Pupunta ka na bang Building D? Diba 9 am pa naman ang quiz bee mo? 8:15 pa lang, 9:30 am din klase ko, ilibot ko muna kayo! Please?!?!"

Mataman ko siyang tinignan. "Ayoko."

.

.

.

At ngayon nga ay nandito na kami ni Ella sa tinatawag nilang 'Cafeteria' na doble yata ang laki sa 'Canteen' ng Tirona High.

Sa likod ng cafeteria ay nandoon ang Freedom Park- sementadong parke sa loob ng school na may fountain sa gitna, may mga puno sa gilid at benches sa paligid. Kumain muna kami sa loob ng cafeteria kahit kumain na ako sa bahay saka lumabas upang ipagpatuloy ang paglilibot na sinasabi ni Ella.

9:00AM nang mapagdesisyonan naming dalawin ang Alumni Hall ng Lee University. Malayo pa lang, tanaw ko na ang ingay at hiyawan ng mga nanonood. Mas lalo kong naramdaman ang kaba.

Taon-taon kasi tuwing magtatapos ang buwan ng September ay ipinagdiriwang ang Science Camp.

Nakikipag-compete ang Tirona High sa iba't ibang school, at ang Lee University ang napiling pagganapan ngayong taon dahil na rin siguro sa personal na pagkakaroon ng interes ni Alfred Lee sa TH. Ang 1st day ng Camp ay gaganapin sa Lee University, ang 2nd day ay sa Tirona High, at ang 3rd Day ay Leisure activity na lang para sa mga estudyante na gaganapin sa kanya-kanyang school.

Ngayon nga ay ang 1st day ng Science Camp. Quiz Bee, Science Challenge, at Ms. Science ang competetions na gaganapin dito sa Lee University.

Nang makapasok kami sa Alumni Hall ay agad akong napatingin sa asul na stage sa unahan. Maraming tao kaya nakatayo lang kami, pero kahit gan'on ay tanaw ko pa rin si Jae Anne Galvez na nakatayo kasama ang iba pang candidate para sa Ms. Science.

Si Jae Anne ang representative ng Tirona High lalo na pagdating sa mga pagaents. Nakasuot sila ng mga simpleng short shorts at puting sando pero angat na angat ang kanilang kagandahan- lalo na si Jae Anne.

Napadpad ang tingin ko sa mga taong nanonood. Nakatalikod man ay nakilala ko ang isa doon dahil kilalang kilala ko ang likuran niya.

Jayvee.

Nakaramdam ako ng stab sa kaliwang dibdib.

Simula noong sabihin niyang gusto niya ako ay wala nang ibang nangyari. Hindi ko na siya madalas makausap, at hindi ko maramdaman kung totoo ba yung sinabi niya. Feeling ko tuloy nanaginip lang ako nung mga time na 'yon.

"Whoa, ang ganda ng representative niyo!" Sambit ni Ella habang nagniningning ang matang tinitignan ang stage. Napatingin din ako at kasalukuyan na palang nagpapakilala si Jae Anne Galvez.

"Huh? Mas maganda pa nga tayo diyan eh-" inawat ko agad ang pagsasalita ni besty.

"B-besty... Ella." Sambit ko. "Punta na akong Building D. 9:15 na, baka ma-late pa ako sa Quiz Bee."

"Sige! Doon na lang tayo sa daan malapit sa Cafeteria at Freedom Park, may shortcut d'on papuntang Building D."

Saktong 10 minutes bago magsimula ang Science Quiz Bee nang makarating ako sa tamang room sa Ground Floor ng Building D. Marami na ring mga tao sa hallway, na sa tingin ko manonood sa gaganaping quiz bee. Malaki ang bawat room ng Lee University, at hindi katulad sa mga Public School na jalousy ang mga bintana eh, dito talagang transparent glass ang bumubuo sa 3/4 ng buong ding-ding ng mga room.

"Besty, goodluck. Alam kong sisiw lang 'yan sa'yo."

"Go, Ayra! Nandito lang kami!"

Ngumiti ako ng matamis kina Besty at Ella, pero tinignan ko muna ang paligid bago tuluyang pinasok ang room na nakaassign sa 6th Year Quiz Bee. Kahilera ng room ko ay ang nakaassign para sa 5th Year, 4th year, and 3rd Year Quiz Bee.

"Sinong hinahanap mo?" Sabi ni besty.

"Wala," sagot ko bago bumuntong-hininga, tuluyang isinara ang pinto at humakbang papasok ng air-conditioned room, na puting-puti ang pader.

Naramdaman ko ang titig sa akin ng mga kalaban ko kaya naman agad akong napayuko.

Wala pa namang instructor pero marami-rami na rin kaming nasa room, siguro ay nasa labing dalawa. Lahat kami dito ay galing sa iba't ibang school, at since malaki ang room ay talagang malayo ang upuan namin sa isa't isa. Umupo ako sa cream-colored na upuan na may kapartner na cream-colored desk, at may label na Tirona High. Located sa gitna ng room, malapit sa whiteboard.

Muli akong sumulyap sa may glass window.

Kahit maraming taong nanonood din e, talagang nangunguna ang mukha nina Besty at Ella.

Para silang natatae na ewan! May sinasabi sila pero hindi ko maintindihan dahil nga glass ang window. May tinuturo silang something sa may bandang pinto at napansin ko rin ang pag-ngiti ng ilang mga tao sa paligid habang may pinagmamasdan din.

Kumunot ang noo ko, kasabay ang pagpasok ng isang lalaking nakasuot ng itim.

Napadpad sa kanya ang atensyon ng lahat ng nasa room, at napaangat ako ng tingin sa MIB na tumigil sa harapan ng desk ko. May nilapag siyang paper bag sa desk, pagkatapos ay lumabas na rin agad pagkalagay n'on.

Napalingon ako kina besty at itinanong through mouth signs kung sa kanila ba galing ang paper bag na iyon. Nagbatukan na lang talaga sila doon, wala akong maintindihan, kaya minabuti kong tignan ang laman ng paper bag.

Isang large fries, yum burger, at malamig na mineral water?

Kunot-noong binasa ko ang maliit na note na nakadikit sa burger.

Galingan mo, Baichi :) -pogi mong seatmate

Agad akong natawa, kalaunan ay napangiti rin nang mabasa ko ang note.

Kanino pa ba manggagaling 'to e isa lang naman ang taong tumatawag sa akin ng alien na call sign na 'to.

Wierd talaga ng taong to. Parang kahapon lang parang ewan na ang tahimik, tas ngayon....

Nilingon ko ang glass window para hanapin ang pinagmulan nitong paper bags. Makapal ang tao sa hallway pero sa tingin ko ay pinapaalis na sila ngayon. Kasabay n'on ay ang pagpasok ng instructor. Inilapag niya ang kanyang bag sa table na nasa gitna.

"The quiz bee will be starting 15 minutes from now, if you want to review, you may do it now. If you want to use the Comfort Rooms, do it now for you will not be allowed to leave the room once the quiz bee started."

Dahil doon ay binalik ko ang tingin ko sa glass wall. Unti-unti nang nahawi ang mga tao sa hall way, kaya unti-unti kong natanaw ang isang lalaking nakaupo sa railings, sa harap ng room namin.

Naramdaman kong tumibok ng mabilis ang puso ko, na parang kinakabahan ako na ewan.

Suot niya pa rin ang uniform ng Tirona High, pero kagaya ng dati ay dalang-dala niya iyon ng maganda.

Nakita ko pa ang paggalaw ng adams apple niya habang may sinisipsip siyang kulay violet na inumin- na sa tingin ko ay Zesto?

Natigil ang pag-iisip ko nang nagtama ang paningin namin. Binitawan ng labi niya ang straw ng Zesto at kunot-noong kinausap niya ako gamit ang mouth language.

Parang sinasabi niya na wag ko siyang tignan at tumingin na lang ako sa board.

Psh. Hahahahaha.

Natawa lang ako lalo na nang makita ko ang pagpula ng tenga niya. Mula sa pagkaka-frown ay nagform into ngiti ang labi niya. Napuno ng paru-paro ang tiyan ko at parang tangang nag-ngitian lang kami doon. Pagkatapos ay nagsign na naman siya na huwag ko na siyang tignan.

Natawa lang ulit ako and then I mounted...

"Saranghae."

Hindi ko alam kung bakit may kakaibang tibok sa puso ko.

{to be continued...}


CREATORS' THOUGHTS
Ayradel Ayradel

HEY GUYS! Sorry late updates, actually tinry ko lang talagang ipost itong story ko dito and hindi ko akalain na may nagbabasa pala hahaha. Hindi rin nagnonotif sa akin 'yong mga comments niyo so hindi ko napapansin. Napansin ko lang noong inisa-isa ko 'yong chapters. Woah! Thank you so much for reading. Will update na regularly, just keep on commenting hehehe❤

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C46
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login