Habang naglalakad sa pasilyo ng kanilang quarter, ramdam ni Anowi ang grupo ng mga matang nakatitig sa kanya...bahagya siyang nag angat ng paningin upang kumpirmahin ang hinuha... hindi siya nagkamali...
Mga kasamahan niya sa department..... nakaupo sila sa couch sa may relaxation area.... kasama na ang gwapo este antipatikong buddy nya...si Kieran.
Ngumiti siya sa kanila at diretsong naglakad patungong underground parking area kung saan, bawat isa sa mga empleyado ay may provisional parking space duon.
Sa west wing naroon si Blink...iyon ang pangalan ng kanyang plum blush, sedan - type na ford focus. pinindot nya ang buton ng susi para sa remote key-less entry.
Binuksan niya ang driver's seat, pumasok,... relax na naupo, ini-start ang engine at tuluyan ng umalis....
Habang nagmamaneho, palinga - linga siya sa nadadaanan niyang mga establisimento...
Maya-maya pa, nai-park niya si Blink sa gilid ng flower shop malapit sa isang shopping mall sa North Edsa.
Atubili niyang tinungo ang shop. Paglabas ay dala na niya ang isang boquet ng puro puting stargazer.
Sumilay ang malamyos na ngiti sa kanyang mga labi habang pikit-matang nilalanghap ang halimuyak ng mga sariwang bulaklak. Pagkuway inayos niya ito at inilapag sa passenger's seat.
Sobrang komportable ng pakiramdam nya habang binabagtas ang kahabaan ng north luzon expressway..... dalawang taon narin ang lumipas simula noong huli siyang madaan sa lugar na ito...
marami nang nagbago... mga bagong tayong gusali, pabrika, shopping malls, gasoline stations at on-going construction ng isang executive subdivision na pag-aari ng kilalang tao sa bansa... bagaman meron paring ilang establisimento na pamilyar sa kanya....
tumingin siya sa monitor na nasa rear view mirror upang tiyaking safe ang paglipat niya sa left side na lane...
pinihit niya pakaliwa ang manibela... nang biglang.....
"shocks!!"
"what the!!!"
Dinig na dinig niya ang pag-ingit ng gulong ng sasakyan sa biglaang pagbreak.
Isang midnight black metallic na toyota camry ang mabilis na nag-over take.... halos mapatayo siya sa pagkakaangat sa upuan kung hindi lang siya naka-seatbelt... thank God sa hand brake.... isa sa mga safety features ng sasakyan sakali man hndi nya agad natapakan ang brake pedal...
Hindi pa humuhupa ang lahat ng inis niya nang paandarin uli niya ang sasakyan..... mga mata niyang naniningkit sa inis ang nakatutok sa plate number ng magarang kotse na nasa harapan.....
"ibang klase rin naman ang driver na'to!,...
"anong tingin nya sa nlex?... racing field?!?" Inis niyang sambit sa sarili.
"race pala ha?... teka...."
pinihit niya pakanan ang manibela at napunta siya sa second lane... Tinapakan niya ng mariin ang gas pedal at sumunod naman sa command ang buong sistema ng sasakyan.
Ngaun, naungusan na niya ang camry... sinipat niya mula sa bintana ang driver's seat.
Lalong nadagdagan ang kanyang pagkainis nang makita ang na naka- one-way mirror daytime privacy window film ang sasakyan nito.
nadoble ang pagkunot ng kanyang noo.
Magsasalita sana siya ngunit walang lumabas na kataga sa kanyang bibig....
Natagpuan niya ang sariling nakatigagal sa hangin..
Humugot uli siya ng malalim na buntong hininga...
"Well,.." Napapailing nalang siya.
"Alright, Camry with the plate number KM-7.... I'll see u next time!." tiim-bagang niyang sinambit sa sarili...
bahagya nyang inangat ang pagkakatapak sa pedal gas at pumusisyon nlng sa likod ng camry na mukhang mag-u-u-turn din.... naka-convoy nlng sya sa sa sasakyang kanina lamang ay walang kapararakang nag - over take.....
nanatili siya sa ganoong sitwasyon ilang sandali pa...
Nang malapit na sya sa clark exit... binagalan niya ang takbo at hinayaang maunahan siya ng ibang mga sasakyan... basta mawala lng sa paningin nya ang midnight metallic black na camry na un...
"Relax lang Anowi".... pagkakalma nya sa sarili...
Humuhupa na ang pagka-inis nya... hanggang unti-unti na syang nare-relax.....
Habang binabagtas ang kahabaan ng sctex, naisip nya ang partikular na lugar na tiyak niyang pupuntahan...
Muli pa, sumilay ang ngiti sa kanyang labi at sumibol sa kanyang gunita ang masasayang alaala ng nakaraan...
"Meg,.... here I come..." marahang bulong niya sa hangin.
........
Sa wakas ay narating na niya ang pupuntahan.
Pumasok siya sa magarang gate ng isang eksklusibong memorial subdivision. Sa parking area sa north wing, iniwan niya si Blink.
Buong ingat niyang binuhat ang boquet ng stargazer at nagpasya nang tunguhin ang lugar kung saan nakahimlay ang kanyang pinakamatalik na kaibigan.....
Nahagip ng kanyang paningin sa di-kalayuan ang isang pamilyar na sasakyan...
....midnight black metallic na camry na may plate number KM-7.
Bigla yatang kumulo ang dugo niya.... at awtomatikong naningkit ang mga mata.....
Ngunit nang maramdaman niya ang mga bulaklak sa kanyang braso ay bahagyang pumayapa ang kanyang kalooban...
Hindi siya naparito para makipag-diskusyon... kundi, upang dalawin sa himlayan nito ang nag iisang tao na minahal niya ng lubos at tinuring na parang tunay na kapatid..
Nagpaubaya na sya sa kanyang mga paa na dalhin sa puntod ng kaibigan...
— New chapter is coming soon — Write a review