Download App
90.47% Come See About Me (Tagalog) (Yaoi) (BL) / Chapter 19: Chapter 19: I fkng knew it.

Chapter 19: Chapter 19: I fkng knew it.

Nagkita ulit kami ni Billy kinabukasan. Kumain kami sa school canteen. Binabalak ko na rin na sabihan si Billy na tigilan na namin ang paglabas-labas nang magkasama dahil gusto ko nang maging fair sa kanya.

Ayaw ko nang palakihin pa ang mga pagkakamali ko. Lately, nararamdaman ko rin na parang unti-unti nang dumidistansiya si Billy sa akin. Hindi na kami ganun kadalas magkasama tulad ng dati.

Nagsimula iyon nung nakita niya yung picture namin ni Chester. Natapos kaming kumain ay hindi ako nakakuha ng tiyempo.

++++++++++++++++

Nung hapon na yun ay nagpractice ulit si Luigi ng sayaw para sa laban niya kinabukasan. Ayos naman at nakita kong magaling na ang pagkakasayaw niya ng mga steps. Nandun pa rin si Chester pero hindi pa rin kami nagpansinan.

Ininvite ako ni Luigi na panoorin ang laban niya bukas. Pumayag naman ako. Sinabihan ko siya na itext na lang ako para hindi ko makalimutang pumunta.

Ayt, absent na naman ako sa mga subjects ko. Hindi malayong mabagsak na ako neto. Lol.

Malaki naman ang tiwala ko na mananalo si Luigi. Pogi kasi ito at may talent naman talaga. Maganda rin naman ang hubog ng katawan nito kung tutuosin.

Pagkatapos ng practice ay inihatid ulit ako ng magpinsan sa terminal ng bus at doon ay nagpasalamat sakin si Luigi.

"Salamat Momo ha. 'Wag kang mag-alala, gagalingan ko talaga bukas. Para sa inyo ni Kuya Chester. Hehe."   

Kumunot ang noo ko pagkarinig sa sinabi niya. Magsasalita pa sana ako nang bigla na itong tumalikod at lumapit sa gawi ni Chester. Kumaway pa ito bago sila umalis. Si Chester naman ay nakatingin lang.

Haay ewan..    >.<  

+++++++++++

Nung gabi naman ay si Mr.Yabang/Pogi ang inasikaso ko. Gusto ko na talagang malaman kung sino siya. Sinabi kong magkita na kami para makapag-usap kami nang personal kung ano man ang ginawa niyang kasalanan sakin. Nag-reply naman ito agad at sinabing hindi pa raw siya handa na makipagkita sakin.

Nyeh, sa loob-loob ko. Ganun ba kalaki ang kasalanan niya para kailanganin pa niyang paghandaan?  >.<  

Pogi :    bsta ptawarin mo ako sa mga kslanan ko sayo ha.

Momo:  Depende yan kung ano ba ang kslanan mo sakin. Mukhang madami ah, kelangan n tlga natin mgkita.

Pogi :    Ok cge, bukas sa hi-skul competition. Pink polo shirt ang suot ko.

Momo:  Wait, bka hindi ako pede bukas. Sa ibang araw na lang.

Pogi :    Bukas n tau mgkita.

Momo:   Baka nga hindi tayo mgkita bukas. wag kang mkulit. >.<

Baka kasi kailanganin ako ni Luigi bukas sa laban niya. Kaya kelangan ay nasa tabi lang ako ni Luigi bukas. Baka kasi kabahan ito at ma-blangko sa stage at kung anu-anong sayaw ang gawin.

Pero hindi na ulit nagreply si Pogi.

Nakakainis you know!  >,<  

Nagtext pa ulit ako sa kanya at sinubukan siyang tawagan pero hindi naman niya sinasagot.

++++++++++++++++

Kinabukasan, malapit nang magsimula ang contest.

Kasama ako ni Luigi sa backstage. Wala naman doon si Chester. Napansin siguro ni Luigi na parang may hinahanap ako.

"Mamaya pa siya dadating. May dinaanan pa kasi sa bayan." sabi bigla ni Luigi.

"Sino?" tanong ko naman.

"Si Kuya." simpleng sagot ni Luigi.

"Hindi ko siya hinahanap no."

"Alam ko na ang lahat sa inyo. Haha."

O.o  

Hindi na lang ako sumagot. Walangyang Chester 'yun.    =______=  

Pero parang okay lang naman kay Luigi. Mukang natutuwa pa nga ito.

+++++++++++++

Maya-maya lang ay nagsimula na ang contest. Malakas talaga ang laban ni Luigi dahil angat siya sa karamihan ng mga contestants.

Nag-aalala naman ako sa pagkikita namin ni Pogi. Wala akong idea kung kelan siya susulpot sa harapan ko.

Lagi ang pagsulyap ko sa lahat ng direksyon para lang makita kung may naka-pink na polo shirt sa paligid.

Ang daya talaga!   >.<  

Nasa kanya ang decision kung magpapakita pa siya sakin. Samantalang ako dito ay praning na praning. Nagtetext ako sa kanya pero hindi naman siya sumasagot. Kainis talaga.

Nanatili lang akong nakaupo malapit sa stage kung saan nakatayo ang lahat ng mga naglalaban. Kitang-kita talaga kay Luigi ang confidence. Parang naglalaro lang ito sa stage. Saka siya rin talaga ang tinitilian ng karamihan sa audience.

Ang daming malandi! Makatili parang walang bukas?   =______=  

Kaya naman lalong lumalakas ang loob ng loko.

+++++++++++

Malapit nang matapos ang competition ay hindi pa rin nagpaparamdam man lang si Pogi.

Tae talaga. Wala na yatang balak magpakita sakin, hindi man lang magsabi para naman mapanatag na ako sa kinauupuan ko.

Sobrang nako-conscious ako sa itsura ko dahil feeling ko ay lagi lang siyang nasa malapit at abot-tanaw ako.

Haay, kainis.

Sandali lang at matatapos na ang contest, sasabihin na ang mga nanalo.

Unang tinawag ang second at first runner up. Hindi naman natawag ang pangalan ni Luigi. Malakas talaga ang pakiramdam ko na siya ang mananalo.

Ang natitira na lamang ay ang grand winners ng contest.

Unang tinawag ang nagchampion na babae. Wala naman akong pakialam sa kanya syempre. Lol.

Si Luigi lang talaga ang ipinunta ko dito.

Nawala na ang pakialam ko kahit kay Pogi na baka nasa gilid-gilid lang at naghihintay ng tamang tyempo para magpakita sakin. Sandali lang at ini-announce na ang nanalo sa mga contestants.

Si Luigi!    ^.^  

Agad naman itong lumakad sa harap ng stage at hinintay na ibigay sa kanya ng mga judges ang kanyang trophy at sash, certificate at envelope. Nagtilian na naman ang malalandi.

Ngiting-ngiti si Luigi habang binibigay ang award sa kanya. Alam na alam nito magpapogi sa audience. Nagwink pa sakin?

No, hindi sakin.

Sa katabi ko?

Hindi ko pala pansin ang mga katabi ko the whole time. Malayo kanina pa ang tingin ko kakahanap kay Pogi.

Ang lakas ng palakpak niya. Uh, bestfriend kaya ito ni Luigi? Mukang classmate or bestfriend nga. Cute naman. Nerd type, boy labo. Haha naka-makapal na eye glasses.

Umakyat din sa stage ang parents niya. Nagkislapan ang mga camera sa harap ni Luigi.

Deserving naman talaga siyang manalo dahil sa angkin niyang kagwapuhan.

Napakagaling din niya sa talent portion. Bawat galaw niya sa pagsasayaw ay madidinig ang mga tili ng malalantod na mga babae na naroroon. Maganda rin naman ang kanyang naisagot sa question and answer portion.

Talagang siya ang mananalo. Alam ko na 'yun kaagad.

Maya-maya lang pagkatapos ng mga kuhanan ng pictures ay nagpunta na sa baba ng stage ang mga candidates.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagtype ng "Congratulations!" sa phone ko para maisend kay Luigi.

Naglalakad na ako palayo nang tumatakbong lumapit sakin si Luigi. Kasunod naman nito ang mga parents niya at si Chester.

Si Chester.

Pagkakita ko sa kanya ay naramdaman ko na naman ang pagmamahal ko sa kanya.

Haay..    T.T  

"Momo, salamat ha." sabi ni Luigi pagkalapit sakin.

"Hindi ako mananalo kung 'di dahil sayo. " sabi pa.

"Ano ka ba. Ikaw talaga ang mananalo kahit hindi ako ang nagturo sayo. Ang galing mo kaya kanina!" sagot ko.   ^.^  

"Basta, salamat." Hindi ko naman napansin na papalapit pala sa tabi ko si Chester.

Iniabot niya sakin ang sash na napanalunan ni Luigi sa pagiging best in talent portion.

"Dapat ay para sayo ito." sabi ni Chester. Diretso ang tingin sa mga mata ko.

"Naku naman, hindi naman ako ang kasali sa contest." aktong ibabalik ko sa kanya ang sash na iniabot niya sakin.

Feeling ko ay namumula ang mukha ko dahil nakatingin silang lahat sakin.

Pati na ang parents ni Luigi na nakita kong nakangiti.

"Sige na, para sayo talaga yan." sabi naman ni Luigi nang nakangiti rin.

Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ang sash.

"Arigato."

"Maraming salamat hijo." sabi ng mama ni Luigi.

"Naku, wala po iyon."

They needed to take more photos so they all went back to the stage front.

Nakita ko yung bestfriend ni Luigi na nakatingin sa akin at Chester. Nakangiti ito sa akin. Hindi ko alam kung bakit? Kilala ba niya ako?

Nanatili namang nakatayo si Chester sa harap ko. Niro-roll ko ang hawak kong sash nang bigla siyang magsalita.

"Wala ka bang napapansin sakin?" tanong ni Chester sa mahinang boses.

Nag-angat ako ng paningin at tumingin sa mukha ni Chester.

Naguguluhan ako sa tanong niya at siguro ay nag-reflect ang confusion ko sa aking mukha kaya siya napangiti.

"Naka-polo shirt ako. Pink." sabi niya habang nakatitig pa din sa mga mata ko.

+++++++++++++++

TO BE CONTINUED..

AUTHOR'S NOTE: Aunt and Uncle po ni Luigi yung nag-attend ng pageant. Momo did not know Luigi's parents weren't there.

Also, salamat po sa patience niyo. Sorry sa tagal ng story. Sana basahin niyo pa din hanggang matapos ang story ni Momo and hanggang sa next story. It will be about Luigi. Thank you. 😚 - Momo


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C19
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login