(Saturday) (7 am)
⚚ Syden's POV ⚚
Unti-unti kong iminulat ang mata ko. Medyo malabo kaya pumikit-pikit pa ako. Buti naman maliwanag na ang nakikita ko.
Teka. Nasaan ba ako?
Tumingin ako sa paligid. Walang tao at mukhang clinic 'to.
Tanga ko naman. Nasa clinic pala talaga ako.
Babangon sana ako pero bago pa man ako makabangon. Biglang humapdi ang bandang gilid ng tiyan ko. Ouch!
Pagtingin ko, napansin kong may sugat ako at nakatakip ito na parang ginamot ako.
Oo nga pala. Nasaksak ako kanina at pagkabuhat sa akin ni Raven..wala na akong maalala.
Biglang bumukas ang pintuan kaya napatingin ako dito. Nakita ako ni Raven at napansin niyang gusto kong tumayo.
"Sy? Huwag ka munang bumangon. Kailangan mong magpahinga" pinahiga ulit ako ni Raven dahil napansin niya rin na nasaktan ako dahil sa sugat ko.
May pinatong siyang plastik sa lamesa sa tabi ng higaan ko. Pinagdala niya pa talaga ako ng pagkain. Nakita ko rin na kasama niya si Axelle.
"Okay ka na ba Syden? May masakit ba sa'yo? Anong nararamdam mo?" Wow! Grabe naman 'tong si Axelle, sunud-sunod talaga ang tanong niya. Concern ba siya sa akin?
"Okay naman ako. Sinubukan ko lang tumayo kaya humapdi ang sugat ko" nginitian ko sila.
"Kailangan mong magpagaling, d'ba sasamahan ka pa namin mamaya ni Axelle?" -R
Oo nga pala. Nawala sa isip ko na may plano pala ako ngayong araw na'to. Kaya dapat magpagaling ako.
"Oo nga pala...Teka! Bakit nandito pala kayo? D'ba dapat nasa klasi kayo ngayon? Sabado ngayon" pag-aalala ko sa kanila.
Baka dahil sa pagbisita nila sa akin, mapunta sila sa Prison Tree.
"Huwag kang mag-aalala sa amin. Ang isipin mo ang sarili mo. Okay lang ako as long as alam kong okay ka din" sabay hawak ni Raven sa balikat ko.
Concern talaga siya sa akin oh.
"S-sige. Sasamahan niyo naman ako d'ba?" -S
Tumango silang dalawa at ngumiti. Bigla kong naalala ang ginawa ni Clyde at Roxanne sa akin sa cafeteria. Hindi ko palalagpasin ang ginawa nila. Narandaman ko nanaman ang sakit. Hindi dahil sa pagkakasaksak sa akin. Kundi sakit sa puso't isip. At lahat ng pagpapahirap ni Clyde sa akin, hindi ko makakalimutan 'yon.
Kaya gagantihan ko sila. Sa paraang alam kong tama. Isa pa, hindi lang naman 'yon ang dahilan. Nakokonsensya ako dahil parang niloloko ko din si Carson kahit hindi naman talaga. Sabado na. Mamayang gabi, sasabihin ko sa kanya ang totoo.
Sa tuwing makakaharap o nakikita ko siya. Natatakot ako, hindi dahil kay Clyde. Natatakot ako dahil umiiral ang konsensya ko.
"Sy?"
"Huy!"
"Syden!"
Hindi ko napansing natulala na pala ako kakaisip sa mga bagay-bagay.
"Ha?" -S
"Anyare sa'yo?" -R
"H-ha? W-wala...gutom lang siguro ako" -S
"Ganon ba? Oh ito kumain ka na" inabot niya sa akin yung dala niyang pagkain. Prutas ang laman. Wow! Ang tagal ko pa namang hindi nakakakain ng prutas.
Una kong kinuha yung orange. Favorite ko kasi eh. May mansanas din naman pero mas gusto kong unahin yung orange.
"Sy. Gusto mo ba balatan ko para sa'yo?" ngiti nitong si Axelle.
Tinignan ko siya ng masama, "Hoy Axelle! Huwag na baka lasunin mo pa ako!" inumpisahan ko ng balatan yung orange na hawak ko.
"Grabi ka naman. You should be thankful dahil binisita ka ng isang gwapong katulad ko" pagyayabang niya.
Wow! So kailangan ko pa siyang pasalamatan. Aaminin ko naman na gwapo nga siya. But...hindi ko sasabihin sa kanya na gwapo siya. Ipapamukha ko sa kanya na panget siya haha!
"Feeling gwapo, kahit hindi naman. Sinabi ko bang bisitahin mo ako dito?" sarcastic kong tanong ko sa kanya. Nagbibiro lang naman ako.
"Oh sige bahala ka dyan! Hindi kita sasamahan mamaya" biro niya.
"Edi wag! Nandito naman si Raven para samahan ako" hinawakan ko sa braso si Raven at hinila siya palapit sa akin.
"Talaga!" lumabas siya at hindi kami pinansin. Adik din 'yon eh! Parang batang nagdabog palabas.
"Oi! Sundan mo na yung kaibigan mong bata. Baka mag-suicide 'yon" -S
Napatingin sa akin si Raven at parang malungkot siya. Luh! Dahil ba sa ginawa ko kay Axelle?
Humarap siya sa akin at parang may gusto siyang sabihin.
"Sy. Huwag mo na ulit ulitin 'yon ah?" hinawakan niya ang braso ko at mukhang nag-aalala siya.
Luh! Napasobra ata ako sa biro?
"B-bakit?" -S
"Kahapon kasi gusto niya ring saktan ang nanaksak sa'yo. Pero pinigilan niya ang sarili niya, kapag galit siya, gusto niya agad niyang nailalabas ang galit niya. Kaso kapag napigilan niyang ilabas ang galit niya, mabilis siyang mawala sa mood" -R
Umabot din ng ilang minuto bago ko nakuha ang sinabi niya.
Kaya naman pala. Siguro hanggang ngayon dala-dala niya pa rin ang galit niya kaya mabilis uminit ang ulo niya. Kailangan kong mag-sorry sa kanya.
Tinuloy ko na lang ang pagkain ng orange dahil tapos ko na rin namang balatan. Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin. Pero iisa lang ang alam kong bagay na kailangan kong gawin ngayong araw na'to.
Kakausapin ko na si Carson at sasabihin sa kanya ang totoo. Ayaw ko ng itago 'to, pagod na ako. Bahala na kung ito ang magiging dahilan para patayin ako ni Clyde. Basta makaganti lang ako sa kanya sa lahat ng pagpapahirap niya sa akin.
Bumukas ang pintuan kaya napatingin kami don ni Raven. Pumasok sila Icah kasama si Maureen at Hadlee as always. Medyo tumabi si Raven at nakita kong wala siyang ekspresyon ng makita niya sila.
"Nabalitaan namin ang nangyari sa'yo kaya nag-alala kami" lumapit sila sa higaan ko.
"Buti naman nag-alala pa kayo?" sagot ni Raven habang naka-cross arms siya kaya napatingin sila sa kanya. Umayos ka nga Raven, wala naman silang kasalanan.
Hanggang ngayon kasi, masama pa rin ang loob niya dahil napalayas ako sa dorm at walang ginawa sila Icah. Pero wala namang may kasalanan sa nangyari dahil ako mismo, ginusto ko 'yon.
"Raven?" tinignan ko siya ng masama at nakita niya din yon.
"Pwede bang lumabas ka muna?" sigurado naman kasing hindi kami makakapag-usap ng maayos ng mga kaibigan ko kung nandito siya. Kaya umalis ka muna kambal ko, please?
"Fine" seryoso niya akong tinignan at umalis na rin siya habang nakatingin sa kanya sila Icah.
"Galit pa rin ba siya sa amin?" tanong nitong si Hadlee na halatang nag-aalala. Ano ba huwag niyo siyang isipin. Ako ng bahala, kakausapin ko ulit siya.
"Hayaan niyo siya. Lilipas din ang galit ng lalaking 'yon...huwag niyo na lang siyang pansinin" -S
Si Icah nasa kanan ko, si Hadlee at Maureen naman nasa kaliwa ko habang ako naman, nakahiga. Ganda buhay eh. Buti na lang lumabas si Raven, makakapag-usap kami ng maayos ng mga kaibigan ko.
"Okay ka na ba?" -I
"Medyo masakit pa yung sugat ko pero ayos naman ako" ngiti ko sa kanila.
"Nabigla nga kami nung nabalitaan namin yung nangyari eh. Kaya dumaan muna kami dito para bisitahin ka" ay sweet naman.
"Lagi naman akong okay eh" kahit minsan hindi.
"Ayan ka nanaman eh. Lagi mo na lang sinasabi na okay ka kahit nasasaktan ka talaga" -M
Okay naman talaga ako ngayon eh.
"Ayaw ko lang kasi na nag-aalala kayo sa akin" -S
"Natural lang naman na mag-alala kami sa'yo dahil kaibigan ka namin" ka-touch naman tong si Hadlee eh.
"Buti na lang nakaligtas si Raven sa council. Paano nangyari 'yon?" -H
Uy! Change topic agad haha!
"Hmmm, niligtas kasi siya ng mga kaibigan niya kaya ayon" -S
Buti nga nailigtas nila siya eh.
"Hmm ganon ba? Nakakapagtaka naman. Pero masaya kami, dahil walang nangyaring masama sa kanya" -I
Ano namang nakakapagtaka don? Dahil ba nakaligtas si Raven? Bakit? Imposible bang makaligtas siya?
Tinignan ni Icah ang relo niya at mukhang dissappointed siya. Tumingin siya sa akin bago kila Maureen at Hadlee. Pagkatapos tumingin ulit siya sa akin.
"Sy, oras na kasi eh. Kailangan na naming umalis para sa first subject" -I
Kakarating niyo lang aalis na kayo agad. Sabagay, baka ma-late sila at kasalanan ko pa kapag nangyari 'yon.
"A-ahh ganon ba? S-sige" -S
Hindi ko naman maiwasan na malungkot dahil nakakainip dito kapag wala akong kausap.
"Sorry Sy, babalikan ka na lang ulit namin" umalis na silang tatlo at mukhang nagmamadali. Ilang minutes na lang kasi first subject na.
...
Ang boring naman dito. Walang magawa.
Mas mabuti pa siguro kung bumangon na ako dito at pumasok na lang ako. Kesa naman nakatanga ako dito buong araw.
Tumayo ako ng dahan-dahan dahil nga masakit pa din ang sugat ko. Kinuha ko yung bag ko at lumabas ako ng clinic. Dahan-dahan lang akong naglalakad sa hallway. Feeling ko may nakasunod sa akin.
"Syden?!" Ay! Nakakagulat naman 'tong si Raven, bigla na lang sumusulpot, parang kabute.
Napatingin ako sa kanya kasi nga nagulat ako. Siya naman halatang galit. Luh!
"At bakit nandito ka sa labas?!" -R
"Naiinip na kasi ako sa clinic eh" -S
"Tignan mo nga ang sarili mo. Ni hindi ka nga makapag-lakad ng maayos!" -R
Luh galit nga siya.
"S-sorry na. Boring 'don eh, wala akong kausap...kaya naisip kong umalis na lang" -S
"Sige. Sasamahan kita hanggang mamaya...kaya bumalik na tayo at magpagaling ka!" Sorry na Raven.
Sinamahan niya ako pabalik sa clinic. Eh no choice ako dahil galit siya. Oh my! So kailangan kong humiga ulit.
Teka!
Kakausapin ko pala mamaya si Carson. Humanda ka sa akin Clyde! Kailangan ko na talagang magpagaling para makausap ko siya. Hindi ko na kayang itago 'to. Sa tuwing nakikita ko si Carson na nakangiti kasama si Roxanne, nakokonsensya ako na parang niloloko ko din siya.
Bahala na kung ito ang ikakamatay ko, basta ang mahalaga sabihin ko ang totoo.
Nahihilo ako kaya tingin ko, kailangan ko munang matulog. Hayaan kong mainip si Raven kakabantay sa akin. Kapag nagising ako at wala si Raven, humanda siya sa akin!
✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧
⚚ Roxanne's POV ⚚
"Is everything settled? Sinabihan mo na ba sila kung ano ang dapat nilang gawin." tanong ko sa kanya.
May malaking event kasing mangyayari this evening, kaya kailangan talagang pag-planuhan.
"Oo Roxy. Planado na ang lahat para mamaya, kaya pinaalis ko na sila para makapag-pahinga"
Ngumiti ako habang nakatingin sa kanya.
Akala mo magtatagumpay ka sa plano mo. Well, this is her last day na may buhay pa siya.
"Sinabi mo na ba kay Clyde?" -R
"Oo. Alam na niya. Maghihintay daw siya...galit na galit nga eh. Bakit ba?" tanong niya sa akin.
"Pwede ba! Huwag kang tanong ng tanong. Basta gawin mo lang ang inuutos ko!" sigaw ko. Masyadong pakielamera!
Nakausap ko na lahat ng Blood Rebels' members. Alam na rin ni Clyde ang plano namin mamayang gabi.
"Galit na galit si Clyde. Gusto nga niya ngayon na, pero ayaw niyang malaman ng Blood Rebels kaya maghihintay na lang daw siya" buti naman.
Sigurado akong nagpipigil ng galit si Clyde, but he should save it para mamaya.
"Buti na lang nasaksak siya, mas magiging madali lang ang plano natin" sambit ko.
Biglang bumukas ng malakas ang pintuan kaya napatingin kami ni Nicole. Nakita namin si Clyde, nag-iinit na sa galit. Lumapit siya sa harap ko.
"Sigurado ka ba talaga na gagawin niya 'yon?" galit siyang nakatingin sa akin.
Iniisip niya bang nagsisinungaling ako? Haha he's absurd.
"Don't you trust me?" sarcastic kong tanong.
"I didn't know na gagawin niya 'yon" -C
"Masyado ka kasing naging kampante. I told yah, she's not like the other students here" -R
"Kailangan mo siyang pigilan!" -C
I know right!
"I told you, dapat kasi tinapos mo na siya dati pa, she is a threat to us" -R
"That's why we need to stop her" masama naming tinitignan ang isa't isa. Nakatayo siya sa harapan ko at ako naman, nakaupo.
"Then?" -R
Maayos lang at tahimik ang buhay namin ni Clyde secretly. But since pumasok sa Prison School ang babaeng 'yon, we didn't have the freedom to do whatever we used to before.
"We'll finish her bago niya pa tayo maunahan" -C
Buti naman nakapagisip-isip na siya.
"We'll finish her both" sambit ko.
"I'll wait for you. Siguraduhin mong walang matitira sa mga members niya kahit isa" -C
Ako pa talaga ang pinagsabihan niya.
"I just need you to trust me, okay? Para magtagumpay ang plano natin" -R
"Fine. I'll leave everything to you" bago siya umalis, hinalikan niya ako.
Magbabalikan na tayo. Malapit na, Clyde.
Malapit na.
To be continued...