Download App
54.71% SOON TO BE DELETED / Chapter 29: ♥ CHAPTER 29 ♥

Chapter 29: ♥ CHAPTER 29 ♥

▨ Clyde's POV ▨

Mas gusto kong mapag-isa sa tuwing nag-iisip ako kaya pinalabas ko muna ang mga members ko para makapag-isip ako ng maayos.

Hindi pa rin kasi talaga mawala sa isip ko ang ginawa ni Carson kay Syden. Siya pa talaga ang nagtali ng panyo sa braso ni Syden.

Habang nakaupo ako at nag-iisip ng malalim, bigla kong narinig na bumukas ang pintuan kaya napatingin ako dito.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Steven. He's actually my right hand sa Phantom Sinners.

Umupo siya sa upuan na nasa gilid at tinignan ako ng masama habang nakangisi siya.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko kung bakit mag-isa ka lang" sambit niya.

Ngumiti lang ako ng masama at tumingin sa bintana.

"Let me guess" dagdag niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Iniisip mo pa rin ba kung bakit ginawa ni Carson 'yon kay Syden?" tanong ni Steven.

Ngumiti ako at nagbuntong-hininga.

"Oo. Kaya nga nanahimik ako d'ba? Because I was observing him...at sa tingin ko alam ko na kung bakit niya ginawa 'yon kay Syden" sarcastic kong sabi kay Steven.

Hindi porke nananahimik ako, wala na akong ginagawa.

At dahil sa pag-oobserba ko kay Carson. Parang alam ko na kung ano ang pinaplano niya.

Alam niyang may sikreto akong tinatago kaya nilalapitan niya si Syden para malaman ang sikreto ko.

Sa tagal na naming nasa PS, kilalang kilala ko na ang bawat kilos at galaw niya.

"Plano niyang lapitan si Syden para malaman ang sikreto ko" sambit ko kay Steven habang siya, nakikinig lang sa akin.

Pero ng dahil sa sinabi ko, nagtaka siya.

"Sikreto?! What secret?" nagtataka niyang tanong.

Wala naman kasing nakakaalam na may relasyon kami ni Roxanne, kami lang ni Roxanne ang nakakaalam at sa hindi inaasahan, pati si Syden nalaman niya dahil narinig niya kaming nag-uusap ni Roxanne.

"It's something na hindi mo dapat malaman" pahayag ko sa kanya.

Natahimik siya sa sinabi ko habang nakaupo pa rin siya.

"So, anong plano mo sa Blood Rebels ngayon na nalaman mong nilalapitan nila si Syden para malaman ang sikreto mo?"

tanong niya sa akin.

Nginitian ko ng masama si Steven,

"Wala" diretso kong sagot sa kanya.

Nagtaka siya sa akin at kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"Ha? Wala kang plano? Paano kung sabihin ni Syden sa kanila ang sikreto mo?" tanong niya.

Kahit walang alam si Steven sa sikreto ko, tanong pa din  ng tanong tungkol sa plano ko.

Tinawanan ko muna siya bago ko sinagot ang tanong niya,

" 'Yon ay kung sasabihin sa kanila ni Syden" sambit ko kay Steven.

Naririnig ko rin na tumatahimik sa hallway kaya siguradong nagsisi-alisan na ang mga member ko na pinalabas ko kanina para makapag-isip ako ng maayos.

"What do you mean?" tanong niya.

"I already warned that girl. She knows of what could be the consequences na haharapin niya once na ipagsabi niya ang sikreto ko. Of course, sinabihan ko na siya at tinakot ko na siya. Once na may makaalam, uunahin ko sila ng kakambal niya at sigurado akong ayaw niyang mangyari 'yon. Kaya hindi tayo dapat mag-aalala, dahil sa binigyan ko na siya ng leksyon kaya sigurado akong hindi siya magsasalita dahil takot na takot siya sa pwede kong gawin sa kanila" matapang kong sabi kay Steven.

Masamang ngumiti si Steven at tinuro ako,

"You are really Clyde. Bilib ako sa 'yo" sambit niya.

Tumayo si Steven at iniwanan ako. Pero dahil wala na akong dapat isipin pa, tumayo na rin ako mula sa kinauupuan ko para umalis.

Pagkabukas ko sa pintuan, nagulat ako dahil may sumalubong sa akin. Mataray siyang nakatingin sa akin at tinitignan niya ako ng masama. Maayos rin ang tayo niya na parang inaabangan niya talaga ako.

"Hi babe. How are you?- " yayakapin ko sana siya pero nilayuan niya ako.

"Don't you dare call me babe!" masungit niyang sabi kaya nabigla ako sa kanya.

"At bakit naman? Is it because may boyfriend ka bukod sa akin?" malakas kong sabi sa kanya sarcastically.

Tinakpan niya ang bunganga ko at tumingin siya sa paligid, pero buti na lang walang tao, kaya walang nakarinig.

Itinulak niya ako papasok sa room kung nasaan ako kanina at ni-lock niya ang pintuan.

"Could you please shut up?! We're lucky dahil walang tao at nakarinig sa'yo!" galit niyang sabi sa akin.

"At bakit naman hindi kita pwedeng tawaging babe? Soon, 'yon din naman ang itatawag mo sa akin d'ba?" sarcastic kong tanong sa kanya.

"Clyde?! Pwede ba tumigil ka muna?! Ang dapat na isipin mo, yung ginagawa ni Carson earlier kay Syden. Bakit wala kang ginawa para pigilan sila?!" tanong ni Roxanne sa akin habang nagtataray siya.

"Oh come on. Don't ever think na pabaya ako" sambit ko sa kanya.

Tinignan niya ako with her cold eyes.

"Anong gusto mong isipin ko? Carson was beside that girl while you, nakaupo ka lang at pinapanood mo sila instead na pigilan sila!" mataray niyang sabi.

Hindi niya alam na may inoobserbahan ako kaya nga nananahimik ako.

"Ako lang ba ang dapat na gumawa ng paraan para ilayo si Syden sa boyfriend mo? D'ba dapat ikaw ang gumagawa ng paraan because he's your boyfriend at may karapatan ka para pigilan sila?" sagot ko sa kanya.

"Hinahayaan ko na ikaw ang gumawa ng paraan para mapaglayo sila. Dahil alam kong mas matatapan mo si Carson kaysa sa akin. He already warned me, na kapag nalaman niyang pinagtataksilan ko siya, he will take Redblades away from me at alam kong papahirapan niya tayo, that's why I'm afraid na malaman niya ang totoo, ang tungkol sa atin" explain ni Roxanne.

Tinignan ko siya ng maayos at hinawakan ko ang braso niya.

"Nanahimik ako dahil inoobserbahan ko siya. Inaalam ko kung ano ang plano nila para alamin ang sikreto ko. And their plan is, lapitan si Syden dahil alam nilang alam niya ang sikreto ko" pahayag ko.

"What if sabihin sa kanila ni Syden ang totoo?" pag-aalala naman niya.

"You don't need to worry. Hindi 'yon sasabihin ni Syden dahil alam niya kung anong mangyayari sa kanila ng kakambal niya once na ibunyag niya ang totoo" niyakap ko si Roxanne at alam kong takot na takot siya sa pwedeng gawin ni Carson kapag nalaman ng Blood Rebels ang totoo.

"Sabihin mo nga sa akin" humiwalay ako sa pagkakayakap namin at tinignan niya ako.

"Ikaw ba nag-utos na sugatan ang braso ni Syden?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Sinabi ko naman sa 'yo na naiinis ako sa kanya d'ba?" ngumiti siya.

"Bakit ba kasi naiinis ka sa kanya?" tanong ko.

Naging mataray nanaman ang itsura niya at umupo siya kaya sinundan ko siya.

"Unang beses ko pa lang siyang nakita, kinainisan ko na siya. Pero mas lalo pa akong nainis ng malaman kong alam niya ang sikreto natin" mataray niyang sabi habang ako tinititigan ko lang siya.

Kailan kaya kami magiging legal? Sa mga oras na'to, ang pagiging legal ng relasyon namin ang pumapasok sa isip ko.

Pagkaharap niya sa akin, hindi ko napigilan ang sarili ko, so I kissed her.

❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖

▨ Carson's POV ▨

"Everything's doing well as planned" sabi ko kay Dustin.

Kami lang dalawa ang naiwan sa classroom dahil dismissal na, pero hindi pa rin kami lumalabas dahil nag-iisip ako at inoobserbahan ko kung umaayon ba ang kapalaran sa mga plano namin.

Nakaupo pa rin ako sa pwesto kp at tinabihan ako ni Dustin. Wala naman si Dave dahil busy siya sa trabahong ipinagawa ko sa kanya.

"Napansin mo ba si Clyde kanina?" nagtatakang tanong niya habang nakatingin ako sa pwesto kanina ni Syden sa harapan.

Napatingin ako kay Dustin at nagtaka ako dahil sa tanong niya,

"What do you mean?" tanong ko.

"Well, hindi ba itinatali mo ng panyo kanina ang braso ni Syden? As we all know, hindi ka naman hahayaan ni Clyde na lapitan mo ang girl member niya. Pero bakit wala siyang ginawa kanina para pigilan ka?" tanong ni Dustin.

Tumingin ulit ako sa pwesto kanina ni Syden sa pinakaharap at ngumiti ako.

"That's why nandito ako para mapag-isa. Alam ko naman na hindi basta-basta nananahimik si Clyde. Alam kong inoobserbahan niya ako para malaman niya kung ano ang plano natin, lalo na't alam nating may sikreto siya. Nanahimik siya kanina para masdan ang bawat kilos at galaw ko, ibig sabihin, alam na niya  ngayon na balak nating lapitan si Syden para alamin ang sikreto niya" ngumisi ako at tinignan ko si Dustin.

Hindi porke nalaman ni Clyde ang plano namin, magtatagumpay na siya para pigilan kami. Ang akala niya, alam na niya lahat ng plano namin, pero hindi pa.

Hindi naman kasi talaga si Syden ang pakay namin. Gagamitin lang namin siya para sa kanya ang focus ng lahat. Habang nakabaling ang buong atensyon ng Phantom Sinners kay Syden, that's the time para umpisahan ang plano, but I think nag-umpisa na kasi hindi pa bumabalik si Dave o nagpapakita sa akin hanggang ngayon.

"Pero, hindi ba magagalit ang girlfriend mo dahil sa ginawa mo kay Syden?" tanong niya sa akin.

Ngumisi ako at dahil wala naman si Roxanne, minabuti kong ilabas ang sigarilyong tinatago ko at binigyan ko din si Dustin.

Matagal-tagal na rin simula ng tinigilan ko 'to dahil laging nagagalit si Roxanne. Sinindihan ko 'yon gamit ang lighter na nakatago sa bulsa ko.

"Sigurado namang magagalit nanaman sa akin 'yon. Pero okay lang, madali lang naman siyang kunsintihin" sagot ko kay Dustin.

"And I think I really need to go" sabi ni Dustin habang nakangiti siya.

Nakatingin siya sa may bintana at tumayo siya para umalis na. Sinundan ko siya gamit ang mga mata ko hanggang sa pag-alis niya. Aalis na din sana ako kaya tumayo na 'ko. Pero biglang dumating si Roxanne kaya nabigla ako.

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya ng may pagtataka.

Masama ang titig niya sa akin at alam ko kung bakit.

Lumapit siya sa akin at alam kong galit siya.

Well, hindi na ako magtataka sa kanya. She's always like this.

"And, how did you find me?" sambit ko.

Nginitian niya ako ng masama at parang natawa siya sa sinabi ko.

"I have many connections just like you. Kaya kahit nasaan ka, mahahanap at mahahanap kita" mataray niyang sabi.

"Fine, fine. Bakit ba kasi nandito ka? Don't tell me, miss mo na ako?" sarcastic kong tanong sa kanya. Nilapitan ko siya para lambingin pero nilayuan niya ako.

"Pwede ba?! Tumigil ka at huwag kang magpaka-inosente!" sigaw niya.

Hindi ako nakakibo at natahimik ako habang nakatitig sa kanya na parang nabigla ako sa sinabi niya.

"What did I do wrong at bakit galit na galit ka sa akin?!"

Although alam ko ang reason kung bakit galit siya sa akin, I still asked her para naman makasigurado talaga ako.

And...wala namang masama sa ginawa ko.

"Wow! Hindi mo alam kung ano ang ginawa mo?! Why did you do that sa babaeng 'yon when in fact alam mong nandoon ako na girlfriend mo?" tanong niya na may galit sa boses niya kaya nag-umpisa nanaman kaming magkasugtan.

"What's wrong with that?! I was just helping her?" -C

"Tama ba ang naririnig ko?! You, leader of Blood Rebels were just helping a member of Phantom Sinners?! And also, infront of your girlfriend?" -R

Now, I need to think of a reason na matatanggap niya. Palagi namang ako ang mali sa paningin niya.

"Roxanne, listen to me okay?- " -C

"And why would I listen to you?" mataray niyang sabi.

"Para maintindihan mo, okay? Kaya nga kailangan mong makinig para maintindihan mo d'ba?" sarcastic kong sabi sa kanya although nakikiusap ako na pakinggan niya ako.

"So, please? Listen to me just once"

Nang makita kong medyo umayos na siya. Inayos ko na din ang sarili ko para mapaniwala ko siya sa sasasabihin ko.

"I did that not just because I wanted to. I needed to do it" sambit ko kaya parang nagtaka siya.

"You needed to do it?" tanong niya.

"Yes. Alam ko, Redblades ang may pakana kung bakit nagkasugat si Syden. She could die because of blood loss dahil nakita naman natin na punung-puno ng dugo ang braso niya at nanghihina siya. At isa pa, hindi nakabukas ang

clinic para gamutin siya. The ending would be, mamamatay siya. And you, leader of Redblades would be blamed. Saan ka babagsak? Magiging killer ka at mararanasan mo ang Carnival game punishment. I needed to do it to save you. Because that's how I show to you how much I love you. I protected you and your Redblades"

Reason ko sa kanya, pero sa lahat ng kasinungalingan na sinabi ko,isa lang totoo.

At 'yon ay mahal ko siya.

Nakita ko sa mukha niya na mukhang napaniwala ko siya.

"I-i'm sorry. Hindi mo naman kasi ako kinausap after class, that's why hindi ko alam" pahayag niya.

"Pero bakit kailangang ikaw pa ang magtali ng panyo sa braso niya? You could just give the handkerchief to her" bumalik siya sa pagiging mataray.

I knew na itatanong niya 'to, that's why I was so ready to answer it.

"That's right. I should have just give it to her. But I did not. Hindi mo naman basta-basta mapipigilan ang pagdurugo just by wrapping it around your arm. I know the right procedure to stop the bleeding. At dahil nanghihina na siya, I didn't have much choice but to do it myself kahit ayaw ko" pahayag ko kay Roxanne.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa ng paulit-ulit gamit ang pagiging mataray niya.

"Fine.  Everytime na gagawa ka ng mga ganong bagay, explain it to me at huwag mong hayaang magalit muna ako sa'yo" sambit niya.

To be continued...


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C29
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login