Download App
13.2% SOON TO BE DELETED / Chapter 7: ♥ CHAPTER 7 ♥

Chapter 7: ♥ CHAPTER 7 ♥

Icah's POV

Anong ginagawa ng mga 'to?

Saan naman sila galing?

"Hoy!! Saan kayo galing? Kanina ko pa kayo hinahanap, akala ko patay na kayo!" salubong ko kila Maureen at Hadlee.

"Club" sagot ni Hadlee habang si Maureen naman busy siyang kumakain ng lollipop. Parang bata!

"Ha?! Club? Niloloko niyo ba ako? Hindi man nga kayo makakapasok doon dahil hindi naman kayo member" sambit ko.

"Oo alam ko, pero nagbabaka-sakali lang naman ako na makita ko yung dating leader nila" malungkot na sabi ni Hadlee.

"Baliw ka ba? Bago na nga ang leader nila d'ba? Paano mo pa siya makikita doon?" tanong ko.

"Oo hindi namin siya nakita kanina. Pero ibang tao ang nakita namin" sagot ni Hadlee.

"Sino naman?" hindi ko seryosong tinanong.

"Si Raven. Nasa harapan siya ng club kanina at parang may hinahanap or tinitignan sa loob" sabi ni Hadlee.

Nabigla ako ng konti dahil bakit naman pupunta si Raven sa ganoong klasing lugar, "Ha? Seryoso ba kayo? Bakit naman pupunta si Raven 'don?" tanong ko sarcastically.

"Sigurado kaming siya ang nakita namin. Hindi kami bulag" pagpupumilit Maureen.

Ok fine! Naniniwala na ako. Pero bakit siya pumunta doon? At ano ang ginawa niya ?

"At anong ginagawa ni Raven sa harap ng club?" tanong ko sa kanila.

"Hindi rin namin alam, basta nakita namin siya nakatayo sa harap ng pintuan at nakatingin sa loob" sagot ni Hadlee.

Siguradong kapag nalaman ni Syden 'to mag-aalala siya sa kapatid niya. Kaya isa lang ang naisip kong solusyon, "Pwede bang huwag niyo munang sabihin kay Syden?" tanong ko.

Kumunot ang mga noo nila at nagtaka sa sinabi ko, "Bakit naman?" tanong ni Maureen.

"Tanungin muna natin si Raven kung bakit nandoon siya? Or baka naman nagtataka lang siya bakit may club dito sa PS kaya nasa harapan siya ng Street Cheater's Club" nag-aalala kong sabi sa kanila.

Nagtinginan muna silang dalawa, "Kapag sinabi natin kay Syden without knowing the reason baka mag-alala lang siya sa kapatid niya" dagdag ko pa.

"Hmmm, Sige. Kung walang sasabihin si Raven about sa pagpunta niya sa club, doon natin siya tanungin pero better if sasabihin na niya sa kapatid niya then hindi na natin kailangang magtanong pa" tumango si Maureen at mukhang okay na rin kay Hadlee ang napag-usapan namin.

Binalak naming hindi muna sabihin kay Syden dahil ayaw naming mag-alala siya. If magkwekwento si Raven or magtatanong about club then fine. Pero kung wala siyang babanggitin, napag-pasyahan naming doon na lang siya tanungin kung anong ginagawa niya doon.

"Sige, mauna na kayo. May aasikasuhin lang ako" sambit ko sa kanila.

"Bumalik ka rin agad Icah. Baka hanapin ka ng mga members mo" payo naman ni Hadlee sa akin.

Tinalikuran ko na sila at gano'n din ang ginawa nila. Naririnig ko ang mga yapak nila hanggang sa pawala ng pawala dahil malayo na sila, "Hoy! Okay ka lang Sy? Lipad utak mo ah?"

Kahit sa malayong distansya, narinig kong nagsalita si Maureen sa kalayuan, kaya tumingin ako. Kasama nila si Syden. Sana nga hindi nila makalimutan ang pinag-usapan namin kanina dahil si Hadlee , minsan makakalimutin kahit napag-usapan pa lang.

But I trust them.

Hindi muna ako umalis at pinakinggan ko muna ang usapan nilang tatlo.

Tamang tama.

Tinatanong ni Syden kina Maureen kung nakita nila si Raven, "Kapag nakita namin papapuntahin na lang namin sa dorm kaya don't worry Sy" sabi ni Maureen.

Nag-umpisa na silang maglakad pero humarap ulit kay Syden , "Huwag kang magpagabi. Bumalik ka rin agad sa dorm ah?" ngumiti sila at nagpatuloy na sa paglalakad.

Lumabas na rin ako ng building to fix something important.

☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸

Raven's POV

Pagkatapos naming mag-away ng kapatid ko, iniwanan ko siya dahil baka mas lumala pa ang pag-aaway namin. Alam ko naman na mali ang iniisip ko pero hindi ko lang talaga mapigilan kaya nag-away kami. Hindi muna ako bumalik sa dorm dahil baka mainit pa ang ulo niya kaya nagpasya akong maghanap na lang muna ng lugar kung saan pwedeng magpahinga. Gusto ko rin makapag-isip-isip bago ko siya kausapin ulit para humingi ng tawad.

6:48 pm na. Sarado na lahat ng classrooms at medyo madilim na. Nakarinig ako ng ingay, sa bandang dulo ng building kaya hinanap ko kung saan. Hindi ko mapigilang mabigla dahil nakakakita ako ng disco light sa labas pa lang ng pintuan. Nilapitan ko ang room na 'yon.

Nababalot ng matitingkad na kulay, may nag-iinuman sa loob, ang iba naman nagyoyosi, at ang masaklap, may mga babaeng sumasayaw sa harap.

Hindi ba illegal ang ganito?

Lumapit ako sa may pintuan at nakakapagtaka lang talaga kung bakit may club dito sa eskwela. Habang nakatayo ako sa harap ng club na'to, naalala ko ang pag-aaway namin ni Syden. Siguradong hinahanap na niya ako sa ganitong oras. Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sa kanya, siya lang ang kakampi ko pero inaway ko pa siya.

Nagsisisi ako kung bakit pumasok pa kami sa eskwelang 'to! Alam ko naman na delikado dito pero wala kaming magagawa. Ilang minuto na pala akong nakatayo dito sa harapan, hindi ko namalayan. Minabuti kong umalis na dahil siguradong nag-aalala na 'yon. Kailangan kong humingi ng tawad sa kanya dahil sa pagsasagutan namin kanina.

Tumalikod na ako para umalis at bumalik sa dorm namin.

......

  

Naglalakad na ako ngayon papunta sa kwarto ko nang makasalubong ko sina Icah.

"Nasa kwarto ba si Sy?" tanong ko habang sila naman, iba ang tingin sa akin.

"Wala pa, hinahanap ka niya kanina eh. Hindi pa bumabalik hanggang ngayon" nag-aalalang sambit ni Icah.

"Ahh ganon ba? Sige, hintayin ko na lang siya" sabi ko.

Pero nakatingin pa rin sila sa akin at hindi kumikibo kaya nagtaka ako, "May problema ba?" tanong ko. Nangungusap kasi ang mga mata nila na animo'y may gustong itanong or sabihin.

"Raven, nasaan ka kanina?" tanong ni Maureen.

Nagisip-isip muna ako, "Galing ako doon sa club" sambit ko.

Nagtinginan silang tatlo, "A-anong ginagawa mo doon?" tanong naman ni Icah. Para silang concern kung bakit naroroon ako.

Ngumiti ako ng konti at nagbuntong hininga, "Nabigla kasi ako. Dahil legal ang club dito sa Prison School"

Mukhang naginhawaan sila sa sinabi ko, at bumalik na muli ang natural nilang itsura, yung masayahin at normal lang, "Ahh kaya naman pala. Well, ganyan talaga pero mas mabuti kung huwag ka ng bumalik doon. Baka mapagtripan ka ng mga Street Cheaters" sabi ni Icah.

Pero nasaan na kaya si Sy, ano ng oras wala pa siya?

Tumingin ako sa kwarto niya at kumatok ako, pero hindi nagbubukas ang pinto. Kahit naman galit siya, hindi siya snobber kaya ang ibig sabihin nito hindi pa talaga siya bumabalik dito sa dorm namin. Nakatingin lang sila Icah sa akin habang nag-iisip ako.

"Kanina pa namin siya hinihintay, pero hindi pa siya umuuwi. Nasaan na kaya si Syden?" nag-aalalang sabi ni Icah.

"Sinabi naman natin sa kanya kanina agad siyang bumalik dahil madilim na" sabi naman ni Maureen.

"Dapat pala isinama na natin siya kanina pabalik dito, baka naman naligaw na 'yon" sambit naman ni Hadlee.

Lahat kami nag-aalala dahil wala pa siya. Baka may nangyari na sa kanyang hindi maganda. Pero hindi ako dapat mag-isip ng ganitong bagay, "Hanapin kaya natin?" tanong ko sa kanila.

Nagtinginan sila, "Sige, pero dapat may maiwan dito para alam niya na hinahanap natin siya" pahayag naman ni Icah.

"Pero paano naman natin malalaman kung nandito na siya? Wala naman tayong phone para macontact ang isat-isa dahil pinagbawalan tayong magdala ever since pumasok tayo sa Heaven's Ward High d'ba?" tanong ni Hadlee.

Naging tahimik kami para mag-isip ng paraan kung paano mahahanap si Syden.

Ang naririnig lang namin ay ang tunog ng orasan.

"Paano kung hahanapin natin siya then every after 30 minutes babalik tayo lahat dito para malaman kung nakabalik na siya. Kasi baka naman tuluy-tuloy tayo sa paghahanap pero nakabalik na pala siya?" opinion ni Icah.

Nagkatitigan nanaman kaming apat pero sa huli, tumango na rin kami, "Sige, gano'n na lang" sabi ko, "Raven sabay nating hanapin si Sy. Si Maureen at Hadlee naman ang magkasama" pahayag ni Icah.

Tumango kaming lahat bago namin umpisahang hanapin si Syden. Sa school building kami ni Icah maghahanap habang sina Maureen at Hadlee naman outside the building para mas mapabilis ang paghahanap namin. Hinanap namin siya kahit na madilim na sa buong school building, tanging ang liwanag na nanggagaling sa buwan ang naging guide namin.

"Sy, nasaan ka na?!" sigaw namin sa buong hallway dahil sigurado naman na maririnig niya kami dahil 10 pm na at tahimik ang paligid. Gaya nga ng napag-usapan every after 30 minutes kaming bumabalik sa dorm, pero ni isa sa amin wala pang nakakakita sa kanya.

Halos nalibot na namin ang buong school pero wala talaga. Nagtanung-tanong na rin daw sila Maureen sa buong Silent Alliance members pero wala raw nakakita kay Syden.

Alalang-alala na ako ngayon. Baka may nangyari sa kanya. Kung hindi ko siya inaway kanina at iniwan, edi sana hindi na nangyari 'to. Kapag may nangyaring masama sa kanya, hindi ko mapapatawad ang sarili ko!

Nagpasya muna kaming magpahinga pagkabalik namin sa dorm. Pero hindi pa rin kami mapalagay dahil hindi namin siya mahanap, "Naikot na natin ang buong campus...pero wala siya, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanya!" galit kong sambit sa sarili ko.

Tumingin lang sila sa akin at alam kong nag-aalala rin sila, "Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Makikita rin natin si Syden, tiwala lang" wika ni Hadlee.

Nakatingin lang silang dalawa ni Maureen sa akin habang si Icah naman, nakakunot ang noo na para bang nag-iisip ng malalim, "May isang lugar pa na hindi natin napuntahan" saad niya.

Tinignan namin siya at nakatingin din siya sa amin, "Saan?" tanong ko sa kanya.

Naging seryoso ang mukha niya pati na rin ang pananalita, "Ang mga dorm malapit sa School Building" wika niya.

Halatang nagulat si Maureen at Hadlee sa sinabi niya, "Nagbibiro ka ba Icah?!! Hindi safe doon" saad naman ni Maureen.

"What if nandoon si Syden? Hahayaan na lang ba natin siya?" tanong niya kay Maureen.

"Hindi naman sa gano'n. Pero... delikado ang pumunta roon ng ganitong oras!"

Dahil baka mag-away pa sila, nagsalita ako, "Kung ang dorm na 'yon ang kaisa-isang lugar na hindi pa natin napuntahan. Then I'll go there to find my sister" sambit ko sa kanila.

"Sasama ako" pagkatayo ko, tumayo rin si Icah dahil gusto niyang sumama, pero pinigilan ko siya, "Hindi na. D'ba delikado roon lalo na't doon nakatira ang mga grupong kinakatakutan ng buong campus?"

Nakatingin lang sa akin si Icah, "Pwes ako hindi ako natatakot. My sister is more important than them. Kaya hahanapin ko siya roon"

Umalis na ako para pumunta sa lugar kung saan ko posibleng mahanap ang kapatid ko, 10:30 na at sobrang dilim na sa daan. Dahil sa mga naririnig kong bulungan sa likod ko, parang may nakasunod sa akin, at alam ko na kung sino sila, "Lumabas na kayo. Alam kong sinusundan niyo ako"

Tumingin ako sa likuran ko at nakita ko sila Icah, Maureen at Hadlee. Nakasunod sila sa akin. Nakikita na namin ang building kung saan nakatira ang mga grupong kinakatakutan ng buong campus. At ayon sa nakikita ko, malaki ang pagkakaiba. Isa itong building pero malalaki ang kwarto kumpara sa mga classroom namin. So ito ang dorm na sinasabi nila, marumi at makalat.

Mataas ito kumpara sa dorm namin, may entrance gate din pero may mga bahid ng dugo. Pagkapasok namin, ang pintuan may dugo rin. Sa paligid, nagkalat ang mga lata, plastik, mga basag na bote, may mga patalim din at higit sa lahat nakakalat sa labas ang mga upuan na ginagamit sa classroom. Pagkapasok namin, nakita namin ang pinakaunang room na sobrang luwang. May swimming pool din na marumi, na imbis na tubig ang nakalagay sa pool, mga chairs na ginagamit sa classroom ang laman. 

"Ngayon pa lang ako nakapasok dito. Totoo nga ang sinasabi nila" wika ni Icah.

"Totoo ang alin?" tanong ko.

"Isa itong abandoned building ng Prison School, ganito rin dapat ang itsura ng dorm natin. Pero inayos namin 'yon at nagtulung-tulong kami para mapaganda"

saad niya.

Sa paglakad namin sa hallway, may mga bahid rin ng dugo sa mga walls, may mga lockers din na punung-puno ng spider web. Pagdaan namin sa CR, ang mga salamin, punung-puno ng mga notes at lipstick ang ginamit na panulat. Malalaki ang mga rooms dito. Parang ginagamit dati for activities or occassions pero abandoned na pala.

Wala pa kaming nasasalubong at sobrang tahimik na rin, pagkatingin ko sa likuran ko, wala sina Icah. Kaya tumingin-tingin muna ako sa paligid para hanapin sila, kinabahan na ako dahil may nangyayari ng hindi maganda. Biglang may tumamang bakal sa ulo ko kaya nahilo ako at bumagsak ako sa sahig.

To be continued...


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C7
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login