✿ Syden's POV ✿
Pagkatapos ng nangyari kagabi, hindi ko na alam kung anong gagawin ko ngayon. Basta, alam ko ang weird ng sitwasyon ko ngayon kasi hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya. Nahihiya ako. Bakit ko ba kasi tinanong yon kahit alam ko naman kung anong isasagot niya. Katangahan lang talaga ang ginawa ko kasi alam ko ng masasaktan ako sa maririnig kong isasagot niya pero itinuloy ko pa rin. Bakit ba ganon? Alam mo ng masakit, pero itutuloy mo pa rin. Simple lang naman, kasi gusto ko siya at yon ang hindi ko kayang pigilan. May mga bagay na kahit gaano natin kontrolin ang sarili natin, hindi natin magawa kapag kaharap na natin ang nagpapatibok sa puso natin.
Habang nakapikit ako, yun lang ang pumapasok sa isip ko. Hindi pa ako bumabangon sa mga oras na 'to dahil nakakatamad. Sadyang nakakatamad lang talaga. Nakakatamad bumangon kasi ang sarap matulog, pero paano pa ako matutulog kung hindi na ako inaantok? Ano bang pumapasok sa utak ko? Makabangon na nga lang, tutal gutom na rin naman ako.
Bumangon na ako, iniligpit ang pinaghigaan, dumiretso sa CR, itinali ang buhok ko at naghilamos tapos lumabas ng kwarto. Dumiretso na ako sa kusina para mag-almusal. Pagkarating ko doon, nanlaki ang mata ko at feeling ko bigla akong nawalan ng ganang kumain. He's eating there, alone. At habang kumakain siya, napansin niya din ako, "You're late" sambit nito bago uminom ng tubig. Ano bang sasabihin ko?
"A-ahhh, oo nga eh" sa ngayon, wala akong maisip na sasabihin sa kanya. Bigla niya na lang itinuro sa akin yung upuan sa tapat niya kaya napatingin ako doon, "Hindi ka ba kakain?" tanong nito. Feeling ko kasi nawalan ako ng ganang kumain nung nakita ko siya dito.
Naramdaman ko na lang na may umakbay sa akin kaya napatingin ako dito at nakita ko si Dave na nakangiti, "Bakit hindi ka pa nakabihis?" tanong nito sa akin.
"Para saan?"
"Today is a very special day" at lalo pang lumapad ang ngiti nito. Ano namang special sa araw na 'to at mukhang masaya itong isang 'to? Birthday niya ba?
"Sino bang may birthday?" tanong ko at napatawa na lang silang dalawa kaya nagtaka ako sa kanila.
"Haha! I cant believe you. Basta magbihis ka, malalaman mo din mamaya" sambit nito bago umalis at napapangiti pa rin dahil sa sinabi ko. Tinignan ko na lang ulit ang nilalang na kumakain sa harapan ko at natatawa pa din ito kaya sinamaan ko na lang siya ng tingin at nilayasan siya. Bumalik ako sa kwarto ko para magbihis na kahit hindi ko alam kung para saan.
Tinignan ko ulit lahat ng damit ko, pero dahil mukhang nakakamiss na yung fashion ko dati, kinuha ko yung black pants ko. Ang outfit ko ngayong araw na 'to, black crop top, black pants, black rubber shoes tapos nag-dark checkered coat na lang ako kasi medyo manipis yung suot kong crop top. Hindi naman malaswang tignan kaya subuk-subukan lang nilang magreklamo. Aalis na sana ako since nakita ko namang hindi na kailangang mag-ayos dahil maganda na naman ako, pero bago ko binuksan ang pintuan, naisip kong tanggalin ang tali ng buhok ko.
Pero kung paglalaruan ka nga naman, hindi ko alam kung bakit ang pagmumukha nanaman niya ang nakita ko pagkabukas ko sa pintuan, "W-what are you doing here?" ugali niya ba talagang biglaan na lang nagpapakita?
Hindi siya nagsalita bagkus may iniabot siya sa akin kaya napatingin ako dito, "Just wanted to give you this" it's a cap. Kahit nabigla ako sa iniabot niya sa akin, nagandahan ako dito bukod sa itim na kulay nito, may design ito na nagrerepresent sa kanila as Vipers. Ang cool lang! Pero bakit niya ako bibigyan ng ganito when I'm not even one of his members?
"Para saan?" tanong ko pero imbis na sagutin ako, isinuot niya sa akin ang hawak niyang cap at napatingin na lang ako ng diretso sa kanya ng ayusin niya ang buhok ko.
"It's mine. Pero sa ngayon, suotin mo muna. It's for your safety" sambit nito at bahagyang ngumiti.
"Safety for what?"
"Just wear it, para kahit saan ka pumunta, they know that you're with me...just for me" pagkatapos non, tinignan ko na lang ang pag-alis niya. I don't know, pero napangiti na lang ako dahil sa ginawa niya, "Ano yang ngiting 'yan?" napatingin na lang ako kina Raven na nakabihis din at napansin kong kapareho ko sila ng kulay ng damit, all black. Oo nga pala, wala silang sinusuot na ibang kulay kundi itim lang. Black is their favorite color, at ganon din naman kami ni Raven. Pero bukod doon, may napansin din ako na kakaiba, naka-cap din sila, but plain black. Kaya pagkalapit nila sa akin, inalis at tinignan ko ang suot kong cap kaya napatingin din sila dito, "So what's the meaning of this? Did he give you that?" tanong ni Dave at nakita ko ang pagkabigla sa mga mukha nila. Pero hindi ko rin alam kung binigay niya sa akin ito o pinahiram niya lang. So, hangga't hindi kinukuha sa akin ni Dean ito, mag-aassume na lang muna ako na binigay niya 'to sa akin.
"Sabi niya suotin ko muna daw" sambit ko sa kanila. Nagkatinginan silang lahat at napangiti, "Ah kaya pala. Kung papansinin mo, yan lang naman ang may tatak ng Vipers right compared sa mga cap namin? Lahat ng gamit ni Dean, may tatak ng Vipers. Kaya huwag mong iwawala 'yan dahil kahit na sino man sa amin, hindi pwedeng gamitin ang mga gamit niya. You're lucky dahil hinayaan niyang gamitin mo 'yan" saad ni Dustin kaya nagsalubong ang mga kilay ko, "Tara na nga!" sambit ng magaling kong kakambal at inakbayan ako kaya napasunod na rin ako sa kanila. Dinadamay-damay pa ako sa mga trip nila! Kaya hindi talaga malabong mapagkamalan akong kasama sa grupo.
Naglakad na kami sa campus at nakabuntot lang ako sa kanila na hindi ko alam kung anong patutunguhan ng paglalakad na 'to hanggang sa patagal ng patagal, napansin kong maraming mga grupong pakalat-kalat din sa campus. Ito nga lang ang kakaiba ngayong araw na 'to, dahil maraming grupo ang nagdadala ng armas at ang iba'y duguan pa, "What's happening? Is this what you call special day?" tanong ko kay Dave na nasa tabi ko lang.
Itinuro nito ang isang wall kung saan may nakasulat doon gamit ang dugo, "It's gang war day. War between groups" sagot nito sa akin kaya hindi ko mapigilan na mag-isip ng kung anong bagay.
"Don't tell me makikipagrambulan din kayo- "
"No, of course we won't do that. Gang war day is just a day of war between minor groups, but not major groups like us" harang nito sa akin habang nagsasalita ako.
"But we can't have peace of mind hangga't hindi kami nakakapanood ng labanan, that's why nag-iikot kami kapag gang war day. It only happens once a year" sambit naman ni Dustin.
"So, sinali niyo pa talaga ako sa panonood niyo?" pagsusungit ko sabay ayos sa buhok ko. Ang init kasi tapos manonood lang pala kami ng mga ganon.
"It's just simple, kung hindi mo kayang panoorin, you can always close your eyes hanggang sa matapos ang laban" sinamaan ko na lang ng tingin si Dustin. Kung ganon lang sana kadali.
"Bakit ba may pa-gang war gang war day pa kayong nalalaman, eh halos araw-araw naman may nagaaway at nagpapatayan sa campus?" tanong ko.
"Because this day is not just an ordinary day for minor groups" sagot naman ni Nash na nasa harapan ko.
Sa patuloy na paglalakad namin, katulad ng dati. Kahit saang sulok ng campus may nag-aaway na iba't-ibang grupo, they don't shout for help but because of pain pero matapang pa rin silang lumalaban. Sa pagsunod ko sa kanila, napansin kong papunta kami sa likod ng building kung saan iba ang presensya at puno ng dugo ang bawat madadaanan dito. Kahit na kasama ko sila, kinabahan na lang ako dahil sa lahat ng napuntahan namin, ito ang pinaka-nakakakilabot.
"This is the worst place when it comes to gang war" sambit ni Dave kaya napatingin ako sa kanya habang naglalakad pa rin kami.
"Bakit naman?"
Hindi niya ako sinagot at napatigil sila sa paglalakad kaya ganon na rin naman ang ginawa ko at mas lalo pa akong kinabahan sa nakita ko. Behind the building, may makikita kang court doon, pero ang buong court napapalibutan ng mga rehas kung saan hindi ka makakalabas kapag pumasok ka sa loob. Sa loob mismo ng court, may dalawang mahahabang lamesa sa magkabilang dulo at mula doon ay may mga nakapatong na armas. Iba't-ibang klasi ng armas.
"This is what makes this day a special day" saad ni Dave.
"Ano bang meron?" tanong ko naman.
"Two minor groups will fight inside that court, let's just assume that it's a ring where they can't back-out, it's either lalaban sila or susuko sa kalaban" sambit nito kaya napatingin ako sa dalawang grupo na dumating, "That group on the left side is Chain Blood with their leader Caleb. He has a personality that fits him to a major group like us, he can be a member of a big gang pero mas gusto niya sa grupong 'yon because they are his friends" napatingin naman ako sa kanan, isang grupo na kasabay dumating nung Chain Blood na sinabi ni Dave, "That group is Shadow Blades with their leader Stephen, he is obsessed in killing his enemies, hindi siya mapakali hangga't hindi siya nakakapaghiganti sa kaaway niya and he's quite scary for others. The two groups are gonna enter that ring today...for power, to win or to lose"
"Anong mangyayari kapag may nanalo na?" tanong ko dito.
"Power" pareho kaming nakatingin ni Dave sa mga grupong pinag-uusapan namin at ngayon, tumingin siya sa akin, "Kung sino ang matatalo, they are obliged to join the winning group. Kung ayaw namang sundin ng defeated group ang rule, Kailangan nilang patayin lahat ng members ng grupong nanalo para hindi sila patayin just because they don't want to join the other group. They need to kill the winning group members but it's impossible kasi nga natatalo na sila so it means mas malakas ang kalaban. Unfortunately, hindi na kinakaya ng ibang members ang laban kaya namamatay at yung iba nagpapakamatay para lang hindi pilitin na magjoin sa winning group. It's a matter between life and death. Win for power or lose to die"
Dahil sa mga narinig ko, hindi na ako nagtanong pa kay Dave dahil ayaw ko ng marinig ang mga ganoong bagay. Sa lugar na 'to, ang buhay ay laro lang at nagtagal ako sa campus na 'to na ganon ang paniniwala ko. Pero habang iniisip ko lahat ng sinabi ni Dave, napatingin na lang ako sa buong grupo. The defeated group needs to join the winning group? Don't tell me...
"Huwag mo nga kaming tignan ng ganyan, Vipers will always be different. Our group started in a different way. It's not what you think" sagot niya kaya guminhawa ang pakiramdam ko. Akala ko kasi nagkaroon ng Blood Rebels dahil din sa gang war day kung saan ang ibang members, obligadong nagjoin sa winning group. Pero hindi naman pala ganon, okay. Nakahinga na ako ng maluwag.
Nakita ko na lang na tumatakbo ang ibang estudyante papunta sa lugar kung nasaan kami, biglang nagkasiksikan at tulakan, napansin ko na lang na puno ng estudyante at nakapalibot sila sa may court, "The war will start soon. I hope manalo ang Shadow Blades" sambit ng babaeng nasa tabi ko. Kaya pala nagkakagulo. Manonood na rin sana ako pero ng mahawakan ko ang ulo ko, something's missing at kinabahan ako.
SH*T! Yung cap!
Huli na ng malaman kong hindi ko suot yung cap. Tinignan ko muna sina Raven at dalawang katao lang naman ang distansya ko mula sa kanila. Naalala ko na lang yung sinabi nila kanina tungkol doon sa cap, huwag ko daw iwawala. Sh*t, ano ng gagawin ko? I need to find it. Tinignan ko muna sila at hindi nila ako mapapansin dahil busy silang nakatingin sa court kaya dahan-dahan akong umalis para hindi nila ako mapansin. I need to find that cap, humanda sa akin ang kung sinuman ang kumuha o makakakuha non! Pilit kong isiniksik ang sarili ko sa napakaraming tao para mahanap ko 'yon, siguro nahulog kanina ng magkagulo dahil mag-uumpisa na yung laban but where the hell will I find it, sa dami ng tao? Nang makalabas na ako sa mga nagsisiksikang estudyante na nakapalibot sa court, lumuhod ako para tignan yung cap baka kasi naapakan nila. Subuk-subukan nilang apakan or else sila ang aapakan ko!
Pero bigla nalang may nagsalita para sabihing mag-uumpisa na yung laban in a few minutes kaya mas lalo pang nagkasiksikan. Napatingin na lang ako sa dulo at parang may natanaw ako, that might be the cap! Tumakbo ako para kunin agad 'yon pero may nakabanggan ako kaya natumba ako sa sahig. Sino ba naman kasi 'tong bulag na ito para hindi ako makita? Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil sa nangyari at pagkatayo ko, nanginig ang paa ko ng makita ko ang itsura ng taong nakabangga ko, "Look who's here" sambit nito habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa, "The vipers' girl" siya yung baliw na nakausap ko dati, "Hi little girl, can you say hi to the vipers just for me" hinawakan ako nito ng mahigpit habang nakangisi.
"Let go of me! Bitawan mo ako!" pinilit kong kumawala sa kanya at nagawa ko naman 'yon. Tumakbo ako ng mabilis para pumunta sa lugar kung nasaan sila Raven pero mukhang ibang lugar ata ang napuntahan ko, hanggang ngayon hinahabol niya pa rin ako kaya wala akong nagawa kundi tumakbo na lang para magtago hanggang sa makarating kami sa hallway ng building. Sa pagtakbo ko, nakita kong nakabukas ang isang classroom kaya dali-dali akong pumasok doon at tahimik na isinara ang pinto para hindi ako marinig ng baliw na 'yon. Tinakpan ko ang labi ko para iwasang makagawa ng kahit na anong ingay lalo na't hinihingal ako.
"Just make sure you'll win the battle" bigla na lang akong nakarinig ng pamilyar na boses kaya tinignan ko kung saan nanggagaling ang boses na 'yon. Nabigla ako ng makita ko si Roxanne. Nakaharap siya sa isang lalaki, pero hindi ko mamukhaan yung lalaki dahil nakatalikod ito sa akin.
"I will make sure, just for you" sambit ng lalaki sa kanya.
"May nilagay ako sa mga armas, just make sure na bago mag-umpisa ang laban, masusugatan mo sila. This is to make sure na kayo ang mananalo" sambit niya.
Tumayo ang lalaki at lumapit kay Roxanne pero nilayuan din agad ito ni Roxanne, "Makakaasa ka" sambit ng lalaki sa kanya at nagkaroon ako ng pagkakataon na makita ang mukha nung lalaking kausap niya at pamilyar siya sa akin, Siya yung kinwento ni Dave sa akin kanina. The leader of Chain Blood at bakit sila magkausap ni Roxanne?
Are they planning to cheat just to win? Bigla kong naalala ang sinabi ni Dave kanina, "Win for power or lose to die". I don't know kung magandang desisyon ang gagawin ko. Sumilip ako sa labas at mukhang wala na yung baliw na naghahabol sa akin kanina. Tinignan ko muna si Roxanne at ang kausap nito at mukhang hindi naman nila ako mapapansin kung lalabas ako lalo na't nag-uusap pa sila.
Alam kong delikado ang gagawin ko but I have to do something, I can't pretend na parang wala akong nalaman. Tahimik akong lumabas at hindi nila ako napansin. Diretso akong naglakad sa hallway. Kausap ni Roxanne kanina yung Caleb na leader ng Chain Blood so it means hindi pa nag-uumpisa ang laban. Nagmadali akong pumunta sa court para gawin ang plano ko pero nakita kong may isang grupong palabas sa isang classroom na papunta din sa court at ng makilala ko sila, nilakasan ko ang loob ko para magsalita.
Naguusap-usap sila pero natahimik silang lahat ng mapansin nila ako, "Miss, do you need something?" tanong ng isa sa kanila. He's Stephen, the leader of Shadow Blades.
"I came here to tell you something" saad ko sa kanila. Nagkatinginan silang lahat pero wala ng oras para magpaliguy-ligoy pa, "Someone is planning to do something just to make sure that you'll be defeated" pahayag ko. Hindi sila nakapagsalita ngunit nilapitan ako nung leader nila na si Stephen.
"Kung ayaw mong lumaban kami, it's better na huwag ka na lang makielam. You don't need to do this just to stop us" sambit nito kaya pinagtaasan ko ito ng kilay. Fine! Sila na nga tinutulungan, sila pa galit!
"I'm not forcing you to believe me. What's important is I've warned you and it's up to you now" pagkatapos kong sabihin 'yon, nilagpasan ko na sila. I don't need to entertain people just to believe me.
Hindi pa man ako nakakalayo, mukhang nangyari na ata ang inaasahan ko, napasigaw na lang ang isa sa kanila dahil sa hinagisan sila ng kutsilyo, nakaiwas ang iba, samantalang ang isa sa kanila, nasugatan. That's what I'm talking about.
Itutuloy ko na sana ang paglalakad pero narinig kong may nagsalita sa court na mag-uumpisa na ang laban. Pero paano sila makakapasok sa labanan kung dito pa lang may kalaban na sila. Itutuloy ko na sana ang pagfafashion show ko sa hallway, pero dahil umiral ang anghel ko sa katawan. Binalikan ko sila, at mas marami pang kutsilyo ang pumupunta sa direksyon nila. Buti na lang dala ko ang kutsilyong binigay sa akin ni Dean, yun ang ginamit ko para pigilang masugatan ang grupong tutulungan ko.
Nabigla na lang sila sa akin kasi tumakbo ako papunta sa harap nilang lahat habang tuluy-tuloy pa rin ang paghahagis ng kutsilyo sa direksyon nila, I managed to stop the blades, sa ngayon. Pero mukhang hindi sila makapaniwala sa ginawa ko kaya natulala sila, "Go! Your game will start soon! I'll stop them!" sigaw ko sa kanila habang tinutulungan inaalalayan nila ang isa nilang kasama.
Habang tumatakbo sila, sumusunod na rin ako pero may naghahagis pa rin ng kutsilyo. Nang marating namin ang dulo, nakita namin ang pintuan papasok sa court, once na pumasok sila doon, mag-uumpisa na ang laban. Isa-isa na silang pumasok doon, while I am still defending them. Bago tuluyang pumasok yung leader nila sa court, he offered his hand to me, "Come with us!" sambit nito. Napatingin ako sa kasama nilang nasugatan at nanghihina ito.
Narealize ko na lang, that door is just for groups who will fight and it's not my place to dig in.
Tinulak ko siya papasok sa loob and I locked the door. Nakita ko na lang kung sino ang mga naghahagis ng kutsilyo sa amin kanina, the Redblades are now standing infront of me. Sila lang pala!
I can't die here yet, til I find the cap. Kapag nahanap ko yung cap, hindi pa rin naman ako pwedeng mamatay😈😈. Tinignan ko ang hawak kong kutsilyo, "You can't escape now" sambit ng isa sa kanila, "Oh really?" sarcastic kong tanong. Tinignan ko ang hawak kong kutsilyo at nag-isip ng paraan para masugatan sila. Inihagis ko ang kutsilyo sa pader para umikot 'yon at bumalik sa akin, while the Redblades are avoiding it, it's time to run as fast as I can. I did my plan at nakatakbo naman ako but they kept on throwing blades at buti naman, nakakaiwas ako. Narating ko muli ang likod ng building, I saw the two groups fighting at maraming nagchicheer sa kanila. But before that, kailangan ko munang hanapin sila Raven.
Naglakad-lakad ako, but making sure na hindi ako makikita nung baliw kanina at ng mga Redblades. How will I explain na nawala yung cap?! May lost and found ba sa eskwelang 'to?
Habang iniisip ko kung saang lokasyon napunta yung cap, nakita ko sina Raven pero hindi ako nagpakita sa kanila dahil baka mapansin nilang wala yung cap. Huhu!😥 Kung napansin nilang wala ako, edi sana kanina pa nila ako hinanap but good to know na hindi nila napansin hanggang ngayon na nawawala ako.
Bigla na lang natahimik ang lahat kaya nagtaka ako at sumilip sa court kung nangyayari ang labanan. The group is winning while the other is already defeated lalo na nung tinira ni Stephen ng bakal ang kalaban niya which is Caleb. Lahat ng Chain Blood members, nasa sahig at nanghihina na. It's really obvious that Shadow Blades have won the battle. But that was just the first battle, marami pang grupo ang maglalaban-laban. Umupo na lang ako para magpahinga dahil nakakapagod rin namang kalabanin at takasan ang mag Redblades.
Maybe wala na sila, kinapa ko ang bulsa ko and sh*t again. Kakatakbo ko kanina para takasan ang Redblades, nakalimutan kong kunin yung kutsilyo na inihagis ko. Dean will kill me soon! Mawala na lahat ng bagay, huwag lang yung mga binibigay niya sa akin. Mas maganda pang bumalik na lang ako doon. Kaya muli nanaman akong bumalik sa hallway na pinanggalingan ko.
Nung makarating na ako doon, agad kong hinanap yung kutsilyo pero wala. Minamalas talaga ako ngayon, "What are you finding for?" napatingin ako sa nagsalita at nakita ko yung Stephen kasama yung mga members niya pati na rin yung kalaban nila kanina, so kampon na din pala niya yung kalaban nila kanina dahil sila yung nanalo. Pero hinanap ko ulit yung kutsilyo, "A knife" sambit ko dito at muling naghanap. May pasa lahat sila at may dugo pero hindi naman ganoon kagrabe.
"Finding for this?" may ipinakita siya sa akin na asul na kutsilyo kaya napatingin ako sa kanya at agad kong kinuha. Buti naman. Nakatingin silang lahat sa akin kaya nagtaka ako. Ano bang meron?
Aalis na sana ako pero biglang nagsalita yung Caleb na leader ng Chain Blood pero ngayon, isa na ring Shadow Blades, "Don't tell me this is also yours?" napatingin ako dito at nanlaki ang mata ko nung makita ko ang hawak niya. Kukunin ko sana pero inilayo niya sa akin 'yon kaya nagtaka ako.
"Are you sure?" tanong nito sa akin, "Give me that!" inabot ko ulit pero inilayo niya.
"This is a Vipers' property even that knife. This is Dean Carson's property, kaya paano mo masasabing sa'yo 'to?" nag-iba ang tingin nila kaya tinarayan ko na sila. Tingin ba nila aangkinin ko ang hindi sa akin? Ghad!
"Hindi ko ugaling kunin ang hindi sa akin kaya ibigay mo sa akin 'yan!" sambit ko sarcastically. Hindi ba nila ako nakikilala, halos araw-araw kasama ko ang grupo? But nevermind. Nagkatinginan lang kaming lahat at mukhang hindi talaga naniniwala ang mga ungas na 'to, "He gave me that! At hindi ko kailangang i-explain sa inyo kung bakit at paano. Just give me back my property!" sigaw ko sa kanila pero inilayo niya pa rin sa akin.
"Do I need to explain everything para lang ibigay niyo sa kanya?" kinabahan na lang ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Hindi lang naman sila yung kawawa dahil sa ginawa nila sa akin, ako din naman dahil malalaman ni Dean na nawala ko yung mga binigay niya or should I say yung mga pinahiram niya?
Napayuko na lang ako ng makapunta sila sa harap namin. Tinignan ko sila Raven at nakatingin sila sa akin kaya yumuko na lang ulit ako. Pero kahit ganon, nakita ko pa rin na kinuha ni Dean yung cap na hawak ni Caleb, "S-sorry. Hindi lang talaga kami makapaniwala na sa kanya pala talaga 'yan, because we know that it's yours" saad ni Caleb.
"Why?" sarcastic na tanong ni Dean sa kanya at tinapatan niya ito, "Just by looking at her, you can already tell that it's mine" nabigla na lang kaming lahat sa sinabi niya. The hell is he saying?!
Nabigla kaming lahat except sa kanya na nakangiti pa sarcastically at tumingin sa akin, "We're very sorry. Just tell us what we need to do para makabawi kami sa kanya lalo na't tinulungan niya rin kami kanina. Hindi talaga namin sinasadya. Sorry and thank you for saving us" sambit ni Stephen habang nakatingin sa akin kaya muli silang tinignan ni Dean.
Nakita ko na lang ang nakangising demonyo sa pagmumukha niya. Hinawakan ko ang braso niya kaya napatingin siya sa akin at umiling ako para sabihin na huwag na niyang ituloy ang binabalak niya pero nginitian niya ulit ako, "Trust me" sambit nito sa akin.
Hinarapan niya sila at tinapatan ang mga ito, "You will do everything para makabawi? Fine. Ipagkalat niyo sa buong campus kung sino ang pagmamay-ari ko. Yung makikita pa lang nila siya, alam na nila kung sino siya. Just make sure na lahat, malalaman ang tungkol sa kanya.." muli itong tumingin sa akin at ngumiti, "At kung meron mang isang tao na hindi siya kilala, kayo ang humanda sa akin, because you weren't able to do what I asked you to do. You don't need to kill, simpleng bagay lang naman ang hinihiling ko sa inyo and I'm pretty sure you can do it...in just one day"
Pagkatapos noon, hinawakan ako nito kaya napasunod ako sa pag-alis niya at sumunod na rin sila Raven. Habang lumalabas kami, alam kong tinitignan niya ako pero hindi ko siya matignan dahil doon sa nangyari, nahihiya ako. Alam kong napansin niya 'yon, bago kami makalabas ng building, sinenyasan niya sina Raven kaya lumabas na sila. Pero hindi ako nakasunod sa kanila kasi hawak niya pa rin ang kamay ko, "Pwede ba magsalita ka?" tanong nito sa akin pero nanatili pa rin akong nakayuko.
Nakita ko na lang na tinignan niya ang hawak niyang cap at pinagpag ito, kaya mas lalo akong walang mukhang maihaharap sa kanya, "Bakit ba hindi ka nagsasalita?" tanong nito habang tinitignan yung cap.
Kumuha ako ng lakas ng loob. Unti-unti akong tumingala at nakatingin siya sa akin, "I almost lost it" mahina kong sabi. Nagtaka siya pero nagsalita din naman ito, "Lost what?"
"Y-yung cap...and this" sabay tingin ko sa hawak kong kutsilyo na ipinahiram niya.
"So?" sagot nito kaya nagtaka ako.
Bahagya itong lumapit sa akin at tinignan ko lang siya, "I don't care as long as you're still there" sabay ngiti nito sa akin. Totoong ngiti😍😍
Napangiti na lang din ako kahit na hindi ako komportable sa mga sinasabi niya. Inilagay niya na lang ulit sa ulo ko yung cap at inayos ang buhok ko tapos tinapatan niya ako, "Losing anything is fine, but losing you will never be fine"
To be continued...