((( MISSAMY CHARM)))
"Charm, nasa ibaba na sila."
Tawag sa akin ni Kuya na halos di ko na nasuklay ng maayos ang buhok ko.
"I'm coming Kuya…" Sabay tali ng buhok ko.
Nagmamadali akong bumaba. May dalawang lalaki nga sa labas… nakapang-amerikana with matching
black eyeglasses.
Nagwave lang ako sa kanila… Bumaba si Kuya na suot nito laging pormal na kala mo laging may
pupuntahang hearing na kaso. Ang hirap kaya mag plantsa nang uniform niyang yan. Dumiretso siya sa
Van at binuksan ang pinto. Tinignan niya ako…
"Pasok."
"Okey." Nakaramdam kasi ako ng kaba… baka di ko magawa yung part ko… mawalan pa itong trabaho si
Kuya.
May pinag-usapan yung tatlo sa labas bago si Kuya sumunod sa akin. Habang nasa byahe, inimik ko si
Kuya na abala sa hawak niyang Tablet… na palipat lipat ang tingin sa hawak niyang Folder. Oo, di ako
iniimik ni Kuya. Parang di niya ako kasama no?
"Kuya, infairness… kinakabahan ako."
"Mas lalo ka pang kakabahan kapag nakaharap mo na siya, kung ngayon kinkabahan ka na. Di ka naman
noon kakainin. Ayaw niya sa mga taong maingay masyado sa tenga niya, kaya manahimik ka na lang.
Kapag nagtanong, diretso mo siyang sagutin nang walang paliguy-ligoy. Nagkakaintindihan ba tayo
Charm." Sabi niya sa akin na di man lang ako tinitignan.
"Okey. Pero sa tagal ng pagtatatrabaho mo… bakit di mo sa akin sinabi na siya ang Boss mo?"
"Sa Ayoko sabihin."
Haist. Ganyan yang si Kuya… papunta sa end Conversation ang demand niya.
"Mabait ba siya?"
Tinignan niya ako… At pinakawalan niya ang isang simpleng ngiti.
"Strict But Kind."
"Sa tingin mo ba, magkakasundo ko siya?"
"Well, depende kung tatagal ka sa kanya. But never give up Charm… okey?"
"What do you mean?"
"Malala ang pagka-strikto niya. He is Half-Chinese Man. Malamang strikto pagdating sa Business nila at
maraming tradition ang pamilya nila."
"Eh, Kuya sa akin kaya? Magiging strikto ba siya sa akin?"
"May agreement and conditions naman kayong pipirmahan, kaya wag ka masyadong mag-alala."
Muli na namang nag-ring ang Phone niya… kaya parang mesa na ang Lap ni Kuya sa daming dalang bagay
tungkol sa trabaho niya…
Napadungaw na lamang ako sa labas. Pumasok kami sa napakalaking gate… Mapuno ang lugar…
napakayabong nila na halos di na masinagan yung kalsada. Ang sariwa nga talaga ng hangin eh.
Ngunit… pumasok na naman kami sa isang gate… at napansin ko na ang napakalaking bahay na nag-
aabang sa amin. Wow…
Saga dang pagka-nga-nga ko sa laki ng bahay… at ganda ng Hardin… na dinaanan namin. Hinila ako ni
Kuya sa pagkakakatulala ko… at lalo akong napalaway ng makapasok kami… with salubong ng ilang
katulong na napayuko ng napadaan kami.
Bumalik lamang pagkatao ko ng…
"Dito ka lang muna."
Tumango ako kay Kuya… at naupo sa malambot na sofa… Binulungan ni Kuya yung isang utusan doon…
at pareho sila nawala sa paningin ko. Dahil wala namang Tao… At sa sabik ko na tignan yung mga display
sa sala… Napakalaking Guardian Angel ang humila ng paningin ko. Wow… Gawa siya sa mababasagin na
Crystal… At nakataas ang kanyang espada na parang binabantayan yung… isang Crystal box… nacurious
ako… Tinignan ko… At halos malaglag ang panga ko… dahil… kala mo naman may diamanteng
nakalagay… yun naman isang bracelet na… Teka?... Oo… Five Years ago… katulad ng Binili ni Mama sa
Isang Simbahan… na naiwala ko din kinabukasan… Bakit andito to?
"Miss…"
Sa sobrang gulat ko… muntikan ko nang masiko yung Crystal na lalagyan na yun. Pero agad ko naman
na-save… Whoooo… Thank you.
Paglingon ko, dalawang katulong nan aka-uniformeng ruffles-ruffle… ang cute.
"Yes?"
"Inutusan kami ni Master Jeff na ipaghanda kayo ng agahan. Nakahanda na sa hapag.."
"Ah eh… Salamat na lang. Nakakain na ako…" saka bumalik ulit ako sa pagkaka-upo… Hay naku Charm…
stay upo lang, baka ano pa mabasag natin dito…
Pero palaisipan talaga sa akin kung bakit naroroon ang bracelet ko… May pangalan ko pa nga eh.
"Kung ganoon, maghahanda na po tayo para sa kasal ninyo mamaya."
Mamaya?
What!?
@ International_Pen