Natigil kami sa pagyayakapan ng may lumapit saming waiter at yung manager ata nitong restaurant
"Excuse me po, ako po si Leo Martinez manager nitong restaurant"
pagpapakilala niya sakin
"Nakakaistorbo po ba kami? pasensya na po"- pagpapaumanhin ko
" hindi po mam, actually nasisiyahan po yung mga ibang customer dahil sa bonding niyong magkakaibigan, kaya may offer po ako sa inyo kung ok lang po?"
offer? ano naman kaya yun?
"ganun po ba, ano po yun?"
tanong ko sa kaniya, mukhang mga walang balak magsalita itong mga kasama ko eh
"kung pwede pong iadvertise niyo itong restaurant, ang gwagwapo at ang gaganda niyo po kasi at maganda ang samahan niyo."
paliwanag niya samin, nagtinginan naman kami at nagngitian. alam na
"sige po, payag po kami"- sabi ko sa kaniya at nasiyahan naman siya.
" salamat po, pwede po ba namin kayong kunan ng pictures ngayon?"
tanong niya samin, at nagtinginan ulit kami.
"Hehe pwede po bang mag ayos muna kami" - tanong ni Andrew
wow akala ko mga pipi na mga kasama ko.
"hindi mo na kailangan mag ayos, dahil mas gwapo pa rin ako sayo"
pagmamayabang ni Ian, nagsisimula na naman sila.
"Wooh bro wag naman ganyan, pinapahiya mo lang sarili mo sa kagwapuhan ko"
mahangin na sabi ni anthony kaya pinigilan ko na sila dahil baka bumagyo na.
"wag niyo na po sila pansinin baka masiraan lang kayo ng bait sa mga yan, sige po pwede niyo na kami picturan ngayon para mukhang natural ang dating"
nakangiting sabi ko sa manager.
"grabe ka—"
tiningnan ko naman ng masama si ian kaya di na niya natuloy yung sasabihin niya.
"ok ganito po be natural po tayo, kunwari nagkakatuwaan kayo, ready one two three..."
*click* *click* *click* *click*
habang pinipicturan nila kami, nagkatuwaan nga kami, nagtatawanan kami dahil nagpapagwapuhan na naman sila.
sana ganito na lang palagi, masaya at walang pinoproblema. *sigh*
"tapos na po"
sabi nung manager.
"patingin po" - sabay sabay na sabi namin kaya nagkatinginan kami at nagtawanan.
*click*
"pasensya na po, ang ganda niyo lang po kunan eh"
sabi nung manager na parang nahihiya dahil sa ginawa niya.
"ok lang po yun, patingin nga po ng mga kuha"- sabi ko sa kaniya at pinakita naman nila samin at ayun nag umpisa na naman sila kesyo ang gwapo at ang ganda ng kuha nila. ni hindi na nga nila mabitawan yung camera.
"uhm papasa na lang po ako baka masira pa yung camera eh"
"sige po"
at dahil dun buti naman at sinuli na nila yung camera. hay nako mababaliw na ko sa mga kasama ko.
"dito niyo na lang po ipasa"
sabay abot ko ng flash drive ko.
"sige po teka lang po"
sabi niya saka sila umalis.
teka...
"kuya"
tawag ko kay kuya kaya napunta sakin yung atensyon niya este nila.
"sino pala yung fiancè ko?"
tanong ko sa kaniya.
"sino pala yung fiancè ko?"
tanong ko sa kaniya.
dapat malaman ko kung sino yun para masearch ko mamaya, dapat may alam ako dun noh, malay ko ba kung ano ugali nun.
ngayon ko pa talaga proproblemahin yan eh pumayag na ko ng di man lang tinatanong kung sino papakasalan ko, ang tanga mo talaga grace.
ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin sumasagot si kuya. tinignan ko naman sila ian at ayun mga nakangisi sakin, di kaya mga baliw na talaga tong mga to.
biglang may tumayo at nag extend ng kamay niya sakin na parang makikipagkamay.
"hi, I'm your fiancè"
oh my gosh, oh my gosh
siya?
fiancè ko?
pano nangyari yun?
natulala na lang ako at di ako makapagsalita parang may nakabara sa lalamunan ko at nakatingin lang ako sa kaniya.
Paragraph comment
Paragraph comment feature is now on the Web! Move mouse over any paragraph and click the icon to add your comment.
Also, you can always turn it off/on in Settings.
GOT IT