Download App
100% The Baklush Has Fallen / Chapter 59: Epilogue (Last Part)

Chapter 59: Epilogue (Last Part)

Kasalukuyan akong nasa A mall kasama ang tatlong bruha at mag-gigirls bonding daw kami. Actually these past few days lagi kaming lumalabas, mas marami pa nga yatang araw na kasama ko sila kaysa kay Chal Raed. Masyado siyang busy, pero deadma na, basta hindi sa ibang babae.

"Bayaran mo na," nakangiting sabi ni Joy habang nasa counter kami.

Gulat na gulat naman ako. Sino bang hindi? Eh, ang dami-dami ng pinamili nila ta's ako magbabayad? Aba! Swerte! "Ano ako milyonarya? Eh, limang libo lang laman ng wallet ko, eh!" pagsabi ko pa ng katotohanan.

May kung anong kinalkal si Joy sa cellphone niya at saka niya pinakita sa'kin ang-convo nila ni Daddy.

'Tito, mag gi-girls bonding kami ngayon! Magpapalibre kami sa anak mo, ha, minsan lang naman. Hehehe.'

Galing kay Joy 'yon. Ito naman kay Daddy.

'Oh sure, hija. But, I guess she just brought enough money for herself, I'll just sent money to her ATM card. Sabihin mo na lang sa kanya.'

Mighad! Ang kapal ng mukha ng Bruha!

"Okay na? Gamitin mo na lang 'yong card mo," nakangising sabi pa ng Bruhang si Joy. Sa huli ay wala akong nagawa kun'di bayaran ang pinamili nila na umabot ng halos thirty thousand! Huta!

"Paano natin dadalhin 'to? Ang dami-dami! Huwag niyo sabihing bibitbitin ko 'to?" tanong ko sa kanila habang turo-turo ang mahigit benteng paper bag!

"Sandali," naglakad si Rosas papalapit sa isang salesman at may kung ano siyang sinabi ro'n na may kasama pang pa-cute! Ilang sandali lang ay nagtawag na ng kasama ang salesman, "problem solve! Samahan ko lang sila papunta sa sasakyan, o baka gusto niyong sumama?" tanong pa niya. Iyong anim na salesman naman ay isa-isa nang binitbit ang mga paper bag.

"Hindi na, ikaw na lang tutal ikaw nakaisip niyan," sabi naman ni Clarice.

"Troot cake! Text ka na lang namin kung asan na kami," sabi ni Joy.

"Alright! You're the BEST FRIENDS ever!" okay, note the sarcasm. Hahaha, kawawa!

"Tara, gala na tayo," sabi ni Clarice at sumunod na lang kami ni Joy.

Bumaba kaming second floor, pero nagtaka ako nang walang katao-tao rito, bukas naman 'yong mga shops, pero walang tao sa loob. Hala ang creepy!

"Ba't ang weird dito?" tanong pa ni Joy.

"Kaya nga, eh. Nyeta! Nagtatayuan 'yong balahibo ko," sabi ko naman.

"Pati ro'n?" tanong ni Clarice.

"Oo, pati ro'n," sagot ko.

"PATINGIN!" sabay nilang sabi.

"GAGA!" inis kong sabi. Baliw na 'yan, may gan'to naman sila, ba't kailangan pang makita 'yong akin.

Naglakad-lakad ako para makakita ng tao, pero nyeta, wala talaga! Ang creepy!

"Feel niyo asan 'yong mga tao rito?" tanong ko sa dalawa, pero walang sumagot. "Muted, guys? Or, bingi? Teka—asan sila?" takang tanong ko. Huhuhu! WALA NA AKONG KASAMA! MOTHER EARTH!

"Stop crying," rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses, pero hindi ko siya makita, parang naka speaker lang 'yong boses niya. "Search for me," muling sabi niya.

"Ayoko nga! Swerte mo, hindi ko ikakayaman kong makita kita!" maangas ko pang sabi, pero huta, takot na takot na 'ko!

"Silly, woman!" sabi na naman no'ng nasa speaker. "Can't you recognize my voice?" tanong niya.

"Familiar! Pero, 'yong boses ng taong iniisip ko ay hindi naman umi-echo," sagot ko.

"Indeed crazy," natatawang sabi niya. "Naka microphone ako kaya malamang umi-echo." Alam ko naman 'yon, joke lang kasi, 'no. Kala naman nito bobo ako. Duh!

Napatingin ako agad sa likuran ko nang maramdaman kong may papalapit sa'kin at—who the hell is this? Sobrang haba ng buhok niya, naka pulang tube, naka boots, at pak na pak ang make-up! Mighad?!

"Remember me?" tanong niya.

Wait...

"Chal Raed?" takang tanong ko talaga. Anong nangyayari sa kanya?!

"Ngayon mo lang talaga ako nakilala?" medyo asar pa niyang tanong.

"Anong nangyayari?" tanong ko. "Ba't ganyan ang ayos mo?"

Ibinaba niya na 'yong mikropono, lumayo siya bahagya at nakangiti akong tiningnan, "this is what I look like when our path had met for the first time. This is the precise setup. Andito ako at andiyan ka nakikipag-away sa isang manyak na lalaki," dahan-dahan siyang lumapit sa'kin at ibinigay ang isang mineral water, "this is not exactly the mineral water I gave, pero gan'to 'yong nangyari," nawiwirdohan talaga ako, promise, pero at the same time naeexcite ako sa pinaggagawa niya, "ininom mo 'yon habang may tumatawag sa'kin. A smirk flashed on your face after I said Baby Bro, and that smirk really attracted me," oy, smirk ko palang 'yon, ha. Tsk, ganda ko talaga, " I will never forget how our first eye to eye happened, how you walk glamorously, how you shine, and most especially, the words I uttered before you finally went out of my sight. Itanong mo sa'kin kung ano 'yon."

Bahagya akong natawa. Bakit may pa gano'n? HAHAHA! Alright, let's just go with the flow! "Ano 'yon?" I asked.

Mas lalo siyang lumapit sa'kin at hinawakan 'yong kamay ko. This time biglang lumakas ang tibok ng puso ko, parang nangangabayo na naman! Hindi ko alam kung bakit, eh hindi naman ito ang unang beses na hinawakan niya 'yong kamay ko!

"Ang sabi ko," tumingin siya sa'kin mata sa mata, "just please, don't ever show up again, or else you're leaving me no choice, you have to take full responsibility for making me fall into you," nagulat ako ng lumuhod siya bigla. Huta! Hindi ko 'to iniexpect! OH MY GOD talaga! Nainom ko pa nga bigla 'yong ibinigay niyang tubig! "Girlfriend, this is what you've been waiting for. The last reason why I was gone for the whole five months, this is my secret, and our loved ones are the witnesses of this happening," napatingin ako sa paligid ko at halos andito nga silang lahat! Ang mga Alonzo, Powers, mga Kuya ko at ang tatlong Bruha, "so, please be true to your words," kinuha niya 'yong kaliwang kamay ko "Maundy Powers, be my wife...marry me," nakangiti niyang sabi at tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko.

Lumuhod rin ako at niyakap ko siya. Tinanggal ko 'yong wig niya at ang makapal niyang make-up, may natira pa rin, pero at least totoong Chal Raed na 'yong nakikita ko, kahit nakapandamit babae!

I know Chal Raed is my last, and of course, to make everything have fairness, I'll be his last, too. "Chal Raed," tawag ko sa kanya and I took a deep breath. "Sure, I'll marry you," nakangiti ko ring sabi habang patuloy ang pag-agos ng mga luha ko.

"YEHEEEEEY!" sigaw pa ng tatlong bruha at nagsipalakpakan naman sila. Nakita ko pa ngang maluha-luha na ang parents ni Chal Raed, si Daddy, at ang mga Kuya ko.

Nagulat ako nang magbagsakan ang kulay dilaw na petals ng tulip!

Ang ganda!

Napatingin ako kay Chal Raed at isinenyas 'yong kamay ko. HAHAHA! Yes, nakalimutan niyang ilagay ang engagement ring.

"Sorry, nadala lang," napakamot pa siya sa sintido niya.

Napangiti na lang ako. Minsan ay tatanga-tanga rin 'to, mana kay Rosas, buti na lang at mahal na mahal siya ng over sa gandang si Maundy kaya bawing-bawi. "Chal Raed, I love you," malambing kong sabi.

"I love you, more than you do," malambing din niyang sabi and we shared a romantic kiss that won't ever be forgotten, pero syempre ang intense na kiss ay mangyayari sa kasal pa.

Ps: Invited kayong lahat, seeyah!

----------------THE END----------------


CREATORS' THOUGHTS
eommamia eommamia

It's finally done!!! Maraming salamat sa pagbabasa. :) I hope you learn something from this story. I love you all! ❤❤ Thank you again!! ❤❤

Load failed, please RETRY

The End Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C59
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login