After 7 months.
"WELCOME BACK, KUYA MICO!" masayang sigaw namin.
"Thank you so much, everyone, lalo na sa'yo, Chal Raed, sa lahat ng Alonzo at Powers, thank you," nakangiting sabi niya.
After a year ay nakalabas na rin si Kuya Mico, hindi rape ang kaso niya kaya mababa lang ang sintensya. Inamin kasi ng Mommy ni Chal Raed na hindi naman siya pinilit ni Kuya at hindi rin siya nanlaban kung kaya't hindi masasabing sapilitan siyang hinalay ni Kuya.
Okay, ibaon na natin 'yan sa limot, ang mahalaga ngayon ay nakalabas na si Kuya at buo na kami ulit!
Matapos ang konting salu-salo ay lumabas muna kami ni Chal Raed at nagpunta kami sa likuran, tsaka kami naupi sa malaking duyan.
"Chal Raed," tawag ko sa kanya. "Okay lang ba sa'yong ipinasok ulit ang Mommy mo sa mental hospital?" tanong ko.
Sumibol ang ngiti niya habang nakatingin lang sa kawalan, "mas okay na sa'kin 'yon nang mapabils ang treatment niya," aniya.
Haay! Hindi lang pala na trauma ang Mommy niya kaya ginusto nitong maghiganti, she also has schizophrenia, a mental disorder, kung kaya't gano'n-gano'n na lang kung mag-isip si Miss Chary, para bang 'di niya naiisip kung anong mararamdaman ng iba at tama ba 'yong ginagawa niya. Haay, sabagay hindi na nga siya nakakapag-isip ng maayos dahil sa sakit niya.
Matagal niya na pala 'yang iniinda, bata pa lang siya, pero may iniinom siyang gamot, but it's effectiveness won't last long kaya bumabalik pa rin siya sa dati na 'di nakakapag-isip ng maayos.
Kaya naghiwalay sila ng Daddy ni Chal Raed dahil hindi na tama ang mga ginagawa niya, she even stole money from their company and wasted it for nothing, at ang nakipaghiwalay ay siya rin dahil hindi na raw niya mahal ang Daddy ni Chal Raed, sa umpisa umayaw 'yong Daddy niya, pero she attempted multiple suicidal actions kaya wala nang nagawa ang Daddy ni Chal Raed kun'di ang iwan ito at hayaan siyang gawin ang gusto niya.
Ang bad news nito ngayon ay lumalala na 'yong sakit niya kaya napagdesisyonan na ni Chal Raed na ipasok ito sa mental hospital and let Harris manage her business.
"Eh, hindi mo ba siya mamimiss? Lalo na't sa ibang bansa siya nakaconfine?" tanong ko na naman.
"Mamimiss. That's why I decided to visit her oftentimes," sagot niya.
"Sama ako."
"Oo naman. I'll make sure na wala kang pasok kapag pupunta tayo ro'n para walang conflict."
Oo nga pala pumapasok na ako ulit sa eskwelahan para sa review ko nang six months ay pwede na akong mag take ng CPA licensure examination! Nakapagtrabaho na ako ng dalawang taon as Accountant sa isang bangko, so ito na lang talagang review ang kulang.
Nag-usap pa kami ni Chal Raed ng kung anu-ano. Ewan ba kapag kasama namin ang isat-isa parang hindi kami nawawalan ng topic, siguro sadyang madaldal lang talaga kami.
Ano na lang kayang mangyayari sa mga anak namin? Siguro kung kumuda mas wagas pa sa nag ra-rap.
"Let's go inside, baka hinahanap na nila tayo," pag-aya pa niya.
"Tara," sabi ko at nakangiti kaming pumasok sa loob.
"Maundy," tawag sa'kin ni Kuya Mico.
Nakangiti naman akong lumapit sa kanya, "Kuya!" muli kaming nagyakapan.
"I missed you."
"I missed you, too, Kuya."
"I am very grateful that you didn't change, kahit na ang daming nagbago sa buhay mo, you remained the Maundy Marice we used to know."
"Eh, Kuya naman, eh! Huwag ka ngang ganyan at baka maiyak ako," pagbibiro ko pa at muli siyang niyakap. "I'll be forever your Maundy Marice, Kuya," sabi ko.
"Hm, sorry for interrupting you, but, Kuya Mico, may gusto akong ipakilala sa'yo," mula sa likuran ni Chal Raed ay lumabas ang isang napakagwapong bata! Mighad! "this is Jimmy, your son," nakangiting sabi niya.
Oh my!! Ang gwapo ng lahi ni Kuya!! Ang tangkad niya kahit 10 years old pa lang siya, ang puti rin, medyo kulot 'yong buhok mana kay Miss Chary, pero 'yong mukha niya talaga parang si Kuya Mico, carbon copy!
"Jimmy, siya 'yong kinikwento ko sa'yo," sabi ni Chal Raed sa bata.
"My real Dad?" tanong nito. Ang cute niyaaa!!
"Yes, your real Dad. Go, hug him."
Lumapit agad si Jimmy kay Kuya Mico at mahigpit itong yumakap, "I'm so happy to finally meet you, Daddy," aniya at bumuhos agad ang luha ni Kuya Mico.
"I'll let him stay here for tonight and you can just visit him in our house, Kuya Mico."
"Hmm, Chal Raed, what if igaya niyo na lang sa'kin si Jimmy, like Monday to Thursday sa inyo tapos Friday to Saturday kina Kuya," suhestyon ko pa.
"Alright, I think that's a good idea, Girlfriend. But, let's make the Monday to Thursday sa iyo, Kuya Mico, and Friday to Saturday sa'min para mas marami kayong oras na mag bonding mag-ama," sabi naman ni Chal Raed.
"I'll go with it," maluha-luhang sabi ni Kuya Mico habang karga-karga si Jimmy. "Maraming salamat ulit."
"No problem," sagot naman ni Chal Raed.
"Tara, iwan muna natin sila," at hinila ko na si Chal Raed papalapit sa tatlong Bruha at kina Spade, Third at Jazz na busy kakalaro ng-snake and ladders, at by pair pa talaga. Medyo nakakaloka, pero exciting.
Napatingin ako kay Kuya Mico at Jimmy na busy na rin kakausap sa isa't isa. Haay! Masaya ako para kay Kuya. Sana ang sayang 'to ay magtuloy-tuloy na!
Nagbalik ako sa sarili nang may humalik sa pisngi ko, "you're spacing out, it's your time to roll the die. Aim for the four, ha, huwag mong ipakagat sa ahas," nakangiting sabi ni Chal Raed, at ang mga walang hiya naman ay todo pang-aasar na kesyo umakting lang daw ako para halikan ni Chal Raed. Huta talaga! Story maker! Ayan tuloy balik uno kami ni Chal Raed dahil nakagat kami ng malaking ahas. Huhuhu, mga malas!