Download App
3.38% The Baklush Has Fallen / Chapter 2: Chapter 1 : The Baklushes

Chapter 2: Chapter 1 : The Baklushes

It's 7:10 o'clock A.M at huta talaga, I'm 10 minutes late! Kainis kasi 'tong jeep na 'to, 6:30 pa lang nakaupo na ako rito at anong oras na ay hindi pa rin umaalis, kahit wala ng mauupuan naghahanap pa rin ng pasahero!

Jusko! Hustisya naman!

Magdadasal na lang ako na sana hindi pa nag-uumpisa 'yong meeting dahil kapag nagkataon siguradong good game ako nito.

Kaya please Lord, pakinggan mo 'yong panalangin ko.

"Meron pa bang bakante?" tanong ni Mamang Konduktor. Wala namang sumagot kaya nagpasakay siya ng isa pa.

Hay! Jusko, Mother Earth! Ang sikip-sikip na nga tapos ang init-init pa! Para kaming sardinas na kahit nasa lata pa niluluto na!

Halos masira ang eardrums ko nang sumigaw na naman ito ng,  "oh, may pasaherong dadating, usog kayo!"

Kalokang 'yan! Sasabog na talaga ako! Ito naaaa!

"ISANG PISNGE NG PWET KO NA NGA LANG NAKAKAUPO UUSOG PA?! 'YONG BABAYARAN KO BA KALAHATI NA LANG? KUNG OO, SA SAHIG NA LANG AKO UUPO PARA WALA NA AKONG BAYAD!" inis ko talagang sigaw. 

Napakamot naman sa sintido niya si Mamang Konduktor nang mapagtantong gigil na rin ang iba pang pasahero. "Hay! Tiyo, byahe na!" sigaw niya roon kay Manong Drayber na agad namang pinaandar ang jeep.

My God! Finally! Kay aga-aga inistress nila ng sobra itong over sa gandang si Maundy!

***

7:40 na ng makarating ako sa company. Patakbo akong pumunta sa may entrance nang...

...muntik na akong masagasaan! Huta! Napakamalas ko talaga!

"Sorry, sorry," paghingi ko agad ng tawad kahit hindi ko naman alam kung maririnig ba nila 'yong boses ko sa loob ng sasakyan. 'Yaan na nga.

Aalis na sana ako matapos mag sorry at tuluyan na sanang papasok nang mapatigil ako at ngumanga sandali nang bumaba ang isang lalaki mula sa sasakyan.

Napaka wow niya! He's wearing a suit that is so perfect for him. He's tall, handsome, sexy—and, oh, that muscles and broad chest! He has perfect brown eyes, sharp nose, luscious red lips, long black eyelashes and his thick eyebrows.

HE'S SO DAMN ATTRACTIVE!

God, may natitira pa pala akong swerte ngayon! Sana may abs at v-line din siya. Mighad!

Naisara ko naman agad ang bibig ko nang lingunin niya ako na may kasama pang kindat!

Heaven!!

Pero, natapos ang pagpapantasya ko nang bigla na lamang magsisulputan 'yong mga bodyguard niya mula sa kung saan at tumalikod na rin 'yong gwapo at perpektong Lalaki.

Sinalubong naman siya agad ni Herriah—kasamahan ko sa trabaho—at iginaya papasok sa loob.

Sino kaya siya? It seems like he's a very important person. Daming bodyguard, jusko! Walo yata 'yon eh, ang laki-laki naman ng katawan ng lalaking 'yon, kaya feel ko useless 'yong mga bodyguard niya.

Hmm, sabagay mayaman naman siguro 'yon, afford na afford ang maraming bodyguard.

"Miss Maundy?" napalingon naman ako agad sa tumawag sa akin, si Manong Guard pala. "Hindi po ba kayo papasok? Hindi ba may meeting ngayon?" tanong niya at napatingin ako agad sa relos ko matapos niyang sabihin 'yon. Syempre halos lumuwa 'yong mga mata ko nang makitang 7:50 na. Wait! Halos 10 minutes akong nagpantasya? Like, what the hell?!

Takbo, Maundy! Takbo!

7:55 na nang makarating ako sa meeting hall. God, Maundy! Anong klaseng sekretarya ka?! Lahat tuloy sila napatingin sa akin, even my boss!

Magdasal ka na Maundy!

"Sor—" hindi ko natapos 'yong sasabihin ko nang madapa ako bigla dahil hindi ko inaasahang bubukas pala 'yong pintuan na kasalukuyan kong sinsandalan.

Ako ba 'yong tanga o 'yong nagbukas? Hay!

"Ay! My gosh, holy gosh, Siiis!"

Hindi ko napigilan ang sarili ko at napatingala ako agad kahit nanatili akong nasa sahig.

And...OH. MY. GOD! Another heaven feels!

Pagkatapos talaga ng malas ay swerte naman ang dumarating! Another perfect man! Mas matangkad to sa lalaking nakita ko kanina. Ang ganda ng mga mata niya, matangos rin ang ilong, at ang cute ng kissable red lips niya! Halata rin sa katawan niya na sexy siya kahit naka suit siya.

Sino kaya ang pipiliin ko sa kanila? What do you think? Si Mr. A or si Mr. B?

"Ay, Jusmiyo Marimar, Sis! Tayo, tayo ikaw," aniya at doon ako tuluyang nanghina. Ba't nga ba 'di ko napansin na hindi siya lalaki? Oo nga pala sabi niya kanina, 'Ay! My gosh, holy gosh, Siiis!' tapos ang O.A pa ng boses niya. Hay! May pa 'Oh. My. God! Another heaven feels' pa akong nalalaman tapos hindi naman pala talaga siya lalaki! May pa 'Mr. B-Mr. B' pa akong nalalaman, Miss naman pala siya! Oo bakla siya! Gay, Gaylalu, Baklita, Sisteret, Baklush, at kung anu-ano pa riyan! Hindi siya straight! Huhuhu, sayang siya!!

"T-Thank you," usal ko sa kanya matapos tulungan niya akong tumayo. Ngumiti siya bigla sa akin at kung hindi lang talaga siya bakla ay malamang kinilig na ako sa pag ngiti niya.

Hay!

Kaya lumiliit ang bilang ng mga lalaking gwapo kasi nagiging babae na. Kaiyak naman!

Nagulat ako nang hawakan niya ako sa kamay at iginaya ako paupo. Nahiya ako! Kasi kanina pa pala ako nakatayo habang nakatitig sa kanya! Jusko naman!

"I'm sorry po," paghingi ko ulit ng tawad sa boss ko. Napatango na lang siya kahit alam kong disappointed siya sa akin. Ang laki kong kahihiyan!

"Goooood Mooorniiing!" pinilit pa talaga ni Bakla na mag boses babae. Haynako! "Ay! Oo nga pala hindi ko pa moment! Paps, come here, introduce me to them," aniya habang turo-turo 'yong...

Boss ko? So, anak niya si Bakla? Hala, ba't 'di ko alam 'yan? Tsismosa ako kaya ang laking katanungan kung bakit hindi ko alam na bakla pala ang anak niya. Sabagay, wala pala akong alam kung may anak ba siya o wala. Bobo, Maundy!

"Good morning, everyone," bati sa amin ni Boss at bumati naman kami pabalik. "Prior to our discussion, firstly, I would like to introduce my heir to all of you," sabi niya habang nakangiti tapos nilingon niya 'yong gwapong bakla, "everyone, this man standing beside me is Chal Raed Alonzo, and of course, soon to be the next CEO," pagpapakilala niya sa kanyang unica hija, charot lang! Nagpalakpakan naman kami, tapos kanya-kanyang ngiti kahit puro kaplastikan naman 'yong iba. Masanay na kayo, minsan sa isang kompanya maraming plastik, sarap silaban!

"Paps, I want to correct you sana kasi ang daming errors sa sinabi mo, like, this MAN standing beside me, pero oks na Paps, pagbibigyan kita because lablab kita! Mwuah!" tapos ay humalik siya sa pisnge ng tatay niya na hilaw ang ngiti. Siguro nahihiya siya o baka naman na a-awkwardan sa mga nangyayari.

"So, he will be here for three months para magtrabaho nang magkaroon naman siya ng ideya tungkol sa iba't ibang bagay sa loob ng kompanya," pagpapatuloy ni Boss. Three months? I am looking forward sa kung ano ang mangyayari sa loob ng three months na 'yan. "And one more thing, I would like to acknowledge the presence of Mr. Jazz Powers," kasabay ng pagkasabi ni Boss no'n ay ang pagtayo ng isang gwapo at perpektong lakaki! Oh my God! Hind ko man lang napansin na andito pala siya! Nasa may hulihan kasi siya kaya hindi ko siya nakita. Bakit ba ang gwapo-gwapo ng nilalang na 'to? "He's the son of Mr. Liu Powers, one of our shareholders, and he's here to have his OJT. Let us all welcome our new intern, Jazz Powers," dagdag nito. Nagsitayuan naman kami at pinalakpakan siya.

Hmm, OJT lang? Hindi pala permanenteng andito siya? Sayang naman.

"Good morning," nanlaki agad ang mga mata ko matapos marinig ang boses niya. Kung anong ikinalaki ng katawan gayon naman ang ikaniliit ng boses niya! Waaah! Ano ba ito?! Bakit gano'n? "I am not expecting so much here, I am just hoping that by doing this OJT in your company will result in enhancement on my skills and I will acquire more knowledge on how to do a certain job," aniya. Napailing na lang ako. Iyang pagkaliit talaga ng boses niya ay may ibang meaning, eh.

"I promise you, Mr. Powers, that before your OJT ends you will surely gain lots of knowledge and you will enrich your skills," nakangiting sabi ni Boss.

"Thank you, Mr. Alonzo. I am looking forward to that," sagot naman niya. Sigurado akong hindi lang ako ang na wi-wirdohan sa boses niya! Kasi ang laki niya talagang tao para sa ganyan ka liit na boses!

Naupo na siya at ako naman ay hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya. Ang gwapo niya talaga kahit saang anggulo, maharot na kung maharot, pero totoo naman kasi. Nakakaturn-off lang talaga 'yong boses niya kasi ini-expect ko manly na manly 'yong boses niya, pero hindi eh, ang liit talaga, parang pang babae. Hindi ko alam kung normal 'yan o baka nag bo-boses babae siya dahil...bakla rin siya? Jusko! Huwag naman sana!

Nagulat na lamang ako nang kumindat siya kaya wala sa sariling napangiti ako, kaya lang bigla kong napagtantong wala sa akin ang paningin niya, na kay....

SA ANAK NI BOSS?! WHAAAT?!

Kumaway si Chal Raed kay Jazz tapos ay bigla na lamang napangiti si Jazz! Para na nga ring pumupuso ang mga mata niya, eh!

God! Ano bang nangyayari sa mundo?! Ayoko na sa earth talaga!

Pareho silang gwapo, malaki ang katawan, bitamina sila sa mata, hot...pero, damn!

Pareho rin silang BAKLA!

Ano kayang mangyayari nito sa mga susunod na araw, lalo na't mukhang pareho nilang trip ang isa't isa?

Iiyak na lang ba ako? Iiyak na lang ba kaming mga babae nito?

NAKAKALOKA!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login