Download App
25% Midnight Memories / Chapter 2: I

Chapter 2: I

Friday

"Ma, alis na ko." sabi ko sabay halik sa kanyang pisngi. Maaga akong papasok ngayon dahil may tatapusin kaming project sa Filipino. Bumaba na ako ng hagdanan nang tawagin ako ni mama.

"Nakalimutan mo." sabi niya sabay bigay ng baon ko.

"Thank you, ma " sabi ko sabay ngiti. Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad ko papunta sa school nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Buti na lang may payong ako. Sumilong ako kaagad at Inilabas ko ang aking payong. Binuksan ko ito at nagpatuloy ako sa paglalakad. Nagulat ako nang biglang may tumabi sa akin.

"Pasilong lang ako saglit. Bawal kasi mabasa itong mga papeles ko." sabi niya. Nakita kong bigat na bigat siya sa mga papeles na hawak niya. Biglang nahulog yung isang papel kaya kukunin ko sana ito kaso naunahan niya ako kaya nagkauntugan kami.

"Hala sorry ayos ka lang?" tanong niya habang hawak niya ang kanyang noo. Tumango ako at nagpatuloy kami sa paglalakad. Pinagmamasdan ko ang kanyang mukha habang kami'y naglalakad. Matangos ang kanyang ilong. Yung panga niya, pwede nang gamiting panghiwa ng mga pagkain.

"Salamat." sambit niya sabay lakad papunta sa ibang direksyon. Binilisan niya ang kanyang paglalakad upang di mabasa ang kanyang mga papeles.

Biglang sumakit ang aking ulo. Nabitawan ko ang payong na hawak ko at napahawak ako sa ulo ko. Grabe yung kirot na aking nadama kaya dali dali akong pumunta ng clinic. Kaso sarado, kaya dumiretso na lang ako ng room.

"Andiyan ka na pala Angelie. Halika dito paki-glue itong isa." sabi nung kaklase ko sabay bigay sakin ng glue.

"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ng isa kong kaklase. Tumango ako.

"Naulanan ka ba?" tanong pa nila.

"Hindi naman." sabi ko.

"Guys,suspended daw ang klase!"sabi ng kaklase kong nagcecellphone.

"Sino naman nagsabi niyan?" tanong ng isa kong kaklase na nagcoconcentrate sa paggugupit.

"Swerte naman nung mga di pa pumapasok, di na sila magsasayang ng pamasahe." sabi ng isa ko pang kaklase na kumakain ng sandwich.

"Yung teacher natin, tinext ako!" sabi ulit nung kaklase kong nagcecellphone.

"Alis na ko guys! yahooo!!! long weekend nanaman!!!" dagdag pa niya sabay takbo papalabas ng room.

"Tapusin na lang natin ito. Matatapos na rin naman tayo e." sabi nung kaklase ko.

Matapos ang ilang minutong paggugupit, pagguglue at pagsusulat, natapos na rin namin ang project.

"tara na uwi na tayo?" sabi nung isa kong kagrupo. "tara." sabi nung isa kong kaklase.

"Papasa ko muna to. Mauna na kayo." sabi ko sabay lakad papuntang office.

"Iha san ka pupunta?" tanong sakin nung isang teacher.

"Sa office po. May papasa lang po ako sa teacher namin sa Filipino." sabi ko sabay pakita ng project namin.

"Umuwi ka na iha. Ang lakas na ng ulan. Ako na bahala magexplain sa teacher mo." sabi niya sabay kuha sa project namin. Nag-bow ako at nagpasalamat. Nagpatuloy na ko sa paglalakad.

Bumalik ako sa room namin kaso wala na dun yung payong ko? Teka nasaan na yun? Paano ako uuwi nito!

Napabuntong hininga ako. Bahala na. Kinuha ko na ang bag ko at laking gulat ko nang may lumapit sa akin na may dalang payong.

"Sabay ka na sa akin miss." sabi niya. Teka? siya ba yung...

"Oo ako yung lalaking kay dalang papeles kanina." teka nababasa niya ba isip ko?

Binuksan niya ang payong niya at nagsimula na kaming maglakad. Hindi ko alam pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? ganito ba ko karupok? Girl pinayungan ka lang! aaaaAah!

"Saan ka nakatira?" tanong niya sa akin.

"Ah dun malapit sa may convenience store." sabi ko sabay ngiti. Di ko siya matignan sa mata.

Nagulat ako nang bigla siyang tumigil sa paglalakad. Napatingin ako sa mukha niya.

"Nagugutom ako. Ayos lang ba na samahan mo ako sa loob ng convenience store?" sabi niya sabay tingin sa akin.

"Sige." sabi ko.

Pumasok na kami sa isang convenience store. Kumuha siya ng dalawang cup noodles, dalawang chocolate at dalawang tubig. Binayaran niya ito sa cashier at binigay niya sa akin ang cup noodles at tubig. Nagpasalamat ako sa kanya at ngumiti.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at nang makarating na ako sa bahay, nagpaalam na ako.

"Salamat! Dito na ko. Ingat ka." sabi ko sabay pasok sa gate. Pagkapasok ko sa loob ng bahay, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ang rupok ko talaga. Nakakainis.

Dali dali akong pumasok sa kwarto para magpalit ng suot at humiga.

Saturday

"Anak? gising na. Alas dose na di ka pa kumakain." nagising ako sa boses ni mama. Ang haba naman pala ng tulog ko.

"Buti naman nakatulog ka ng mahaba haba. Lagi kang kulang sa tulog nitong mga araw eh" sabi ni mama.

"May niluto akong noodles sa baba, kumain ka na." dagdag niya sabay lakad paalis ng kwarto ko.

Bumangon na ako at pababa na sana ako ng hagdanan kaso bigla akong nagtaka sa nakikita ko.

Bumili si mama ng bagong carpet sa hagdanan? Sa pagkakaalam ko ayaw palitan ni mama yung carpet ah?

Kinusot ko ang mata ko at muling tumingin sa hagdanan. Namamalikmata lang pala ako.

Bumaba na ako at napatingin ako sa upuan at lamesa namin. Biglang may nagflash na scenario sa utak ko. Kaso medyo malabo. Ano ba tong mga nakikita ko! Antok pa ata ako.

Kumain na ako ng noodles na niluto ni mama nang bigla akong makarinig ng taong nagsasalita.

"Maria."

"walang Maria dito." sabi ko.

"Maria.." muli itong nagsalita.

"wala pong Maria dito." sambit ko ulit.

"Maria lumabas ka!" sigaw nito. Sino bang Maria sinasabi nito eh wala ngang Maria dito.

"Wala pong Maria dito!!!" sigaw ko.

"Angelie bakit ka ba sumisigaw?" tanong ni mama.

"May nagsasalita po kasi mula sa labas ata ng bahay." sabi ko.

"Bakit di mo pinuntahan sa labas mismo nang di ka sumisigaw jan." dagdag ni mama. Dahil sa katamaran ko, siya na ang pumunta sa labas.

"Wala namang tao." sabi ni mama. Biglang tumaas ang balahibo ko.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login