Gusto ko siyang yakapin pabalik pero alam kong hindi pwede. Gusto kong sabihing dito ka lang pero hindi pwede.
I feel stressed out dahil dito, nang marinig ko yung word na kakalimutan na niya lahat gusto kong isigaw na "Wag! wag mo kong kakalimutan!" pero hindi ko magawa pagdating sakanya tahimik na ako dahil alam kong nasaktan ko siya.
8 taon akong nawala sa kanya kaya wala akong karapatan na kunin siyang muli sa taong nag alaga sakanya hindi naman siya isang tuta na iniwan sa pet center tapos babalikan nalang.
Ngayon, nakikita ko ang likod niyang papalayo at papunta sa lalaking kumupkop sakanya sa pangungulila sakin. Tumalikod nalang ako at bumalik sa silid aralan nakita ko namang nakatingin sakin si Louie at agad niya akong inaya sa bakanteng lugar ng paaralan.
"Spill!" yun lang sinabi niya at kinuwento ko na ang lahat ng sinabi ni Ai, Ai? iyon ang tawag ko sakanya ngayon tawag narin sakanya ng JK na yun.
"Bro alam mo ang tanga mo akala ko pa naman matalino ka?!" sabay duro niya sakin.
"Anong magagawa ko? Hindi na nga pwede!" sigaw ko kay Louie.
Hindi naman na talaga pwede dahil sa bandang huli masasaktan parin siya gagawa lang ako ng bagay na ikasisira niya.
Alam ko sa sarili ko na higit sa best friend ang tingin ko kay Ai pero natatakot din akong malaman na hanggang doon nalang ako sa best friend zone at saka hindi na talaga pwedeng humigit kami doon.
"Hayst, tawag diyan Mind vs Heart, ikaw nasa sayo yan halata namang miss niyo ang isa't isa pero ikaw masyado kang futuristic bro iniisip mo agad yung future eh yung present mo nga hindi mo maayos, akala ko din dati maganda ang maging futuristic kaso sa nakikita ko ngayon toxic siya" banggit ni Louie habang binabato yung puno.
"Maawa ka nga jan sa puno" pagpigil ko sakanya.
"Maawa ka kay Lei" sabay talikod niya at umalis na.
Maawa ako kay Ai? pero wala namang patutunguhan kung itutuloy namin yung pagkakaibigan namin in the end maghihiwalay rin kami or worst we will become strangers for life.
"Sa wakas uwian na! Weekends na!" sigaw habang nagiinat na sabi ni Liz.
"Batugan!" sigaw ni Louie.
"Pigilan mo na sila bago pa sila magsabong" bulong ni Mari.
"Tara doon sa bagong dessert place libre ko" at agad na akong naglakad palabas ng silid aralan.
"Waaah, ang swerte talaga natin na kaibigan natin si Dongmin mabait na mapera pa san ka pa!" banat ni Liz.
"Gold digger!" pangongontra ni Louie.
Maya maya pa nagaaway na sila sa daan, wala namang bago hinayaan ko nalang sila at dirediretsong naglakad.
"Sayang hindi natin kasama si Lei" malungkot na sabi ni Mari, tinignan ko lang siya saglit at bumalik na ang tingin sa daan.
Sayang nga, mahilig pa naman sa matatamis yun, yung tipong pag naka kita siya ng matamis biglang magniningning ang mga mata niya na parang bata na binigyan ng isang kendi. Hindi ko namalayan na nagkaroon ng maliit na ngiti sa aking labi.
"Ngumingiti ka ba?" sabi ni Mari.
Umiling nalang ako at pinigilan ang ngiti ko. Si Ai lang talaga ang may kayang magpangiti o magpatawa sakin ng malakas. Simula talaga ng magkahiwalay kami 8 years ago doon ako naging ganito tahimik at walang emosyon para kasi nila akong tinanggalan ng liwanag sa buhay at si Ai ang liwanag na yun.
Sana isang araw maintindihan niya na ginagawa ko ito para sa ikabubuti naming dalawa.
Parang pamilyar na imahe naman ang nakita ko na pumasok sa isang dessert shop kaya dali dali kong sinundan ito.
Pagka dating namin sa loob ay umorder na kami ng nilibot ko ang aking tingin at wala sila dito sa unang palapag kaya naman nagpasya akong umakyat sa taas. Nakita ko sila sa pinaka sulok kaya umupo kami sa katabi nito. Hindi mo naman mapapansin ang mga kumakain dahil may cubicle ito maya maya pa ay nakinig na ako sa kanilang usapan.
"JK, salamat ng marami ha kung wala ka hindi ko alam kung ano ng nangyari sakin" sabi ni Ai "Wala iyon, ikaw pa ba ganyan kita kamahal e" sagot naman ni JK na parang nagpanting ang tenga ko. Hindi ko namalayan na tumayo si Louie at pinuntahan sila.
"Lei, JK kayo pala yan" biro nito.
Halata naman ang gulat sa mga mukha nila dahil hindi mo talaga sila mapapansin na sila iyon dahil nakasalamin, naka mask at naka sumbrero sila.
"Nandito pala kayo, gusto naming subukan yung eclair dito kaya pumunta kami" sabi ni Ai na halata ang saya sa mukha ng dahil sa nakita ko lalo akong nainis.
"Akala ko ba busy kayo pero mukang nag da-date lang naman kayo" walang pag dadalawang isip kong sabi.
Napatingin ang lahat sa sinabi ko, nakita ko ang galit sa mukha ni JK at ang lungkot sa mukha ni Ai. Minsan hindi ko na talaga napipigilan ang bibig ko lalo na pag si Ai ang usapan.
"Pasensiya na kung hindi ka naniniwala sakin pero nasa saiyo na yun kung ano ang nasa isip mo" walang emosyong sabi ni Ai nanlamig ako sa sinabi niyang iyon parang lalong idiin sakin na wala akong tiwala sakanya.
"Nawalan na ko ng gana, enjoy" sabay talikod ko at alis. Habang naglalakad ako pababa may nakita akong kahina hinalang lalaki sa labas ng kainan may dala itong camera na may napaka habang lense kaya sinubaybayan ko ito pumunta ako malapit dito at kunwaring may hinihintay at ng makita kong tama ang aking hinala agad kong inagaw ang camera at tumakbo.
Nakarating ako ng condo na pawis na pawis dahil sa pagtakbong ginawa ko dapat talaga ginawa ko nalang yung una kong plano yung kunin at sirain yung camera pero naisip ko kung ano ang laman ng mga picture kaya nandito ako sa sala at tinitignan ang mga laman na imahe ng camera.
*Pang!*
Binato ko ang camera at ngayon ay durog na ito, sa mga imaheng nakita ko kung hindi ko sila kilala ay iba ang maiisip ko. May nakaupo sila sa bench at hawak ni Ai ang mukha ni JK, mayroon ring nakahiga siya sa mga hita ni Ai habang natatawanan at kung ano ano pang matatamis na gawain.
Sa sobrang inis ko umalis nalang ako para mamili ng mga pagkain para bukas at maglilinis ng condo.
*****************
Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya at nagsalita siya ng ganoon kaya ito ako ngayon lutang habang kumakain.
"Ai, kawawa yung eclair wag mong i-torture" sabay kuha sa kamay ko at nalita yung itsura ng eclair na hiwa hiwalay na.
"Sumalangit nawa" sabay sabay na sign of the cross ni Liz, Louie at Mari at nagtawanan.
"Hindi naman kasi tama yung sinabi niya samin ni JK diba diba diba " sinabi ko yun habang tinuturo sila isa isa kaya naman umoo nalang sila.
"Lei, hayaan mo na yon alam mo naman si Dongmin parang laging meron" sambit ni Liz.
Pagkatapos naming kumain ay naghiwa hiwalay na kami. Sobrang napagod ako ngayong araw physically and emotionally paano ba naman ikaw kaya ang sabihan ng ganoong salita.
Agad kong inilatag ang aking katawan sa kama maya maya pay tumunog ang aking telepono ito na siguro ang address ni Dingmin ise-send daw kasi sakin ni Mari para pumunta doon gagawin na kasi namin yung report.
Nang mabasa ko ang text agad namang nanlaki ang aking mga mata ata agad lumabas ng condo. Tumingin muna ko sa bawat paligid at agad tinignan ang numero ng condo ng aking katapat sa isang palapag kasi na ito dalawang condo lang tao "5341?!" agad ko namang tinakpan ang aking bibig at agad na tumakbo pabalik dahil narinig kong tumunog ang elevator.
Hindi ako ngayon makatulog dahil hindi ko alam kung anong dahilan ang kailan kong gawin dahil baka isipin ni Dong Min na sinasadya ko ang lahat. Sa aking pagkaka alam ang assistant kong si Jaja ang kumuha ng condo na ito pero imposibleng may alam siya tungkol kay Dong Min dahil wala naman akong naikekwento sakanya.
Nandito ako ngayon sa tapat ng aking pintuan iniisip ko kung anong mga palusot ang aking gagawin kung sakaling matuklasan nila na dito ako nakatira.
Bigla namang tumunog ang aking telepono at agad na binasa ang text galing kay Mari "Nandito na kami kila Dong Min, ikaw?" ng makita ko yun ay dali dali akong nag reply " Malapit na rin ako" at agad akong lumabas ng pintuan ngunit biglang bumukas ang elevator kaya napa talikod ako sabay upo.
"Lei, ikaw ba yan?" boses ni Liz ang aking narinig kaya dahan dahan akong tumayo at humarap sakanila. " Hi! " bati ko, "Anong ginawa mo jan sa sahig?" tanong ni Louie.
"Piso?!" hindi ko alam bakit iyon ang nasabi ko gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader. "Anong piso?" litong tanong ni Louie "Nalaglag kasi yung piso tapos gumulong dito kaya hinabol ko" sana makalusot sabay sabay naman silang nag " Ahhhh " maya pa'y narinig kong bumukas na ang pintuan ni Dong Min " Tatayo nalang ba kayo jan?" kaya naman agad kaming pumasok sa loob ng bahay niya.
Ibang iba ang ambiance nito sa condo ko ang kulay ng kanya ay white and black ang akin naman ay white and pastel pink ngunit ang alam kong paboritong kulay niya ay royal blue pero ni isang kulay nito ay wala akong nakita.
"Parang ang dami mo atang dala" tanong ni Liz " Hindi ko rin alam, basta inilagay ko yung mga bagay na kailangan ko" sabay kamot ko sa ulo, "Ako na pala ang magluluto ng lunch natin " sabi ni Mari " Ako nalang sa dinner" nakakahiya naman kasi kung hindi ako tutulong "Sana'y ka magluto?" tanong ni Louie "Hoy, wag mo maliitin si Lei nung sa isang reality show siya lang ang artistang nakita kong walang arte magluto at ang kanya ang napuri ng lahat" pagmamalaki ni Liz.
Habang nagluluto si Mari, sinimulan naman naming ayusin ang mga kailangan sa report ang title nito ay " Chinese Enthicity " tungkol kasi sa Asian Enthicity natapat naman samin itong topic na ito.
"Louie and Lei, kayo ang bahala sa power point, kami naman ni Mari at Ainsleigh sa discussion" onti onti ng binigay ni Dong Min ang mga kailangan naming gawin.
Pagkatapos kumain ay sinimulan na namin ito " Sino ba may lahing chinese dito " tanong ni Dong Min at nagtaas naman ng kamay si Liz at ako.
"Eh?! May chinese kang Lei?" tanong ni Louie. "Oo, 1/4 chinese 1/4 korean and 1/2 filipino ako " napawow naman si Louie "Si Dong Min din ganun" dagdag ko pero biglang nag sink in sa utak ko kung bakit ko sinabi yun "Talaga ba, Bro?!" nanlalaking matang sabi ni Louie kaya tumango nalang si Dong Min "Hmm, Lei paano mo nalaman?" pakiramdam ko ay marami ng butil ng pawis ngayon ang aking noo para akong nasa hot seat "Hindi ba binanggit ni Sir iyon nung nakaraan?" sabi ni Mari kaya naman tumango ako at nakita kong nginitian niya ko pero hindi ko maalalang may binanggit talaga ang aming guro.
"Ikaw, Mari may lahi ka ba?" tanong ko para maiba ang usapan "Oo half japanese ako" "Wow iba naman pala ano to ASEAN meeting?" patawa ni Louie kaya naghalakhakan naman kaming lahat.
"Since chinese ka, Liz ano alam mo about enthicity?" tanong ko.
"Hmmm" lahat kami ay nag aabang ng kanyang sagot " Wala" parang nalaglag lahat ng braso namin sa sinabi niya.
"Sorry ahhh kasi naman hindi ako dun lumaki" dugtong pa niya.
"May kakilala akong makakatulong sa atin pero gusto ko relax lang kayo pag nakita niyo siya" siya lang ang naiisip kong makakatulong samin.
"Wag mong sabihing artista yan" sabi ni Dong Min.
"Ganoon na nga" sabi ko.
Pero wala ito nalang talaga ang alas namin aside sa mga research sa google o kung saan saan pang website. Binuksan ko agad ang aking laptop at hinanap ang Skype.
"Ni hao!" bati ko sakanya at binati naman niya ko pabalik.
"Waaaaaaaaa! Si Lord Yang Yang!" tili ni Liz at biglang hinimatay.
***************
Kinakausap niya ngayon yung lalaking artista Yang Yang daw ang pangalan si Liz naman hinimatay pilit siyang ginigising ni Mari.
Naguusap sila ngayon ng Chinese mabuti nalang at kahit papaano ay nakakaintindi ako.
"Nǐ hǎo ma" sabi ni Ai.
"Wǒ hěn hǎo, nǐ ne" sagot ni Yang Yang.
"Wǒmen yǒuyī fèn bàogào, wǒ xūyào nǐ de bāngzhù" sabi ni Ai.
"Dāngrán, wǒ huì bāngmáng shénme huàtí?" sagot naman ni Yang Yang.
Sa madaling salita humihingi ngayon ng tulong si Ai sa lalaking artista na Yang yang ang pangalan sa aking pag kakaalam naging kapareha niya ito sa isang Chinese Nobela noon kaya siguro sila malapit sa isa't isa.
Natapos naman namin lahat ng detalye tungkol sa Chinese Ethnicity ngayon ay naguusap parin sila.
"Mò mò, xiǎngniàn nǐ" may malambing na tono sa boses nung lalaki at bigla niyang itinaas ang isang pusa.
"Māmā, yě xiǎngniàn nǐ" nagpanting naman ang tenga ko sa aking narinig tama ba naman na ituring siyang nanay ng pusa at sino ang tatay itong lalaking ito.
"Kung tapos ka na sa lahat ng information magluto ka na" iyon nalang ang aking nasabi sabay punta sa banyo.
Ilang lalaki ba ang malapit sakanya? Yung isa best friend niya daw ito naman tatay ng pusa at siya ang nanay puro sakit nalang ng ulo ang binibigay niya sakin.
Napatingin ako sa salamin at naalala ang sinabi niya ng araw na iyon na kakalimutan na niya lahat ng tungkol sa amin. Pumunta muna ako sa kwarto at nagbasa ng ilang emails sa computer at saka ako bumaba nakita kong gising na si Liz at nangungulit ulit.
"Lei, gusto ko makita si Yang Yang please" nakayakap siya ngayon sa paa nito habang nagluluto si Ai.
"Tinulugan mo siya hindi ba" mahinang sagot ni Ai.
Sila Louie at Mari naman ay nakikinig ng balita. Sumilip lang ako muna ako sa gawing bintana at biglang napalingon ng nanuod sila ng balita.
"Showbiz time! Isang sikat na actor at actress confirm na sila na talaga!" nakita kong nakatingin ang lahat sa TV maliban kay Ai na nag aayos ng lamesa dahil tapos na siyang magluto.
"Ayon sa parehas na company ni Ainsleigh Kim at JK isang taon na daw silang in a relationship! may roon pang mga picture kung saan makikita ang sweet na sweet na lovely couple" biglang may nabasag na plato at nakita ko ang tulalang itsura ni Ai na biglang pumatak ang kanyang mga luha.