Pagpasok ko sa classroom ay napatingin sa akin ang ibang babae na nag-uusap-usap. Tinitigan ko sila pabalik kaya nag-iwas sila ng tingin.
Pag-upo ko sa desk sa gilid ay kinalabit ako ni Night. "Sinabi ko nang 'wag kang pumasok ngayon. Ang tigas ng ulo mo. Bahala ka nga, Queen!" inis niyang sabi at naglapag ng gamot sa desk bago umalis.
Ngumisi ako habang tinataliman siya ng tingin. Ibinulsa ko ang gamot at naghintay ng bell.
Napatingin ako sa bagong dating na si Mark. Ngumisi siya nang nakakaloko habang papalapit sa akin. Umikot ang mata ko. Alam ko na ang gusto nito.
"Baka naman gusto mong magkwento kung bakit may dugo sa braso mo."
Nagulat ako at agad na napatingin sa braso ko at totoo nga! Nagsisimula na namang dumugo iyon!
Tumunog na ang bell kaya tumayo na ako at lalabas na sana ng room para sa morning assembly nang biglang hinawakan niya ako sa braso at pinisil ang sugat.
I growled. "What the hell—"
Natigilan ako sa pagmumura nang inilapit niya ang bibig sa tenga ko at may ibinulong.
"Sabi ni Monic, may meeting daw mamaya." Sa sobrang hina niyon ay halos hangin na lang ang naririnig ko.
Tumango ako at tinanggal ang kamay niya sa braso ko.
I sighed. Sumabay ako kay Ky, Adrian at Frenzy pababa sa building at papunta sa napakalaking quadrangle para pumila.
"Nakita namin si 'te Monic sa balita," bulong ni Frenzy habang sinasamaan ng tingin iyong babae sa ABM strand na mukhang maiihi na sa takot sa kasama ko.
"Oh, tapos?"
"Wala naman. Hindi naman halata na kasama n'yo siya. Bagay na bagay nga 'yong role niya, e. Hindi kahina-hinala."
Naputol ang pag-uusap namin nang magsalita ang speaker. "SSG officers, please proceed to the SSG office after the flag ceremony." Inulit iyon nang tatlong beses bago umakyat ang corp commander at nag-command.
Ano kayang meron? Ah, alam ko na. Bagong nakakastress, nakakapagod, at nakakapang-init ng ulo na gawain na naman ang iu-utos sa amin ng admins.
Nakabusangot akong naglalakad papunta sa office at halatang-halata na pinagtitinginan ako. Bwisit na mga mata 'yan, ang sarap sungkitin.
"Ano, sige tingin pa. Tutuhugin ko mga mata ninyo," banta ko at ambang tutusukin ang mata noong isang grabe ang tingin sa akin. Lahat sila ay hindi na ulit tumingin sa direksyon ko.
Nang binuksan ko ang pinto sa SSG office ay nando'n na ang halos lahat ng officers sa grade 12. Kulang na lang ay ang sa HUMSS strand at kumpleto na kami. Sa grade 12 lang kasi kinuha ang mga officers para raw mas professional.
"Roll call," panimula ng admin. "Fuentes,"
"Present," bored kong sabi.
"Valderrama, Lee."
"Present!" sagot ni Night at Mark.
"Gozon."
Walang sumagot.
"Gozon?" ulit ng admin. "Ano ba 'yan. President na President, wala?"
Kasabay ng pagkasabi niyon ay ang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Anthony na hinihingal. "Present!"
Napailing ang admin at itinuloy ang roll call.
Sinundan ko ng tingin si Anthony na tumabi sa akin sa pila. "Ba't ka nahuli?" usisa ko.
Ngumiti siya sa akin at bumuntong-hininga. "Late akong pumasok kasi nagkakagulo sa bahay. Papalitan na raw agad-agad ni dad si President Trillano."
Tumaas ang kilay ko. "Tatay mo ang Vice President?"
He gave me a stiff nod and then looked directly in front, nakinig siya sa sinasabi ng admin.
I wasn't shocked. Iba talaga pag puno ng mga anak ng politiko ang school. Hindi mo mamamalayan, anak na ng kung sinong makapangyarihan na tao ang katabi mo.
"Alam kong alam na ng lahat kung anong event ang gaganapin next next week. Ngayon lang nai-announce sa mga officers pero ang gusto ng GAO ay kayo ang mag-organize ng schoolfair. Foundation month ngayon."
Tumikhim ako. "Kunwari excited ako," bulong ko sa sarili ko.
Natawa ng kaonti ang katabi kong si Anthony kaya napatingin ako sa kaniya.
Alam ko na ang ipapagawa sa amin kaya hindi na ako masyadong nakinig. Nandiyan naman si Night at Mark na nagti-take notes kaya no sweat.
Apparently, kami ni Anthony ang naka-toka sa booths, stage at performances sa buong araw na 'yon.
"Vice President, halika rito." The admin motioned me to come near her.
Humakbang lang ako papalapit sa kaniya pero hindi dumikit sa desk. She glared at me. I glared back. Bahala ka riyan.
Tumikhim siya. "The GAO wants to insert a band from the College department. Ang alam ko ay pinsan mo ang leader nila kaya kung sana ay kausapin mo sila na tumugtog ng ilang kanta nila sa event."
Tumango na lang ako at bumalik sa tabi ni Anthony. Pagkatapos ng ilang minuto ay dinismiss na kami at pinasimulan ang mga gagawin.
Magkasama kami ni Anthony na naglalakad papunta sa parking lot para kunin ang sasakyan niya.
"Bakit ka may sasakyan? 17 ka pa lang, ah," nagtataka kong tanong dahil 'di ba kapag grade 12 ay usually 17 years old?
"I'm 18." Ngumisi siya na pinapakita halos lahat ng ngipin niyang maputi.
Tumango na lang ako at sumakay sa tabi ng driver's seat. Papunta kami sa malayong parte ng school kaya mas praktikal na ang sumakay sa sasakyan.
Nandoon ang business school at kailangan naming ipatawag ang mga officers nila tungkol sa mga booths.
Una ay inisa-isa namin ang rooms at pinatawag lahat ng President at Vice para sa meeting mamayang lunch break at saka dumiretso na sa room nila kuya Ten.
"Mr. Fuentes, may naghahanap sa 'yo," anunsyo ng prof nila. Kaagad namang tumayo si kuya Ten at pinuntahan ako sa corridor.
"Bakit, Queen?" tanong niya. "May balita?"
Umiling ako at sumulyap kay Anthony na nakadungaw sa baba ng building. "Gusto ng GAO sa highschool department na mag-perform daw kayo sa foundation day. May talent scout na inimbitahan."
Kumislap ang mga mata niya sa tuwa at saka ngumiti nang napakalaki. Minsan lang iyon mangyari pero hindi na ako nagugulat. Ganiyan lang 'yan kapag nakakakita ng nakahubad na babae. "Deal. Sasabihan ko ang iba, dre."
Nang makabalik na siya sa room ay dumiretso ako sa tabi ni Anthony. Sinisipsip niya ang labi mula sa loob ng bibig habang pinaglalaruan ang kulot na buhok.
Natigil siya sa ginagawa nang maramdaman ang pagtitig ko. "Tapos na?" tanong niya.
Tumango lang ako at nagsimula nang maglakad pababa sa hagdan.
"Ano pang gagawin natin?"
Nag-isip ako. Ano pa nga ba? "Ah, sa performances."
"Glee club?" suhestyon niya.
Tumango ako. "Pero mamaya na. Nagugutom ako. Bili tayo sa canteen?" alok ko para naman hindi niya masabing sarili ko lang ang iniisip ko kahit 'yon naman talaga ang totoo.
Umangat ang gilid ng labi ko at napailing sa naisip.
Nakita ko siyang umiiling sa gilid ko. "Walang masarap sa canteen ngayon."
I shook my head to erase my thoughts. Bumaling ako sa gawi niya. "Sige, ikaw bahala. Saan ba masarap kumain?"
I'm craving for coffee and sweets.
"Hindi ka ba nag-almusal?" tanong niya na parang nag-aalalang nanay.
Parang hindi yata. Imbes kasi na kumain ako, nanood ako ng balita.
Tiningnan ko ulit siya at umiling. "Hindi pa. Nakalimutan ko."
Napailing siya at ngumiti. He looks so nice. Bakit kaya hindi siya gaanong sikat sa SHS department? He has the looks, the brain, and the attitude.
Ah, kasi pala nandiyan ang mga pinsan ko na napaka-"gwapo" at "hot".
Pagdating sa sasakyan ni Anthony ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Tumaas ang kilay ko at sinubukang i-maintain ang poker face.
Dumaan kami sa gate ng College dept. para makalabas. Hindi kasi puwedeng lumabas sa highschool at elementary dept. dahil baka mag-cutting classes at hindi safe para sa mga "elite" students.
Speaking if elite... "I'm shocked sa balita na pinapatay ang Presidente kahit na kauupo niya lang sa puwesto."
Ngumiti siya pero may kaakibat iyong lungkot. "Kung sino man 'yong bumaril sa kaniya, I hope he can peacefully sleep at night."
Pinigilan ko ang ngiti na nagbabadyang mabuo sa mga labi ko.
I can peacefully sleep at night naman. Thanks for the concern.
"Ibig sabihin ba niyan ay lilipat na kayo sa Malacañang?" tanong ko.
"Pinag-uusapan pa nila. Hindi ko lang alam."
Mabilis lang kaming nakarating sa Starbucks at um-order ng iced coffee at maliit na cake. Bumalik din kami. Takam na takam na ako sa cake habang nakasakay sa sasakyan ni Anthony kaso baka bawal kumain dito sa loob kaya tinititigan ko lang iyon.
I heard him chuckle. "You can eat inside the car. Naglalaway ka na, oh."
Kinagat ko ang labi at pinigilan ang sariling ngumiti. "Thanks." Binuksan ko ang plastic container at parang sumabog ang amoy ng red velvet cake.
I moaned. Ang bango!
Nakita kong nakangisi si Anthony habang nakatingin sa dinadaanan namin. Nang makarating sa school ay dumiretso na kami sa SSG office para hanapin ang listahan ng mga club ngayong schoolyear na puwedeng mag-perform sa foundation day.
Lahat ng iyon ay nilista namin at saka dumiretso na sa building kung nasaan ang nga clubroom. Inisa-isa nang kausapin ni Anthony ang mga clubs para sa performance nila.
Nang abutan kami ng lunch ay napaupo na ako sa bench sa field. "Nakakapagod," reklamo ko.
Bigla naman siyang may inabot na bote ng tubig kaya naman ay tinanggap ko iyon. "Salamat—"
"Hala, may dugo ang braso mo!" nag-aalalang sabi niya at naupo sa tabi ko para i-check ang sugat na nababalot ng bandage. Hindi ko na nga naramdaman ang sakit, eh. Ngayong naalala ko, sumasakit na naman tuloy!
Binunot ko mula sa bulsa ang gamot na binigay ni Night kanina at ininom iyon.
"Kaya mo ba o dadalhin kita sa infirmary?" tanong niya at naghahanda nang alalayan ako.
Umiling ako. "Kaya ko na 'to," sabi ko at ngumiti para hindi na siya mag-alala.
"Sigurado ka?"
Tumango ako.
"Sige. Bukas na lang natin ituloy ang mga gagawin. Ako na lang ang kakausap sa mga in-charge sa booths. Magpahinga ka na sa room n'yo."
Tumaas ang pareho kong kilay. "Kaya ko nga," pilit ko. Sasama ako sa kaniya. Baka sabihing iresponsable ako kapag may nakakitang mag-isa niyang ginagawa ang dapat kaming dalawa ang gumagawa.
Umiling siya. "Ihahatid kita sa room n'yo."
Bumuntong-hininga ako at umiling. "This is nothing." Turo ko sa sugat. "I've been shot—" natigilan ako. Ow fuck! "Nasugatan na ako ng ilang beses. Sanay na ako sa sakit."
Tumaas ang kilay niya. Halos dumikit na yata ang kilay niya sa anit dahil parang hindi pa naniniwala. "Talaga?"
Tumango ako. "Oo nga," sabi ko. "Tara, lunch tayo. Libre ko." Hinila ko siya papuntang canteen para makalimutan niya ang sinabi ko.
Madudulas pa ako. My god!
Um-order kami ng pasta. Maglalabas na sana ako ng pera pambayad sa inorder naming dalawa nang nag abot siya ng pera sa cashier. Sumimangot ako. "Sabi ko, ako ang magbabayad."
"Ako na. Libre ko na lang. Sa susunod, ikaw na. Sa 5-star resto mo ako ilibre."
Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Natawa naman siya sa reaksyon ko.
Ang gaan sa loob kasama nitong lalaking 'to. Dapat talaga sikat siya! Hindi dapat hinahabol ng mga babae ang mga pinsan ko.
Napailing ako. "Who knows. Baka sa ibang bansa pa," biro ko at naghanap ng table para sa aming dalawa. "There." Turo ko sa gilid ng canteen. Nagsimula kaming maglakad papunta roon pero nakita ko ang mga mapanuring tingin ng mga nadadaanan namin.
I stopped. "What the fuck's wrong with you?" pasigaw kong tanong sa babaeng bumubulong sa katabi niya habang sinusundan kami ng tingin.
Natigilan si Anthony at nilingon ako. "Uy, kalma."
Sumulyap ako sa kaniya pero hindi ako tumigil at hinarap ulit ang babae. "Dapat sa inyo, tanggalan ng mata at tahiin ang bungaga." Tinaliman ko ang tingin sa paligid. Lahat sila bumalik sa mga ginagawa nila at wala na ulit nagtangkang tingnan kami.
Natatawa si Anthony nang maupo kami. "Ganiyan ka ba talaga ka-bayolente?"
I shrugged. "Maybe." Susubo na sana ako nang mag-ring ang phone ko sa tawag ni ate Monic. "Sagutin ko lang," paalam ko. Tumango siya kaya tumayo ako at lumayo.
"I saw the news. May naiwan ka ba kagabi?" tanong niya.
"Wala naman yata?"
"May nakitang singsing sa pinagtaguan mo."
Natawa ako. "Hindi ako nagsusuot ng singsing. I'm safe. Kung kanino man 'yon, siya ang lagot. Now if you may excuse me, kakain na ako."
"Sige. Mamayang gabi. Kailangan tayo," paalala niya bago binaba ang tawag.