A Killer's Steps
Chapter 16 : Crystal
YERIN POV
"Ahhhhh!" sigaw ni Ate Wish kasabay ang paglaglag niya sa nabutas na sahig
"Ate!" isang malakas na sigaw namin nina Umji, yuju at Star saka kami nagpunta kung saan parte yung butas kung saan siya nahulog
Agad naming sinilip yung butas. Napakalalim at napakadilim
Agad namang nagpunta sa amin si Sugar, Kuya EuJin, Big bro, Rhey at Theo para tignan yung butas kung saan nahulog si Ate Wish
"Yung Flashlight!" Sigaw ni Kuya EuJin kasabay ang pagbigay ni Star nung flashlight sa kanya. Alam kong nag aalala siya kasi Girlfriend niya si Wish kahit ako nag aalala din
Agad na inilawan ni Kuya EuJin yung Butas. Pero walang epekto. Napakalalim! Sobrang dilim. Halos di mo mailawan yung ibaba. Mukhang napakataas nung pinaglaglagan ni Ate Wish
Masyadong malakas ang kulog at kidlat kaya halos di namin madinig ang isa't isa kaya dapat kaming sumigaw
"Jusko! Sana ok lang si Ate!" Nagaalalang sigaw ni Star kaya napatingin ako sa kanya
"Gumawa tayo ng paraan! Di tayo pwedeng tumunganga lang!" Sigaw ni Kuya EuJin kaya nagsitanguan kami
"Pero paano?!" malakas na tanong ni Big bro.
"Alam ko na! Lubid! Kailangan natin ng lubid!" agad naman naman naming naintindihan ang ibig sabihin ni Rhey kaya agad kaming nagsitanguan saka kami nagkalat para maghanap ng makapal at matibay na lubid na gagamitin namin para makababa kami
AUTHOR'S POV
Samantala...
Agad napahawak si Wish sa ulo at katawan niya nang maramdaman niya ang sakit. Masyadong mataas ang pagkakabagsak niya
"Ouch!" daing niya nang makatayo siya at maramdaman niya ang sakit sa buong katawan niya. Agad niyang minulat ng tuluyan ang mga mata niya. Pero puro kadiliman lang ang nakikita niya. Umupo siya ulet sandali at hinanap sa pinagbagsakan niya yung flashlight na hawak niya
Nang mahanap niya yun at agad niya itong pinailaw
"Ahh!"
Isang malakas na hiyaw ang binigay niya nang makita niya ang dalawang mata na nakatitig sa kanya. Napabuntong hininga siya nang malaman niyang painting lang pala yun.
Agad niyang nilapitan yun at kinilatis ang mukha. Kumunot ang noo niya nang makita niyang dalawang babae pala yun.
Ang kamukha ni Yerin at may isa pa siyang kasama
"Yerin! Star! Yuju!" sigaw niya nagbabakasakaling marinig siya ng mga kasama niya. Inilawan niya kung saan siya bumagsak nagbabakasakaling nandun sila pero nabigo siya
Masyadong mataas at halos di umabot ang ilaw ng flashlight niya dahil narin malapit nang malobat yun. Wala rin siyang dalang Battery dahil nakay Umji yung battery, Siya ang may hawak nun
Napahawak siya sa nagkabilang braso niya nang makaramdam siya ng kakaibang lamig.
"Wish Hinaa.." nanigas siya sa kinatatayuan niya nang maramdaman niya ang kakaibang lamig na nanggaling sa tenga niya.
Kinakabahan at dahan dahan siyang lumingon sa likuran niya
Napahinga siya ng maluwag nang ilawan niya ang likuran niya at wala naman siyang nakita doon. Tanging isang malaking bisekleta lang
Lumingon siya sa harapan niya pero wala din aiyang nakita kundi isang malaking stante na puno ng mga maliliit na Electric fan ang nakita niya. Napakunot ang noo niya. Dahil sa mga electric fan na maliliit na nakikita niya
Nakahinga siya ng maluwag. Inisip niya na siguro guni guni lang nya ang pagtawag ng pangalan niya.
Naglakad lakad let siya
Nilapitan niya ang mga electric fan na nasa harapan niya.
"Hinaa...." Isang nakakakilabot na boses muli ang narinig niya. Ngayon ay biglang lumakas ang loob niya na lumingon sa likuran niya. Agad niya yung inilawan. Pero yung bisekleta lang ang nakita siya. Lumingon siya sa harapan at yung stante naman ang nakita niya
Napakunot ang noo niya.
Nang makaramdam siya ng tubig sa balikat niya
Hinawakan niya ang bagay na yun at nanginginig na inilawan ang kamay niya
"D-dugo..." nanginginig na sabi niya. Naramdaman niya ang pangangati ng balikat niya. At dahan dahan siyang tumingin sa itaas
"AHHHHHHHHHHH~!" Malakas na tili niya nang makita niya ang isang babae nakabaliktad sa ulo niya at umaabot sa mukha niya ang mahaba at makapal nitong buhok. Itim na itim ang mata at halos lumabas na ang ugat sa mukha ng babae.
***
"Aw!" malakas na hiyaw ni Yerin nang bigla siyang nasugat sa Dulo ng kutsiyo na gamit niyang pang hiwa sa lubid na gagamitin nila
"Ok ka lang Ate?!" Tanong sa kanya ni Umji. Marahan siya tumango. Agad naman may kinuha sa bag si Umji at may binigay siya sa kay Yerin betadine at band aid
"Yan unnie gamutin mo muna ang sugat mo" sabi ni Umji kaya napatango si Yerin at sandaling umupo saka niya ginamot yung sugat niya
Napangiti siya nang mailagay na niya ang band aid sa kamay niya. Tapos na ang paggagamot niya
Tatayo na sana siya at tutulong sa ginagawa ng iba nang maka aninang siya ng makislap na bagay nang kumulog at medyo nailawan ang buong basement
Napalingon siya at nakita niya ang isang magandang dyamante na nakadikit sa pader
"Guys!" sigaw niya dahilan kaya napatingin at matigil sa ginagawa nila ang iba. Lumapit sila kay Yerin at nagulat sila nang makita niya kung ano ang tinititigan ni Yerin
" isang dyamante" bulong na sabi ni Sugar pero sapat na para marinig ng lahat. Agad nilapitan yun ni Yerin saka niya Hinawakan
Napa atras siya nang biglang napaloob yung dyamante
"Wow!" hiyaw nila nang biglang lumiwanag ang dyamante at lumiwanag saka nagtama sa iba pang ibang dyamante ang ilaw na lumabas dito. Nagulat sila nang makita nila na napakarami palang dyamante at lumiwanag ang buong basement kasabay ang pagtama nang kislap sa isang pader at bigla nalang nagbukas
"Ano to?!" tanong ni Theo at hunawakan yung portal
"AHHHHHHHHHHH~!" Sabay sabay silang nagtinginan nang marinig nila ang boses ni Wish
"Heto na guys. Sigurado akong yan na ang daan para puntahan si Ate!" sigaw ni yuju kaya sabay sabay silang napatango kasabay ang unti unting pagsara ng portal at paglabas ng mga numero sa tabi ng portal
18 seconds left
Bigla silang nabahala nang unti unti nang magsara ang portal
"Kailangan nating magmadali! Tara na!"Sigaw ni Yerin agad na tumango si Theo
"Mauna kana Star!" sigaw ni Theo agad namang tumango si Star at agad na pumasok sa portal
"Bilisan niyo!" sigaw ni Star kaya nagtanguan sila
"Yuju!" Sigaw ni Theo kaya agad na tumango si Yuju at pumasok sa loob
"Ikaw na Rhey" sabi ni EuJin at pumasok naman agad si Namjoon kasunod ay si EuJin, sugar at Cjay
"Yerin" Sabi ni Theo saka marahang tumango
"Bilis!" sigaw ni Theo kaya agad na tumango si Yerin
5 Seconds left
Agad pumasoK si Theo
"Ano?! May kulang pa ba? " tanong niya at napalingon naman ang iba sa paligid
"Si Umji!" sigaw ni Star kaya nabahala sila
"Umji!" sigaw ni Star naririnig yun ni Umji. Papasok na sana niya nang unti unti na yung nagsasara
"Wala nang saysay mga unnies!" umiiyak na sabi ni Umji kasabay ang paghagis niya sa bag na may lamang batteries at mga kakailanganin na hawak niya kanina
"Dito lang ako! Nagiingat kayo!" umiiyak na sigaw ni Umji kasabay ang pagsara ng portal
"Umji! Summer!" Sigaw ni Sugar at lalabas na sana ng portal nang bigla yung maging pader. Lakas na suntok sa pader na yun ang binigay ni sugar pero walang saysay.
"Summer Jiyah!" Sigaw at nagingiyak na sabi ni sugar. Hinawakan siya sa balikat ni Rhey
"wag kang mag alala makakalabas tayo dito. Magiging ok din siya" isang hagulgol lang ang binigay ni suga. Gulat na gulat ang buong barkada nang makita nilang umiyak si sugar ng isang beses dahil sa isang babae. At dahil yun sa fiance niya na si Umji
"Kaya blisan natin para makalabas tayo agad" sabi ni Yuju kaya sabay sabay silang napatango
Sabay sabay nilang binuksan yung mga dala nilang falshlight at tumambad sa kanila ang isang pinto.
"Anong Pinto to?" tanong ni Cjay at lumapit sa pinto saka niya yung marahan na binuksan
Agad namang lumapit ang ibang myembro saka inilawan ang kwartong pinuntahan nila
Sabay sabay nanlaki ag mga mata nila sa nakita nila
"What the hell are those?!" Gulat na tanong ni Rhey
"uhhhh kabaong?" patanong na sabi ni EuJin
Tama si EuJin maraming kabaong ang tumambad sa kanila nang buksan nila ang pinto. Marami at iba iba ang style at mga kulay
Halos matanggal na ang mga ulo nila sa paglibot nyun
Iba ibang klase ng kabaong. Pero isang kabaong ang Kakaiba
Yung Gintong kabaong. Kumikinang yun. Nilibot nila ang lampara at yung flashlight nila at yun lang ang gintong kabaong na nakita nila
Wala sa sariling nilapitan yun ni Yerin
"Lil sis anong ginagawa mo?" tanong ni Cjay sa kanya pero di umimik si Yerin. Agad siya lumapit sa kabaong. Lumapit din sa kanya si Theo
Bubuksan na sana yun ni Yerin nang nahawakan ni Theo ang kamay niya. Umiling si Theo at nginitian siya na parang sinasabing siya na ang magbubukas
Napangiti si Yerin kasabay ang pagbukas nun ni Theo
"Wish!" sabay sabay na sigaw nila nang makita nila sa loob ng kabaong si Wish. Dinilat ni Wish ang mata niya nanlaki ang mga mata niya na parang walang alam sa mga nangyayari agad siyang yumakap kay Yerin at umiyak
"Natatakot ako!" hagulgul niya. Hinagod lang ni Yerin ang likod nya para mapakalma siya. Maya maya pa ay napakalma na siya
Binuhat naman siya ni EuJin pababa ng kabaong
Sabay sabay silang nakahinga ng maluwag nang makita nila si Wish ng ligtas. Nga lang nasa kabaong
"Isa nalang ang gagawin natin....." sabi ni Theo kasabay ang pagtinginan ng buong barkada sa kanya
" Kailangan natin mahanap ang daan palabas"
_________
EMEGED! NASA KABAONG? HAHAHHA WTF!
PERO ANO
NA KAYANG MANGYAYARI? MAKIKITA KAYA NILA ANG DAAN PALABAS? O MAY MANGYAYARING KAKAIBA BAGO MANGYARI YUN?
Emeged guys stream lang kayo sa Fever
Manghang mangha ako sa choreo nila
Parang ayaw ipagaya sa iba ng SouMu ang choreo nila ah😂😂
#Fever
#GfriendComeback