Download App
73.91% I Accidentally Married A Dead Woman( Tagalog) / Chapter 17: Chapter 17: I love her

Chapter 17: Chapter 17: I love her

FEIRA'S POV

Maaga akong nagising at inayos ang sarili bago lumabas sa silid ko. Dahan-dahan kong binuksan ang aking pinto. Isinara ko ito ng napakatahimik upang di ako maka-istorbo sa iba na natutulog pa. Pagtingin ko sa orasan kanina ay 5:00 am pa ng umaga. Humakbang ako ng dahan-dahan  hanggang sa pagbaba ng hagdan. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kusina.

"Ano kaya ang ihahanda ko sa kanila?"

Naisipan ko na gawan sila ng breakfast, pati ang mga kasambahay.

Nakaharap ako sa kalan habang nag-iisip na kung ano ang lulutuin.

"Ah! Alam ko na! Kung ano nalang ang narito sa ref. Marunong naman ako magluto. Parang nag-e-experiment lang," sabi ko sabay bukas ng refrigerator.

Kinuha ko na ang anumang sangkap na narito sa loob.   Huhugasan ko na sana ang mga sangkap ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Hija?"

Napitlag ako. Agad akong lumingon at ngumiti ng napagtanto ko na si Manang lang pala.

"Bakit po, Manang?" nakangiti tanong ko.

"Bakit ka nandiyan?" tanong niya pabalik.

"Magluluto po ako ng pang-agahan natin," sagot ko.

"Hindi mo dapat gawin iyan kasi may kasambahay naman. May naka-assign sa pagluluto. Hindi pa ba gising?"

Napakamot ako sa aking batok at umiling.

"Hindi ko po alam eh. Ako na po bahala, Manang," sabi ko.

"Tutulungan na kita," sabi ni Manang at hahakbang na sana siya papalapit sa akin ngunit pinigilan ko siya.

"Diyan ka lang po!" sabi ko sabay iniharap ang palad ko sa kaniya.

"Ako na po," nakangiti kong sabi at umiling-iling lang si Manang na nakangiti.

"Sige na nga," pagpayag niya.

"Umupo ka nalang po,"sabi ko at umupo siya sa isa sa mga stool.

Nakangiti akong humihiwa ng sibuyas at kamatis. Biglang nagsalita si Manang.

"Hindi ganiyan ang paghiwa, hija. Dapat yang sibuyas tanggalin mo iyong balat niya. Tapos sa kamatis naman, huwag na. Tsaka, huwag masyadong pino," sabi ni Manang.

Nilingon ko siya bago nagsalita.

"Po? M-mali po ba?" nahihiya kong sabi sabay kamot sa ulo. Maya-maya lang ay dumating na iyong taga-luto.

"Naku, Ma'am Feira, kami na po riyan," sabi ng babae na sa tingin ko nasa 20s.

"Ah. Pasensya na sa ginawa ko ha? Nakalimutan ko na yata kung paano magluto eh," malungkot kong sabi.

Gusto ko kasi ipagluto si Ced eh. Kaso hindi ko alam kung paano.

"Okay lang yan, hija. Ikaw nalang maghanda ng kape para kay Sir. Lagyan mo ng kaunting asukal at gatas. Huwag masyadong matamis," paalala ni Manang at tumango ako.

"Okay po!" masigla kong sabi at sinimulan na ang pagtimpla ng kape ni Ced.

"Good Morning everyone!" rinig kong sabi ng kung sino. Di na ako nag-abalang lumingon pa. Busy ako sa pagtitimpla ng kape para kay Ced.

"Manang? Can I be the one to make coffee for, Lance?" pahingi nito ng permisyo.

Lumingon ako upang alamin kung sino 'yon at nakita ko si Jemea na sobrang ganda. Maamo ang mukha niya. Kapag ngumiti siya, parang kumikinang ang paligid niya. Kaya pala nagustuhan siya ni Ced. Maganda siyang babae.

"Ah, Ma'am Jemea, may gumagawa na po ng kape niya. Asawa niya po," sabi ni Manang.

"Po? Who? M-May asawa na siya?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Tatalikod na sana ako sa kanila para 'di makita ang mukha ko pero huli na, tinuro na ako ni Manang. Tinuro ko naman ang sarili ko.

Ibinaba ko ang kamay ko at naiilang na bumati sa kaniya. "Hi."

Ngumiti lang ako sa kaniya. Naglalakad siya ng dahan-dahan papalapit sa akin kasabay ng pagtitig ng maigi sa aking mukha.

"Are you really his wife? Pero paano?" naguguluhan niyang tanong. Nakakunot ang noo niyang nakatitig sa akin.

"Um, ka-kasi ga-" putol kong sabi dahil bigla nalang may umakbay sa akin. Hinalikan ako sa tuktok ng aking ulo. Inangat ko ang aking paningin, si Ced pala. Bigla akong natuod dahil sa ginawa niya.

"Good Morning, my wife. Why you didn't wake me up, ha? Is this my coffee? Did you made this?" nakangiti tanong niya habang nakatitig sa gawing gilid niya na kung saan ako.

Tumango lang ako sa tanong niya. Kinuha niya ang kape na nasa kamay ko at hinalikan ako sa pisngi kahit nasa harap namin si Jemea. Gusto ko ng maglaho sa ganitong sitwasyon.

"Thank you, wife," nakangiting sabi niya at yumuko lang ako.

"Lance? How can this girl be your wife?" tanong ni Jemea.

"Why? Is there any problem? Do you remember when I'm gone that day. I marry her. Sa tingin mo talaga, I am madly in love with you? Well, akala ko rin eh.  Nagpapasalamat ako na nangyari ang pagkakamali na iyon. Kasi iyon ang gumising at nagpatanto sa akin sa lahat,"supladong sabi ni Ced. Nakita kong umiyak si Jemea.

"Tsk. Base sa boses mo parang minamaliit mo siya. May mali ba sa kaniya?"

"I'm sorry, Lance. Pero handa akong gawin ang lahat para sayo ngayon. I can file an annulment. I will do anything for you," umiiyak na sabi ni Jemea.

"Jemea!? Naririnig ko ba ang sinasabi mo? May asawa ka na,"naiinis na sabi ni Ced.

"And you're too late for that. Even though you will do that thing. I'm done to you. I'm done being your puppet! I'm done fighting alone!" malakas nitong sabi. Halatang may bahid na inis ang kaniyang boses.

"You're my first love but you will never be my true love,"  sabi ni Ced at hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papaalis sa kusina.

****

Dinala ako ni Ced sa silid niya at pina-upo ako sa kama. Nakatayo siya sa harap ko na nakapamewang.

"Ikaw naman, huwag kang lalapit sa kaniya or makikipag-usap. Mukhang anghel iyon pero hindi natin alam kung ano ang kaya niyang gawin, lalo na sayo. Ayaw ko malaman niya na kung ano ka. Baka mapahamak ka. Hindi ko gusto na mangyari iyon sayo. Naiintindihan mo ako?" panenermon niya at wala sa sarili akong tumango.

"Aish! Para akong ama na pinagasasabihan ang anak!" sabi niya sabay kamot sa kaniyan batok at bumuga ng hangin.

Ngumiti lang ako at tumango.

"Mabuti naman at naiintindihan mo. Papasok pa ako sa skwela. Okay ka lang dito?" tanong niya.

"Oo naman,"sagot ko sabay tumayo. Nakatitig siya ng seryoso sa akin at nailang naman ako.

Bigla lang siyang tumikhim at umiwas ng tingin sa akin.

"Fine. Babalik naman ako mamayang hapon. Pagbalik ko, dapat nakahanda ka na," sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit?"

"Mamamasyal tayo mamayang gabi,"

"Saan?"

"Stop asking!" naiinis niyang sabi sabay talikod sa akin at pumasok sa kaniyang banyo.

"Napaka ewan talaga. Minsan mabait, minsan suplado," bulong ko sa aking sarili.

"Lalabas na ako!" sigaw ko para marinig niya sa loob ng banyo.

"Saan ka pupunta?!" sigaw niya pabalik.

"Sa kwarto ko!" sigaw ko rin.

Wala na. Nagpapalakasan na kami ng mga boses.

"No! Stay here!"

Napakamot nalang ako ng batok at napagdesisyunang ayusin ang silid niya.

****

CED'S POV

"Manang? Kayo na po muna bahala sa asawa ko," sabi ko habang inaayos ang gamit sa loob ng aking bag.

Nasa silid ko si Feira at sinabihang huwag lumabas ng mansyon. Busy siya sa paglilinis ng silid ko. Ni hindi ko nga makausap ng maayos.

"Jemea? Since you're fine now. You can go," sabi ko kay Jemea.

"Alam ko. But can you drive me home?"

"May pasok ako," sabi ko at lumabas na ng mansyon papuntang parking area. Nakasunod lang si Jemea sa akin.

"Manang? Iyong asawa ko ha? Alagaan niyo," paalala ko.

"Yes, hijo,"

"Kainis 'di man lang ako pinuntahan rito," sabi ko sa sarili.

"Mahal mo siya, Lance?" biglang tanong ni Jemea.

"Do I have to answer that?"

"Yes," sagot niya.

"I love her. I love Feira more than I love you. My feelings for her is different from what I felt for you before," sabi ko.

Papasok na sana ako ng kotse ng biglang may tumawag sa akin.

"CED!"

Sumigla naman ang puso ko no'ng nakita ko si Feira na tumatakbo papalapit sa amin.

"Nakalimutan mo ang baon mo, tapos itong folders mo," sabi niya na medyo hinihingal saka inabot sa aking ang mga 'yon.

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

"Thank you, wife," sabi ko at tinanggal ang pagkakayakap ko sa kaniya.

"W-welcome. Sige, b-bye!" sabi niya at dali-daling tumakbo pabalik sa loob ng bahay.

"Umalis ka na Jemea," seryoso kong sabi at pumasok na sa sasakyan ko.


CREATORS' THOUGHTS
genhyun09 genhyun09

Thank you so much for reading. Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C17
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login