Download App
65.21% I Accidentally Married A Dead Woman( Tagalog) / Chapter 15: Chapter 15: The Changes of heart

Chapter 15: Chapter 15: The Changes of heart

Ilang minuto ang nakalipas ay nasa likod na kami ng mansyon. Pumasok kami sa gate at nasa garden na kami.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Bakit Ced?" tanong niya, looking clueless.

"Sa harap na tayo dumaan," sabi ko.

"Ha?" naguguluhan niyang sabi.

"Bingi ka ba? Sa harap na tayo dumaan!" inis kong sabi sabay hawak sa may pulsuan niya at hinila siya para maglakad.

"Te-Teka lang Ced. Makikita nila ako," alala niyang sabi.

"Don't worry. I don't even care," sabi ko at naglakad na kami papunta sa harap.

Nag doorbell ako ng tatlong beses at sa wakas ay pinagbuksan na kami ng isa sa mga maid.

"Good evening po, Sir and Maam," nakangiting bati nito sa amin at tumango lang ako.

"G-Good evening," pagbati ni Feira. Hinila ko na siya papasok sa loob at nakita ko si Manang na kakapasok lang sa kusina kaya naglakad kami papasok don habang hawak ko ang kamay ni Feira.

"Manang," tawag ko. Busy siya sa pagpunas ng pinggan. Pagkatawag ko sa kaniyang pangalan ay nakuha ko ang atensyon niya.

"Bakit Ced?" Liningon niya kami at napunta ang kaniyang tingin kay Feira.

"May kasama ka pala," dagdag nitong sabi.

"Yes po, Manang. May kasama ako," sabi ko. Nakatitig ng maigi si Manang kay Feira habang si Feira ay naiilang na ngumiti.

"I-Ikaw iyong kanina ah." Tinuro siya ni Manang.

"Ako nga po," magaling na sabi ni Feira sabay kamot sa batok niya. Halatang naiilang o di kaya ay nahihiya.

"Akala ko guni-guni lang kita," sabi ni Manang.

Tipid siyang tumawa."Hindi po, Manang," sabi ni Feira sabay tingin sa akin.

"Baka magkamukha lang iyong nakita mo, Manang. Ito si Feira girlfriend ko, pero asawa ang turing ko sa kaniya," seryosong sambit ko at nakaguhit sa mukha ni Manang ang pagkagulat at pagtataka.

"Pa--"

"I met her on the day that I'm gone. She captured my heart that easily and that day, I've realized what really love is. It's her," sabi ko.

'Totoo ba tong sinasabi ko? The love that I thought I already had wala pa pala sa akin? Iyong inaakala ko na si Jemea hindi pala. Pero paano? Why does my heart change that easily?'

"Naku, ikinagagalak kitang makilala, hija," nakangiting sabi ni Manang.

"And Manang, She will be staying in the guest room. Kindly ask one of the maids to prepare it," utos ko.

"Sige, hijo," sabi ni Manang at iniwan na kami.

Lumapit ako sa refrigerator at naghanap na pwede niyang makakain.

"Ced?"

"Bakit?"

"Bakit mo ko pinakilala?"

"Ito naman ang gusto mo diba?" pabalik kong tanong sabay handa ng makakain niya.

"Oo, pe--"

"Huwag ka nang matanong. Tinutupad ko lang naman ang pangarap mo. Sinabi ko na girlfriend kita, magtataka kasi sila kung bakit kita naging asawa ng gano'ng kadali,"

"Maraming salamat, Ced!" nakangiti niyang sabi.

"Tss."

"Ngayon pwede na ako maglibot-libot rito kasi kilala na nila ako," masayang wika niya.

"Yeah. Feel free," seryoso kong sambit.

"As long as my parents gets home, ipakikilala na kita sa kanila. As girlfriend only. But still, I am your husband because I accidentally married you," sabi ko at natawa naman siya.

"Here. I offer to you this food," sabi ko at umilaw iyong pagkain. Pagkawala ng ilaw ay kinain na niya iyon.

"Salamat dito!" sabi niya at tumango lang ako.

Pinagmamasdan ko siya habang kumakain.

'Nakakalungkot. Sa loob ng halos limang taon. Wala man lang nag-aalay sa kaniya. Possible kaya na hindi alam ng mga mahal niya sa buhay na wala na siya o di kaya hindi nakita kung nasaan siya inilibing.'

"Feira?"

"Hmm?"

"Do you remember how you die? How about your parents? The reasons of your death?" madami kong tanong.

"Wala akong naaalala eh. Basta nagising nalang ako ng ganito. Patay na. Nakasuot ng isang wedding gown na may tatlong butas sa tiyan at sa may dibdib," kwento niya.

"Isa sa mga rason din iyan kung bakit ako nandito. Ang hanapin ang sarili ko. Alalahanin ang mga bagay na dapat naaalala ko," dugtong niyang sabi.

"I will help you. I want to help you, Feira. I don't know if I just feel pity or what. But, myself wants to help you," seryosong sabi ko at nagkatitigan kaming dalawa.

"Maraming salamat, Asawa ko. Pero ayaw ko na masali ka pa," sabi niya.

"Kagustuhan kong tumulong. Wala ka ng magagawa," seryosong saad ko.

"Sobra-sobra na ang mga ginawa mo para sa akin," nakangiting sabi niya sabay hawak sa kanang pisngi ko. Ramdam ko ang lamig ng palad niya. Hinawakan ko ito at tinignan ang kamay niya na ubod ng lamig.

"It pains me with no appropriate reasons," sabi ko na wala sa sarili.

"Ced, hindi ko alam kung ano ang nagawa ko at binigay ka sa akin. Ang lahat ng ito ay hindi ko talaga inaasahan na dadating ka sa buhay ko. Ang lahat ng mga bagay na wala ng pag-asa sa akin, binibigyan mo ng pag-asa," sabi niya at unti-unting may namumuong luha sa mga mata niya.

"It was an unexpected mistake that changed my whole being, Feira. Even my heart. It changes slowly," sabi ko at tinitigan siya ng maigi.

Binitawan ko ang kamay niya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Dahan-dahan kong nilalapit ang mukha ko sa kaniya ng biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa.

Agad akong lumayo ng napagtanto ko ang ginagawa ko. Umiwas din ng tingin si Feira at tinalikuran ko siya sabay sagot sa tawag na di man lang tinitignan na kung sino.

"Lance? Nasaan ka na ba?" sabi ng boses babae sa kabilang linya.

"Jemea?"

Nilingon ko si Feira at nakangiti lang siya.

"Nandito na ako. Nasaan ka na Ced? Hindi ako aalis dito sa airport pag hindi mo ko susunduin," sabi ni Jemea.

"Why can't you ask your driver to pick you up?"

"I want you to pick me up," sagot niya.

"Your parents?"

"They went to Spain, so they can't pick me here. Besides, I'm planning to stay in your house. I already asked permission to your parents," sabi nito na ikinagulat ko.

"Stop it, Jemea! Nasisiraan ka na ba? Alam ba ng asawa mo?"

"Yeah. I told him na mag-s-stay ako sa bahay ng kaibigan ko,"

"Liar,"

"Please, Ced. Sunduin mo na ako. Diyan nalang tayo sa inyo mag-usap,"

"You can't," pagtanggi ko.

"Hindi mo na ba ako mahal? Wala ka na bang pagmamahal na nararamdaman sa akin? I know you love me so much, Ced,"

"Iyon din ang akala ko," halos pabulong kong sabi.

"What do you mean?"

"Hindi pala totoong pagmamahal ang nadarama ko sayo. Kahit kailan, hindi mo kayang ipaglaban ako, ang pagmamahalan natin. Nawala lang ako ng dalawang linggo, nagpakasal ka na sa iba dahil sinunod mo ang parents mo. Wala na tayong dapat pag-usapan pa. I'll send a driver to pick you there and send you to your house safely," sabi ko at pinatay na ang tawag at pinasok ang cellphone sa aking bulsa.

"Hatid na kita sa silid mo," sabi ko kay Feira at hinawakan ang kamay niya at naglakad na kami paakyat.

"Paano si Jemea?"

"Stop asking at pumasok ka na sa kwarto," utos ko.

"Pero Ced,"

"She'll be fine. Papupuntahin ko ang aming family driver upang sunduin siya doon," sabi ko.

"Matulog ka na. Goodnight," sabi ko at naglakad na papunta sa aking silid.


CREATORS' THOUGHTS
genhyun09 genhyun09

I'm sorry for my typos and grammar. Enjoy reading. Kindly vote and comment, guys. Thank you.

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C15
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login