Aubrey's Point of View
Hindi ako makatulog dahil naiisip ko yung mga nangyari kanina sa party ni Icko.
Parang hindi kapani-paniwala ang mga nangyayari sa akin ngayon.
Dati panaginip lang si Icko. Mahigit isang taon ko syang kasama sa panaginip ko. Ni hindi ko alam kung talagang nag-eexist nga ba sya.Hindi ko lubos maisip na totoo pala sya at ngayon nga heto at hindi ko akalain na aalukin nya pa ako na maging magkaibigan kami.
At yung kanina, medyo naguluhan ako sa kanya dun.Ano kaya yung sasabihin sana nya bago ako tawagin ni Gwen.
Bakit may pahalik-halik pa syang nalalaman?
Grabe, kahit halik lola lang yun, nawindang ako dun ah.
Gusto kong isipin na may something sya sa akin pero ayoko namang maging assumera. Baka ganun lang talaga si Icko, malambing kahit kanino lalo na sa mga kaibigan nya.
Mas mabuti sigurong kilalanin ko sya ng lubusan ngayong magkaibigan na kami.
Haaay Icko, kung alam mo lang kung gaano nagwawala ang puso ko pag nasa tabi kita.Sana lang masanay na ang heart ko kapag lagi na tayong magkasama.Mahirap naman yung para akong constipated pag nasa malapit ka.
Bigla kong naalala yung paper bag na binigay nya kanina.Ano kaya laman nun? Matignan nga.
Bumangon ako ng dahan-dahan dahil baka magising si Gwen na halos naka-nga-nga na sa sarap ng tulog nya.
Inabot ko yung paper bag na nasa gilid ng study table namin.
Inalis ko yung pagkakadikit ng scotch tape sa magkabilang gilid at yung ribbon na pula sa gitna.
Natuwa ako ng makita ko ang laman, dalawang bear stuff toy na nagki-kiss.
May nakapa ako na parang bilog sa loob nung stuff toy, sa may bandang nguso nila.Magnet.Kaya pala pag pinag-tabi mo, automatic sila na magdidikit at magki-kiss.
Ang cute naman...kaya pinangalanan ko silang A at I.
Kaya naman nahiga na ako at itinabi ko pa sila sa pagtulog na magkayakap pa rin.
____________
" Balita ko, may naghatid daw sa inyo na gwapo dito kagabi, ha Aubrey? Bakit hindi nyo man lang ako pinakilala?" tanong ni tita Rain habang nag-aalmusal kami.
" Akala ko po kasi tulog na kayo tita. Si Icko po yun, schoolmate namin.Siya yung may birthday." sagot ko kay tita Rain.
" Siya po yung bagong jowa ni Aubrey tita? " singit ni Angel.
" Hoy anong jowa ka dyan Gel.Magkaibigan lang po kami nun tita, wag po kayo maniwala dyan kay Angel." depensa ko.
" Hindi ko naman kayo pinaghihigpitan. Mga dalaga na kayo, normal lang yang ligaw-ligaw na yan. Ang sa akin lang, ingatan nyo yang sarili nyo at gusto ko dito nyo papuntahin sa bahay yang mga ligaw nyo, ayoko sa daan.At kung maari din, ipagpapaalam kayo sa akin kung may lakad kayo.Ako ang guardian nyong apat at hindi pwede sa akin yang sa daan kayo nililigawan.At lagi nyong tatandaan kung ano ba ang rason bakit kayo nandito." mahabang litanya sa amin ni tita Rain.
" Ang mag-aral." sabay-sabay naming sagot.
" Oo tama.Kailangan ba chorus pa pag sumagot? kabisado nyo na yang linya ko noh.O siya, dalian nyo na at baka ma-late pa kayo sa mga klase nyo." sabi sa amin ni tita.
Kaya minadali na namin ang pagkain at naghanda na para sa pagpasok sa school.
Habang naglalakad kami sa loob ng campus, namataan kong pumarada ang kotse ni Icko sa parking lot.Bumaba sya at umikot sa may passenger seat at inalalayan sa pagbaba si Abby.
Ang damuho, sinundo pa pala si Abby.
Malamang Aubrey, yan ang girlfriend at hindi sila nagkasama kagabi sa party di ba?
" Hi girls!" bati sa amin ni Icko at kumaway pa.
Kinawayan din namin sya at bumati.
Yun lang at naglakad na sila papunta sa building nila.
At kailangan, nakalambitin pa yung Abby sa braso nya.Para namang maaagawan sya.
Tse! Pektusan ko ngala-ngala mo eh.Ikaw na possessive.
Humanda ka pag natuwa ako at maisipan kong ituloy yung dati kong balak. Ang operation babangon ako at aagawin kita.Makikita mo.Makikita mo talaga.
" Hoy girl, aga-aga busangot ka dyan?" sita ni Gwen.
" Syempre ikaw ba naman, makita mo yung fake boyfriend mo kasama yung real girlfriend na kung makalambitin pa eh wagas, hindi ka ba maiirita." asar ni Cheska.
" Huwag nyo na nga asarin yan, umuusok na bumbunan oh baka tayo pa ang bambuhin nya." dagdag pa na pang-aasar ni Angel.
Hindi ko na lang sila pinansin at tuloy-tuloy na akong naglakad papunta sa building namin.Habang hindi naman sila magkanda-ugaga sa pagsunod sa akin.
Hmp.bahala nga kayo dyan! Kung makapang-asar kayo wagas.Kita nyo na nga na naha-hurt ako wala pa kayong pakundangan sa nararamdaman ko.
Haaay dapat siguro masanay ako sa katotohanan na may girlfriend si Icko.Dapat manhid ang heart ko pag nakikita ko silang magkasama ni Abby.Hindi dapat maapektuhan ang buong sistema ko kahit ano man ang makita ko sa kanilang dalawa.
Tinuon ko na lang ng husto ang pansin ko sa mga discussions sa klase namin kaya ng magbigay ng surprise quiz ang prof namin, syempre perfect ang score ko.O di ba, magandang ibaling na lang ang atensyon sa pag-aaral kesa magmukmok ka dahil naha-hurt ka.
Nang mag lunchbreak na inabutan na namin si Vaughn at Icko na nakaupo na sa may dulo ng cafeteria.
Kumaway si Icko para palapitin kami sa kanila.
" Huwag na kayong bumili, marami akong dalang pagkain kasya na ito sa ating lahat.Upo na kayo girls kanina pa namin kayo hinihintay.
Aubrey dito kana sa tabi ko." sabi ni Icko habang inaalalayan akong umupo sa tabi nya.Nasa gitna nila ako ni Vaugn at nasa harapan namin yung tatlo.
Dugdug...
Dugdug...
Hep! Hep! Heart di ba sabi ko magsasanay ka na hindi magwawala kapag nasa malapit si Icko? Kalma lang.
Tahimik lang kaming kumain at pansin ko lang parang wala yata yung hitad na si Abby.Gusto kong magtanong kay Icko pero parang naunahan ako ng hiya.Hayaan mo na nga buti nga wala sya.
Patapos na kaming kumain nung magtanong si Icko sa akin.
" Nakita mo na yung binigay ko sayo kagabi?"
" Ah oo, ang cute nga.Thank you ha?" sagot ko sa kanya ng nakangiti.
" Wala yon, gusto ko ang itawag mo sa kanila ay A at I." sabi nya na nagpagulat ng husto sa akin.
Namimilog ang mga mata ko na gulat na gulat na nakatingin sa kanya dahil sa sinabi nya.
Nagkataon lang ba na pareho kami ng iniisip na ipangalan dun sa stuff toys? At bakit kalalake nyang tao eh pinag-isipan pa nyang pangalanan yung bigay nya sa akin?
" Uy! Bakit para kang natuka ng ahas dyan? Ano nakakagulat sa sinabi ko?" naguguluhang tanong nya.
" Wala nagulat lang ako kasi yun na yung ipinangalan ko sa kanila kagabi pagkakita ko pa lang." sagot ko.
" What? Is this some kind of a coincidence or fate? Dahil kung hindi ito nagkataon lang at nakikialam na ang tadhana well, naniniwala na ako na ang panaginip ay hindi kabaligtaran kundi nangyayari talaga." makahulugang sambit nya.
Lahat kami ay nagulat na nakatingin lang sa kanya.
Ano daw?