Download App
28.57% I am my Husband's Mistress (Tagalog) / Chapter 2: Chapter One

Chapter 2: Chapter One

["You don't have the brain, Serene. But you have the face. Bakit hindi mo ulit gamitin yan para maka-graduate ka ng college?"

Napalingon siya kay Kayleigh ng marinig niya ang sinabi nito. She knows exactly what Kayleigh is talking about. Hindi naman maikakaila na maraming lalaki ang nahuhumaling sa kagandahan niya. At maraming lalaki ang gagawin ang lahat mapansin lang ng isang Serene Lastimosa. Yes, she may not be that smart but she possesses the body and the face of a goddess.

"Hindi ko na kaya, Kayleigh. Unti-unti ng nauubos ang respeto ko sa sarili ko."

"Tell you what, I'll pay for your tuition fee." Hinawakan nito ang kamay niya. "You don't need to be an escort anymore. But -- you need to do something for me."

Kapit sa patalim ang buhay ni Serene. Kung saan siya magkakapera, doon siya kakapit kahit na minsan, dignidad at respeto niya sa kanyang sarili ang nakataya dito. Sa totoo lang, hindi niya pinangarap na makapasok sa kilalang unibersidad na iyon. Hindi niya ginustong makihalubilo sa mga anak mayaman na katulad ni Kayleigh. Pero dahil naging kabit ang kanyang ina ng isa sa mga shareholders nang unibersidad na iyon ay nakapasok siya dito ng libre. Akala niya'y naka-jackpot na silang mag-ina dahil makakapag-aral na siya ng kolehiyo na hindi pinoproblema ang pera.

Hanggang sa nangyari ang matagal na niyang kinatatakutan. The man left her Mom and she was the one who suffered. Isang taon na lamang at makaka-graduate na siya ng kolehiyo nang bawiin nito ang lahat sa kanilang mag-ina. Binawi nito ang condo na tinitirahan nila, ang suportang pinansiyal nito buwan-buwan pati na rin ang libreng pag-aaral nito sa unibersidad. Hindi niya alam ngayon kung saan kukuha ng pera pambayad sa kanyang matrikula pero hindi rin siya maaaring sumuko. Ngayon pa ba? Kung kailan malapit na siyang magtapos ng kolehiyo? Iyon na lang ang pinanghahawakan niya para guminhawa ang buhay nilang mag-ina. Kaya naman ginawa niya ang lahat ng paraan na maaaring makatulong sa kanya upang makapagtapos siya ng pag-aaral. Isa na roon ang maging isang escort.

Malaking pera, kapalit ng paglabas-labas niya kasama ng kung sinu-sinong lalaki na handang magbayad. Kaunting hipo, kaunting hawak kasabay ng paglunok ng kanyang pride para lang kumita. And she lived her life that way for several months.

"Ano naman ang kapalit?"

"Don't worry, no sexual intercourse involved. You just need to make him fall in love with you." Anito sabay turo sa lalaking nakaupo sa isang bench malapit sa fountain.

"Si Jacob Buenavidez?"

"Yes, Serene. Make him fall in love with you. Let him fall for you and then, break his heart." Bakas sa mga ngiti ni Kayleigh ang maitim na balak nito sa lalaki. Hindi niya alam kung anong naging kasalanan nito sa kaibigan para ipagawa sa kanya nito ang bagay na iyon at magbayad ng ganoon kalaking pera.

"Hindi ba't kamag-anak mo ang mga Buenavidez?" Nagtataka niyang tanong sa kaibigan.

Kayleigh suddenly pointed her finger on someone. This time, it was Axel Buenavidez, Jacob's elder brother. Magkaibang-magkaiba ang magkapatid na iyon.

Si Axel Buenavidez, sino ba ang hindi nakakakilala sa kanya? He had a devil-may-care outlook and a stellar smile. He was the perfect definition of Eros, the Greek God of Sexual Attraction. Siya yung tipo ng lalaki na hindi mo kayang tanggihan. At hindi mo iisipin na kapatid nito si Jacob Buenavidez. Mahiyain kasi ito at bihirang makipag-usap sa tao. Pero mabait ito, lalung-lalo na sa kanya. Gwapo rin naman si Jacob kung titignan. Yun nga lang, walang-wala iyon kung ikukumpara mo kay Axel.

"It's all because of him. He broke my heart, Serene." Tumutulo ang mga luha nito habang mariing nakatitig sa lalaki. "And I want his brother to feel the same way."

"Hindi ko maintindihan. Nagkarelasyon kayo ni Axel kahit na alam niyong magkadugo kayo?"

Saglit itong yumuko bago muling tumingin at ngumiti sa kanya. "Look at him. Sabihin mo sa akin na hindi mo kayang mahalin ang katulad niya." Hinawakan nito ang baba niya at ibinaling nito ang atensiyon niya sa lalaki. Hindi niya napigilang hindi pagmasdan ang binata. Kayleigh was right. No woman can resist his godlike charm. "That man turned me down and rejected me like a trash. Kung talagang kaibigan mo ako, gagawin mo yun para sakin. And besides, I'm going to pay you."

"Paano kung hindi ko magawa?"

"No. Kailangan gawin mo, Serene. Isiksik mo sa utak mo na kailangan mong gawin dahil kailangan mo ng pera. Kailangan mong makagradute para mabigyan mo ng magandang buhay ang Mama mo." Anito.

Saglit siyang natahimik. Hindi naman mahirap ang ipinapagawa nito sa kanya. Pero nahihirapan siyang kalabanin ang kanyang konsensiya. Paano niya sasaktan ang isang taong walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari? Paano niya sasaktan ang taong palaging tumutulong sa kanya sa klase tuwing nahihirapan siya sa mga lessons nila? She would like to spare Jacob Buenavidez but she needs the money more than their friendship. Nakasalalay sa lalaking iyon ang kinabukasan niya.

"Deal."]

"SERENE!" Sigaw sa kanya ng malabalyenang may-ari ng exclusive club na pinagtatrabahuan niya. Nakatulala na naman kasi siya sa isang sulok habang iniisip ang nakaraan. Ang nakaraan na paulit-ulit niyang binubura sa isip niya dahil alam niyang wala na siyang magagawa para baguhin iyon. Jacob Buenavidez took his own life because of her. Yung pangarap niyang makapagtapos para magkaroon ng magandang buhay ang naging mitsa ng pagbagsak niya.

Alam ni Serene na malaki ang naging parte niya sa pagpapakamatay ni Jacob. And she blames herself everyday for what happened. Hindi niya masisisi ang pamilya ng mga Buenavidez kung pina-expel siya nito sa unibersidad dahil sa nangyari. And she was paying for it every single day of her life.

Nagkasakit ang kanyang ina, kancer sa buto. Kaya sa halip na bumalik sa pag-aaral ay pinili na lamang niya na magtrabaho para maipagamot ang ina. Halos hindi siya tumigil sa pagkayod. Hindi naging sapat ang lahat ng ginagawa niya para tustusan ang pangangailangan nilang mag-ina. Nabaon siya sa utang hanggang sa wala na siyang ibang maisip na paraan upang kumita ng mas malaking pera kundi ang pumasok sa mundo ng prostitusyon.

"Nandito ka lang pala't nakatunganga! Kanina pa kita hinahanap!" Anito habang naglalakad palapit sa kanya. "May gustong mag-table sa'yo. Binayaran niya na ang buong isang gabi mo kaya naman ayusin mo ang pagta-trabaho. Pasalamat ka at maganda ka. Kung hindi, matagal na kitang pinaalis dito sa club ko!" Sabi nito habang binibilang ang libu-libong salapi sa kamay niya.

Nakayuko lamang si Serene habang binubungangaan siya ng balyena.

"Oh, ano pang tinatanga-tanga mo diyan?! Puntahan mo na! Nasa VIP Room 1 yung customer." Utos nito sabay tulak sa kanya palayo.

Lumakad siya at tumungo sa nasabing silid. Bahagya niyang ibinaba ang maiksi niyang suot na pang-ibaba dahil halos kita na ang kalahati ng kanyang pagkababae sa iksi nito.

"Good evening, Master. Serendipity, your slave for tonight." Bati niya sa lalaki habang nakayuko. Serendipity ang pangalan niya sa loob ng club. Mahigpit kasing ipinagbabawal dito ang gamitin ang sariling pangalan.

"Long time, no see ... Serene Lastimosa."

"M-Mr. Buenavidez?" Hindi makapaniwala si Serene nang bumungad sa kanya ang kapatid ng lalaking dinala niya sa sarili nitong kamatayan. Nanginginig ang kanyang mga tuhod habang yakap niya ang sarili. Marahil ay nagdiriwang ang kalooban nito sa kamalasan na sinapit niya.

"Oh c'mon. Drop the formality. Just call me Axel." Anito habang maluwang na nakangiti sa kanya. She knew that there was something behind that smile. Isang taon pa lamang ang lumilipas at alam niyang sariwa pa sa mga Buenavidez ang nangyari. Kaya naman alam niyang may dahilan o motibo ang binata kaya ito napadpad sa lugar na iyon.

"I-I'm sorry. S-Sabihin ko na lang kay Madam na ibalik ang ibinayad mo." Nanginginig ang boses niya habang sinasabi iyon sa binata.

"That's rude." Anito habang nakatitig pa rin sa kanya. "I'm not here to curse you for my brother's death. I just want to know why my brother loved you so much."

Alam ni Serene na pinagmamasdan siya nito mula ulo hanggang paa. Pakiramdam tuloy niya ay unti-unti siya nitong hinuhubaran sa pamamagitan lamang ng mga tingin nito sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan.

She was just wearing a push-up bra that emphasized the fullness of her breast. Maiksi rin ang kanyang suot na pang-ibaba. Halos kita na rin ang suot niyang panty. Lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa kanyang sarili.

"Now I know why Jacob fell in love with you. Hindi ko siya masisisi kung nabaliw siya sa'yo. You're a goddess, Serene."

Hindi niya alam kung isa iyong papuri, o isang patibong. Hindi ito ang Axel na inaasahan niyang makita. Hindi ito ang lalaking pupuri sa kanya. Tandang-tanda pa niya kung paano siya nito kinaladkad sa klase at ipinahiya sa harapan ng maraming tao.

"You killed my brother, you son-of-a-bitch!" Isang malakas na sampal ang natamo niya mula kay Axel. Nawalan siya ng balanse kaya napaupo siya sa sahig. Nanginit bigla ang bahaging iyon ng kanyang mukha. Kasabay noon ang nag-uunahang pagpatak ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Iyon lang ang maari niyang gawin, ang umiyak. Dahil alam niya at naiintindihan niya ang galit nito.

Hindi pa doon nakuntento ang binata. Hinawakan siya ng mahigpit nito sa magkabilang braso saka siya walang pakundangang iniangat. "I will make your life as miserable as hell." Saka siya nito dinuraan sa mukha bago siya binitawan.

"Please, wear this."

Axel offered her his coat.

Hindi na napansin ni Serene na ga-hibla na lang pala ang layo ng binata sa kanya. Bahagya siyang napaatras dahil dito. At dahil kanina pa nanginginig ang buong katawan niya sa magkahalong takot at kaba ay nawalan na lamang siya bigla ng balanse. She was about to fall when Axel suddenly grabbed her on her waist. Naging maagap ang mga braso nito at nasalo siya ng binata bago siya tuluyang bumagsak.

Ngayon ay halos magkapalit na sila ng mukha sa sobrang lapit nila sa isa't isa.

"I want to know the truth, Serene." Axel whispered. "Why of all people, si Jacob pa?"

Agad siyang kumalas mula sa pagkakahawak nito sa beywang niya. "Hindi ko sinasadya. Gusto ko lang namang makapagtapos sa pag-aaral. Gusto ko lang namang mabigyan ng magandang buhay ang Mama ko. Pagod na pagod na akong maging mahirap." Punung-puno ng lungkot at pagsisisi ang mga mata niya nang tumingin siya kay Axel.

Alam niyang hindi nito maiintindihan ang rason niya dahil hindi sapat iyon sa malagim na trahedya na sinapit ng kapatid nito.

Lumapit si Axel at ipinatong nito ang coat sa likod niya. Saka ito lumuhod sa harap niya at hinaplos ang basa niyang pisngi. "Nasaktan ka ba nung namatay ang kapatid ko?"

Sunud-sunod na tango ang isinagot niya. "Kung alam ko lang na gagawin yon ni Jacob. Hindi ko na sana tinanggap ang alok ng isang kaibigan na paibigin siya."

"Kaibigan? Sinong kaibigan?" Kunot-noong tanong ni Axel sa kanya.

"H-Ha?" Nangapa siya ng isasagot. Hindi niya maaaring ilaglag si Kayleigh. She'd been good to her all along. Simula noong na-expel siya sa unibersidad ay tinulungan siya nitong maka-ahon. Kayleigh gave her enough money to start a new. At hanggang ngayon ay tinutulungan siya nito. "H-Hindi mo siya kilala. S-saka ako naman talaga ang may kasalanan kaya nangyari kay Jacob yon. Tinanggap ko ang alok niya para saktan si Jacob dahil sa pera."

"Pero bakit? Bakit kapatid ko pa?"

Pinilit niyang tumingin sa mga mata nito. Wala siyang ibang nakita sa mga iyon kundi ang pagnanais nitong malaman ang totoo. Hindi kagaya dati na kulang na lang ay patayin siya ng mga tingin nito.

Tumango-tango si Axel habang nakatingin sa kanya. "Alright. Ayaw mong sabihin kung sino at kung bakit niyo ginawa yon sa kapatid ko. Hindi na kita pipilitin. Now I know that someone offered you money to break my brother's heart." He exhaled. "But you could've asked me, Serene. I could've offered you a better price just for you to stay away from my brother."

"A-Alam ko. Kasalanan ko ang lahat ng 'to." Nanginginig ang mga balikat niya sa pag-iyak. "Buong buhay kong pagsisisihan ang nagawa ko kay Jacob. Naging mabuti siyang kaibigan sa akin. At hindi ko rin ginustong mangyari iyon sa kanya. Lahat gagawin ko para lang mabayaran ko ang kasalanan ko."

"Lahat?"

Serene knelt down. God knows how regretful she was. At lahat gagawin niya para pagbayaran ang kasalanang nagawa niya. "O-Oo, Mr. Buenavidez. L-Lahat."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login