Download App
76.19% SHE'S A VAMPIRE[TAGALOG NOVEL] / Chapter 16: SHE'S A VAMPIRE CHAPTER 14

Chapter 16: SHE'S A VAMPIRE CHAPTER 14

Ran's POV

HINDI KO lubos akalain na gagawin ni Atoz ang bagay na iyon. Nakatingin lang siya sa akin at ganoon din ako sa kaniya.

Agad ko namang tinanggal ang kamay ni Perzeus na nakahawak sa akin at tumakbo sa direksyon ni Atoz. Agad ko siyang niyakap.

Alam kong ito na ang huling pagkakataon na makikita ko siya at mayayakap. Sana mapatawad mo ako, Atoz sa gagawin ko.

Mahigpit naman niya akong niyakap pabalik. Isang yakap na tila ayaw na niya akong pakawalan pa.

"Ran," bulong niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Mahal na mahal, kita." Habang sinasabi niya ang mga katagang iyon ay umiiyak siya.

Umiling naman ako. "Atoz, hindi lang ako ang babae sa mundo," sabi ko sa kaniya at hinawakan ang dalawang kamay na nakahawak sa aking mga pisngi.

"Mahal na mahal din kita, Atoz at mamahalin pa rin kita kahit magkalayo na tayo."

"A-anong ibig mong sabihin?" naiiyak na saad nito at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Patawad," saad ko. "Hanggang sa muli nating pagkikita, Atoz." Pagkasabi ko noon ay hinalikan ko siya sa pisngi at tuluyan na nga akong umalis.

Sa pagtalikod ko, doon lamang bumagsak ang mga luhang kanina pa nagbabadyang mahulog. Tumakbo ako palabas ng gate habang umiiyak na sobrang bigat ng nararamdaman.

Sorry, Atoz.

"ANO? BAKIT daw?" sigaw ko. Nandito si Uncle Tommy sa bahay para sabihin na umalis si Perzeus.

Bakit siya umalis?

"Bago siya umalis, may pinapabigay pala siya sa'yo," sabi ni Uncle Tommy at may iniabot sa akin na isang papel.

"Ano iyan?"

"Hindi ko alam. Basta ang sabi niya sa akin ay ibigay ko raw ito sa'yo."

Kinuha ko naman sa kamay nito ang papel.

Ranya,

Kung binabasa mo na itong sulat ko, sana ay huwag kang umiyak. Alam ko namang napakaiyakin mo.

Naalala mo pa ba no'ng nag-usap tayo sa dalampasigan sa Vampire Island? Iyong araw na nagtapat ako ng pag-ibig ko sa'yo na tinanggihan mo? Iyong araw na tinanong mo ako kung okay lang ba ako dahil bigla na lamang akong bumagsak sa buhangin?

Iyong araw na iyon, Ran gusto ko ng sabihin sa'yo ang totoo na ilang araw na lang ako rito sa mundo. Nararamdaman ko na kasi na unti-unti na akong nanghihina lalo na ang katawan ko kaya habang may oras pa ako gumawa ako ng paraan para makasama ka at sabihin sa'yo ang nararamdaman ko.

Ran, alam kong minsan o madalas kitang sinusundan kung saan naiinis ka na sa akin pero wala, eh. Iyon lang ang alam kong paraan para makasama at makita ka. Kaya bago sana ako mawala gusto ko sanang humingi sa'yo ng sorry dahil sa kakulitan ko at sorry dahil na rin sa hindi na ako nagpaalam pa sa'yo.

Alam kong umiiyak ka na habang binabasa mo ito. Ano ka ba? Huwag kang mag-alala. Kaya ko ang aking sarili at huwag mong isipin na dahil wala na ako ay hindi na kita babantayan. Lagi mo lang tatandaan na nasa tabi mo lang ako kahit saan ka man magpunta.

Paalam aking kaibigan,

Perzeus.

Nalukot ko ang papel na aking hawak. "Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo, Perzeus?" umiiyak na saad ko. "Ang daya mo! Sa tuwing may problema ako lagi kong sinasabi sa'yo tapos, ikaw? Hindi mo man lang sinasabi na may problema ka pala." Tuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Tahan na," sabi ni Uncle Tommy. "Baka ayaw ka lang niyang masaktan kaya hindi na niya sinabi sa'yo ang totoo," sabi nito.

"Uncle, sa tingin niya ba hindi ako nasasaktan ngayon?"

"Ran, anak may dahilan siya kung bakit hindi niya sinabi ang totoo sa'yo. Kahit naman sabihin niya, masasaktan ka pa rin. Kaya intindihin mo na lang ang kaibigan mo," sabi ni Papa at binigyan ako ng tubig.

Kinuha ko naman ito at ininom. "Uncle Tommy," tawag ko sa kanya. "Hindi niya ba nasabi sa inyo kung saan siya pupunta?" tanong ko.

"Ang pagkakatanda kong sinabi niya ay babalik na raw siya sa Vampire Island."

Atoz's POV

"NAKAKAHIYA KA!" sigaw ni Papa matapos niya akong suntukin sa mukha. "Isa kang kahihiyan sa pamilya natin! Wala kayong pinagkaiba ng mama mo!"

"Oo na! Wala na akong pinagkaiba kay mama! Nagmahal lang naman ako, papa. Anong mali roon?" sigaw ko.

"Ang mali ay nagmahal ka ng isang katulad niya na isang salot!"

"Hindi siya salot! Hindi sila salot! Hindi ninyo ba naisip? Nandito sila para ipakita sa atin na kaya nilang makipaghalubilo sa ating mga tao kahit minamaliit natin sila at kung anong masasakit na bagay ang sinasabi natin tungkol sa kanila," sabi ko.

Nakatingin lang sa akin si Papa.

"Bakit, pa? Hanggang ngayon ba galit ka pa rin kasi mas pinili ni mama ang isang bampira kagaya ni Angelo kaysa sa iyo? Kaya ba ang gusto mo ay layuan ko rin si Ran, gano'n ba? Kasi magpahanggang ngayon hindi mo pa rin tanggap na naagaw sa'yo ng isang bampira ang asawa mo.

Sinapak ulit ako ni Papa. "Binabalaan kita, Abe," saad nito. "Kung hindi mo siya kayang layuan, ako mismo ang gagawa ng paraan para magkalayo kayo," pagbabanta nito bago ako iniwan sa sala.

NAALALA KO NA naman ang nangyari kanina. Pati ang masasakit na mga salita na tila mga punyal na tumarak sa puso ko.

"Sa muli nating pagkikita, Atoz."

Anong ibig niyang sabihin doon?

Habang palayo siya sa akin kanina ay gusto ko siyang sundan pero may isang kamay ang pumigil sa akin.

"Hayaan mo muna siyang mapag-isa," sabi sa akin ni Keith.

Pagkapasok ko sa bahay ay isang suntok ang sumalubong sa akin. Sinuntok ako ni Papa. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang balitang iyon pero malakas ang kutob kong sinabi sa kanya ni Hillary ang tungkol kay Ran.

Gabi na at nandito ako sa kwarto ko at nakatayo malapit sa bintana. Nakatingin lang ako sa mga bituin na nasa langit. 

Kumusta na kaya si Ran?

Kinuha ko sa aking bulsa ang cellphone ko at nagsimulang magtipa ng mensahe para kay Ran.

To: Ran

Puwede ba tayong mag-usap?

Sent! Limang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin niya sinasagot ang text ko. Muli ko siyang ni-text.

To: Ran

Gusto kong mag-sorry sa ginawa ng kapatid ko.

Hindi pa rin siya sumagot kaya nagdesisyon na lamang ako na tawagan siya. Nakalimang ring na pero hindi pa rin sumasagot si Ran.

Tulog na kaya siya?

Akala ko hindi na niya sasagutin ang tawag ko nang may marinig akong tunog sa kabilang linya.

"Ran," panimula ko. "Alam kong nakikinig ka at alam kong nasaktan ka sa ginawa ng kapatid ko. Ako na ang humihingi ng sorry dahil sa ginawa ni Hillary sa'yo."

Wala akong natanggap na tugon mula sa kaniya.

"Please, Ran magsalita ka naman."

Wala pa rin. Huminga ako nang malalim saka nagpatuloy.

"Kung gusto mong magalit, sige magalit ka sa akin! Ilabas mo lahat ang galit mo. Kung gusto mo akong murahin, murahin mo ako! Kung iyan lang ang tanging paraan para mabawasan ang nararamdaman mong sakit ngayon."

"Tumigil ka na!" Nagulat naman ako ng bigla siyang sumigaw. "Simula ngayon, kalimutan mo na ako. Kalimutan mo ng may Ran kang nakilala. Huwag mo na akong tatawagan at kakausapin." Pagkasabi niya ay naputol na ang linya ng telepono.

Naibato ko naman sa kama ang cellphone ko sa labis na iritasyon.

Napatingin naman ako sa cellphone ko na tumunog ito. Dali-dali akong lumapit at tiningnan kung sino ang nag-text.

From: Ran

Alam kong may makikilala ka rin na babae na kayang suklian ang pagmamahal mo. Alam kong mamahalin mo siya nang higit pa kaysa sa pagmamahal mo sa akin ngayon.

Sorry.

Sorry for everything.

Siguro hindi lang talaga tayo para sa isa't isa.

Ran's POV

ITO LANG ANG alam kong paraan para maiwas ka sa gulo at para hindi ka na masaktan dahil lang sa akin, Atoz.

Napatingin naman ako sa cellphone ko nang tumunog ito.

From: Atoz.

Sa tingin ko we're meant for each other. Nakatadhana tayo. Pero syempre may sarili tayong isip para magdesisyon. Pinili mong sumuko. Kaya ngayon, hindi na tayo para sa isa't isa.

Napatingin muli ako sa cellphone ko nang may kasunod na text ulit mula sa kaniya.

From: Atoz

Sabi ko sa sarili ko noon, kahit anong mangyari ipaglalaban kita. Kahit anong mangyari, hindi ko hahayaang mawala ka. Pero wala. Nakakapagod din pala na ipaglaban ang taong walang ginawa kung hindi pakawalan ka. Hayaan mo, hindi na kita kukulitan pa. Simula sa araw na `to, kalilimutan na kita. Kalilimutan na kita gaya ng sinabi mo. Kalilimutan kong may minahal akong kagaya mo.

Paalam Ran.

Napahagulgol ako sa nabasa ko. Lahat ng alaala namin ni Atoz na magkasama ay naalala ko. Kung paano kami nagkakilala, naging magkaibigan, nagtapat ng nararamdaman namin sa isa't isa hanggang sa nagkasakitan.

Hindi ko gustong saktan si Atoz pero sa bawat araw na kasama ko siya alam kong maraming puwedeng mangyari lalo pa at alam na nilang bampira ako. Kaya mas mabuti na lamang na layuan ko siya.

Pagkatapos kong mabasa ang mga text niya sa akin ay pumunta ako sa lagayan ng mga damit at kumuha ng isang bag. Nagsimmula na akong mag-impake ng mga gamit ko.

"SIGURADO KA NA ba sa desisyon mong iyan?" tanong ni Papa sa akin.

Tumango lang ako. Buo na ang isip ko. Napagdesisyunan na kasi akong sumunod kay Perzeus sa Vampire Island. "Mag-iingat ka po rito," sabi ko kay papa at yumakap nang buong pagmamahal.

"Ikaw ang mag-ingat, anak. Ingatan mo ang sarili mo roon," ani Papa habang hawak ang dalawang mga kamay ko.

"Tandaan mo, lagi mo lang akong kasama," sabi niya at hinawakan ang aking bracelet na nasa kaliwang kamay ko.

Tumango naman ako. "Sige po. Alis na ako."

Paglabas ko ng gate, hindi ko inaasahan ang makikita kong mukha roon.

"Aalis ka?" tanong nito.

Hindi ako nagsalita.

"Tatakbuhan mo na naman ba ang problema mo?"

Nakatingin lang ako sa kaniya at hindi umimik.

"Ran, nandito pa ako. Nandito kami ng pamilya mo para harapin ang problemang iyan. Ano? Magtatago ka na naman kasi natatakot ka sa posibleng mangyari? Gagawin mo na naman ang ginawa mo no'ng araw na sa tingin mo ay pinagtabuyan at kinamuhian ka namin?" sigaw sa akin ni Keith.

"Bakit, hindi ba?" tanong ko sa kaniya. "Hindi ba no'ng nalaman ninyong bampira ako ay natakot kayo?! Hindi ba sinabi mo na nga sa akin na minsan ay gusto mong sabihin at ipaalam sa iba na bampira ako? Hindi ba kinamumuhian ninyo ako ni Atoz?" sagot ko sa kaniya.

"Hindi mo naiintindihan, Ran. Iyong araw na iyon. Iyong araw na umalis ka hindi ka namin kinamuhian ni Atoz. Ran, ilang buwan kaming naghintay sa'yo ni Atoz para humingi ng tawad. Hindi mo rin alam kung anong mga ginawa ni Atoz para lang mahanap ka niya," sabi niya habang nakatingin sa akin. "Hinanap niya ang kaniya nanay na may kinakasamang bampira para lang tanungin kung may alam ba siyang lugar na p'wede mong puntahan."

Anong ibig niyang sabihin?

"Alam mo bang pumunta siya sa Vampire Island para lang makita ka niya?" sabi ni Keith.

"A-ano? Pumunta siya sa Vampire Island?"

"Oo, kaya nga ilang linggo rin siyang hindi pumapasok noon dahil sa paghahanap niya sa'yo."

"Bakit ngayon mo lang sinabi"

"Ayun! Iyon ang bampira!"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may mga taong palapit na sa amin.

"Bilisan ninyo! Tatakas `ata siya!"

Nagulat ako nang makita kong may mga dala silang itak at iba pa. Lumingon ako kay Papa.

"Sige na, Ran. Umalis ka na!" Tulak sa akin nito.

"P-pero paano ka? Paano kayo?" sabi ko sa kanila ni Keith.

"Kaya na namin `to!"

"Sige na, alis na Ran! "sigaw ni Keith at hinarangan nila ang mga tao.

Sinulyapan ko muli sila sa huling pagkakataon.

"Tatakas iyong bampira! Habulin ninyo!"

Tumakbo naman ako. Takbo lang ako nang takbo nang may isang grupo ng mga estudyanteng lalaki ang nakasalubong ko at ang isa sa kanila ay may hawak na patalim.

Napaatras naman ako.

"Saan ka pupunta?" sabi ng isang lalaking malaki ang katawan habang palapit sa akin.

Nangangatog ang mga tuhod ko. Nanlalabo rin ang aking paningin dahil sa sobrang tirik ng araw.

"Tatakas ka?" sabi nito.

Napasandal naman ako sa pader. Nilapit naman nito sa mukha ko ang hawak-hawak na patalim at nilalaro. Alam kong sa oras na ito ay may mga tumutulo ng dugo sa pisngi ko dahil dinidiin nito ang patalim sa aking mukha.

"T-tama na," bulong ko. Gusto ko siyang itulak pero kulang ang lakas ko dahil sadyang malaki ang katawan nito kumpara sa akin.

"Sayang naman ang ganda mo tapos bampira ka lang?" bulong nito sa tainga ko. "Paano kung magpakagat ako sa'yo ngayon?" sabi pa nito habang hinahaplos ang aking balikat.

Tinabig ko naman ang kamay nito.

"Palaban ka, ah?" nakangising sabi nito.

Nagulat naman ako sa sumunod na ginawa nito. Biglang pinunit ang damit ko.

"Ang kinis mo naman pala," sabi ng lalaki at hinawakan ang maseselang parte ng katawan ko.

Tinulak ko naman ito gamit ang natitirang lakas ko at tumakbo palayo sa kanila pero nahabol pa rin ako.

Malakas ang sigaw na nagawa ko nang bigla nito akong sinabunutan. "Saan ka pupunta, ha?!" pagkasabi nito ay bigla niya akong sinaksak sa aking sikmura.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C16
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login