Download App
57.14% SHE'S A VAMPIRE[TAGALOG NOVEL] / Chapter 12: SHE'S A VAMPIRE CHAPTER 10

Chapter 12: SHE'S A VAMPIRE CHAPTER 10

Ran's POV

"BAKIT NGAYON ka lang? Gabi na, ah!" Bungad sa akin ni Perzeus pagkapasok ko ng bahay. "Alam mo bang kanina ka pa hinahanap ng papa mo? Saan ka ba galing?" tanong muli nito habang nakasunod sa akin.

Hindi ko siya pinansin at dire-diretso lang ako sa paglalakad.

"Ran, tinatanong kita!" sigaw nito.

Napaharap naman ako sa kanya. Pinilit kong itago ang lahat ng emosyong nararamdaman. "Akala ko, Perzeus matatanggap niya ako kapag nalaman niya ang totoo. Akala ko maiintindihan niya ako pero nagkamali pala ako," sambit ko.

"Anong pinagsasabi mo?" tanong nito at lumapit sa akin.

"Wala na, Perzeus. Iyong taong gusto ko, kinatatakutan na niya ako ngayon," sabi ko at umiyak na sa harap nito. Hindi ko na napigilan ang aking sarili.

Lumapit naman ito at hinawakan ako sa magkabilang braso.

"Nandito pa naman ako, Ran," sabi nito at niyakap ako.

Hindi ako sumagot. Binuhos ko ang lahat ng sama ng loob at bigat sa aking dibdib.

Pilit bumabalik sa aking isipan ang mga sinabi ni Ran tungkol sa mga bampira. Ang mga salita niya ay tila mga kutsilyong sumasaksak sa aking dibdib. Napakasakit.

"Sabi ko naman kasi sa'yo, masama sila."

Nag-angat ako ng paninigin kay Perzeus. "Hindi sila nakabubuti sa atin, Ran dahil sarili lamang nila ang inaalala nila at wala silang pakialam kung masaktan man tayo," sabi nito.

"Anong gagawin ko ngayon?" tanong ko. Tila nauubusan ng pag-asa.

Lumapit ito sa akin at nilahad ang kamay. "Sumama ka sa akin," sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko.

"Huh? Saan tayo pupunta?"

"Sa lugar kung saan tayo lang ang magkasama at malayo sa mga taong mapanghusga at nanakit sa'yo," sagot nito.

Tiningnan ko ang kamay nitong nakalahad sa harap ko.

Sasama ba ako?

"Ano, Ran? Tara?"

Nilingon ko ai Perzeus at nginitian naman ako nito. "Tara!" sabi ko at saka tinanggap ang kamay nito.

Ganoon na lang ang gulat ko nang bigla nito akong buhatin at tumalon sa bintana. "Hoy! Anong ginagawa mo?" tanong ko. "Mamaya may makakita sa atin!"

"Magtiwala ka lang sa akin, Ran," sabi nito habang papalayo kami sa lugar kung saan ang mga tao ay kinamumuhian kaming mga bampira.

Kami kasing mga bampira ay may kakayahang makalipad at tumalon nang napakataas.

Wala akong nagawa nang magtatalon si Perzeus. May nadaan pa kaming anyong lupa ngunit hindi ko matukoy kung ilog, sapa o simpleng batis lang iyon.

"Nandito na tayo."

Pinagmasdan ko ang paligid.

"Akala ko ba tayong dalawa lang? Bakit may mga"

"Hindi sila mga tao, mga bampira rin sila kagaya natin," sabi ni Perzeus.

"Talaga? A-anong klaseng lugar `to?" tanong ko.

"Ito ang Vampire Island," sagot nito.

"Ano?"

"Ito ang isla kung saan ang mga bampira lamang ang nakatira dito." Paliwanag ni Perzeus.

Bakit hindi ko alam ang lugar na ito?

"Paano mo nadiskubre ang lugar na `to?" tanong ko rito.

"Dito ako lumaki."

PAGKARATING NAMIN ni Perzeus sa Vampire Island ay agad kaming inasikaso ng isang babae na nasa edad kuwarenta siguro.

"Ito, kumain na muna kayo," sabi ng babae at pinaghain kami ng isang basong sariwang dugo at karne.

"Salamat po," sabi ko rito at saka ngumiti.

"Salamat po, mama."

Napatingin naman ako kay Perzeus at doon sa babae. "Mama mo?!" Gulat na tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang si Perzeus bilang sagot.

"Sige, maiwan ko muna kayo." Paalam nito.

"Ma, sumabay ka na sa amin ni Ran para naman makilala ninyo ang isa't isa," sabi ni Perzeus sa mama niya.

"Oh, siya kukuha lang ako ng pagkain ko," wika nito bago umalis.

Napatingin naman ako sa mga pagkain na nakahanda. "Bakit kukuha pa ang mama mo ng pagkain? Ang dami kaya ng hinanda niya," sabi ko kay Perzeus.

Hindi nasagot ni Perzeus ang tanong ko nang makabalik na ang mama niya.

"Tara, kumain na tayo."

Napatingin naman ako platong hawak nito. May laman itong kanin at gulay. Kumunot ang noo ko.

"Tama ka ng iniisip. Tao nga ako," sabi nito sa akin.

"P-pero bakit kayo nandito?" tanong ko.

"May minahal kasi akong bampira kaya napadpad ako rito." Paliwanag nito.

"Hindi kayo natakot? Nandiri o kinamuhian man lang siya nang malaman ninyong bampira siya?" tanong ko.

"Alam mo, Ran... kung talagang mahal mo siya, dapat tanggap mo kung sino at kung ano pa man siya," sambit nito.

Napatingin naman ako kay Perzeus nang may sinabi ito. "Si mama Krisana ang naging ina ko simula nang sumama siya kay ama. Kagaya lang din kita, Ran. Hindi man natin sila kadugo pero nandiyan pa rin sila once na kailangan natin sila. Kagaya na lamang ng tinuturing mong ama, hindi man siya ang tunay mong ama pero nandiyan naman siya lagi sa'yo para protektahan ka."

NANG MATAPOS kaming kumain ay hinatid naman ako ng mama ni Perzeus sa magiging kwarto ko.

"Salamat po."

"Kung may kailangan ka sabihin mo lang sa akin. Nasa kabilang kwarto lang ako," sabi nito bago umalis.

Habang nakahiga ako ay naisip ko ang sinabi ng mama ni Perzeus.

"Kung talagang mahal mo siya, dapat tanggap mo kung sino at ano pa man siya."

Huminga ako nang malalim. Mabuti pa ang mama ni Perzeus tanggap nito na bampira ang kaniyang minahal.

Si Atoz kaya? Kailan niya kaya ako matatanggap?

"OH, ANG AGA mo namang nagising."

Lumingon ako sa mama ni Perzeus. "Good morning po," bati ko rito.

"K'wento sa akin ni Perzeus ay may napupusuhan ka raw na tao pero bakit nilalayuan mo siya?" tanong nito habang nagtitimpla ito ng kape.

"Ayaw ko lang po kasing masaktan siya. Lalo pa't hindi kami p'wede para sa isa't isa. Tao siya't bampira ako."

Nagtatakang napalingon ako kay Aling Krisana nang tumawa ito nang mahina.

"Kayo hindi p'wede sa isa't isa? Bakit ako, minahal ko naman ang papa ni Perzeus kahit isa siyang bampira?" sambit nito. "Ran, ikaw lang itong nag-iisip na hindi kayo p'wedeng magmahalan dahil sa tingin mo mali na magmahal ang isang bampirang kagaya mo sa isang tao."

Keith's POV

"HELLO PO. Dito po ba nakatira si Ran?" tanong ko sa lalaking nagbukas ng gate na sa tingin ko ay ama ni Ran.

"Dito nga. Bakit, sino ka?"

"Ahm, kaklase niya po ako." Pakilala ko.

"Halika, pasok ka."

Nahihiya man ay pumasok na rin ako. Habang papasok kami sa bakuran nila Ran ay nagtanong na ako. "Nandiyan po ba siya? Ilang araw ko na po kasing hindi siya nakikitang pumapasok."

"Wala siya rito. Ilang araw na rin na hindi siya umuuwi. Hindi ko nga alam kung saan siya nagpunta," malungkot na wika nito.

Napahinto ako sa paglalakad. "Ganoon po ba? Nag-aalala lang po kasi talaga ako."

Ilang minuto pa ang tinagal ko sa bahay nila Ran. Nang matapos kaming mag-usap ng ama niya ay umuwi na rin agad ako.

Simula noong araw na niligtas ako ni Ran sa insidenteng iyon ay naging interesado ako sa buhay nilang mga bampira.

Oo, inaamin kong natakot nga ako sa kanya noong una kaya iniwan ko na lang siya basta sa daan.

Pagkauwi ko sa bahay ay agad na dumiretso ako sa computer ko at tiningnan ang ilang article tungkol sa mga bampira. Sa ginawa kong pag-reresearch ay marami akong nalaman.

Ilang libong taon nang nabubuhay ang mga bampira sa mundo ng mga tao at kung noon ay umiinom ng dugo ang mga dating bampira ngayon, ang iniinom na lamang nila ay dugo ng mga hayop at hindi na umiinom ng dugo ng tao.

Nalaman ko rin na kung masisinagan sila ng araw ay manghihina ang mga ito.

Kaya pala laging naka-jacket si Ran.

Nalaman ko rin na once na masugatan sila ay agad itong maghihilom.

Kaya ba parang wala lang kay Ran ang nangyari noong mabangga siya ng sasakyan?

At ang isa pang nalaman ko ay hindi na sila kagaya ng dati na malakas kundi unti-unti na silang nanghihina at nauubos dahil sa klima at sa lugar na kanilang ginagalawan.

Nang malaman ko ang tungkol sa kanila ay nagbago ang pananaw ko tungkol sa mga bampira. Kung dati ay pinandidirihan ko sila, ngayon ay gusto ko pa silang makilala at maging kaibigan dahil wala naman silang ginagawang masama.

Nang sumunod na araw, kinausap ko si Ran. Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko kaibigan ko na siya pero bakit tila nagagalit siya sa akin?

Lalo na nang pati si Abcde ay kasama ko na. TInutulak niya kami palayo at masakit sa parte ko iyon.

Anong nangyayari kay Ran?

Ang mga sumunod pang mga araw ay mas lalong nahahalata ko ang pag-iwas na ginagawa ni Ran sa akin.

Buong araw akong umiyak dahil lamang sa hindi pamamansin ni Ran sa akin.

Dahil ba ito sa nalaman kong bampira siya? Iniiwasan niya ba ako dahil sa tingin niya ba ay ikakalat ko iyon?

Ang mas nakagugulat ay ang sunod na nangyari na kinompromta ako ng isa naming kaklase na palaging kasama ni Ransi Abcde. Hindi ko kinaya ang mga sinabi nito tungkol kay Ran. Akala ko kaibigan nito si Ran ngunit bakit tila nais nitong magalit ako at layuan ko siya.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili nang sampalin ko ito nang ubod ng lakas. Napakakitid nitong mag-isip. Ang babaw.

Ganoon na lamang ang gulat ko nang makita sa hindi kalayuan si Ran na papunta pala sa amin.

Gusto kong pigilan si Atoz sa ano mang sasabihin nito ngunit huli na ang lahat.

"Dahil hindi sila karapat-dapat na mabuhay sa mundo natin! Bampira siya, tao tayo. Ibang-iba sila sa atin kaya dapat lang natin siyang kamuhian," sabi nito.

Halos manlata ako dahil kitang-kita ko sa mga mata ni Ran na sobra siyang nasaktan sa sinabi ni Abcde. Wala akong magawa lalo na nang magsimulang lumakad palayo si Ran sa kinaroroonan namin.

Nagulat naman ako ng biglang binato ni Abcde ang hawak nitong kahon na binigay ni Ran.

"Bakit ikaw pa?! sigaw nito.

Hindi ko na lamang ito pinansin at sinundan ko na lamang si Ran. Ngunit napakabilis niyang tumakbo. Hindi ko nakita kung saan siya nagtungo.

Ran, nasaan ka na ba?


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C12
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login