Download App
78.57% I Love You, Now And Forever / Chapter 44: Chapter 44

Chapter 44: Chapter 44

Tinawagan agad ni Axel si Zack at ipinaalam ang number ng tumawag ngunit ng tawagan muli ni Zack ay out of coverage area na.

"Hayaan mo, pare, may kilala akong magaling na hacker. Papa-retrieve ko kung kanino man ang number na iyon." Sabi ni Zack sa telepono. "Salamat, pare." Sabi ni Axel at tinapos na ang tawag.

"Sino ba kasi yung tumawag at ano ba ang sinabi niya para tawagan mo pa si Zack?" Kulit ni Dani sa binata. Kanina niya pa tinatanong si Axel pero ang sagot lang sa kanya ay "Hindi ko alam kasi gumamit siya ng voice changer. Huwag mo ng intindihin, di na mahalaga ang sinabi niya."

Paano niya hindi iintindihin, isinama siya ni Axel sa conference room, pinapasok si Dalton at dalawang bodyguard na akala mo ay may kukuha sa kanya. Ang ibang bodyguard ay pinaikot ni Axel sa buong lugar. Kinausap sandali si Jax at Roco at pagkatapos ay naging seryoso na din ang dalawa. Sige nga, paano kaya hindi iintindihin ni Dani eh ang lahat ng nakapaligid sa kanya ay nag-iba ang aura pagkatapos ng mahiwagang tawag na iyon.

Bumuntong hininga si Dani. "At para saan namam iyan?" Pilit na iniba ni Axel ang mood niya. Alam ng binata na kahit wala siyang sabihin sa dalaga ay naramdaman nito na may di tama sa nangyayari sa paligid niya. "Ikaw kasi, may dapat kang sabihin sa akin pero ayaw mo." Sagot ni Dani na may konting pagtatampo. "Huwag kang mag-alala, sabi ko naman sa iyo ay huwag mo na lang isipin. Ako na ang bahala, ok?" Nakangiti pa din sabi ni Axel. "Ngiti na mahal ko, nakakabawas ng ganda pag nakasimangot kang ganyan." Sabi ni Axel pero hindi nabago ang mukha ng dalaga.

"Ganito na lang, after ng meeting namin, lalabas tayo." Sabi ni Axel at tumingin sa kanya si Dani. "Saan naman tayo pupunta?" Tanong ni Dani. "Ngiti ka muna." Sabi ni Axel. Ngumiti naman ang dalaga. "Yan, eh di ang ganda mo na ulit. Basta, secret." Yun lang at hinalikan na ni Axel ang noo ng dalaga.

Nangingiti naman ang mga kasama nila sa conference room. Si Jax at Roco ay naninibago sa kanilang kaibigan. "Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig, pre." Sabi ni Jax paglapit sa kanila ni Axel. "Para tuloy gusto ko na din humanap ng love of my life ah." Nakangiting sabi ni Roco. Ngumisi lang si Axel. "Ok, let's start, may date pa ko pagkatapos nito." Nakatawang sabi ni Axel.

Halos thirty minutes lang tumagal ang usapan ng tatlo kaya hindi naman nainip si Dani. Lumapit sa kanya si Axel at inalalayan na siyang tumayo at hawak kamay silang lumabas ng conference room. "Kita na lang tayo sa bahay mamaya." Sabi ni Axel bago tuluyang lumbas sa building. As usual, nakasunod pa din sa kanila sila Dalton. Mas mahigpit nga lang ang pagbabantay nila ngayon kesa dati.

"Saan nga tayo pupunta?" Tanong ni Dani ng nakasakay na sila sa kotse. "Secret nga pero tiyak na magugustuhan mo." Sagot ni Axel. Tumaas ang kilay ni Dani. Hinawakan naman ni Axel ang kilay ng dalaga at binaba. "Baka lumagpas yan sa bubong." Nakangiting sabi ni Axel pagkatapos ay niyakap ang dalaga. "Nakakadami ka na ah." Sabi ni Dani pero hinayaan lang niya ang binata. Ang sarap sa pakiramdam ng mga yakap ni Axel. Safe na safe ang feeling ni Dani kapag yakap siya ng binata gaya ngayon.

Dumating sila sa isang resort. Bumaba sila at naglakad papunta dagat. Ang sarap ng simoy ng hangin. Pakiramdam ni Dani ay na-refreshed siya sa paligid. "Dito tayo?" Tanong ni Dani. "Not yet." Sagot ni Axel. "May iniintay lang tayo." Patuloy ng binata at inakbayan si Dani. Sila Dalton naman ay nasa likod lang nila. Maya-maya ay may nadinig na silang tunog ng motor at natanaw ni Dani ang isang malaking bangka.

"Let's go." Aya sa kanya ni Axel pero di gumalaw si Dani sa pagkakatayo. Nakita ni Axel na namutla ang dalaga. "Hey? Bakit?" Nag-aalalang tanong ni Axel. "Sasakay tayo dyan?" Tanong ni Dani at tumango si Axel. "Pero, hindi ako marunong lumangoy." Sabi ni Dani na ikinatawa ng binata. "Naman eh!" Sabi ni Dani. "Don't worry, hindi din ako marunong lumangoy pero madami naman silang sasagip sa atin, in case." Nakangiting sabi ni Axel.

Inalalayan si Dani ng binata hanggang sa makasakay sila sa bangka. Nagulat si Axel ng bigla siyang hinila ni Dani at sumiksik sa katawan niya. Naaawa naman si Axel dahil nakikita niya na takot na takot si Dani. "Don't worry, I'm here." Sabi ni Axel at niyakap ng mahigpit ang dalaga at hinalikan ang ulo nito.

Pagkatapos ng labing-limang minuto ay nakarating na sila sa isang island na wala pang nakakapasok kahit sino. Prohibited ang lugar na ito sa mga tourists ng lugar. Virgin island, kungbaga, at alam ng mga bangkero na isang kilalang tao ay nagmamay-ari nito kaya miski gusto ng mga turista na pumunta dito ay sila na mismo ang nagbabawal. Hindi alam ng bangkero na sakay na niya ang may-ari ng lugar kaya nakapasok sila dito.

"Hey, we're here." Sabi ni Axel na inalalayan si Dani na makatayo. Nang idilat ni Dani ang mga mata ay namangha siya sa nakita. Kung maganda ang resort na pinasok nila kanina ay mas maganda o baka pinakamaganda ang lugar na ito sa lahat. Napakalinaw ng tubig, white sand, malinis pero "No Trespassing?" Kumunot ang noo ng dalaga at tiningnan si Axel.

"Bakit dito tayo eh no trespassing oh." Tanong ni Dani habang inaalalayan siya ni Axel para makababa ng bangka. Ngumiti ang binata. "Don't worry, kilala ko ang may-ari nito." Sagot ni Axel.

Malawak ang lugar. Nakita ni Dani na sa bandang gitna ay may maliit ng kubo na pwedeng pagpahingahan. Nagulat siya ng may lumabas dito na isang matandang lalaki. Ngumiti ito ng makita si Axel pero nag-sign ang binata na huwag maingay.

"Magandang araw po." Bati ng matanda. "Magandang araw din po." Nakangiting bati ni Dani. "Ang ganda po ng lugar ninyo manong." Patuloy ni Dani. "Oo, iha, maganda talaga dito." Sagot ng matanda. "Hindi po ba gagawin resort ito ng may-ari?" Tanong ni Dani. Tumingin ang matanda kay Axel. "Bahay-bakasyunan po yata ang balak ng amo ko dito." Sagot ng matanda. "Nako, napakayaman siguro ng amo ninyo." Sabi ni Dani. "Ah, opo, di lang mayaman, gwapo at mabait din." Sagot ng matanda na ikinangiti ni Axel.

Inaya siya ni Axel sa loob ng kubo. Nadatnan nila ang mga sariwang prutas na nakahain sa mesa. "Tikman mo, masasarap iyan. Tanim iyan ni Mang Rodolfo." Sabi ni Axel na ang tinutukoy ay ang matanda. "Kilala mo siya?" Takang tanong ni Dani. "Ah, eh, nakapunta na kasi ako dito minsan." Pagsisinungaling ni Axel. "Matatamis iyan iha, ikaw pa lang ang unang babae na..." Hindi natuloy ni Mang Rodolfo ang sasabihin ng tumingin sa kanya si Axel. "Ano po?" Tanong ni Dani. "Ah, ikaw ang unang makakatikim niyan kasi ay kakapitas ko lang niyan kanina." Sabi ni Mang Rodolfo na kakamot-kamot sa ulo.

Sinimulang balatan ni Dani ang indian mango at ng kagatin niya ito ay natuwa siya. "Grabe, ang sarap at ang tamis nga po Mang Rodolfo." Sabi ni Dani at kumagat muli ng mangga. Pinagbalat niya din si Axel. Lumabas naman si Mang Rodolfo para bigyan din ng prutas ang mga bodyguards na nasa labas at nagbabantay.

"Kung ikaw ang may-ari ng lugar, ano ang ipapatayo mo dito?" Tanong ni Axel habang busy si Daniella sa pagbabalat ng mangga. "Hhhmmm, kung businessman ang may-ari at gusto niya pang yumaman, though, sabi ni Mang Rodolfo is he's already rich, pwedeng gawin resort. Tiyak na dadayuhin ito. Ang kaso, tiyak na masisira ang paligid kasi magpuputol ng puno, magtatayo ng mga building, tapos yung mga wastes pa ng mga tourists na mag-stay." Sabi ni Dani at kinagat ang mangga.

"If he's a family man, pwede din namang bahay. Masarap mag-stay dito kasi tahimik ang lugar, sariwa ang hangin, tiyak na mag-eenjoy ang mga kids niya pati na din ang asawa niya." Sabi ni Dani na kumuha pa ng isang mangga para balatan. Hindi nakita ni Dani ang sumungaw na ngiti sa mukha ni Axel.

"Kung ikaw, ano ang mas gusto mo?" Tanong ni Axel. "Bahay ang mas gusto ko." Sagot ni Dani at tumango-tango si Axel. "Ha'ay, ang sarap talaga, pwede ba tayo mag-uwi nito para kay Nanay Susana at Tatay Boy?" Nakangiting sabi ni Dani. "Oo naman." Sagot ni Axel. "Hindi kaya magalit ang may-ari?" Tanong ni Dani. "Oh, I will not." Nadulas na sabi ni Axel. "Ano?" Takang tanong ni Dani. "I mean, he will not. Sobrang busog mo na kasi kaya nabibingi ka na." Sabi ni Axel na gustong batukan ang sarili sa pagkakadulas.

Matapos kumain ay lumabas na ang dalawa para mamasyal. Naglakad sila sa buhangin at parang bata si Dani na nakipaglaro sa alon. Hapon na ng inaya na ni Axel ang dalaga para umuwi.

"Mang Rodolfo, maraming salamat po dito ha?" Sabi ni Dani na itinuro ang dalawang plastic ng mangga na buhat-buhat ni Dalton ang ng isang bodyguard. "Walang anuman iha." Sagot naman ni Mang Rodolfo. "Pakisabi po sa amo ninyo na maraming salamat din po." Patuloy ni Dani. "Nadinig na niya ang pasasalamat mo." Sagot ni Mang Rodolfo pero hindi na masyadong naintindihan ni Dani ang sinabi ng matanda dahil umandar na ang motor ng bangka.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C44
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login