IYA
"Anong plano mo kay de Ayala?"
Napalingon ako kay Yana. Nakatingin din s'ya sa akin. Ako ang naunang nagbaba ng paningin. Ayokong makita n'ya kung anuman ang pwedeng sumalamin sa mga mata ko. Will I look too excited to see him? Or will I look too devastated of not seeing him ever again?
Paano kung sa sobrang inis n'ya sa akin, ayaw na talaga n'ya akong makita? Dahil lang sa mga ikinikilos n'ya noong nasa amusement park kami, iniisip ko bang he can really cope up with me? That we could be with each other?
"Hangga't maaring umiwas, iiwas ako." Mahina kong anas.
Hindi pa talaga ako handang magpakita sa kanya. Doing that means ready na akong mag-let go. And I don't want to let him go yet. Not yet.
"Paano ka iiwas kung kapitbahay lang s'ya ng tiyahin mo?" tanong pa ulit ni Yana. Parang may nababanaag pa nga akong amusement sa paraan ng pagtatanong n'ya.
Mamayang gabi na ang Ball. Pareho kaming maagang nagising kaya naman heto kami, parehong nakahiga pa rin sa malambot n'yang kama. Sinabi ko sa kanya na sa sahig na lang ako matutulog. Ayaw n'ya namang pumayag. Kumpara sa higaan ni Ivan, mas maliit ang kama ni Yana. Pero malaki pa rin iyon kumpara sa ibang normal sized bed. Pwede pa rin kaming mag-swimming sa kama.
At sa hindi malamang dahilan, hindi ako makatulog ng mahimbing sa kwarto. Kaunting kaluskos lang ay nagigising na ako. Siguro dahil namamahay ako? O dahil may hinahanap na amoy ang sistema ko? Huminga ako ng malalim saka itinaboy ang isiping nagla-landing na naman patungo kay Ivan.
"I don't know. Drink some invisible potion?" Sumusukong tanong ko rin.
Wala na akong mahanap na paraan. Paano naman ako makakaiwas kay Ivan kung magkatabi lang sila ng bahay ng nanay kong magaling. Sabi ng mga hidden guards nina Yana, nagtagumpay daw sa pag-i-install ng mga hidden cameras ang grupo ni Iker sa buong third floor. Kaya ibig sabihin noon, ipinapahanap pa rin ako ni Ivan.
Seryoso ba talaga s'ya sa mga salitang binibitiwan n'ya noon sa amusement park?
Kung totoo 'yun. Hindi n'ya ba alam na wala naman s'yang mararating kung ang isang kagaya ko ang pipiliin n'ya?
Haist Iya.
Ano ba talaga ang gusto mong mangyari sa buhay? Napabuntong-hininga na lang ako ulit dahil sa totoo lang, naguguluhan pa rin ako. Hindi ko pa rin alam kung ano ba ang dapat gawin kay Ivan. Kung ano ba ang tamang gawin sa feelings ko. Parang ewan lang.
Tsk.
Sa halip na malinawan ako, parang lalo lang gumugulo ang lahat.
"Kanina ka pa buntong-hininga ng buntong-hininga d'yan."
Hindi na tuloy ako makaimik. Ano naman isasagot ko kay Yana?
"Ipapahatid kita kay kuya Yazu doon. Pasalamat ka tagadoon ang girlfriend n'ya."
Bigla akong napalingon kay Yana dahil sa sinabi n'ya.
"Oo. Totoo 'yun. May girlfriend si kuya Yazu na tagaroon. Pwede ka siguro n'yang idaan dun sa villa ng tiyahin mo. Pero promise mo ha, makikipag-usap ka na kay de Ayala. Hindi ka makakaiwas ng habang-buhay sa isang 'yun. Our resources is limited girl. "
"Umm. Thank you Yanabelle."
Inirapan n'ya lang ako ng marinig na naman ang palayaw na ibinigay ko sa kanya.
"Kakausapin ko na s'ya mamayang gabi at the party." sabi ko sa mahinang boses. Pero wag ka, iniisip ko pa lang na magko-confess ako kay Ivan mamaya parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa.
But I have to do that. Para atleast, mawala na sa dibdib ko 'tong feelings na nagpapabigat lagi sa loob ko. Kailangan kong mailabas para mabawasan ang mga isipin ko. Ang dami-dami ko ng iniisip dumadagdag pa 'tong feelings na 'to eh. Ke bata-bata ko pa naman para mamroblema dapat sa love life.
"Miss Yana."
Kasunod ng pagtawag mula sa pintuan ng kwarto ni Yana ay ang sunod-sunod na pagkatok. Mahina lang iyon at tila ba hindi naman nagmamadali.
"Bakit?"
"Hinihintay na po kayo sa baba ni Sir Yazu at Miss Hina."
"Oww. They're early. Pupunta na kami."
Kaagad na tumayo mula sa pagkakahiga sa kama si Yana.
"Let's go Iya girl. Now is the time para umuwi ka na sa inyo. Settle everything for good, oright?"
Tumango ako. Sobra-sobrang nagpapasalamat ako sa pagpapasensya nilang lahat sa akin. Maging sa pagtanggap ni Yana at ng pamilya n'ya sa akin dito sa mansyon nila.
Kanina pa ako nakaligo at nakabihis. At dahil pareho na kaming gising ni Yana, wala kaming ibang magawa kundi ang magkwentuhan na lang. Nang makarating kami sa baba ay si kuya Yazu at ate Hina n'ya lang ang naroon. Alas siete pa lang ng umaga kaya tulog pa marahil ang iba pang mga kapatid ni Yana.
She have nine brothers. Yumei, Ylai, York, Yam, You, Yllaz, Yrwin, Yazu and Yuan. Ang panganay na si Yumei at ang dalawang sumunod na sina Ylai at York ay pare-parehong wala sa bansa kaya naman hindi ko sila na-meet.
Yana has the most wonderful family. Mayroon s'yang mapagmahal at maalagang ina. Over protective at maalalahaning mga kuya. Hindi ko pa na-m-meet ang daddy n'ya pero base sa pang-s-spoiled sa kanya ng lahat. She's also spoiled rotten by her father.
"Good morning," magalang kong bati sa magkasintahan na kaagad naman akong nginitian.
"Good morning Iya. We heard that you've encounter some minor problem?" Nakangiting tanong ni Hina. Her smile as bright as the morning sun.
Ang ganda-ganda n'ya kahit na nakasimpleng sando at pambahay na floral shorts lang. Siguro 'yung aura n'ya ngayon ang tinatawag nilang 'blooming'.
"Umn." Nahahawa na yata ako sa lalaking 'yun. Pati pagsagot ko simpleng 'umh', 'hmm' at 'mmm' na lang.
Naisip ko tuloy, ganito ba ka-empty palagi ang pakiramdam n'ya inside him kaya naman every answer na lalabas sa bibig n'ya ay walang ka-effort-effort na tila ba lahat naman walang sense? So there's no point of elaborating further.
"Let's go?" tanong ni Yazu na isa sa mga seryosong tao na nakilala ko. Hindi rin s'ya mahilig ngumiti o magsalita. Palaging si Hina ang nagsasalita sa kanilang dalawa.
"Sasama ka ba?" Baling ko kay Yana.
Parang na-miss ko s'ya kaagad. Babalik na naman ako sa bahay na wala naman akong kakilala. Although mababait ang ibang kasambahay doon, wala namang nakikipag-usap sa akin ng matagal. Ni walang nagtatanong doon kung kumain na ba ako. Kung nakatulog na ba ako ng maayos o kung hindi ko ba nam-miss ang pamilyang naiwanan ko sa probinsya.
Huminga ako ng malalim saka inayos ang laylayan ng suot kong t-shirt. Tama na ang pags-senti. Mamayang gabi, tutuldukan ko na ang lahat sa amin ni Ivan. Para unti-unti, masabi ko sa sarili ko na 'enough, it won't work. Enough, don't push yourself too much... it's not worth it.'
So that I could properly focused sa main goal ko. Which is helping my family.