Download App
28.96% I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 73: Worries

Chapter 73: Worries

Nhel's Point of View

" Beh naman pansinin mo na ako, bakit ba kahapon ka pa ganyan ka cold sa akin? Ano na naman ba ang kinaiinis mo? May dalaw ka ba ngayon?" si Laine panay ang pa-cute sa akin kagabi pa dahil hindi ko sya gaanong pinapansin.

Paano ba naman kasi may bagong male model na nakipagkilala sa kanya.Sa buong tatlong araw ng photo shoot namin eh panay ang pa-cute sa kanya nung guy, at pinapansin naman nya.Pero hindi ko naman nakikitaan ng interest si Laine dun sa guy. Hindi nya type yung mga ganung pa-cute.

Naiinis lang ako kasi kinakausap pa nya. Kaya hayun hanggang dito sa bahay nila sa Dasma kung saan kami tumutuloy ng tatlong araw dahil may photo shoot kami, sinundan pa sya.

Hindi naman nya mapahiya kaya in-entertain na lang nya.

Hindi ko sya kinakausap simula nung umalis yung ugok na lalaki kagabi nung sundan kami at hindi pala alam na boyfriend ako ni Laine.Kaya nung sabihin nya dun sa ungas na yon na boyfriend nya ako hayun mabilis pa sa alas kwatro na lumayas at hindi na nga nakapag-paalam kay kuya Frank.

Pero naiinis pa rin ako at hindi ko nga sya kinakausap kagabi pa.Pero ngayong nagpapa-cute sya sa akin at gusto ko ng matawa sa mga sinasabi nya, bibigay na yata ako.Hindi ko naman sya matitiis eh. At tsaka uuwi na kami ng Sto.Cristo mamaya dahil tapos na yung shoot namin kahapon.

Tumalikod ako at umupo dun sa kama sa room na inookupahan ko.

" Beh naman peace na oh! Hindi ko naman type yun, ang yabang kaya tsaka hindi ko lang mabastos dahil katrabaho natin sya.Hindi naman kita ipagpapalit dun. Wala syang abs puro baby fats.Nakita mo nung mag pose sya ng nakataas ang shirt?Ang taba kaya nya. Sige na bati na tayo." kulit nya talaga naaaliw ako sa kanya at ang cute nya, sarap halikan.

Mataman lang akong nakatingin sa kanya kaya naman nagulat pa ako ng bigla syang kumandong sa akin at paghahalikan ako sa mukha.

Haha.ganyan talaga yan kapag inaamo ako, hindi titigil hanggat hindi ako sumusuko sa kanya.

Hindi pa rin ako tumitinag kahit panay na ang halik nya sa buong mukha ko.Ayoko nga sumuko, nag-eenjoy pa ako noh.

Pero tumigil sya. Naku nainis na yata.

" Ayaw mo ha? Let's try this one!"

Kaya hayun, sinakop nya na ang labi ko na alam nyang magpapaguho sa inis ko.

Pero nung medyo lumalalim na, ako na mismo ang tumigil.Ayokong maulit yung nangyari nung nakaraang buwan sa Baguio, muntik na talaga kaming makalimot nun buti na lang may istorbong dumating nun kung hindi baka kung saan na kami nakarating.

Nagkatinginan kami ni Laine.Alam na naming pareho ngayon pag ganun, kinokontrol na namin pareho kapag medyo umiinit na.

Napag-usapan na namin ni Laine na kapag nasa mainit na sitwasyon kami, kailangan isa sa amin alert.Hindi naman minsan maiiwasan talaga na magkaroon ng sobrang intimate like touching and kissing or Momol sometimes  pero wag lang yung alam nyo na.Wag lang yun.

Nagdagdag na nga kami ng isa pang rule, at sya ang nag-isip nun." Sa panahon ng tag-init,wag pumikit."

Tawa nga ako ng tawa nung sabihin nya yun nun.Puro talaga sya kalokohan.Pero nung sabihin nya yung meaning nun napaisip din ako.Kapag daw mainit na ang kissing scene namin, dapat daw dumilat para magising sa katotohanan.Madalas daw kasi napapapikit ang tao kapag matindi ang emosyon.

Oo nga naman....

" Ok sige na suko na! Hindi naman kita matitiis, alam mo yan.Next time pag may mga ganung makulit ipakilala mo agad ako ha?para simula pa lang back out na sila."

Ngumuso lang siya at siniksik nya yung mukha nya sa leeg ko.

" Opo, wala naman akong pakialam sa mga ibang guys, friendly lang talaga ako.Ang layo nila sayo noh! Ikaw, abs pa lang ulam na.Ang ganda kaya nung pose mo kahapon, ang daming napanga-nga sayo dun ah, selos nga ako eh." sabi nya.

Naalala kong bigla yung huling shoot namin kahapon, nahihiya pa nga ako nung umpisa pero in-encourage lang ako ni Laine ng husto kaya nagawa ko ng maayos.

Minsan mahirap din sa modelling pag may mga ganoong pose lalo na pag hindi ka gaanong sanay.Pero dahil kay Laine kaya ko ginagawa at napamahal na rin siguro sa akin ang trabahong ito.

Niyakap ko sya ng mahigpit at pinatong ko ang ulo ko sa balikat nya.

" Alam mo babe, hindi ko naman gagawin yun kundi dahil sayo. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon.Wag ka na magselos dun sa mga babaeng napapa-nga-nga dyan, I'm all yours from head to toe."

Umalis sya sa pagkaka-siksik sa leeg ko at nakangiting tumingin sa akin.

" Talaga lang ha?Ewan ko ba beh, hindi ko naman ugali yung mag-alala pero simula kahapon na bumalandra yang abs mo sa photo shoot natin feeling ko anytime may aagaw sayo sa akin.Haiisst..napa-paranoid na yata ako."

Ewan ko ba ano ang naisip ng boss namin at ako ang napili nyang mag pose ng may nakalabas ng konting katawan.

May bago raw kasi na men's apparel na ilalabas at mga bachelors na kasing age ko pataas ang target sa market.At magkakaroon na rin daw ng men's under apparels.Dati kasi pang ladies lang ang mga underwears ng Montreal.

Tsk.kinakabahan ako ah.Baka sa susunod underwear naman ang ipa-shoot sa akin.

" Oo nga babe wag kang paranoid, kasasabi ko lang di ba? I'm all yours.Period.Gumayak na nga tayo ng hindi tayo gabihin sa daan." pagyaya ko sa kanya at inalalayan ko na syang tumayo mula sa kandungan ko.

Bago dumilim ay nasa Sto.Cristo na kami, naging maayos kasi ang byahe dahil hindi masyadong traffic, bakasyon ang mga estudyanye.

Pagdating namin kila Laine ay nagpaalam na agad ako para umuwi.Gusto kong makapag-pahinga na kaming pareho.Pero bago ako umalis ay tinawag muna ako ni tito Franz at gusto nya raw akong makausap ng masinsinan.

Ano naman kaya ang pag-uusapan namin?Mukhang seryosong usapin yun ah.

Niyaya nya ako sa study room nila at dun daw kami mag-usap.

Pagdating namin dun ay umupo kami sa sofa at nag-usap.

" Anak, Laine's debut is fast approaching, the problem is, ayaw nya ng big party.Gusto naming ibigay sa kanya yun dahil minsan lang siya magde-debut.Can you help us to organize? Yung surprise sana para hindi sya makatanggi.Sabagay medyo matagal pa naman pero kasi may problema kami ng tita Paz mo sa business namin sa States, kailangan naming tutukan at hindi namin masyadong maaasikaso ang debut ni Laine, kaya kung pwede lang tulungan mo kami." paliwanag ni tito.

" Tito bakit para po yatang may malaki kayong pinagdadaanan ngayon? Sa nahihimigan ko po sa inyo parang matatagalan ang pag-stay nyo sa America?" tanong ko sa kanya.

" Actually, yung business namin nag-expand pa nga, ang problema kailangan na kami dun para i-manage ng personal, maraming demands at hindi na kaya ng mga anak ko dun, kailangan talaga kami ni tita Paz mo ang mag-asikaso.Baka pagkatapos ng debut ni Laine pupunta na kami ng States,mga 2 to 3 years kami dun kaya isasama ko na ang mga bata para dun na mag-aral." paliwanag nya na nagpagulat sa akin ng husto.

" Tito, paano po kami ni Laine?Maghihiwalay na naman po ba kami? Alam na po ba nya ito?" sunod-sunod kong tanong kay tito.

" Pinag-iisipan ko pa nga kung paano sasabihin sa kanya. Alam ko na hindi sya papayag. Hindi naman ako mapapakali kung mag-isa syang maiiwan dito.Bahala na kung ano ang mapag-desisyunan namin.At siguro Nhel kakailanganin ko ang tulong mo bago kami umalis. Pero sa ngayon pag-isipan muna natin kung ano ang nararapat na gawin.Mag-usap na lang ulit tayo pag may nabuo na tayong desisyon."

" Opo tito,maaasahan nyo po ako pero sana naman wag nyo po ilayo si Laine, hindi ko kakayanin na malayo sa kanya."

" Kaya nga pag-isipan natin kung ano ba ang magandang gawin di ba? Ayoko rin namang makita ang anak ko na malungkot dahil malalayo sayo.Basta sa atin na lang muna ito hanggat wala pa tayong naiisip na solusyon."

" Ok po tito.Sige po tutuloy na ako."

Habang nakahiga ako para matulog, iniisip ko kung ano ba ang dapat gawin para hindi kami magka-hiwalay ni Laine.Kung isasama sya nila tito Franz, matagal masyado yung tatlong taon lalo pa't nag-aaral pa sya.

Kung pwede lang na sumama ako sa kanila, kaya lang graduating na ako mahirap ng lumipat pa ng school.Pwede rin na sumunod sa kanya dun pagka-graduate ko, dun na lang ako magta-trabaho pero isang taon pa rin yung hihintayin ko.

Hay ano ba yan.Anyway, may three months pa naman at sana makabuo na kami ni tito Franz ng desisyon bago yun.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C73
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login